Chapter 15: Fashion World

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

MADA DESSELAINE

I don't know what to say. Wala akong maisip na palusot. Tiningnan ko si Drew pero nakangiti lang siya sa akin. Si Mika ganon din ang ekpresyon ng mukha.

Nanindig ang balahibo ko nang may maramdaman akong kamay na pumulupot sa baywang ko. Tiningnan ko ng may nanlalaking mata si Adam pero nakangiti lang siya sa akin.

Nilapit niya ang mukha niya sa akin kaya inilayo ko ang mukha ko. Pero dahil hawak niya ang baywang ko ay lalo niya akong nilapit sa kanya. Ilang pulgada lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa na isang maling galaw lang namin ay maaari naming mahalikan ang isa't isa. Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko at ang bilis ng pagtibok ng puso ko. Ito na naman ang puso kong nagpa-palpitate.

Hindi ako makagalaw. Ilang beses na rin akong lumunok ng laway. Sobrang lapit kasi ng mukha niya sa akin. Nakangiti lang siyang nakatingin sa mga mata ko habang ako namimilog ang mata ko sa maaari niyang gawin.

"Ehem." 

Natawa si Adam nang marinig niya ang pagtikhim ni Drew. 'Thanks to you Drew, you interrupted Adam.'

Unti-unti niyang nilayo ang mukha niya sa akin. He's still wearing those mischievous smile when he looked at Drew.

"Masyado kayong PDA." Drew said.

Biglang umingay ang cafeteria--wait, what? Cafeteria? Shoot!

Bigla kong tinanggal ang kamay ni Adam na naka-kapit sa baywang ko. Naririnig ko ang bulungan ng mga estudyante pero hindi ko na lang pinapansin. Halos lahat din nasa table namin ang atensyon. What did we do?

Bakit ngayon ko lang kasi na-realize na nasa cafeteria pala kami? Edi ang daming nakakita sa ginawa ni Adam sa akin? Lupa kainin mo na ako. Aatakihan yata ako.

Baka akala ng fans ni Adam nilalandi ko siya. Hindi naman na kailangan 'yon. Asawa ko na siya, e. Aish! Sigurado akong bukas sikat na ako sa university na 'to.

"So, bakit mo tinawag na sweetheart si Des?"  Napatingin ako kay Aldrei na halos magdikit na ang mga kilay.

"N-nandito ka pa pala." Bakit nauutal ako?

"Kanina pa ako rito." Tumingin siya sa katabi ko na hanggang ngayon hindi pa rin mawala ang ngiti. "Bakit mo tinawag si Des ng--"

"Drew, bakit hindi ka muna mag-order ng pagkain. Aldrei, samahan mo naman si Drew." Ngumiti ako ng pilit.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kasi naman Adam! Bakit dito mo pa naisipang mag-iskandalo?

"Pero--"

"Tara na dude." Tumayo na si Drew at hinila na rin patayo si Aldrei. "Tara Mik." Pag-aaya ni Drew kay Mika.

Binigyan ko siya ng tingin na don't-come-with-them look pero nginitian niya lang ako at sumama kina Drew. Kaya kaming dalawa lang ni Adam ang naiwan sa table.

Bigla kong narinig ang mahinang tawa ni Adam. Kinuha ko ang tinidor ko at hiniwa-hiwa ko ang pasta. Kanina gutom na gutom ako pero ngayon hindi ko na maramdaman ang gutom.

Ano ba kasing trip nito at ginawa niya 'yon? Dito pa mismo sa maraming tao at sa harap mismo ng pinsan niya. Nababaliw na ba siya? Alam naman niyang malaking sikreto ang sa aming dalawa tapos... tapos... Hay ewan! Mabubuking na yata ang sikreto ko.

Hindi pa ako handa. Hindi ko pa hinanda ang sarili ko sa paglabas ng totoo. Hindi ko pa hinanda ang sarili ko sa mga sasabihin ng ibang tao. In short, hindi pa talaga ako handa--

"You are not mad, are you?" Napatingin ako kay Adam pero agad ko ring iniwas ang tingin ko. Nakangiti pa rin kasi siya ng pilyo.

Tiningnan ko ang carbonara ko. Nanlumo ako nang makita ko ang maliliit na putol-putol na pasta. Pumunta na naman sa kalawakan ang isip ko.

Bumuntong-hininga muna ako bago ko siya hinarap.

"Why did you do that?" I asked him in a low voice.

"Do what?" Pa-inosente niyang tanong kaya napairap ako.

Bahala na. Wala na akong pakialam sa mga estudyante rito kung pag-tsismisan nila ako. They're not worthy of my attention.

"Tusukin yata kita ng tinidor diyan, e." I said through gritted teeth pero tinawanan niya lang ako.

Sinimulan ko ng kainin ang carbonara na ngayon ay mukha ng kanin dahil sa maliliit na piraso ng pasta.

"Mada," Nagtataka ko siyang tiningnan. "Your secretary." Tiningnan ko ang cellphone ko na hawak-hawak niya. Inabot niya sa akin 'to.

How did he know that Kathleen is my secretary? If I am not mistaken--Secretary Kathleen pala nilagay kong pangalan sa contacts ko. No wonder.

Kathleen is asking me where I am. Sinabi ko lang sa kanya na papunta na ako sa parking lot. Muntik ko ng makalimutan ang pagsundo sa akin ni Kathleen. Buti na lang tumawag siya.

Tumayo na ako at inayos ko na ang sarili ko. Kukunin ko na sana ang bag ko kay Adam nang ilayo niya ito. Kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Gusto mo ba 'yang bag ko?" Natatawang tanong ko sa kanya.

"Where are you going?"

"Company." Kukunin ko na sana ulit ang bag ko sa kanya kaso nilayo niya ulit ito. "If you want my bag, I can buy you a new one. 'Di pwede 'yang bag ko may kayamanan ako riyan." There's a hint of annoyance in my voice. Sana naman mapansin niya 'yon.

"Hindi ka pa kumakain." Nakadalawang subo lang pala ako ng carbonara.

"Wala na akong oras." I grabbed my bag. Buti na lang hindi niya na inilayo.

Naglakad na ako palabas ng cafeteria. Lahat ng mata nasa akin. May ilang nagbubulungan pero hinayaan ko na lang. May ilang ding ang sama-sama ng tingin sa akin.

Napagpasyahan kong mag-cr muna kasi naiihi na rin ako. Hindi naman malayo sa school ang kompanya. Pero dahil sa traffic baka matagalan at maihi pa ako sa kotse. Kaya mabuti ng ilabas na ito.

"Look who's here." Napatingin ako sa may sink.

May apat na babae ro'n na ang sama ng tingin sa akin. Sila na naman? Sawa na ako sa pagmumukha ng apat na 'to. Kaninang bago ako pumasok sa room mukha nila nakita ko. Pati ba naman ngayon? Pinagtagpo na naman ang landas namin.

Pumunta ako sa may sink kung nasaan sila at naghugas ako ng kamay. Tiningnan ko ang repleksyon nila sa salamin at nginitian ko sila.

"Ang lakas ng loob mong landiin si Aj." Sabi nitong lider yata nila.

Ano nga ulit pangalan nito? Regina? Gina? Rica? Ewan. Hindi naman importante 'yon.

"Hindi lang si Aj pati na rin si Drew at Aldrei."  Natawa na lang ako sa sinabi ng kasama nitong nasubsob sa harina.

"Anong tinatawa-tawa mo r'yan?" Tanong sa akin ni harina girl. Oh! Naalala ko na pangalan niya. Her name is Rina. Kaya bagay na bagay sa kanya ang palayaw na Harina Girl.

"Nakakatawa kasi mga itsura niyo." Pinigilan kong humagalpak ng tawa pero nabigo ako.

Rinig sa buong cr ang tawa ko. Baliw na kung baliw pero nakakatawa kasi sila.

"How dare you laugh at us?!" Ghad! Ang bilis naman mapikon nito.

Hinarap ko sila kaya napaharap na rin sila sa akin. Kumuha ako ng tissue sa bag ko at pinunasan ang kamay ko.

"You know what, I'm in a hurry. Wala akong oras makipagtalo sa inyo."

"Aww..."  Lumapit sa akin 'tong si Rina. "Naduduwag ka na ba?" Napairap ako sa katangahan niya.

"Tanga ka ba o bingi? Sinabi ko na nagmamadali ako tapos naduduwag? Stupid." Binato ko ang tissue na ginamit ko sa mukha niya kaya ayan nag-aapoy na siya sa galit.

"Pakitapon nga. Mukha ka namang garbage collector, e. Ay hindi pala, mukha ka palang basurahan." I turned my back at them at lumabas na ako ng cr.

Wala akong oras sa ka-immature-an nila. Mga college student na nambu-bully pa. Mga walang magawa sa buhay. Dapat sa mga ganyan pinapatay, 'di joke lang. Dapat sa mga ganyan hindi pinag-aaksayahan ng oras.

Habang naglalakad ako papunta sa parking lot, hindi mawawala ang mga matang may panghuhusga na nakatingin sa akin. Samahan mo pa ng bulungan.

May narinig nga ako ang sabi, malandi raw ako. Hinayaan ko na lang. Wala namang katotohanan 'yon. Sabi ko nga, they're not worthy of my time.

Mahirap magpaliwanag sa taong sarado ang isip. Mahirap makisama sa taong puro inggit ang katawan. Mahirap makipag-usap sa taong puro hangin ang laman ng utak. Mahirap magpakatotoo sa taong walang alam kundi ang mang-husga.

So, why bother explain your side to those whose ears are closed? You're just wasting your time. Let them talk and talk.

Ang tsismis kasi parang apoy. Mabilis kumalat parang sa isang siga. Pero huwag mo itong apulahin. Hayaan mo ang apoy na sunugin ang buong siga. Kapag inapula mo ito--oo matitigil nga ang apoy--pero hindi imposible na may magsindi ulit nito. Kaya hayaan lang natin na ubusin ng apoy ang buong siga, isang bagsakan kumbaga.

At 'yan ang ginagawa ko ngayon. Pasok sa isa, labas sa kabila. Wala naman silang alam sa buhay ko. Mga wala kasing magawa sa mga buhay nila kaya buhay ng iba ang pinapakialamanan.

"Good noon po, ma'am." I just nod at her.

She was about to open the door of the car when I tapped her hand.

"Bakit po, ma'am?" She asked. Nagulat siguro sa ginawa ko.

"Hindi ako disabled na tao para pagbuksan mo pa ng pinto." Binuksan ko ang pinto sa back seat at doon umupo.

"Tara na po, manong." Kathleen said to the driver.

Sa passenger seat sana siya uupo pero kinontra ko, sabi ko dito siya sa tabi ko. Habang nasa biyahe kami, dini-discuss sa akin ni Kathleen ang ginagawa sa meeting. Magkakaroon kasi ng meeting ang board ng M&D clothes.

Tuwing first monday of every month daw, nagkakaroon daw ng board meeting. So, as a new owner of M&D clothes, kailangan ako ro'n. At ngayon na rin pala ang araw ng pagpirma ko as a new owner of M&D clothes.

Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi ni Kathleen. Kinakabahan ako. First time ko kasi 'to kaya kinakabahan ako. Isang kompanya lang ito, pero kung kabahan ako parang buong korporasyon na ang patatakbuhin ko. Hindi naman malayong mangyari 'yon. Pero wala akong alam sa business. Dapat pala BA muna kinuha ko noon, edi sana kahit papaano may alam ako.

Kapag pala owner ka ng isang business ang dami mo ring obligasyon. Akala ko pa-easy-easy lang. Hindi na ako magtataka kung sobra sa pagka-busy sila Mom at Dad. Pero thankful pa rin ako kasi kahit na gaano sila ka-busy may time pa rin sila sa amin. Twice a week may family day kami.

Ipinark ni manong driver ang kotse sa VIP parking. Nagulat nga ako kasi may VIP parking pala rito. Kapag kasi pumupunta ako dala ang kotse ko, hirap na hirap akong maghanap ng pa-parking-an ko, meron naman palang VIP parking.

Pagkarating namin sa 20th floor kung nasaan ang office ni mommy, binabati ako ng mga empleyado. Tipid na ngiti lang ang isinusukli ko.

Pagkapasok namin sa office, may inabot na navy blue na dress sa akin si Kathleen. Kahit nagtataka, kinuha ko ito. 'Ano namang gagawin ko rito?'  I asked myself.

"'Yan daw po ang isuot niyo sabi ni Madam Donna." She said as if she knew what's running on my mind.

"Bakit naman?"

"Gusto po ni Madam Donna na suotin niyo po ang latest design na gawa niya."

Tiningnan ko ang suot ko. Naka-uniform pa rin ako. Ang panget naman yata kung naka-uniform akong makikipag-meeting. Makapagpalit na nga.

Pumunta ako sa cr dito sa loob ng office. Sinuot ko ang dress na fit na fit sa akin. Mukhang para sa akin talaga 'to. Dahil hindi ko ma-zip ang likod ng dress ko, kailangan ko pang lumabas para ipa-zip ito kay Kathleen.

"Bagay na bagay po sa inyo, ma'am." Napangiwi ako.

"Ito nga po pala." May inabot siya sa aking box ng M&D shoes. "Ayaw niyo naman po sigurong naka-black shoes." Kinuha ko ang box at binuksan ito.

5 inch white stiletto with a touch of navy blue. Beautiful. 'Yan ang masasabi ko sa high heels na hawak ko.

Sinuot ko ito at hindi ko sinasadyang mapa-wow. Kahit na karamihan sa mga sapatos at heels ko ay mga M&D shoes, mapapa-wow ka talaga sa ganda nitong suot ko ngayon. Ang ganda kasi although lahat naman ng gawa ni mommy maganda, iba pa rin 'tong white stiletto ko. I wonder how much it cost.

"Ma'am, kumpleto na raw po ang board."

Bigla na naman akong kinabahan. Ano bang ginagawa sa mga meeting na ganito? Bakit kasi hindi ko maintindihan si Kathleen kanina. Edi sana alam ko gagawin ko? Bahala na nga.

Bumaba na kami sa 19th floor kung nasaan ang conference room. Palapit ng palapit, palakas ng palakas ang kabog sa dibdib ko. Kaya mo 'yan, Mada. This is what you want.

Tinapik ko ang kamay ni Kathleen nang tangkain niyang buksan ang pintuan ng conference room para sa akin. "I told you I'm not disabled person."

"S-sorry po, ma'am." 

I heaved a sigh before I could turn the doorknob. Sumalubong sa akin ang napakalamig na hangin mula sa loob. I roamed my eyes. There's a long conference table. May tig-sampung upuan bawat side at sa dulo nito ay isang swivel chair. At sa tingin ko doon ako uupo.

Nang makita nila ako, bigla silang tumayo at binati ako. Pumunta na ako sa pwesto ko pero hindi muna ako umupo.

"Good afternoon, ma'am." Bati sa akin ng isang babaeng nasa 30's. "I am Rose Santos. The Head of Fashion Designer team. Glad to meet you." Nginitian ko siya at nakipag-kamay.

"Are you really Madam Donna's niece?" Tanong ng lalaking parang nasa 30's din. "You really look like her. It seems like we're having a meeting to a young Donna Heine. Such a beautiful lady." I gave him an awkward smile.

Hindi ako sanay na pinupuri. Kaya naiilang ako kapag may pumuri sa akin. Even I, hindi ko masyadong pinupuri ang sarili ko. Minsan lang kapag kailangan haha.

Hindi sa wala akong confident. Complimenting myself is not my way of expressing how confident I am. I have my own ways. L

"By the way, I am Gerald Reyes. The sales director of M&D clothes." Nag-shake hands kami.

Isa-isa silang nagpakilala sa akin. Pero heto ako, pasok sa isa labas sa kabila. Hindi lang naman kasi pangalan nila sinabi nila. Pati na rin ang mga posisyon nila. Hello? Wala naman akong retentive memory.

"Next week, ma'am,"  Napatingin ako kay Kathleen. "The fashion designer team will start the autumn collection. Madam Donna wanted you to work with them. And that is your first project as a new owner of M&D clothes." 

"Talaga?" She nodded as a response. "Kunin mo 'yong bag ko sa office." Kahit nagtataka ay sinunod niya pa rin ako.

"Miss Imelda..."

"Yes, ma'am?"

"Ilang designs ang ginagawa niyo per season?" 

"15 designs. But sometimes we're adding one or two. It depends on the sales of the latest collection." Sabi ni Miss Imelda, ang senior fashion designer.

Hindi na ako kumibo kasi wala na akong alam itanong. Pinapanood ko lang sila sa pag-uusap nila. Hindi ko alam kung ano pinag-uusapan nila. May mga narinig akong leading brand na naman daw ng mga damit ang M&D clothes. Para tuloy akong bata na sinama ng nanay sa isang 40th birthday.

Biglang bumukas ang pinto ng conference room at iniluwa nito si Kathleen na dala-dala na ang bag ko.

Kinuha ko sa kanya ang bag ko at nilabas ko ang sketch pad ko. May sense naman pala ang pagpupuyat ko kagabi. Buti na lang pang-autumn dinrawing ko. Autumn at winter kasi ang favorite season ko. Kahit na ang gloomy ng mga season na 'yan, para sa akin masaya ito. Pero spring talaga pinaka paborito ko. Season kasi ng mga cherry blossom.

"Excuse me..." Lahat sila ay tumingin sa akin. "Since Kathleen mentioned earlier that Mo--Tita Donna wanted me to work with the fashion designer team. I want you to show some of my works." Binigay ko sa Creative Director ang sketch pad ko.

"Wow! Amazing." Nilipat niya ang page at kagaya kanina napa-wow na naman siya. Ang oa niya naman yata.

"I drew those last night."

Ipinasa niya sa katabi niya ang sketch pad ko. Namangha rin ito. Para bang ang drawing ko ay may ginto o dyamante. 'Ganon na ba talaga kaganda ang drawing ko?' I thought.

After of how many minutes, bumalik na sa akin ang sketch pad ko. Lahat sila nakangiti sa akin. Habang ako, nahihiyang nakangiti ako sa kanila.

"Such a beautiful work, ma'am. Napaka-sopistikada." Miss Rose said with a smile.

"Madam Donna is so lucky to have you here in M&D clothes." Sabi ng Marketing Manager. I know their position by their seats but not their name

"Of course she is." Sabi ni Miss Rose. "Dinaig niya pa ang mga degree holder na mga fashion designer." Nahiya naman ako.

"Thanks."  Nginitian ko sila ng pilit.

Grabe sila makapuri sa gawa ko. Baka inuuto na ako ng mga 'to.

"What can you say?"

"I'll approve those."  Nakangiting wika ng Senior Fashion Designer.

Napangiti ako. Ganito pala feeling kapag nagustuhan nila ang gawa. Ganito pala ang feeling kapag hindi ka na-reject. Worth it lahat ng pagod at puyat mo.

"Ahm... May pag-uusapan pa ba?" Tanong ko sa kanila. Umiling lang sila bilang sagot. May pagka-informal din pala 'tong mga 'to.

Tumayo ako at maging sila'y tumayo na rin. Tinanguan ko na lang sila. Ayaw kong magpaalam. Naiilang kasi ako sa kanila. Grabe naman kasing makapuri sa drawing ko.

Bawat makasalubong ko ay binabati ako. Binati na nila ako kanina tapos babatiin na namam ako. Unlimited 'tong mga 'to.

Pinindot ko ang up button nitong elevator. Ilang sandali lang ay bumukas ito. May ilan ng nakasakay doon na binati ako.

Buti na lang tapos na. Aaminin ko, wala akong naintindihan sa mga diniscuss nila sa akin kanina. Tango lang ako ng tango. Sabi ko naman sa inyo wala akong alam sa business. Inaalalayan lang ako ni Kathleen gaya ng sabi ni mommy.

6:30 pm na. Dito na ako nagpalipas ng oras sa office. Wala na rin naman akong pasok kanina kaya pagkatapos ng meeting dito na ako dumiretso at nag-drawing.

"Ma'am..." Napatingin ako sa pinto kung nasaan si Kathleen. "May naghihintay po sa inyo sa labas." I furrowed on what she said.

"Sino naman?" Sa halip na sagutin ang tanong ko, binuksan niya ang pinto at may isang lalaking pumasok.

"Ako."

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro