vii

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

TBPAP: VII

"Are you sure about this, Jace? Hindi kaya magalit sila sa 'tin?" Nagaalangan kong tanong kay Jace, nasa loob kami ng kotse niyang nakaparada sa mataas na gate ng pamilya Evasquez.

Nagsabi kasi si Jace sa parents niya at sa parents ko na may importante kaming sasabihin, e, sa totoo lang siya talaga ang may sasabihin. Naging ako nagulat dahil sasabihin na namin na magkakaanak na kami. Para tuloy akong mabubuwag sa piraso habang iniisip na baka magalit sila sa amin. Although me and Jace are already on our adulthood, 'di pa rin nawawala ang kaba na mas nauna pa naming gawin ang honeymoon kesa sa kasal.

Hindi ko nga alam kay Jace kung may balak ba siyang pakasalan ako, may tiwala naman ako sa kanya, gano'n din siya sa akin. Ni minsan nga ay 'di namin napag-awayan ang tungkol sa babae. Knowing Jace, all his clients are just his clients. Hiwalay ang profession niya sa personal na buhay, kahit na naggagandahan pa 'yang mga ka-business meetings niya. He never cheated or even try.

"Chillax, Thalara, I'm sure that our parents will be so happy for this great news." Abot-langit niya pang ngiti sa akin.

"Kasi naman e, ba't ba biglaan?" Inis kong reklamonsa kanya.

He chuckled softly. "Thalara, sobrang malaking blessing ang pagdating ni baby sa atin, kaya dapat nakilala siya ng grand parents niya habang nasa sinapupunan mo pa."

Naingos na lamang ako ng nguso. Kainis na lalaking 'to, kung 'di ko lang 'to mahal baka napektusan ko ito e. Bumusina siya ng malakas sa harap ng gate, kaagad namang sumilip ang security guard at nang Makita na kami iyon ay kaagad na nagbukas.

Malawak ang bahay nila Jace, 3x ang lawak sa bahay namin. 'Yong garden nila sa likod ang pinaka-favorite ko na pinupuntahan. Maraming iba't-ibang nakatanim na bulaklak doon. Parang isang malawak na grass field ang likod nila. May mga naglalakihang puno na pwedeng pagsilungan at pagtambayan.

Pagkababa pa lang namin ay sumalubong na kaagad ang mommy ni Jace. Mukhang talagang kanina pa kami sinadya niyang hintayin. Close naman kami ng mommy ni Jace pero syempre baka biglang mag-iba dahil sa sasabihin namin.

"Mga anak," nakangiti nitong bati sa amin, bumeso pa siya sakin ni Jace.

Pilit ang aking ngiti habang hindi na ako mapakali. Parang sinilihan ang pwet ko sa sobrang kaba. Naramdaman ko naman ang pagpisil ni Jace sa kamay ko na hawak niya.

Nasa likuran kami ng Mommy ni Jace habang patungonsa dining table nila. Naroon na ang parents ko. Nakangiti sila sa akin. Ingat na ingat naman si Jace sa akin sa pag-upo. Gusto ko na nga siyang sampalin sa ka-oahan niya. Magmula nang aminin ko sa kanya na buntis ako'y halos palagi na siyang nasa tabi ko at ang pinakaoa niyang ginawa ay ang hindi ako pwedeng kumilos tulad ng maghuhas man lang ng pinagkainan namin, kumuha pa siya ng katulong.

Nagkakasiyahan pa sila habang kumakain kami, pero ako ramdam ko na ang tensyon. Kabadong-kabado ako habang nakatingin sa kanila, pinagmamasdan ang kanilang bawat kilos.

"Mom, we have something to tell you," Jace opened the conversation.

Napatigil naman ang parents namin sa biruan nila dahil sa sinabi ni Jace. Ramdam ko tuloy na parang may barrier kami ngayon.

"What is it, son?" his dad asked him with a serious tone of voice.

Matamis na ngumiti si Jace na bumaling sa akin bago muling tinuon sa parents namin ang atensyon. "We're pregnant..."

Napapikit naman ako sa sobrang kaba, handa na ang tainga ko sa sasabihin ng magulang namin. Tahimik ang lahat at walang may nais magsalita hanggang sa tumawag ang mommy ni Jace.

"Magkakaapo na kami?" Nakangiti na tanong ng Mommy ni Jace sa amin.

Malapad na nakangiti si Jace at tumango. Hindi ko naman alam kung saan ko ibabaling ang aking atensyon gayong samin sila nakatitig.

"Oh my god, sa wakas magkakaapo na din tayo, kumare!" narinig kong tili ni Mommy.

Napa-angat tuloy ako ng tingin. Ang kaninang agam-agam ko na baka magalit sila ay napalitan ng ngiti. Hindi ko inaasahan na ganito ang reaksyon nila.

"H-Hindi kayo galit, Mommy?" Nagaalangan kong tanong.

Bahagyang natawa naman ang mommy ni Jace. "Hija, ang tagal naming naghintay. Ilang taon na kayo ni Jace. You both live in a one roof already. Na-achieve niyo na ang goal niyo sa buhay. Anak na lang ang kulang sa inyo. Nagtaka nga kami dahil akala ko ay sobrang hina nitong si Jace at 'di ka mabuntis-buntis. Gusto namin bago kami mawala sa mundo ay masilayan namin ang apo namin."

Napahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ng Mommy ni Jace. "Kailan ba ang kasalan, Jace? 'Wag mong sasabihin na 'di pa handa ang lahat?" May halong pangaasar sa boses ng kanyang ama.

"Dad, balak ko pa-"

His dad interrupt. "Balak? C'mon, hijo, you and Thalara are now in your adulthood, 25 na kayo. Nasa tamang edad na kayo para sa pagpapakasal. Ano pa bang kulang, hijo?"

Napabaling naman ako kay Jace. Kita ko sa mga mata niya ang pangangapa ng isasagot. Hindi ba niya ako pakakasalan? Naramdaman ko naman ang pagputol ng Ina ni Jace sa tensyong namumuo sa pagitan namin.

"Honey, 'wag mo naman pini-pressure si Jace. Busy pa siya sa pagpapatakbo ng kompanya, 'tsaka hindi na mahalaga ang kasal ngayon. Kahit kasal man o hindi, marami pa ring naghihiwalay. Ang mahalaga naman ay mahal nila ang isa't-isa. Hayaan mo na sila. Malaki na si Jace, alam na niyan ang tama at mali, alam na din ng anak natin ang dapat gawin," saad ng mommy ni Jace samin.

"I know, hon. H'wag ko lang narinig na iniwan mo itong si Thalara para sa ibang babae, Jace. Magpakalalaki ka," his daddy said.

Tumango-tango lamang si Jace. "Let's continue to eat. Tama na muna itong seryosong usapan masyadong nagpapahot set sa atin." Pagsabat naman ni Dad naman sa usapan.

Nakaramdam naman ako kirot sa aking puso ng maisip na maaaring wala pa talagang balak na pakasalan ako ni Jace. Hindi ko na lamang iyon pinahalata dahil ayokong isipin ni Jace na nagmamadali ako't wala na akong tiwala sa kanya.

Hanggang sa pag-uwi namin ay pilit kong tinago iyon. Umalis si Jace after akong maihatid sa condominium namin ay iniwan niya akong mag-isa dahil sa biglaang emergency sa kompanya nila ng gano'ng oras. Wala naman akong magawa kundi ang magmukmok lamang.

Sana talaga ay may balak si Jace na pakasalan ako, kahit para sa baby na lang namin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro