{TBTSL} Chapter 2:Sino ka ba talaga?

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

-Chapter 2-

Sino ka ba talaga?

David

Habang walang awang nagpapahabol ang Babaeng toh, ay bigla akong natapilok at nadapa. Dahil dito, mas pinagtawanan ako ng walang hiyang babaeng yun

"Haha! Lampa! kala mong napakatapang yun pala eh, LAMPA!!! HAHAHA!!"Tumatawa siya habang nakalagay ang kaniyang kamay sa kaniyang tiyan

"Langhiya ka! Kala mo kung sino!! Mukha ka namang hampaslupang Loko!! Tomboy ka yata eh?!"Sigaw ko sa kaniya habang tumatayo sa sahig na binagsakan ko... aray... ang sakit!!

"Maka hampaslupa at tomboy ka ah! Baka ikaw Bakla?! Hahahaha!!"Tawa lang siya nang tawa... at dahil nairita na ako ay nawalan ako ng Choice para ibato sa kaniya ang bato na nakuha ko sa pagkatalisod haha..

"Aray! Bakla ka nga!!! Di siya marunong manuntok haha!"

"Kailan ba titigil ang nakakairitang babaeng toh?! pag namatay na ako?! Langhiya.. ayoko siyang makasama sa Langit!!"Bulong ko sa sarili ko

"Paano ka nakakasigurado na makakapunta ka sa Langit kung ganyan ugali mo? Haha... isip isip muna! Haha!"Nag peace sign siya at tumawa pa rin... baliw na tong babaeng toh..

"Lakas din ng tama mo ah! Dibbbaaaa di ka naniniwala kay God? Eh paano ka makakapunta sa langit!!"Tuloy niya... oo nga pala noh! Bakit ba... dumulas yung word na yun sa bibig ko?! Langhiya!! Loko!! @#@#**#$*$

"ehh... J-Joke... lang naman yun eh haha! Di ko naman sineseryoso yung... P-pantasya mo!"Napapout ako at feeling ko na parang namumula na ang mukha ko sa hiya!

"Naniniwala kami sa Panginoon... kahit di namin siya nakikita... pero... alam mo naman na marami din siyang nagawa diba? may mga bali-balita na minsan ay nagpapakita siya sa mga tao dito... sila na yung witness... di ka pa ba naniniwala dun?"Tanong ng nakakairitang babaeng yun

"MANINIWALA LANG AKO PAG PATI AKO AY PINAKITAAN NA NG PANTASYA NG MUNDO!!!"sigaw ko habang tumakbo paalis

"HOY! Di pa ako tapos sa iyo!"Sinubukan niya akong habulin pero nilock ko siya sa loob..

"Diyan ka na!! Hindi ko kailangan ng mga hampas lupa na katulad mo!! WALA AKONG PAKIELAM SAYO!!! HINDI NAMAN KITA MAGULANG PARA PAGSABIHAN AKO NG MGA GANYAN!!! WALA KANG KWENTA!!!!!"Naramdaman ko ang luha ko na tumutulo dahil sa sobrang galit sa babaeng toh... Kung ano ano ba naman ang binubulong sa akin... KUNG ANO ANO BA NAMAN SINASABI SA AKIN!!! WALANG HIYA KANG BABAE KA!!!!!!!!!!!!!!!!

"Gusto lang naman kitang tulungan eh! Bakit ba? Bakit ba ayaw mo maniwala na totoo ang Panginoon!!! BAKIT?!"halos maiyak na din siya, habang kinakatok katok ang pintuan..

"DAHIL AYAW KO SA KANIYA!! DI AKO NANINIWALA SA MGA GAWA GAWA NG MGA TAO!!!!"Sumandal ako sa pintuan at nakinig sa mga sasabihin niya... kahit alam kong nakakairita din ang sasabihin niya...

Pero hindi na siya sumagot...

"Aris?"binuksan ko unti unti ang pinto at hinanap siya... pero wala siya sa paligid..

"Baka mamaya.... NAGPAKAMATAY ANG BABAENG YON!! ARIS!!! NASAN KA NA?!"Sigaw ko habang hinahanap ang babaeng yun..

"Haha! Meron din naman palang kabutihan sa puso mo ^_^"Biglang sabi ni Aris mula sa likod ko... nakaupo sa bubong ng Entrance.

"Ikaw babae ka!! Tinakot mo ko!! Walang hiya ka!"Gusto ko na siyang sapakin pero hindi ko magawa... bakit?... bakit di ko magawa?! BAKIT DI KO MAGAWA?!

"Hihihi... huwag ka na matakot! Di naman ako mamamatay haha! Ang lawak ng imagination mo! Ikaw na nga haha!"

Bigla akong nagtaka sa sinabi niya,"Anong ako na?"

"Ikaw na talaga haha!!"Tawa pa rin siya nang tawa... at wala akong ideya kung bakit.... kung bakit siya tawa ng tawa...

"Kailan ka ba talaga titigil sa kakatawa?"Galit na galit na ako sa kaniya...

"Kailan ka ba titigil sa kakatanong niyan? Masanay ka na... ganito talaga ako haha! Joyful haha!"Tuloy pa rin siya sa kakatawa...

"Joyful daw.. baka baliw -.-"Bigla akong natawa sa sinabi ko... di ko alam kung bakit haha!

"Oh diba? pati ikae nagiging Joyful haha!"Tuwang tuwa pa siya dun?!

"Dahil, joke ko kasi yun! Haha!"

"Ibig sabihin ba niyan Eh Joke yung sinabi mong baliw ako?"

Nanahimik ako bigla... ano ba itong mga nasasabi ko?! Bakit parang.... ahh!! Langhiya tong babaeng toh!! AYAW KO SAYOOOO!!

pero joke lang yun...

AHH!! ANO BA ITO?!

"Sino ka ba talaga?"Bigla kong tanong kay Aris,"Sabi sakin ni Josh, ay kapatid mo siya... eh parang..."

"Gusto mo ba malaman ang totoo?"Sibat ni Aris... Di pa ako tapos magsalita eh! Pero parang may sense naman tanong niya haha

"Anong totoo?"Napatingin ako sa kaniyang kumikislap na mata

"Bago mo malaman ay kailangan mo munang... TUMALON ^_^"Tumalon nga siya na parang may award.

"Talon? As in parang new year na at tatalon ako? Sus... BAKIT NGA?!ANO BA TOTOO?!"sigaw ko habang nagpapapadyak.

"Talon ka nga kasi muna" Pilit ni Aris... bakit ba ako tatalon?!

Ano ba mayroon pag tumalon ako?! Ano ba mangyayari? Magkakapakpak ako?! Pshh.. di totoo ang mga anghel

"Come on! Pag tumalon ka eh makikita mo na totoo si God! Haha!"

"Bakit? pag nakita ko ba siya eh maniniwala ako sa kaniya? Heh no! Baka nga may estudyante lang na nagcocostume na katulad niya eh!! Ayoko maniwala sa isang pantasyang gawa gawa ng tao.."Umiling iling ako.

Napakamot naman siya ng ulo na tilang inis na inis."Tumigil ka na nga! Talon na! BILIS!!!"

"Oo na!!"Tumalikod ako sa kaniya at tumalon..

Hanggang sa namalayan ko na nasa dulo pala ako ng rooftop... AHHH!! MAMAMATAY NA AKO!!

"Wazzup!"Kumaway kaway si Aris habang nagiisky diving o.o

"WALANG HIYA KANG BABAE KA!! MAMAMATAY TAYO NITO!!!"

"edi mamatay! Ikaw lang naman mamamatay eh! Haha!"Langhiya toh.. tawa pa ng tawa... MAMAMATAY NA NGA SIYA!!

"Buh-byyyeeee" tumingin ako sa baba at konting konti na lang ay babagsak na ako. Pag tingin ko sa kaniya... may mali yata akonh nakikita... parang may malaki siyang puting pakpak na nagpipigil sa kaniya sa pagbagsak...

Aris? Joshua? Sino ba talaga kayo?!

Bumalik ang mahiiiiiwwwaaaaggggaaaa kong Sanity... at naranasan na nasa baba na pala ako...

Pero wala akong maramdaman na kahit ano...

"Aray ko..."Tumayo ako at tumingin sa paligid..

"Welllllccccoooommmmeeee!!!"Sigaw ng isang pamilyar na boses.

Napalingon ako at nakita ko ang babaeng Pumatay sa akin -.-

"IKKKAAAWWWW!!!"sinugod ko siya. Pero may pumigil sa akin.

"Patay ka na agad?! Aris?! Anong ginawa mo sa lalakeng toh?!"Isa uling pamilyar na boses.. Joshua?

"Ehhhh diba sabi mo dapat maniwala na siya sa Panginoon? Eh ginawa ko na ang dapat kong gawin! Dalin siya mismo sa kaniya!"Sagot ni Aris..

"Teka nga?! Anong kalokohan toh?! At bakit... AHHH!! NASAAN BA AKO???!!"halos magunaw na ang mundo ko dahil sa nakikita ko

"Where elllsssee?? Heaven!! Pero wala ka pa sa loob haha! You're still outside! You see that big white Gate? Yan yung entrance! Pero, since ang Life span mo ay dapat... mga... 20 years pa bago ka mamatay... ehh.."Napakamot ng ulo si Aris

"Kailangan mo gawin ang misyon namin"Tinuloy ni Joshua ang sasabihin ni Aris

"yun.. nga.."

"Pero dahil kay Aris iyon -.-.. siya na yata ang pinakamakulit na anghel -.-... Sabi nga ni Lord... ay dapat maparusahan ang makukulit na anghel ^_^"

Napangiti ako sa sinabi ni Joshua..

"Anong parusa?"tanong ko sa kaniya

"Hindi naman ganoon kabigat.. dahil alam mo naman si Lord... he is the wisest ruler of the world! ^_^... yung Parusa kasi ni Aris ay... Manatili sa Human world... at hindi siya dito makakabalik hanggang di pa niya nagagawa ang misyon niya"

"Ano ba misyon niya?"

Biglang naging seryoso ang mukha ni Joshua,"Ikaw..."

"gagawa ka ng misyon namin... at parang ginagawa ko na ang misyon ko nang walang kahirap hirap!"Biglang natuwa si Aris.

"Paano ko magagawa ang misyon niyo kung patay na nga ako?!"Isang tanong na gustong gusto ko na itanong pa kanina pa

"Kaya... BUBUHAYIN KA NAMIN... ULIT!!! pero last na toh talaga... Naniniwala ka na ba sa Panginoon?"Ang KULIT NG BABAENG TOHHHHHH

"HINDI! HINDI! HINDIIIII!!! Ngayon... IBALIK NIYO NA AKO SA KATAWAN KOOOOO!!"sigaw ko habang nagpapapadyak...

"Hayyysss.. Lets goooo!!"Biglang hinawakan ni Aris ang kamay ko at hinatay ako pababa sa mga ulap

"AHHH!! AYOKONG MAMATAY ULIT!!"Napapikit ako dahil baka mamatay ako ulit... patay na nga eh mamamatay ulit -.-

"Hindi ka naman mamamatay ehhh! Im here you know! I can flyyyyy!!"

Dinilat ko ulit ang aking mga mata at nalaman kong lumilipad ako sa himpapawid... Ahhhh!!! Ayaw!! Eh... at least naligtas ako...

"Di ba tayo makikita ng mga tao?"Tanong ko kay Aris.

"Hindi! Patay ka, anghel ako... Pareho tayong Invisible ^_^"Sagot ni Aris habang tinititigan ang paligid

"ayun! Ayun yung katawan mo o! Tara!!"dinala niya ako sa clinic ng eskwelahan at binaba ako sa harap ng katawan ko

"Ahh!! Nakakatakot na makita ang sarili kong katawannnn wahhh!!"Pumikit ako at napa tsk..

"Pwede ka na bumalik haha! Higa ka lang dyan sa kama na tinutulugan ng katawan mo tapos makakabalik ka naaa!!.."bigla akong nabuhayan ng diwa..

"pero bago yan... mayroon kasing... kondisyon ehh..."hinawakan ni Aris ang aking kamay at sinabi ang salitang yun

"Ano ba ang kondisyon?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro