Kabanata 17

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 17

Saan Tayo?

Mas naging regular na kay Jayden ang itext ako. Halos araw-araw na nga kung di ko lang pinipigilan ang sarili ko minsan. May mga pagkakataong di ko siya nirereplyan kasi sinabi ni Troy na kailangang mag panggap na busy.

"Talaga? Weh!"

"Ayan ka na naman. Pinagdududahan mo na naman ang mga tips ko." Umiling siya.

"May Art of Seduction ba talaga, Troy? Iniisip ko kasi naakit mo na lang yung mga babae sa kagwapuhan mo eh. Hindi ko alam kung dahil ba yun sa seduction o sa kagwapuhan." Sabi ko.

"H-Huh? So inaamin mo na gwapo nga ako?" Inayos niya ang buhok niya at ngumisi sakin.

Umirap ako, "Whatever!"

Hindi na lang ako nagsalita. Nanunuya na kasi ang mukha niya. Para bang nagwagi siya sa kung anong contest dahil sinabi kong gwapo siya.

"Alam mo kasi, Trish... Tama ka. Gwapo ako." Ngumisi siya.

Umirap na naman ako.

"Pero ayoko ng mga easy to get na babae-"

"May hard to get pa ba sa iyo?" Umirap na naman ako.

Ngumisi pa siya lalo at ginulo ang buhok, "May mga babaeng nagpapakipot, may mga babaeng bumibigay agad. Madaling makuha ang loob nila. But! I want them frustrated, Trisha. I want to frustrate women. I want them to beg for me. To beg for more. Sa tinagaltagal ko na sa mga larong ito, alam ko na ang formula kung paano ma attract ang opposite sex and I call it art of seduction." Nagkibit balikat siya.

"Yabang mo! Whatever! Sige ano na?"

"Okay, ganito... Pag nagkita kayo ni Jayden kasama ang ibang taga Le Marcelle, pansinin mo lahat tapos wa'g na wa'g kang makipag eye contact kay Jayden, kahit anong mangyari. Umalis ka na lang pagkatapos mong batiin yung mga kasama niya."

Hindi ko alam kung bakit nakatitig ako sa labi niya habang nagsasalita siya. There's something about his lips... Argh!

"W-WHAT?"

Ngumisi siya. Hindi ko alam kung dahil ba nahuli niya akong nakatitig sa kanya o dahil sa reaction ko. "Yes, Trisha. Do it! Kung sana di mo inamin sa kanyang gusto mo siya, hindi mo na sana kailangang gawin 'to."

"Anong kinalaman sa pag amin ko dito?"

"Iisipin niyang okay na lahat kasi gusto ka niya. Pero sa oras na di mo siya papansinin, magbabalik ang misteryo mo sa kanya... 'Bakit di niya ako pinansin? Sinabi niyang gusto niya ako diba?' You should be nervous around him. That's natural if you like someone. Pero ibang usapan na kung confident ka parin... at kaya mo pa siyang i-deadma!"

Hindi ko alam kung posible ba talaga iyon? Magagawa ko ba talaga yung hinihingi ni Troy sakin? All I have to do is to trust his expertise. May tiwala ba ako kay Troy? Okay, so far wala pa namang pumapalpak. Kaya gagawin ko ang sinasabi niya.

Lokong Master of Seduction na yun! Ang hirap hirap ng mga pinapagawa. Well, no pain, no gain!

Yung labi kasi ni Troy masyadong nakakadistract. Tuwing bumubuka yung bibig niya, napapaawang din yung bibig ko. Iyon na yata yung epekto nung walang pasubaling halik niya eh.

Napatalon ako nang tapikin ako ni Sunny - isang intern na may kahalayan sa pag iisip, lalo na pag tungkol kay Troy!

"Gising! May paparating!" Aniya.

Nasa front desk na kasi ako ngayon. Mahirap dito kasi pati yung mga walang kwentang questions ay nababato sayo.

"Excited na ako sa next shifting natin. Saan ka sa next?" Tanong ni Sunny sakin.

"Uh, sa restaurann na yata."

"Ganun? Ako sana sa 30th floor? Maninilip talaga ako kay Troy! Kita mo na bang half naked siya? Damn! Nakakaturn on!"

O. M. G. Mahalay na rin yata ang pag iisip ko kasi pilit na pumapasok sa isipan ko ang gabing iyon. Yung gabing nag hubad siya ng t-shirt sa harapan ko. Yung V-line. Yung sauce sa labi niya. Yung labi niyang nahalikan ko last week. O-M-G! I don't like this.

"Tigilan mo na nga yan." Uminit ang pisngi ko.

"Ito naman! Pa inosente pa. Nung na hire ako dito akala ko talaga makaka-make-out ko man lang si Troy. Pero hanggang ngayon wala pa siyang pinapansin sating mga interns." Bumuntong hininga siya. "Di naman siya ganyan dati."

Napakamot na lang ako sa ulo habang binabati ang kakapasok lang na foreigner. Nakaka allergy naman itong si Sunny, dalawang araw pa lang kami dito sa front desk pero malaya niya nang sinasabi sakin ang makamundong pagnanasa niya kay Troy.

Naisip ko din tuloy kung sino ba talaga yung gusto ni Troy at bakit di siya magustuhan nun?

Nang nag break, pumunta na agad ako sa restaurant. Nakita kong napalibutan si Jayden ng mga dating estudyante niya (na interns na ngayon). Sa dalawang buwan namin dito sa Le Marcelle, siguro ay wala pang napopormahan si Troy sa kanila at naiinip na sila kaya eto at si Jayden naman ang pinagdidiskitahan.

Tumaas ang kilay ko at bahagyang nainis. Nakita kong tumatawa si Jayden sa joke nung pinakamalapit sa kanya na si Tammy (kaklase ko noon). Ang gaganda at ang tatangkad pa naman ng mga ito. Itong si Troy kasi ang may kasalanan. Yung looks lang ang inisip nung na hire niya ang mga ito. Yun naman pala sana hinalay niya na lang ang mga ito nang di sila lumilipat sa iba.

TING! Naisip ko tuloy gawin yung tip ni Troy ngayon! Nginitian ako ng mga babaeng nandun sa table ni Jayden. Ngumiti din ako.

"Sunny, diyan ka lang?" Tanong ko nang umupo si Sunny.

"Oo. Saglit lang." Ngumisi siya.

Isa-isa ko silang nginitian. Pakiramdam ko nga masyado akong feeling close sa kanilang lahat. Nandoon pa si Jane at Eliz sa kabila kaya nginitian ko na rin.

"Kumusta sa 30th floor, Jane?" Tanong ko sa dating kasama ko sa hotel.

Hinila niya ang mukha ko at bumulong sa tainga, "Sana bumalik ka dun. Yung pumalit sayo, ang arte. Literal pa siyang nag hyperventilate nang lumabas si Troy nang naka tuwalya lang."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.

"As in literal na nag hyperventilate. Literal." Inulit niya pa.

NAKATUWALYA LANG SI TROY NA LUMABAS NG SUITE NIYA! Tinakpan ko na lang ang bibig ko at tumango. Wala ako sa sariling lumagpas sa kanila.

"Tu-Tubig." Sabi ko sa nakaabang na bartender.

Natulala ako habang nilalagok ng isang inuman lang ang tubig na binigay sakin ng bar tender.

Kinuha ko ang cellphone ko at nag text kay Troy:

Wa'g ka ngang lumalabas ng suite mo na naka tuwalya lang. Kung gusto mong maligo, umuwi ka sa bahay niyo. Wa'g sa suite niyo.

Nilagay ko ulit sa bulsa ko ang cellphone at tulalang naglakad palabas ng restaurant. Isang oras kong inisip yung pagtutuwalya ni Troy habang nag du-duty ako sa front desk. Every 30 seconds pa akong nag chi-check sa cellphone ko kung nag reply ba siya. Pero hindi nag rereply eh. Siguro busy sa pag aaral. Sana busy sa pag aaral.

AHHH!

Tapos bigla kong naisip yung ginawa ko kanina. Ginapangan ako ng hiya habang iniisip kong di ko pinansin si Jayden! Sasadyain ko talaga sanang di siya pansinin kanina tulad ng sabi ni Troy pero mukhang ginawa kong hindi sinadaya yun.

"Trisha."

Napatalon ako nang biglang sumulpot si Jayden sa harapan ko. Seryoso ang mukha niya. Halos masuka ako ng rainbow sa kagwapuhan niya. Palagi naman. Pero minsan ko lang kasi siya nakikita ng harap-harapan. Yung nakatitig siya sakin. Yung dalawang dangkal lang ang layo namin. Naiisip ko tuloy yung unang halik ko.

Napalunok ako, "Yes?" At ngumisi.

Kumunot ang noo niya at sumulyap sa nakikiusyusong si Sunny.

Nakangisi at walang hiyang nakikinig si Sunny sa usapan.

"Miss, there's a costumer." Tinignan ni Jayden ang lalaking nasa harap ni Sunny.

Mukha namang naalimpungatan si Sunny at bumaling sa lalaki, "Yes? What can I do for you, sir?"

"Galit ka ba sakin?" Bumaling siya sakin. Seryoso parin.

"H-Huh?"

Ewan ko nga kung may panty pa ba ako ngayon. Naiwan ko na yata ng tuluyan eh. Nilipad ng hangin! Alam mo yun? Walang kwenta naman yung simpleng tanong niya pero may electricity talagang naglakbay sa mga buto ko. Kinikilig ako. Ng sobra sobra. Sa tanong niya.

Troy is freakin right about everything! Luluhod ako at sasambahin si Troy mamaya.

"Hindi naman. B-Bakit?" Ngumiti ako pambawi sa nauutal kong tanong.

"Di mo ako pinansin kanina." Parang tinadyakan ng kabayo ang puso ko.

"May iniisip kasi ako." Sabi ko.

I'm trying so hard to smile and not to look away. He's really handsome.

Nakapamaywang siya at ngumuso sakin.

"Kung ganun, sasama ka ba sakin mamaya? Let's have dinner."

Napabuntong-hininga ako. Buti na lang talaga iniisip ko lang yung rainbow na lumalabas sa bibig ko. Kung hindi, kanina pa ako napahiya.

"Su-Sure!" Ngumiti ulit ako.

Saka ko nasilayan ang ngiti niya, "Thank you. Pero dadaan muna ako ng school para mamigay ulit ng instructions. Okay lang ba yun sayo?"

"Uhm... Sure. Pero di na lang muna ako sasama. Uuwi lang ako para magbihis. Tsaka... magpapahatid na lang ako kay-" Troy. Damn! Muntik kong nasabi! "... sa uhm, driver namin. Saan ba tayo mag di-dinner?" Tanong ko.

"Sa Candy's?" Tumawa siya.

Uminit ang pisngi ko, "Okay! Sa Candy's!"

Buong araw akong nakangisi hanggang sa nag paalam kami sa isa't-isa.

Wala ang sasakyan ni Troy sa parking lot kaya tinext ko siya:

Troy, sunduin mo ko pls. I need to talk to you.

Sinubukan ko lang naman. Handa na sana akong pumara ng taxi nang bigla siyang nagreply.

Troy:

I'm cuming. >:D

Uminit ang pisngi ko.

Ako:

WHAT?

Troy:

Haha! I said, 'I'm cuming!' You're mind, Trisha.

Napakamot na lang ako ng ulo. Ano bang nangyari sakin at bakit dirty minded ako? Pero sa text ni Troy mukhang sinasadya niya naman eh.

Tumatawa siya habang nilalabas ang ulo sa sasakyan niya. Sinalubong ko naman ang sasakyan niya ng nakasimangot.

"Sinasabi ko na nga ba! Ang bastos mo talaga, Troy!" Sigaw ko at umikot na para sumakay sa sasakyan niya.

"Ano? Saan tayo?" Nakangisi paring tanong niya pagkapasok ko. "Ginugutom ka ba?"

"Hindi, Troy. Pwedeng pahatid sa bahay please? Magbibihis ako. May dinner kami ni Jayden."

Unti-unting napalitan ang ngiti niya ng simangot. Umiling siya at bumuntong hininga habang pinaandar ulit ang sasakyan ng walang imik.

"Sorry, Troy... Busy ka ba nung tinext kita?"

Umirap siya ng bumaling sakin at di nagsalita.

"Sorry... Babawi talaga ako next time. Magtataxi lang naman sana ako pero naisip kong makipagkita muna sayo para sa tips. Next time, babawi ako." Hindi ko naman kasi alam na agad pala siyang pupunta pag itext ko siya.

"Be yourself. He'll fall in love with you for who you are... just like how..." Bumuntong hininga siya. "...how I fell for that girl. Damn."

Kumunot ang noo ko.

"May pinagdadaanan ah?" Tumawa ako. "Ipakilala mo nga yan sakin nang matulungan kita."

Pero di siya umimik. Seryoso lang siyang nag drive papuntang bahay.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro