Kabanata 24

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 24

Nakakapagpagulo Sa Isip

"Stay, Trisha." Sabi niya ulit.

Tinulak ko siya para makaupo na siya sa sahig. Hindi ako makatingin sa kanya. Hiyang-hiya ako sa sarili kong desisyon.

"Okay... Sa isang kondisyon-"

"Kahit ano." Sabi niya.

"Sa ibang kwarto ako matutulog. Hindi tayo pwedeng mag t-tabi..." Sabi ko.

"Whatever you like. Sa kwarto kita. Ako ang sa kabilang kwarto."

Napalunok ako sa sinabi niya pero tumango na rin.

"Thank you." At mabilis akong hinalikan sa cheeks tapos tumayo rin agad bago ko masapak.

"Troy! Tigilan mo nga yung paghahalik mo sakin! Kainis ka!" Sigaw ko.

Tumawa na lang siya at naglakad na pa ekis-ekis. Then I realized, may dalawang hakbang na stairs pala bago dumating sa living room nitong suite niya. Napatayo ako para sana alalayan siya pero bago ko pa naalalayan, humilata na ulit siya sa sahig. Malutong na pagmumura ang inabot ng sahig.

"BULLSH1T! FVCK!" Sinapa niya pa yung stairs.

"Ayos ka lang ba, Troy? Ano ba kasing ininom mo? Hindi ka naman ganito pag nag babar ka!" Dinaluhan ko ulit at ngayon, nakita kong dumugo na talaga yung noo niya.

Konting galos lang naman sa perpektong mukha niya. Siguro nainis yung tadhana sa kagwapuhan ng mokong kaya ayun at ginalusan niya ng konti.

"Ouch! Sh1t!" Napapikit siya sa sakit.

"Uhm... gagamutin ko 'to. Humiga ka na nga lang muna sa kwarto mo... este sa kabilang kwarto kung saan mo balak matulog. Uhm... Gagawa siguro ako ng soup or ipagtitimpla kita ng hot chocolate or kape... May pagkain ka ba sa ref? Para malutuan kita."

Ngumisi siya.

"Ang sarap palang malasing ng ganito..."

Sinapak ko na ulit, "Tumigil ka ha? Nanghahalik ka ng kung sinu-sino kung lasing ka. Hindi ako masaya kung lasing ka kaya buti pa tigilan mo ang pag inom."

"Yun lang ba inaalala mo kaya mo ako sinampal kanina nung hinalikan kita?" Ngumisi siya at kinagat ang labi habang tinitignan ako.

"Mag to-toothbrush na lang ako para makalimutan mo, okay!?" Tumayo ulit siya.

Kahit may konting dugo sa noo niya ang gwapo niya parin. Makisig parin siya kahit lasing. Naiinis nga ako sa t-shirt niyang soot... palaging mukhang gustong magpahubad. Laging pinapakita yung upper muscles niya.

Naglakad na naman siya ng pa ekis-ekis patungong kitchen.

"Troy, mag ingat ka nga!" Sigaw ko nang nakitang nabunggo niya ang isang silya doon.

Hindi siya sumagot kasi nag to-toothbrush na siya. Sumunod naman ako sa kanya para tignan kung anong laman ng ref. Halos lahat processed foods. May nakita pa nga akong asparagus soup na powderized. Hay! Puro processed. Pero sige na nga lang. Nahihiya naman akong magyaya sa kanyang mag order sa kitchen ng Le Marcelle.

"Magluluto ako. Magbihis ka na lang muna doon." Sabi ko.

Tatlong beses siyang nag toothbrush. Anong problema ng mokong nito at talagang tatlong beses niyang inulit iyon? Tumawa siya nang nakita niyang sumisimangot akong nakatingin sa kanya.

"What?" Tanong niya habang niluluwa yung bubbles ng toothbrush.

"Yung dugo sa noo mo... Bilisan mo na diyan... Magbihis ka na para magamot ko na yan."

"Okay... Oo na." Humalakhak siya at umalis.

Habang kinukuha ko yung processed soup para lutuin na, iniisip ko yung lasa ng halik niya kanina. Alak, sigarilyo at mint... Bakit nagustuhan ko ang lasa nun. Naninigarilyo ba si Troy o yung babaeng kahalikan niya lang? Ilang babae ba yung nahalikan niya ngayong gabi? Kainis! Bakit nakakafrustrate na ganito? Bakit nanghahalik siya ng ibang babae? Anong klaseng pagkagusto ba itong nararamdaman ko para kay Troy?

Yun lang ang pabalik-balik sa utak ko habang hinahalo ko yung soup.

May mainit akong naramdaman sa likuran ko. Bago pa ako lumingon, pinulupot niya na ang braso niya sa baywang ko. Yung ulo niya ay nakasandal sa balikat ko.

Napatalon ako sa bigla.

"T-Troy, anong ginagawa mo?" Nakakautal!

Unti-unti niyang hinigpit ang pagkakayakap niya sakin galing sa likuran.

"Ang tagal mo naman. Wa'g ka na lang magluto..." Bulong niya sa tainga ko.

Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko at tumitindig na naman ang balahibo ko.

"Uhmm.. Troy, bumalik ka na lang sa kwarto mo..." Sabi ko.

Falf naked na naman siya habang niyayakap ako. Iniisip ko pa lang yung v-line, napapalunok na ako ng ilang beses. Nakita ko pang nag flex yung muscles niya sa braso habang hinihigpit yung yakap sakin.

"I won't wait for you, Trisha..."

Napasinghap ako sa sinabi niya. Amoy na amoy ko ang toothpaste sa hininga niya. Kahit na kumukulo na ang soup, ayokong itigil dahil natatakot akong makaharap siya.

"Mend me, Trisha..." Hinalikan niya ang leeg ko.

Damn shet! Nanginig ng literal ang legs ko sa ginawa niya.

Narinig ko ang pabulong na paghalakhak niya. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.

Itinigil ko na lang yung pagluluto... Luto na naman rin yun eh.

"Troy, tumigil ka ah..." Sabi ko. "Wa'g mo nga akong halikan kung saan-saan! Hindi mo naman ako girlfriend..."

Pagkatapos kong sabuhin iyon, kumalas agad siya sa pagkakayakap niya. Nabigo ako sa ginawa niya pero alam kong mali... Mali itong ginagawa namin gayung hindi pa kami nag bi-break ni Jayden.

Alam ko namang maaring ginugulo lang ni Troy ang utak ko. Hindi ako sigurado kung gusto niya ba talaga ako o hindi... Hindi ako sigurado kung pareho ba ang nararamdaman namin dahil marami naman siyang babae. At mas lalong di ako sigurado sa nararamdaman ko sa kanya... Mahal ko na ba siya? Posible bang magmahal ng dalawang tao at the same time? Kung hindi man... sino ang tunay na mahal ko sa kanila? Paano ko malalaman iyon? Ano ang mga sagot?

Hindi ko siya nilingon.

Naging busy na lang ako sa paglalagay ng soup na yun sa bowl para mainom na niya at magamot ko na yung sugat niya sa noo.

Pero habang nilalagay ko yun sa bowl ay yinakap niya na naman ako galing sa likuran.

"I never thought this day would even come, Trisha."

Napalunok ako sa goosebumps na naramdaman ko.

His voice was husky but his message was clear, "Kahit konting atensyon, kahit minsan, kahit tuwing gabi lang, kahit tuwing wala si Jayden, pahingi naman..."

Halos mapaso ako sa soup. Nataranta ako sa sinabi niya. Ano ang ibig niyang sabihin?

Hinarap ko siya. Nakangisi siya pero malungkot ang mga mata niya.

Hindi ko alam kung lasing ba siya o talagang totoo yung sinabi niya. May gusto ba siya sakin? O pinaglalaruan niya lang ako? He's evil... sometimes... posible kayang ginugulo niya lang kami ni Jayden dahil galit siya kay Jayden? Hindi ko alam. Hindi ako sigurado sa lahat. Ang alam ko lang ngayon... at sigurado ako... na gusto ko siya...

"Troy, you're drunk-"

"I'm so drunk on you..." Mapupungay ang mga mata niya habang tinitignan ako.

Tinalikuran ko siya at tinignan yung bowl ng soup.

"Kumain ka muna... Para matigil na yang kabaliwan mo..." Sabi ko at nilapag agad sa mesa yung bowl.

Kumuha din ako ng kutsara para makain niya na.

"Sige na... Uhm... may gamot ka ba para sa sugat na yan? Gagamutin ko na lang habang kumakain ka..."

"Meron, nasa kwarto. Saka na lang. Pagkatapos ko na lang kumain." Aniya.

"Huh? Kunin ko na lang." Sabi ko.

Lumapit siya sa mesa at nagsimulang humigop sa sabaw.

"Maya na sabi." Sabi niya.

"Pwede namang ngayon para makatulog na tayo ng diretso."

"Ang atat mo... Di ka makaintindi... Sabi na mamaya na eh." Umirap siya.

"Ang arte mo Troy! Di kita ma gets! Iba-iba ang mood mo!" Sabi ko at inirapan na rin siya. "Diyan ka na nga lang! Matutulog na ako. Gamutin mo yang sugat mo mag isa."

Nag walk-out ako. Nang nakarating ako sa kwarto niya ay ni-lock ko na agad. Ayan! Di ka makakapasok dito. Matatahimik ako dito at makakatulog na. Buti walang duty si Jayden bukas kaya malaya akong makakalabas ng Le Marcelle nang di niya nakikita. Nalungkot ako nang inisip si Jayden. Mahal ko siya pero gusto ko si Troy? Ang tanging magandang naiisip kong gawin sa ngayon ay ang hiwalayan siya. Kahit na hindi ako sigurado sa nararamdaman ko kay Troy at di rin ako sigurado kung ano ang ibig sabihin sa actions ni Troy, kailangan ko paring itigil ang sa amin ni Jayden.

Humiga ako sa kama niya at inamoy ang unan niya. Amoy Troy... Hindi ko alam kung anong shampoo o body wash ang ginagamit niya pero sobrang bango talaga. Siguro dapat na akong mag perfume madalas para masarap din akong amuyin... Ang sarap din yakapin ng comforter niya. Nakapasok na ako dito noon pero ibang klase ang feeling pag humihiga ka sa kama niya... Amoy Troy kahit alam kong nililinis naman ito ng mga taga hotel.

Unti-unting bumukas ang pintuan habang inaamoy ko yung comforter niya. Natigilan agad ako at nalaglag ang panga.

"You forgot... I have keys..." Ngumisi siya at pumasok sa kwarto.

Napaupo ako sa kama.

"Troy, anong ginagawa mo d-dito?" Tanong ko.

"Gamutin mo na ang sugat ko." Sabi niya.

"Kainis ka naman!" Kinabahan ako doon ah? Akala ko may masama siyang gagawin.

Umupo siya sa kama ko habang naghahanap ako ng Betadine at bulak.

Nakahanap naman ako at kinuha ko iyon para magamot na ang sugat niya.

"Pagkatapos nito, dun ka na sa kabilang kwarto ah?" Sabay nudnod ko sa bulak doon sa sugat niya.

"Konting ingat naman! May hinanakit ka yata sakin eh! Aray!" Aniya.

"Ayan! Maglasing ka pa! Yan ang bagay sayo..." Sabi ko.

"Hindi na ako maglalasing kung nandyan ka."

Tumaas ang kilay ko, "Daming babae pang nahalikan. Kainis ka rin, ano?"

Ngumisi siya at nanlaki ang mga mata niya, "Nagseselos ka ba?"

"H-Hindi!" Umirap ako.

Natapos ko ng gamutin ang sugat niya at tinabi na yung betadine sa mesa sa tabi ng kama niya. Nang tinignan ko na siya para sana ay tarayan at paalisin niya, nakita kong nakatitig siya sa akin. His gaze was so intense. Inisip kong sober na siya dahil sa titig niyang iyon.

"T-Troy, sige na, umalis ka na..." Sabi ko at di ko na siya magawang titigan pabalik.

"You can't look at me straight..." Aniya.

"Huh?" Sinubukan ko siyang tignan at nakita kong napaawang na ang kanyang mga labi.

Hinawakan niya ang pisngi ko at nagsimula ulit siyang humalik sakin.

Mahina at mainit ang halik niya. Para bang nag sho-shoot ng pelikula. Unti-unti itong naging malalim bago ko natanggihan. I kissed him back. Damn! Is that even possible? May mga halik ba talagang di mo kayang hindi i-kiss back? Kasi ito lagi ang nararamdaman ko sa kanya... sa mga halik niya... Him and his kisses.

Tinulak niya ako sa kama. Naidilat ko ang nakapikit kong mga mata dahil sa ginawa niya.

"Troy~" Sabi ko in between kisses.

Pero hindi siya nag paawat. Nilagay niya ang kamay niya sa lower back ko. Ang isa naman ay nasa leeg ko. Yung paa niya naman ang tumulak sa magkabilang paa ko para makahiga siya in between them. Uminit ang daloy ng dugo ko... SHEEEEEEEEEEEEEET! Ito na ba ang sinasabi nila?

Mas lalong lumalim ang halik niya... Sa sobrang lalim, nalalasing na ako. Para bang may pinaghuhugutan siya sa halik niya.

Mabilis din ang paghinga niya. Para bang kinakabahan siya habang humahalik sakin... Para bang ayaw niya akong pakawalan. Parang... its now or never...

Gumapang ang kamay niya sa ilalim ng dress na soot ko. KItang kita na yung panty ko pero nakatoon ang buong atensyon niya sa halikan namin. Nilagpasan din ng kamay niya ang panty ko... sa bra siya tumigil.

Uminit ang pisngi ko sa ginawa niya. I feel like I'm totally exposed... And I'm freakin dizzy with his kisses. OH MY GOD!

"Troy... Tama na..." Sabi ko nang nagsimula na siyang humalik sa leeg ko.

Tinulak ko siya. Nagpatulak naman siya. DAMN! Bakit ko siya tinulak? Yun lang ang tanging naisip ng instincts ko pero mas nag do-dominate ang utak ko. Mas lalo kong nakita ang v-line niya. So damn hot... So drop dead sexy! Pero hindi ako pwedeng magpadala sa kanya... He's all seduction... I want love.

"May boyfriend na ako!" Sigaw ko at inayos ang dress ko.

Hinihingal pa siya habang tinitignan ako.

"Cheat on him, Trisha..." Huminga siya ng malalim. "Cheat with me..."

Para siyang naghahamon sa sinasabi niya.

Sumikip ang dibdib ko. Paano niya nasabi yan?

"No! I'm not that kind of girl, Troy! Bakit mo ginagawa sakin 'to?" Namuo ang luha sa mga mata ko.

Nakita kong nanlaki ang mga mata niya. Lumapit siya at hinawakan ang wrist ko.

Pinaypayan ko ang sarili ko at pinigilan ang luhang nagbabadya sa mga mata ko.

"Troy, hindi pwede tong ginagawa natin." Sabi ko.

Tahimik lang siya habang hinahawakan ang wrist ko... Para bang may hinihintay siya..

"Troy..."

"You're so nervous, Trisha." Sabi niya.

Hindi ko mapagtanto kung paano niya yun nasabi.

"You're freakin in love with me!" Sabi niya habang tinitignan ang wrist ko.

Napatingin din ako sa wrist ko. Nakita kong diniin niya ang daliri niya sa pulso ko. PINUPULSUHAN NIYA AKO! KAYA NIYA NASABING NININERBYOS AKO!

Binawi ko agad yung kamay ko...

"I can't be in love with you! You manwhore! Pinaglalaruan mo ako!" Sabi ko at lumayo ako sa kanya.

Hindi matanggal sa isipan ko yung sinabi niyang 'cheat'... I can't cheat on Jayden. But I feel guilty. I think I already did! Sh1t!

"Why can't you see that? Break up with him, Trisha! Break up with, Jayden! Dahil alam mong gusto mo ako pero pinipigilan mo ang sarili mo! Break up with him and stay with me!"

Nalaglag ang panga ko habang naiiyak ng todo...

"And if you can't..." Napalunok siya... "If you are in love with him, too, cheat with me... Coz I know you're in love with me! And I can compromise for you! Kahit gusto kong ako lang... Kahit alam kong para sakin, ikaw lang... Kahit na masakit pag may kahati... I can compromise! Kaya kong tumanggap ng tira-tira... kung yun lang ang kaya mong ibigay."

Hindi ko alam kung saang dictionary pa ako maghahanap ng mga salita. Parang naubusan ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Gusto kong mapag isa. Gusto kong mag isip ng maayos dahil may masasaktan ako dito... Ano man ang magiging desisyon ko, may masasaktan ako.

Natulala ako habang dinig na dinig ko ang pabalikbalik na pagsinghap niya.

Ilang sandali ang nakalipas ay tumayo na siya. Hindi ko siya tinignan. Ayoko... Pakiramdam ko bibigay na ako sa kanya kahit na alam kong kailangan ko pang mag isip kung ano ang tama...

Bago siya umalis sa kwarto ay ito ang sinabi niyang mas lalong nakakapagpagulo sa isip ko.

"Kung hindi kita makukuha through seduction, Trisha... Then I'm going straight to your heart... Cuz you fvckin have mine! Let's get even!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro