Kabanata 47

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 47

Airborne Kisses

"Happy birthday, Troy." Sabi ko sa gitna ng mga halik namin.

Hindi ako makatulog sa gabing iyon. Hindi matanggal sa isip ko yung ngisi ni Troy habang nag di-dirty dance sa harap ko. Natatawa ako. Nakikiliti ako habang iniisip na nag sensual dance pa talaga siya sa harapan ko. Ni hindi ko na inisip kung anong mga reaksyon ng mga tao doon sa dancefloor habang ginagawa namin yun. Naghalikan pa talaga kami.

Wala siyang ibang sinayaw kundi ako. Buong atensyon niya, nakatoon sakin. At halos di ko na rin makita ang mga tao sa paligid dahil siya na lang ang klaro sa paningin ko.

"Hey! Good morning!" His voice was husky.

Kinusot ko ang mga mata ko kinaumagahan. Sabado pala ngayon.

"Troy..."

"Ligo ka na at magbihis. Date tayo... Nanliligaw ako, diba?"

Napatalon ako sa kwarto ko.

Pagkatapos ng usapan namin, agad na akong nagbihis. Inisip ko baka may kasama na naman kami sa date namin ngayon. Baka kasama na naman namin yung mga kaibigan niya. Excited ako pero natatakot din at the same time. Iniisip ko kasi yung nangyari noong huling date namin.

Pero nang dumating na kami sa 'date' na gusto niya, nabigla ako kasi kaming dalawa lang.

"Asan na yung push-up bra mo?" Tumawa siya habang nagpapark siya.

Uminit agad ang pisngi ko. "Tseh!" Umirap na lang ako sa hiya.

Kinurot niya ang pisngi ko at tumawa parin.

"Teka lang..." Aniya.

May kinuha siya sa backseat. Habang inaabot niya iyon ay kinuha ko ang cellphone niya at ni-swipe agad.

Nang lumingon ako sa kanya ay nakatago na ang mukha niya sa bouquet of flowers na kinuha niya sa back seat. Kinuha ko iyon sa kamay niya.

"Thank you..." Namumula na yata ako ngayon ng parang kamatis.

Ngumisi siya pero napawi agad nung nakita akong hawak-hawak ang cellphone niya.

"AKIN NA YAN!" Sabi niya.

"Bakit?"

Inabot niya pero inilayo ko naman. Nabigla ako sa reaksyon niya. Kung pulang parang kamatis yung pisngi ko kanina, mas malala yata yung sa kanya. Hindi siya makangiti ng mabuti dahil sa frustration niya nang makitang tinitignan ko ang phone niya.

"Trisha!" Kumunot ang noo niya at hilaw parin ang ngiti.

"Anong meron!?" Kinabahan ako.

Hinawakan niya ang magkabilang wrist ko. Makukuha niya na talaga ang cellphone niya dahil masyado siyang malakas at mabilis kumilos.

Hindi ko na maitsura ang mukha ko. Halong kaba at curiousity na ang nararamdaman ko. Ano ang tinatago niya sa cellphone niya?

"Akin na!" Sabi niya at mabilis na kinuha ang cellphone niya.

"Bakit? Aniong problema?! May t-tinatago ka ba?" Hindi ko na napigilan ang pagkabasag ng boses ko.

Agad niyang inabot pabalik ang cellphone niya sakin.

"Damn!" Umiling siya at ginulo ang buhok habang sumandal na lang sa upuan niya. "I give up..." Humalakhak siya at mas lalo pang pumula ang pisngi niya.

Kumunot ang noo ko at tinignan ang cellphone niya.

"HOW TO COURT A GIRL? Sa Google?" Pumula din ang pisngi ko pero di dahil sa kahihiyan, dahil sa katatawanan. "Si Troy Ezekiel Salazar, Master of Seduction, may doctorate sa Art of Seduction ay nag go-Google nito?" Humagalpak ako sa tawa. "Ano 'tong nakalagay dito?"

Nakangiti din siya sa kawalan. Hindi yata makatingin sakin.

"Take her to an amusement park, picnic, mall, watch movies, give her flowers..." Mahaba pa ang listahan. "Kaya ba tayo nandito sa amusement park kasi yun ang lumabas sa Google?" Humagalpak ulit ako sa tawa.

Hinablot niya ang cellphone niya sa kamay ko habang nakasimangot.

"Kainis ka naman! Wa'g mo nga akong pagtawanan."

"Sa bagay... Wala ka pa namang nililigawan. First ba ako?" Tumawa ulit siya. "Hindi mo naman kasi pinaghihirapan ang mga babae mo."

"Pinaghihirapan no!" Umirap siya.

"HUH?"

"Oo naman! Pero isang babae lang! Lam mo kung sino?"

"Sino?" May ibang babae pa pala siya bukod sakin? "First love? Sinong first love mo?"

"Sh1t naman! Minsan ang talino mo... Minsan ang hina mong pumick up!" Umirap siya at lumabas sa sasakyan.

"Huy! Nang-iinsulto ka ba?"

Umikot siya para pagbuksan ako pero ako na yung nagbukas ng pinto ko kaya mas lalo siyang nag sungit.

"Pwede bang minsan hayaan mo naman akong pumorma sayo? Kailan ba ako mag ti-take over sa relationship natin? Lagi ikaw nasusunod. I can give you the world, give up your own! Ako muna, pwede ba?" Umirap siya at sinarado ang pintuan ko.

Masungit niyang kinuha ang kamay ko at naglakad na.

"Ang sungit mo talaga! Mr. Araw-Araw May Dalaw..." Bulong ko.

"Ano? May dalaw ka ngayon?" Tumaas ang kilay niya nang nilingon ako.

"HA? Sabi ko ikaw ang may dalaw kasi ang sungit mo na naman today!"

Ngumisi siya at kinagat ang labi. "So ibig sabihin wala kang dalaw?"

"UGH!" Binatukan ko na.

I don't know if its a gift or curse... but I like him this way. Kahit marami na siyang experience sa mga medyo green na bagay ay may respeto parin siya sakin. Nakakatulong din ang pagiging masungit niya at pagiging over confident niya minsan. Kung noon ay naiirita ako sa sobrang yabang niya, na memesmerize na ako ngayon. Hindi ko na alam kung bakit. Side effects of being in love, I guess.

Nasa amusement park kami. Kumain kami ng ice cream (kahit na ayaw niya), cotton candy (na gusto niya dahil malambot daw), at sumakay sa isang cup and saucer.

"This is so cheezy." Tumawa siya habang nakasakay kami doon.

"Gusto mo ng di cheezy? Sige, doon tayo sa roller coaster!" Sabi ko pagkatapos namin doon.

"No!" Ngumisi siya at tinuro ang pinakamalaking ride sa buong amusement park.

"Ferris wheel?" Tumaas ang kilay ko.

That's cheezy, too! Pero siguro di niya yun makita dahil nga... again... side effects of being in love.

Pinagbigyan ko siya. Excited siya papuntang Ferris Wheel. Kaming dalawa lang sa loob. Nagsimula nang umikot ang ferris wheel. Ang akala ko ay titignan niya ang magandang tanawin sa labas pero nagkamali ako... dahil ako ang tinignan niyang mabuti...

"Ang ganda ng view..." Sabi ko para ma distract siya.

"Oo nga..." Malamig ang boses niya.

It sent shivers down my spine. Hindi ko na nakayanan... tinignan ko na rin siya.

"I've always wanted this..." Aniya.

"Ano?"

Kumabog ng mabilis ang puso ko.

"Airborne kisses with you..."

Hinaplos niya ang pisngi ko. Troy can really do this thing so well. Kahit dapat natatakot na ako ngayon dahil sa taas namin dito, nakakaya niya parin akong idistract sa kahit ano. Kaya niya akong idistract, itempt... Kaya niyang agawin ang atensyon ko sa kahit ano... kaya niyang agawin ang puso ko kahit kanino...

Nilapit niya ang sarili niya sakin.

"Hindi ba nanliligaw ka pa lang? Dapat di tayo nag ki-kiss eh. Saka na pag tayo na! HMP!" Sabi ko.

"Really?" Nanlaki ang mga mata niya.

"Oo! Ganun yun!" Umirap ako. Oo nga pala... baguhan siya sa panliligaw kaya di niya yun alam. Malamang sa sobrang liberated ng babaeng nakukuha niya ay nakakaligtaan na nila ito.

Natulala siya ng ilang sandali.

"But airborne kisses, Trisha. Pwede bang kahit ngayon lang? Pagkatapos nito, hindi na muna kita hahalikan ulit hanggang sa sagutin mo na ako."

Hindi ko mapigilan ang pagngiti ko. Hindi ko inakalang kaya niya yung sabihin sakin. Nag expect ako na wala siyang pakealam sa tradisyunal na courtship. Alam ko nakailang beses na kami sa halikan noon pero hindi ko alam na tatanggapin niya ang sinabi ko.

"I like airborne kisses, too." Napalunok ako at pumikit na... hanggang sa nagsimula na siya sa mahihina at maiinit na halik. Nilagay niya ang kamay niya sa likod ng leeg ko. Ang isang kamay niya naman ay hinahawakan ang kamay ko.

Nilagay niya ang kamay ko sa dibdib niya. At alam ko na naman kung ano ang ibig sabihin nun. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya na pati ako'y nahahawa na rin. Malakas yung sakin pero mas malakas at mas mabilis yung kanya.

"Feel it..." Sabi niya sa gitna ng halikan namin.

Tumigil siya at ngumiti malapit sa tainga ko.

Nakaawang pa ang bibig ko dahil sa sobrang sarap, init at diin ng halik niya. Pababa na kami nang siniil niya ulit ang labi ko ng mga halik.

Kinuha niya ang dalawang legs ko at pinatong niya iyon sa hita niya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Pinasadahan ko na rin ang dibdib at abs niya ng haplos. Kinuha niya ang kamay ko at nilagay sa ilalim ng t-shirt niya.

Naramdaman ko agad ang tigas ng abs niya. Naiimagine ko pa lang ang katawan niya napapahamon at napapakarne na ako. I can still remember the lines of his muscles clearly. Yung V-line, yung abs, yung biceps... lahat...

Masyado na yatang mahalay ang pag iisip ko kasi napunta na ako sa pagsasayaw niya. Paano kung nakahalf-naked siya habang nagsasayaw siya sakin kahapon. OH MY GOSH! Uminit ang pisngi ko at nahalikan pa siya lalo.

Narinig ko ang paghalakhak niya habang naghahalikan kami.

"I think we should stop..." Tumawa siya.

Lasing parin ako sa halik niya at sa maka mundong pagnanasang naiisip ko. Natauhan lang ako nang bigla siyang tumigil at tumawa.

"Damn! Sayang naman nun! Nag iinit ka na yata eh." Tawa siya nang tawa.

YUN NAMAN PALA! Nasa baba na ulit kami!!! SHIIIIT NA MALAGKIT! Maraming nakakita! Tinakpan ko ang mukha ko.

"Oh my gosh!" Sabi ko nang pabalik-balik habang pataas na naman kami.

Niyakap niya ako habang tumatawa.

"It's okay, Trisha. We go public, diba?" Tumawa parin siya.

Sinapak ko siya.

Hindi ko parin tinanggal ang kamay sa mukha ko.

Hinalikan niya ang noo ko habang patuloy parin sa pagtawa.

"Maybe you should list the things you want me to do with you... Lalo na pag tayo na." Aniya habang nakatakip parin ang kamay ko sa mukha ko. "Like... you want us to kiss airborne, sa airplane, sa Paris, sa Rio, or maybe you want us to make love air borne... o pwede ring sa 150 plus na branch ng Le Marcelle. Ako ang bahalang tumupad sa lahat ng gusto mo."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro