Chapter 1

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

MADALAS pagmasdan ni Peach ang kalangitan sa tuwing ito'y umiiyak. Hindi mawari ng dalaga kung bakit sa kada umuulan ay gumagaan ang kaniyang pakiramdam. Para bang ito na mismo ang kusang umiiyak para sa kaniyang mga tinig na hindi niya mabigkas.

Saglit niya pa pinanood ang bawat patak ng ulan na bumabagsak na walang tigil bago niya binalik ang tingin sa librong hawak. Pinagpatuloy niya ang pagbabasa habang ginawa niyang musika ang patak ng ulan.

Nang makarinig siya ng isang katok. "Peach?"

Isang mahinang tinig ang kaniyang narinig, nagmula ito sa likod ng pinto. It was Lemon, her twin sister.

Ito ang dahilan kung bakit siya nagkukulong ngayon sa loob ng kaniyang silid. Kung maaari ay hindi niya muna ito gusto makita.

Hindi niya pa rin kasi mapagtanto ang ginawa nito sa kaniya. Kagabi pa niya ito iniisip at hindi siya nakatulog nang maayos dahil dito.

"I know. I know you've been telling me this ever since we were kids but sa katigasan ng ulo ko. Hindi ko naisip nararamdaman mo. I just... I just want to share to you everything I have," paliwanag ni Lemon.

Hindi man niya ito nakikita. Naririnig naman niya ang pag-iyak nito. Sumasakit ang puso niya sa tuwing nasasaktan niya rin si Lemon.

Tinuruan sila ng magulang at ng mga kuya nila kung paano mahalin ang isa't isa. At mahal niya si Lemon.

Tumayo siya sa pagkakaupo at tumungo sa tapat ng pinto. Pinatitigan niya ito. Nang buksan na niya ang pinto ay tumambad sa kaniya ang mugtong mga mata ng kaniyang kakambal.

"Peach! I'm so sorry!" Mahigpit na niyakap siya nito. Iyak ito nang iyak sa kaniya habang hindi siya nito binibitawan.

Pinatahan niya ito. Minsan lang umiyak si Lemon lalo na't sa kaniyang harapan. Sa kanilang dalawa ito ang pinakamatapang at pinakamatibay. Ngayong pinagmamasdan niya itong umiiyak. Basag na basag ang kaniyang damdamin.

"Lemon, tahan na. Don't think about it anymore. It's not your fault. Nagulat lang talaga ako. I'm sorry."

Mas humigpit ang yakap ni Lemon sa kaniya. At paulit-ulit pa rin binitawan ang salitang paumanhin sa kaniya.

Inaya niya naman itong umupo sa kama. Saglit niya itong iniwan at may kinuha sa aparador. Nang bumalik siya ay inabutan niya ito ng cookies. Paboritong matamis ng kaniyang kakambal.

Palagi siya may stock no'n dahil madalas tumambay si Lemon sa kwarto niya kahit pa na may sarili itong silid. Nasanay kasi itong kasama siya simula't bata pa sila no'ng panahon na iisa pa lamang ang kanilang silid.

"Ayoko," tanggi ni Lemon. Pinagtulakan naman niya 'yong jar. Malungkot lang ito pero alam niyang hindi ito tatanggi kapag usapan ay paborito nitong pagkain.

Ngumiti siya nang dumukot si Lemon sa hawak niyang jar pagkatapos ay tinabihan ang kapatid.

"Okay," aniya. Mabilis na lumingon sa kaniya si Lemon. "H-ha?" Halata rito ang pagkagulat.

"Ang sabi ko susubukan ko," saad niya. Binigyan niya pa ng ngiti ang kakambal. Naluluha naman si Lemon na niyakap siya.

"Promise, I'll be a good sister. At isa pa, Nolan is a good guy, Peach. You'll love him," masayang ani Lemon.

Tanging ngiti lang naman ang nasagot niya sa kakambal pagkatapos ay tinanguhan niya ito. Kasama ang pagdadasal na sana tama ang kaniyang kakambal.

UMANGAT ang ulo ni Peach nang may maglapag sa gilid niya ng isang basket ng mga prutas. Natigil ang pagbabasa niya sa loob ng kusina nang titigan niya ang kakambal.

"Kailan ka pa natuto bumili ng prutas?" seryosong tanong niya rito. Umikot naman ang mata ni Lemon sa pasaring niya.

"Grabe ka naman sa kambal mo."

"Totoo naman," aniya pa bago kinuha ang baso sa tabi ng librong binabasa niya. Ininom niya ang tinimplang fresh orange juice.

"Kay Nolan galing 'yan. Mayro'n ka rin d'yan, shempre."

Tumango siya. Binaba niya ang baso pagkatapos ay nagpatuloy siya sa pagbabasa. Alam niyang tinititigan siya ni Lemon pero hindi niya inaangat ang tingin dito.

"Nolan is inviting us pala to have dinner with him."

Nagawa niyang ibalik ang tingin sa kakambal. Umusbong ang kaba sa kaniyang dibdib. Bigla niya naalala ang araw nang sabihin sa kaniya ni Lemon na gusto nito i-share ang lalaking mahal nito sa kaniya.

Nasa loob siya ng isang cubicle sa shower room sa kanilang campus. Kakatapos lang kasi ng PE nila at naisipan niyang maligo muna pagkatapos.

Habang busy siya sinasabon ang kaniyang katawan. Natigalan na lamang siya nang may humawak sa dibdib niya at mariin na pinisil ito habang ang isa niyang kamay na may hawak ng sabon sa gitna ng binti niya ay nabitawan niya.

Napalitan pa ito ng isang kamay na humawak sa pagkababae niya. Isang ungol ang kumawala sa kaniyang bibig pagkatapos ay napahawak siya sa dingding sa gulat.

Humalik ang lalaking nasa likuran niya sa kaniyang leeg. "Baby," anito. Hindi niya kilala kung sino ito. Para siyang naistatwa sa nangyayari.

"Hm, I like the new smell of your body wash," saad pa nito. Kumunot naman ang noo niya. Kahit naguguluhan pa rin, sinubukan niyang bumitaw rito.

Dahil sa tingin niya ay alam na niya ang dahilan o kung sino ang lalaking nasa likuran niya.

"I... I'm not Lemon," bunyag niya. Mabilis niya tinakpan ang buong katawan nang makaalis siya sa hawak nito. Namumula ang buo niyang katawan sa hiya. Hindi niya magawang titigan ito.

"Oh, shit! I'm sorry. I didn't know. She said she was here, fuck!"

Mabilis niya kinuha ang tuwalyang inabot nito sa kaniya. Agad rin itong umalis sa loob ng cubicle at ilang mura ang narinig niya galing dito.

"Peach."

Nabalik siya sa realidad nang marinig ang tawag ng kakambal. Tinitigan niya ito.

"Bakit?" tanong niya rito. Halatang hindi man lang niya narinig ang sinasabi nito sa kaniya.

"I told you ini-invite tayo ni Nolan. He wants to apologize for what happened." Pinagmasdan niyang umiwas ng tingin ang kapatid. Alam niyang nahihiya ito sa nangyari at ginawa.

But she would always understand her.

"Saan ba?"

Kita niya ang paglawak ng ngiti ni Lemon dahil sa kaniyang sinabi. Kahit siya ay nadala na rin sa ngiti nito. Natutuwa siya na masaya ang kapatid.

Pasaway si Lemon kung kaya madalas ito mapagalitan ng kanilang magulang at kanilang kuya. Madalas kasi nitong gawin 'yong mga bagay na gusto nito na hindi iniisip ang mga magiging consequences nito.

At alam na alam niya kung bakit ito ginagawa ng dalaga.

Napahamak kasi ito noong mga bata pa sila. Muntikan na siya mawalan ng kakambal dahil sa isang aksidente. Nangyari iyon bago nila makilala si Sinead Lay. Kung kaya't wala itong alam sa tunay nangyari sa kaniyang kakambal.

Simula nang araw na iyon. Naging maingat na ang magulang nila at ang mga kuya nila sa kanilang dalawa. Mas lalong humigpit ang mga ito sa kakambal niya.

Rason kung bakit palagi niya iniintindi si Lemon. Rason kung bakit palagi siya sumasang-ayon sa mga gusto nito.

Dahil mahal niya ang kakambal. Mahal niya ang kapatid. At hindi siya makakapayag na bumalik ito sa dati.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro