Chapter Eleven

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Eleven

Dala-dala ko ang sakit sa dibdib na iyon hanggang sa nakarating ako sa faculty. Nakatayo si Mrs. Gutierrez sa may pinto, kausap ang isang lalake.

Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung sino iyon. Tinapik ni Mrs. Gutierrez ang balikat niya at ngumiti naman siya dito, nakatalikod kasi si Mrs. Gutierrez sa akin at siya ay nakaharap kay Mrs. Gutierrez kaya malamang kita ko siya.

When his gaze met mine my heart instantly skipped a beat. Parang may kung anong glue na hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya.

He looks so cold and stoic. Maging ang mga mata niya ay halos nakakasakit. Wala ni anong reaksyon mula sa kaniya, ni hindi siya ngumiti.

He's so different now. I miss the old Van.

Yumuko siya kay Mrs. Gutierrez at naglakad sa direksyon ko. I am all chin up, na halos hindi na ako humihinga, he looked at me one last time at supladong nag-iwas ng tingin.

My heart sank when he didn't even say 'hi' to me.

Oo nga pala. Kasalanan ko. Umirap nalang ako sa hangin at inignora iyon.





"Ma'am, baka po busy si Mommy. The Company's very busy-"

"I know dear, pero kasi, hindi na masyadong pumupunta ang Mommy mo dito. I understand that she's alone taking care of your company, but the Graduation is still a bit far. Baka mapasok niya sa schedule niya."

I scoffed.

"I'll try po." Pumalakpak siya na ikinairap ko naman.

"How's your company?" She asked out of nowhere. Nag-taas ako ng kilay.

"Doing good. Mukhang pupunta na nga sa top three?" Nanlaki ang mga mata niya at pumalakpak.

"Buti naman."

Of course I don't want to look pityful infront of them. Over my dead body. But then! I realized late na nasa balita na pala kami! Damn it!


Halos kada-pasok ko sa school, wala akong gana. Para akong walang buhay. Simula nung hindi na kami close ni Van, para na ring walang saysay ang pagpasok ko sa school.

Lalo na kapag nakikita ko siya at si Vanessa na magkasama. I mean, I just couldn't accept the fact na noon, proud na proud ako sa sarili ko kasi ako yung palaging kasama ni Van na dini-dream ng mga kababaihan dito sa school tapos ngayon, sila na ulit ni Vanessa.

The Company's doing well, nabalik na ang pera at bumabalik na ang progress ng mga paused projects. May mga bagong investors na rin si Mommy at mas dumadami ang clients.

The Montenegros are silent now. Maybe because Vanessa's very very comfortable now that Van's with her.

Pero ganun pa rin, wala pa rin akong gana sa lahat.

Kaya madalas din akong pagalitan ni Lili at nina Jason.

"Gumising ka na nga, Zalanna! Alangan namang pansinin ka ni Kuya Van, tiyak na galit nga iyon sa'yo!"

"Bro, tigilan mo na 'yan, free na free ako dito o!"

"Zaw, kuya Van's older than you. Hindi ka naman siguro fan ng pedophilia."

Sinamaan ko ng tingin si Mike na mukhang nagbibiro pa.

"Mukha mo, pedophilia bro, haha!"

"Ang ingay mo Aries!"


Umirap si Lili at humarap ulit sa akin.

"Disappointed na disappointed iyon. Sino ba namang hindi e, tinulungan ko niya sa lahat lahat, tinuring ka pa niyang kapatid tas ginawa mo pa siyang sugar daddy. Tapos sa isang iglap bigla mo nalang sasabihin na hindi mo siya kailangan-"

"I did that for our company, you bitch-"

"Oo nga! Pero kahit na! Let's just say mag-jowa kayo, tapos ang tatag na ng relasyon niyo, tas dahil lang sa kompanya maghihiwalay kayo?"

Umirap ako.

"You don't understand."

"Akala ko ba close kayo ni Kuya Van, bakit hindi mo alam kung anong makakasakit sa kaniya?"

"Haysstt, alis na lang kami, si Lili na ang the best!"

Hindi namin pinansin ni Lili sina Jason na umalis. Naiwan kaming dalawa sa bench, ako naka-upo tas siya nakatayo.

"Ang hirap kasi sa'yo, Zal. Gusto mo ikaw ang center of attention, I am sure kapag magka-usap kayo ni Kuya puro ikaw lang ang topic, kahit nga kapag tayo, gusto mo tungkol lang sa'yo ang usapan."

Nanlaki ang mga mata ko at masama siyang tiningnan. Na-offend ako dun ah!

"Nagtatanong din naman ako sa kaniya!"

Umirap siya.

"Pero tungkol kay Maam Savanna. Kung hindi pa dahil kay Maam Savanna hindi mo malalaman na magma-marine si Kuya. Crush mo pa naman 'yun!"






Tulala akong naglakad papunta sa waiting shed, nasa isip pa rin ang sermon ni Lili sa akin. I won't deny na mukhang tama nga ang sinabi ni Lili. I don't know Van that much, when we're together, our topic was always me.

Kapag bumibili ng mga gamit na gusto ko, palaging ako ang nagsasalita tungkol sa akin, kapag kumakain kami nang sabay, ako pa rin ang topic, kapag hinahatid niya ako sa Village, ako pa rin ang topic. Lahat ay ako, walang siya. Kung hindi si Savanna ay wala nang iba pa.

Hindi ko nga masyadong kilala si Van.

My phone beeped kaya kinuha ko ito mula sa bulsa ng skirt ko. I saw Caleb's name on the notifs. May text siya.

Caleb Gag*:

Babe, I'm busy, can't pick you up, sorry. I'll send a driver for you na lang.

Umirap ako.

Nagtipa ako ng sagot habang naglalakad.

Ako:

Wag na. I can go home by myself.


Umirap ako at pumunta na sa waiting shed. I even hate him calling me babe, hindi ko naman siya sinasagot!

Nasa unahan ulit ako dahil marami nang estudyante. Para akong tanga na nakatayo doon. Wala si Caleb, walang susundo sa akin. Hindi ko tinatawagan si Manong, tapos nandito ako sa waiting shed nakatayo lang, walang plano.

Anyare na sa akin?!

Maybe I can ride a bus? A jeep? Ano bang sasakyan ko? Motor? I haven't tried riding any of them pero baka kaya ko.

E anong bus, jeep o motor naman ang sasakyan ko? Is there a specific vehicle that can go to our village, Dasmariñas? Baka sa Forbes ako ihatid nito.

I snapped back out of my thoughts when a BMW parked infront of us. Napatigil ako nang makilala ito. Siningkitan ko ito ng mga mata at napagtantong kay Van iyon! The one he always uses when he takes me home.

But a not so familiar figure went out of the driver's seat. Siningkitan ko ito ng mata, kuryuso dahil mukhang gwapo. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ito. Si Alfre del Real!

The students behind me went silent too, they were talking a while ago at natigil dahil sa bumaba mula sa driver's seat.

Wearing his uniform, he cooly walked towards the cemented pathway beside the waiting shed.

Hindi ba kay Van itong BMW?

"I just needed to buy something here, Kuya Giovan! Kaya ko naman!"

Napalingun ako sa nagsalita.

Kumunot ang noo ko, inaalala kung saan ko nakita ang babae. She's wearing her uniform too, with the logo of their university. Hinihila siya ni Van habang tinatawanan naman siya ni Alfre.

And then I realized it was Joshien Alcantara.

"Mama knows that I'm here, tinext ko siya-"

"Kahit na! You don't even know how to cross a street and walk in places like that. Ano ba ang binibili mo doon?"

"I was looking for an antique-"

"Get in the car."

Sumimangot si Joshien kay Van at nang mapansin na may mga nakatingin ay pinamulahan.

"Get in the car-"

"Kuya." She was trying to shush Van.

Tumingin din si Van sa amin na nasa likod niya at nang magtama ang mga mata namin ay nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Parang kinunan ako ng hininga but then he doesn't seem to care. Parang wala lang sa kaniya.

Suplado siyang nag-iwas ng tingin na parang wala siyang nakita o nakilala. Na parang 'di niya ako nakita.

Umirap ako at nag-iwas na lang ng tingin.

"Alfre, sa likod ka, si Maureal ang sa shot gun."

"What?!"


It was like a mini reunion of the young del Reals, si Joshien lang ang naiba.

I rode a taxi, mabuti na lang at dumating si Jason at nagpara siya ng taxi para sa akin. His brother had a condo nearby at doon din siya tumutuloy, kaya naglalakad lang siya. Minsan kapag may lakad kaming magbabarkada magdadala siya ng sasakyan at driver.

Pagdating ko sa bahay ay nadatnan ko si Mommy na umiinom ng wine habang nakaharap sa laptop niya na nakalagay sa coffee table.

She glanced at me when I entered and smiled a bit before continuing her work. Even when she's wearing make up, napapansin ko ang pagod at stress sa mukha niya.

"Uhmm, Mrs. Gutierrez asked kung makakadalo ka ba raw sa Graduation ng mga Seniors."

She sighed and looked at me.

"Kailan daw ang Graduation?"

Nagkibi't-balikat ako.

"I don't know. Within this month siguro. Huwag ka na lang pumunta."

"I'll think about it. I'm still busy with the company so... I don't know."

Tumango ako at naglakad na papunta sa staircase.

"And oh!" Napatigil ako sa paglalakad at pagod na humarap sa kaniya. She's still sitting on the sofa while her arms are rested on the backrest as she smiled at me wickedly.

"You're doing good in avoiding Van. Keep it up if you really care about the company. Sharon's moving out, call Caleb for a little brunch."

Umirap ako.

"Why do I need to call Caleb? Is he our relative?"

"He's your boyfriend-"

"Hindi ko siya sinasagot!"

Umirap si Mommy at humalukip.

"The company's not yet safe. We need Caleb if ever the company will be at risk again. If you still don't know, that boy is madly inlove with you." She giggled. Nanlaki ang mga mata ko at napasinghap ako dahil hindi makapaniwala na gumagrabe na si Mommy.

"If father is here, he would not let you do this to me! Para niyo na akong ginagamit, Mommy!" I shouted at her that made the househelps near us go away. Natatakot siguro sa nagbabadyang sigawan namin ni Mommy.

Umirap siya.

"Daddy mo na naman? Do you really think your dad loved you?"

Sinamaan ko siya ng tingin. She's slowly walking towards me with anger in her eyes.
Pinantayan ko ang galit sa mga mata niya.

"Your Dad always wanted a child, but he never wanted you! Pinakasalan lang niya ako dahil kailangan. Don't assume you're special to your Dad!"

Nanlaki ang mga mata ko at napasinghap dahil hindi makapaniwala sa mga pinagsasabi ni Mommy tungkol kay Daddy.

I am sure Dad loved me. He always smiles at me and ipagtatanggol niya ako kapag pinapagalitan ni Mommy. He would sometimes scold me at doon lang siya nagiging masama para sa akin dahil grabe ang boses at mga salita niya kapag may mali akong nagawa.

But I understand it because my former yaya, Manang Flor, would always tell me that Dad was just teaching me a lesson.

Noong buhay pa si Daddy, palagi akong masaya dahil sa kaniya. Lahat ng iyon ay hindi ko mapagdududuhan. I can never doubt my father's love for me!

"Stop it, Mommy! Nagseselos ka na naman ba? Dahil hindi ikaw ang THE BEST? You always wanted to be on the top, to be the best, to be the first, to be always that one being appreciated kaya nasaskatan ka ngayon dahil pinipili ko si Dad-"

Tumawa nang malakas si Mommy. A very sarcastic laugh. Tinakpan niya ang bibig ng kamay at tumatawa pa rin. Inirapan niya ako.

"You shoud thank me for all the good things your Dad did to you, hija." Kumunot ang noo ko at nanatiling masama ang tingin sa kaniya. She touched my hair na madali ko namang hinawi.

"Pinakiusapan ko lang ang Daddy mo na tratuhin ka nang tama at huwag pagmalupitan. He never loved you! Don't assume too much kaya kalimutan mo na ang lalakeng iyon! Patay na 'yun!"

Napasinghap ako sa gulat.

"P*tang*ina! Huwag mong sabihin 'yan!"

Nagulat si Mommy sa narinig kaya nasampal niya ako. Hindi naman masyadong malakas pero napapilig ang ulo ko sa gilid. Napahawak ako sa pisnge ko at gulat na napatingin kay Mommy.

Taas baba ang dibdib ni Mommy at namumula na dahil sa galit. Na parang hindi na niya ma-control ang sarili. The reason why she was able to say the next things with her voice raised and hands trembling...

"He couldn't love you because you're just an accident!"

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro