Chapter Five

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Five

Sorry for updating slow, it's Christmas Break but I'm still busy with other matters hope you'll bear with me. And I don't know, for me this chapter is a bit long so sorry for that hehe. Anyway, hope y'all enjoy! Advance Merry Christmas!

•••



"My goodness, Giovanni! Nag-punta ako dito para mapanood ang game ng girlfriend ni Alfre hindi ang malaman na may girlfriend ka na! What did I tell you?!"

"She's not my girlfriend, Ma-"

"M-Ma'am mag-kaibigan lang po kami-"

"For goodnees sake she's a junior student and you are a senior! Goodness gracious Giovanni, pinapataas mo ang BP ko!"

"Sav, calm down." dumalo si Kier del Real sa asawang halos umiyak na.

Kanina pa namin sinasabi ni Van na mag-kaibigan lang kami pero hindi naniniwala si Savanna.

"Ma, I told you. We're just friends. I am her tutor and-"

"She said that she's your girlfriend!"

Nanlaki ang mga mata ko. Humalakhak si Kier del Real sa sitwasyon. Lili was behind me the whole time gripping on my hand.

Van looked at me.

"H-Hindi po!" DAMN THIS!

"What I mean is... girl friend. Kaibigan niyang babae."

Pinanliitan niya ako ng mga mata kaya kinakabahang ngumiti ako.

"What kind of term is that?!"

"M-Marami po kasi siyang kaibigang... lalake, k-kaya naisip ko na baka maguluhan k-kayo kaya sinabi kong girl tsaka friend."


Nag-tagal ang tingin ni Savanna sa akin. Van remained silent while looking at his mom. Kier was whispering things to his wife while holding back his laugh.


"Giovanni, anak... alam mo naman na ayaw na ayaw ko sa lahat ang magka-girlfriend ka nang hindi pa natatapos sa pag-aaral." Now she's calm.

Tumango si Van.

"I told you, Ma. She's like a little sister to me. I am her tutor."

I smiled nervously but Van's explanation hit me so hard in the chest. Bakit parang nasaktan ako doon?

Tumingin si Van sa akin kaya napa-ayos ako ng tayo.

"A-ah, y-yun nga po at tsaka... Grade 9 pa po ako." Nanlaki ang mga mata ni Savanna at napahawak sa noo niya. Kier chuckled at his wife.


"You're becoming like me and Kuya, Sav."

"Shut up."

Van and Kier chuckled. Bahagyang hinila ni Lili ang kamay kong nanlalamig na dahil sa kaba.

"Let's just go inside, the game will start soon." sabi ni Kier del Real para matapos na.

Mabuti na lang at tumango naman si Savanna , she eyed Van and motioned for him to go first. Van looked at me after that kaya napatingin din si Savanna sa akin. I looked away and pretended like I didn't see anything.

Pagtingin ko ulit sa harapan ay nauna na nga si Van sa paglalakad. Lili pulled my hand again kaya bumaling ako sa kaniya. She smiled at me nervously but it was with a hint of mockery, inirapan ko siya at hinila na lang papasok ng Arena.


"Do you really want my son? Marine ang kukuning kurso niyan pero hindi 'yan marunong lumangoy kahit nasa tabing dagat lang ang bahay namin." Nanlaki ang mga mata ko nang biglang nagsalita si Savanna sa gilid ko. I smiled nervously at her.


Kier del Real chuckled and went to his son to whisper something. Pagkatapos nun ay masamang tumingin si Van kay Savanna.

"Ma!"


Mapait akong ngumiti. I wish Dad's still here. I wish he didn't choose to die, sana'y sinabi na lamang niya sa amin ang mga problema niya kaysa sa bumitaw at sumuko.

I was eight  when he died, when he committed suicide. We were close... I guess? Basta masaya ako kapag nandiyan siya. At maswerte si Van dahil nandiyan pa ang Daddy niya.


Nalingunan ako ni Van na ganun ang reaksyon kaya umayos kaagad ako. Biglang nagbago ang ekspresyon niya, bigla siyang nag-alala, kumunot ang kaniyang noo at dali-daling pumunta sa akin.


"Hey? You okay?" Lili faked a cough as I faked a smile. Tumango ako. Pero parang hindi pa rin siya kumbinsido. He stared at my face while we were walking towards the entrance. Si Lili naman ay panay ang hila sa damit ko.


Magpapa-bebe pa sana ako kung hindi ko lang napansin si Savanna na katabi si Kier del Real sa unahan namin na seryosong nakatingin sa akin.

I immediately diverted my gaze and did not mind Van who's beside me now.

Damn this!








Pagdating namin sa loob ay madami na ang naka-upo sa kaniya-kaniyang seats, nagtata-asan na sila ng mga balloons at may iba na nagche-cheer na kahit na hindi pa naman nagsisimula.

The players from both team are in the middle already, nagwa-warm-up.


Wala masyadong nakapansin sa amin dahil sa dami ng mga tao but I noticed Savanna and Kier del Real putting a face mask, siguro ay para hindi makilala?

Pero kahit ganun ay may lumapit pa rin sa kanila na isang professor mula sa Uni namin at sa isa pang Uni.

Van looked at me and pointed at the chair beside his. Nanlaki ang mga mata ko.

"Magkatabi pala tayo? Kailan ka bumili ng ticket?"

"Just sit." Tumango na lamang ako at nagngi-ngiti na umupo, nasa pinaka-harap kami.

"Kuya! You came!"




A girl as tall as me with short hair and not so fair, wearing a green t-shirt with their University's name on the front of it approached Van and hugged him.

"Akala ko ba ayaw mong manood ng game? When Mom asked you kung sasama ka ba ang sabi mo ayaw mo, why-"

Van laughed with a hint of nervousness and dragged his sister a bit far from us. Nakatitig lang ako sa kanila habang naglalakad sila palayo.

Van was whispering something to his sister at maya-maya ay napabaling ang kapatid niya sa akin. I immediately looked away and smiled at Lili who's just calmly sitting beside me.

"I think that's Sariah del Real, ang kapatid ni kuya."

Napatango ako.

"And that must be Siehn Alcantara."

Kumunot ang noo ko at napatingin sa banda nila.

A tall, fair girl with hair tied into a ponytail na nakasuot ng kaparehong t-shirt na suot ni Sariah ay lumapit din sa kanila. Mas matangkad siya kaysa kay Sariah.

Van hugged her too. I noticed how she giggled because of that. Mas lalong kumunot ang noo ko.

Van looked my way kaya napa-iwas ulit ako ng tingin.

"Alcantara?" Tanong ko kay Lili. The family name is very familiar since Alcantaras are also one of the company owners na nangunguna sa Pilipinas.

"Anak ni Carbine at Preston Alcantara. Isa si Tatay sa mga nagta-trabago sa kompanya nila."

Napatango ako.







"The game will start soon." umupo sa tabi ko si Van. He smiled at me. Nagpilit lang ako ng ngiti.

"May problema ba?" Umiling ako at humalukip. Diretso ang tingin ko sa mga nagwa-warm-up.

"That was my sister. I'm sorry I didn't introduce you to her. She's bubbly sometimes."

Tumango ako. I may be Savanna's idol but I don't really know her family. Ewan ko, basta kung gusto ko ang isang tao, siya lang, hindi na kasali ang mga extra extra pa.



Maya-maya lang ay lumapit si Savanna sa amin. Walang nag-bago! Ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko. I was starstrucked! Natutulala ako kapag nakikita siya. I just can't believe na nakita ko na siya sa personal.

Van and I have been closed for almost two years at sa loob ng mga taong iyon, hindi ko pa na-meet kahit isa sa pamilya niya.

Savanna is tall, fair, her eyes are chinky, her lips are thin and her nose is pointed and she's just so simple... napaka-simple pero elegante.

"Van. Alfre wants to talk to you, nasa tapat natin siya..." she pointed at someone sa tapat kaya napatingin din ako.

I saw a tall man, as tall as Van, he's fair. Bakat din ang biceps sa suot niyang t-shirt at nakasuot lang siya ng black shorts. Nakapa-maywang siya habang nakikipag-usap sa isang babaeng mukhang girlfriend niya.

"I'm just gonna go to my cousin."

Nanlaki ang mga mata ko.

"Is that Alfre del Real?!"

Kumunot ang noo niya sa tanong ko at napatingin na rin sa tinitingnan ko.

"Anak siya ni Alex del Real di'ba? Ang tito mo?"

"Yeah."he calmly said and took a deep breath.


Hindi pa rin ako mapigil sa pagkamangha. Ang gwapo niya! My gosh! Ang ganda ng lahi nitong mga 'to!


"He likes Josiehn." nawala ang ngiti sa mga labi ko at umirap.

I scoffed and crossed my arms.

"Obviously the girl likes you."

Kumunot ang noo niya. Nag-iwas ako ng tingin. I feel like his jealous girlfriend kahit wala namang kami. Nahihiya ako dahil dun pero nangingibabaw ang pagka-selos ko.

"She's our cousin. Her dad is my mom's cousin. Her mom is my dad's cousin." natigilan ako at umawang ang bibig ko.

Of course! Bakit hindi ko naisip iyon! Alcantara! Savanna Rosella Alcantara del Real! Of course Zawyn! Bakit ba ang boba mo?!

Napatikhim ako at unti-unting napaharap sa kaniya. He was smirking now, mukhang ang tanga-tanga ko nga sa paningin niya.

"Jealous huh?" he smirked and shook his head. Tumayo na siya at tumingin ulit sa akin nang nakangiti at umiiling na naglakad papunta sa pinsan.

Napa-awang ang bibig ko.

"Ang tahi-tahimik ko dito pero ang dami ko nang napapansin."

Inirapan ko si Lili.

"Damn him."

Kahit na medyo naiinis ako ay na-enjoy ko naman ang laro. We didn't win though the scores are very close to each other. It was just a friendly game too.

The whole team took a picture with the del Reals dahil nakilala sila ng coach. And then Savanna asked me if I wanted to have a picture with her, of course hindi ako tumanggi! Siya na ang nag-alok.

When we got outside ay nagpa-alam na si Lili, ang sabi niya ay pupunta pa siya sa trabaho niya, she's a working student at iyong amo niya ang nagbibigay ng scholarship sa kaniya.


Nagyayang kumain ng dinner sina Savanna at Kier, pinasama naman ako ni Van. Sariah, Josiehn, Alfre and Alfre's girlfriend are there too kaya hindi ko maiwasang mailang dahil ako lang ata ang outsider.


I had to text mom na hindi ako magdi-dinner sa amin dahil sunod-sunod na ang mga text at tawag niyang hindi ko pinapansin.







After UAAP ay balik na kami sa school, we didn't watch the other sports to be played this month, hindi na rin naman nanood sina Savanna.

"Hey! I want this necklace, Van!"

Lumapit siya sa akin at tiningnan din ang hawak-hawak kong necklace.

Tumingin siya sa staff at ipinakita ito.

"We'll take this."

Ngumiti sa kaniya ang staff at bahagya pang natawa o kinilig bago sumagot. Umirap ako.

"That's twelve thousand pesos sir, it can he transformed into a bracelet too, or an anklet, you just need to take this part and lock this." Lumapit siya kay Van para i-demonstrate kung paano iyon gawin, kaya mas lalong kita ang clevage niya kasi yumuyuko siya.

Mas lalo akong napasimangot at tumalikod.

"Ayaw ko na pala niyan."

Naglakad ako palayo at nauna nang pumunta sa isang brand store, leaving Van with the lady.

Ang landi-landi nun! Manhid ba si Van at hindi niya napansin na nilalandi siya nhng staff?!

I entered the store. Ang usapan namin ay pagkatapos ng klase, ililibre niya ako! Hindi kasama sa usapan na magpapa-landi siya!

"Welcome to Penshoppe, Ma'am!" Bati ng isang lalakeng staff na nakatayo sa entrance.

Hindi ko siya pinansin at patuloy lang ang paglalakad ko.

Pumunta ako sa may t-shirt section at pumili doon habang minumura pa rin ang staff. Gustong-gusto ko pa naman ang necklace na 'yun!

I picked two t-shirts that are aesthetically beautiful, two jogging pants at two perfumes na bagong release.

Pumunta ako sa cashier.

Wala pa si Van. Baka tuluyan na 'yung lumandi sa babaeng iyon.

"That would be fifteen thousand nine hundred and ninety-eight, Ma'am."

Kumuha ako ng cash at handa na sanang ibigay sa cashier nang may naglapag ng credit card sa counter.

Napatingin ako kung saan nanggaling iyon at agad namang napa-irap nang makilala kung sino.

May pinindot si Van doon sa ibinigay na machine ng babae at ngumiti nang natapos na.

Umirap ulit ako.

He looked at me, forehead creased. Nakakunot ang noo niya pero may bahid ng ngiti sa mga labi niya.

"Thank you sir!"ibinalik ng cashier ang card.

Matapos niyang ipasok ang mga pinamili ko sa paper bag ay inabot niya ito kay Van. She smiled and giggled.

"Ang cute niyo pong magkapatid."

Napa-awang ang bibig ko at parang na-offend.

Bago pa man ako maka-mura sa kaniya ay hinila na ako ni Van palabas doon. Pilit ko pang umalis sa pagkakahawak niya peor mas lalo lang niyang hinigpitan.

"Don't you leave like that again."

Hindi ako sumagot kaya  napatingin siya sa akin. Gusto ko nang umiyak, hindi ko alam pero naiinis ako.

"I was worried, Zalanna! If I didn't knew where you're going next, I'd surely be damn crazy."

Umirap ako.

"Whatever."

Matagal bago siya nakasagot.

"Don't be mad please. I bought your necklace."

Pinakita niya sa akin ang paper bag na may logo ng isang mamahaling favorite brand ko.






Van and I grew closer to each other. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin iyon but we're close. He still waits for me at the canteen so that we can have lunch together, he still takes me to Dasmariñas, our village, at sa tingin ko ay nasanay na ang mga estudyanteng nakakakita sa amin na magkasama.

Some would say na kaya kami close e, dahil magkakilala noon si Savanna at Klarisse, some would say that Van treats me as his younger sister but some would say that I am just another b*tch who wants to own Van.

But other than that ay okay na ako, kapag may nagtatanong ay sinasagot ko naman na magkaibigan lang talaga kami at naging close.

Wala rin namang masyadong umaaway sa akin, the school won't tolerate that, ako lang ata ang hindi takot na mapatawag ulit sa office.






Bumaba ako ng kotse, napansin kong may kaunting dirt ang kamay ko.

"Manong, pahiram ng panyo."

"Heto po miss." He gave me a white handkerchief, natigilan ako dahil sa design nito.

"Ang cute naman ng design!"

Embroidery kasi iyon. Flower.

"Tinahi ng anak ko para akin Miss."

Ngumiti ako at ibinalik na sa kaniya panyo.

"Anong oras ka po magpapasundo?"

"Itetext ko na lang."

Kumaway ako at pumasok na sa school. Pagtingin ko sa paligid ay napansin kong halos lahat ng mga babaeng naglalakad ay masama ang tingin sa akin.

Mga inggetera! Hmp!









"Zalanna? Tapatin mo ako." kunot-noo akong nag-angat ng tingin kay Maia na nasa harapan ko ngayon kasama ang mga alipores niya

"Kayo na ba ni Kuya Van? Palagi kayong magkasama." umirap ako at ibinalik ang tingin sa binabasa sa cellphone.

"Magkaibigan lang kami. He treats me as his younger sister. Bakit ba 'yan ang iniisip niyo?"

"Talaga?! Kung ganun walang kayo?"

Bobo ba 'to?

Nilapag ko ang cellphone sa mesa ko at nag-angat ng tingin sa kaniya.

"Wala nga!"

Pumalakpak siya at ngumiti bago umalis. Umirap ulit ako.

Admirer na naman ni Van 'yun ah. Biglang pumasok sa isip ko si Vanessa, hindi ko na siya masyadong nakikita. Alam ko naman na talagang hindi siya iyong tipo na gumagala-gala sa University at nasa room lang siya pero nababaguhan lang ako.

She cried daw sa kiosk infront of Van, I wonder what happened.






It was Valentines and the SSG planned an event. Maraming booths and such. I can't contact Van to be with me this day dahil hindi naman niya obligasyon na samahan ako palagi.


"Ano namang gagawin natin?"

"Wala lang! Gagala lang sa University at mag-try ng mga booths."

Nakakunot pa rin ang noo niya. Nanatiling kuryuso ang tingin na parang naguguluhan pa rin. I rolled my eyes.

"Ililibre naman kita! I am just so bored and I want someone to be with me-"

"E, si Lili?"

"May date siya. Naol!" I rolled my eyes.

Napakamot siya sa ulo niya.

"E, ka-date ko si Angelica e." Nag-taas ako ng kilay.

Seems like no one's gonna be with me. Tumanho ako at umirap.

"Bahala ka nga! Mag-date ka dun! Mga traydor!"

Umalis akong nakasimangot. They are so unfair! May date sila tapos ako wala!

Napadpad ako sa mga benches and then I saw a hotdog and burger stall kaya bumili ako ng isang burger at isang softdrinks.

Umupo ako sa bench nang naka-idian style dahil naka-jeans naman ako. I scrolled through my phone while sipping on the softdrinks when someone stood infront of me.

Nag-angat ako ng tingin pero kumunot din ang noo ko dahil hindi ko sila kilala.



"Miss Zalanna." From the structure of their bodies to their choice of clothes, I can tell that they're Seniors. Tatlong babae silang naka-suot ng pula.




Umupo ang isa sa tabi ko, may mahaba at maalon na buhok at morena.

"We are currently incharge for the wedding booth at hindi pa masyadong marami ang pumupunta. Maybe you could go there and bring your boyfriend? Mura lang."

Agad akong umiling. "Wala akong boyfriend."


She rolled her eyes but she stopped halfway maybe because she realized that I am here infront of her.

She smiled at me.

"Si Van del Real-"

"Oh, we're just friends, he's my tutor too. Hindi ko boyfriend si... KUYA." diniinan ko ang word na kuya. Gustong-gusto kong umirap!

Namilog ang mga mata niya at napa-'oh'.

"Oh, okay!" she sounded a bit hyper and then stood up. Agad siyang dumalo sa mga kaibigan na may ibinulong sa kaniya.

"'yun kasi ang narinig ko sa mga classmates ni Van."

"Ang bata bata pa nung Monetenegro kaya imposible talaga!"

"Sorry naman!"



Napa-irap ako. Sabi ko na e! Mga admirers na naman ni Van! Mga chaka! Panis ang diskarte!


I finished my drink and burger and took a stroll. Tiningnan ko isa-isa ang mga booths, yun nga lang, ang boring.

Napadpad ako sa wedding booth at nakita si Jason na kinakasal dun sa isang babaeng payatot naman. Nakasimangot pa si Jason. I bet he didn't want this. Napilitan lang talaga ito. Hindi yun type ni Jason, ayaw niya sa payatot. Gusto niya, malusog.


Napunta din ako sa Blind date, titingin lang ako, at dahil kakilala ko yung bakla na nagbabantay ay nakapasok ako kahit walang partner.

"Dalian mo te, ako malalagot sa President."

I scanned the whole place, may tatlong division iyon at may mga bi-na-blind date sa tatlong iyon.

Wala si Van.

"Sino bang hinahanap mo te?"

Sumuko na ako at huminga nang malalim. Ngumiti ako sa kaniya at umiling.

"Wala."

Napadpad din ako sa mga stalls na nagtitinda ng pagkain. Napadpad din ako sa photo booth at nagpa-picture nang mag-isa. Kung nandito lang si Lili ay masaya kaso may ka date nga!

Sa huli ay napadpad ako sa Movie booth. Kanina pa nagsimula ang pinapalabas na movie nila at hindi ko naabutan, mamayang hapon pa ang susunod.

Sa kasamaang palad ay mga anti-Klarisse ang nagbabantay kaya hindi ako maka-diskarte.

Kaya nakatayo lang ako doon habang pumipili sa dalawang movie na ipapalabas mamayang hapon.

The first one na ipapalabas mamayang ala una ay Just The Way You Are ang last is Me Before You. Ang pinapalabas ngayon is Titanic.

Paborito ko pa naman 'yun!


"Wala ka pa bang napipili?" Mataray na tanong nung isang nagbabantay na mukha namang unggoy.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagtitig sa tickets.

Siguro ay naputol na ang rope ng pasensya niya kaya bigla niya akong hinawakan sa braso at hinila palayo sa booth.

"P*nyeta, kung hindi ka naman pipili ay huwag ka nalang pumunta dito-"

"What the shit is wrong with you?!"




"Zalanna!" Nagulat ako nang makita si Van na dumalo sa akin. Nanlaki din ang mga mata nung humawak sa akin.

"V-Van-"

"What's happening in here?"

"I just wanted to pick a ticket for a movie, bigla-bigla lang siyang nanghahawak at nagmumura!" Tinuro ko ang babaeng mukhang unggoy na namumutla na ngayon.

Nang tumingin si Van sa kaniya ay para siyang napatalon sa gulat.

"A-Akala ko k-kasi hindi siya pipili-"

Dumalo na rin ang dalawang kasama niya at pilit siyang pinapakalma.

"I went here peacefully and not inteding on doing anything wrong with you, ikaw lang ang bigla-biglang nagagalit." Nanlaki ang mga  mata niya.

"I... I... I..."

"Kanina ka pa ah! Nag-try lang akong magtanong kung pwede bang pumasok kasi favorite movie ko yun, nag-taray ka na kaagad-"

"Zalanna... Calm down." Mariing pagkakasabi ni Van na nakapag-patigil sa akin.


Masama pa rin ang tingin ko sa babaeng nakayuko na ngayon.

Mabuti na lamang at ang movie booth ay malapit sa building kaya walang masyadong tao ang dumadaan, naka-separate kasi ito sa iba pang mga booths at stall na nasa kiosk.

"We will watch your favorite movie in the cinema, Zalanna, you can't watch it for now-"

"That's not my problem, Van! My only problem here is that this girl hates me for no reason...If you hate my Mom, huwag mo akong idamay-"

Hindi ko na nagawa pang dugtungan ang mga pinagsasabi ko dahil hinila na ako ni Van palayo.

"Nasa kalahati palang ang movie, V-Van-"

"I won't finish it."seryosong sagot niya sa unggoy.

Nagpupumiglas ako pero mas humihigpit ang kapit niya sa akin.

"Ano ba, Van?!" Tumingin ako sa likod namin at nakita kong umiiyak na ngayon iyong unggoy na dinaluhan naman ng mga tarsier niya.

I smirked.

"Balik ang mata sa daan." Napasinghap ako sa seryosong pagkasabi niya nun kaya sumunod nalang din ako.

"I'm sorry about-"

"When will you ever learn to be not hard-headed, Zalanna? I told you to stop with the catfights-"

"I did!"

He scoffed and chose not to answer me. Pagkatapos nun ay hindi na siya nagsalita.

Umirap ako at nag-iwas na lang ng tingin habang hawak-hawak niya pa rin ako sa braso at hinihila ako papunta sa open ground.

Hindi pa rin bumabagal ang mabilis na tibok ng puso ko dahil sa nangyari kanina, hindi parin humuhupa ang galit ko kaya tumitingin-tingin na lang ako sa paligid nang matigilan ako.

May nahagip ang paningin ko sa may puno na nasa likod ng bench na malapit sa amin.

Parang may nagmamasid sa amin. Tumingin ulit ako sa punong iyon pero ang naabutan ko ay isang babaeng nakasuot ng jacket na may number 43 sa likod at jeans na tumatakbo palayo doon.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Bigla akong kinabahan.

What the hell?

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro