Chapter Fourteen

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Fourteen

After graduating Van was able to become an apprentice in Cebu. I continued my study in Architecture.

He would always call me lalo na't magkalayo na kami. Umuuwi naman siya ng Manila pero kapag may day off lang o may chance.

I thought he would go schooling immediately and work International pero Inter-island lang daw muna siya.

Of course I'm happy! Who wouldn't? Mayaman na naman sila ah? He wouldn't need the money he would get when work international.


He wasn't able to be with me when I graduated since hindi siya pinayagan ng kapitan nila. Caleb was there, siya pa ang katabi ko sa pictorial. Ew!

Though Van didn't mind it, after all, sasabihin na namin sa Mama niya na kami na. 

I didn't instantly work at the company, I asked mom if I can be a Real-Estate Agent since parang gusto ko iyon kaysa sa pagiging architect but she didnt let me.

She just gave me a year para magpahinga bago magtrabaho sa kompanya.




"There's noodles at the canteen, pwede tayong bumili."

I breathed heavily and just nodded. Tumutulo na ang pawis sa noo ko dahil sa sobrang init, mabuti na lamang at pinayagan siya ng kapitan nila na daluhan ako dito sa labas.

He would sometimes take me here, in his work at isasama ako sa byahe papuntang Bacolod o minsan ay sa ibang isla ng Pilipinas. But so far ang nasamahan kong byahe niya ay Negros bound lahat.

Umalis siya saglit para pumunta sa canteen na nasa ibabang deck. Dumadating na ang mga pasahero pero kaunti lang sa deck na ito dahil business class ito, karamihan ay nasa economy.

Pinapaypay ng hangin ang buhok ko dahil hindi ito aircon. Jusmiyo! Nung una kong punta dito akala ko iyong barko na glass ang windows ang sinasakyan niya.

But not bad, ang sarap din naman ng maalat na hangin, sinisira nga lang ang buhok ko.

I read the Letters on the frame of the bridge's door.

LSA Transport

Van said that this was owned by Joshien's family, founded by her Grandmother Eleanor o Leonora ba 'yun? His father was the former CEO of this at hindi ko alam kung bakit ngayon ay na kay Louis Rafael Alcantara na ito.



I played with my phone while feeling my stomach's plea. Ginugutom ako t*ng*ina! Akala ko pa naman kasi makakakain pa ako doon sa McDonald's malapit sa pier, e nag bo-board na pala sila!

May lalakeng tumabi sa akin na agad ko namang tiningnan at sinamaan ng tingin.

"Excuse me, we payed for three seats, this, this and that one you're seating."

He only looked at me. Sinasayaw ng hangin ang wire ng earphones niya, naka-shades pa siya at naka-maong na jacket. He has tattoo on his right neck and he looks like a drug addict.

"Wala namang seat number ngayon dahil maluwag sa deck na ito. Huwag kang mag-inarte!"

I was offended because of that.

Tingin ko ay namumula na ang dibdib at mukha ko sa galit. I am wearing a black  puffed sleeves crop top and maong high waisted pants, my hair is not tied but I put it into curls at ang shades ko ay naka headband sa kin.

Kung hindi lang dumating ang mukhang crew ng barko ay sisigaw na sana ako. Buti na lang at mukhang napansin nun na naiirita na ako kaya pinaupo niya na lang sa ibang seat.

"Pasensya ka na doon, Miss. Regular na pasahero iyon dito at hindi naman manyak. Kaya huwag kang mag-alala." Ngumiti siya at dumeretso na sa Bridge nila.

I scoffed and rolled my eyes. Hindi manyak?!


"What happened?" Dumating si Van na may dalang cup noodles, burger at bottled water. Agad akong na-excite sa dala niyang pagkain kaya pinaupo ko kaagad siya sa tabi ko.

Natigil nga lang ako sa agarang pagkain nang may maisip.

"Where did they buy these? Sa mall ba? At itong burger? From what restaurant did they buy this burger? And the bottled water?"

Ilang beses na akong sumakay kasama siya pero hindi pa ako nakakabili sa canteen nila since I would buy from Mcdo nearby ngayon lang talaga dahil natagalan ako sa byahe papunta dito.

Huminga nang malalim si Van at kinurot ang ilong ko.

"Ouch!" Sinamaan ko siya ng tingin.

"Just eat. I made sure they're safe for you."





Mabuti at hindi ako nabagot kakahintay sa kaniya. Pagdaong namin sa kabilang Pier ay agad namang napuno ng pasahero ang barko, hindi ko alam kung bakit o anong araw ngayon basta marami sila. Kaya ang ending ay doon na ako pinaupo ni Van sa bridge.

It was ordered by his Captain though, so no problem.

Yun nga lang, panay ang sita ni Van sa akin dahil nag-iinarte daw ako. E paanong hindi e ang oily ng wall sa bridge, tapos hindi pa niya ako pinapatayo para mag-take ng picture. Kaya nakasimangot na umupo na lang ako sa likod niya.

Biglang may pumasok na babae, agad ko itong hinagod ng tingin dahil sa kaniyang suot na rusty dress na hanggang tuhod. Maputi siya pero mas maputi ako at mas makinis. Ang pandak niya!

Ngumiti siya sa kapitan at may sinabi. Pagkatapos ay dali-daling lumapit kay Van nang nakangiti. Napansin niya ako sa likod nito kaya natigilan siya at parang nag-taka.

"V-Van!" Tumingin na siya kay Van pero halatang naguguluhan pa rin.

"Pinapatawag ka ni Papa sa ibaba. Magpapatulong daw siya doon sa inaasikaso niya, on leave kasi si Nomar, kulang ng isang crew doon." Sabi nito habang palihim na tumitingin sa akin.

I was staring at them intently with an eyebrow raised.

Tumango si Van at agarang humarap sa akin.

Sumimangot ako sa kaniya.

"This will be quick. The Chief Engineer needs me." Umirap ako at tumango bago humalukip.

"Balik ka kaagad."

Tumango  siya at hinalikan ako sa pisnge bago nagpa-alam sa kapitan na nasa wheel at umalis na.

Nanatiling nakatayo ang babae sa harapan ko, nakatitig na parang nagtataka sa presensya ko.

Namg lingunin ko siya ay nanlaki ang kaniyang mga mata at bahagyang nag-panic, pero binawi niya sa ngiti.

"H-Hi!" she stuttered and went near me.

"I am Angeline! The Chief Engineer's daughter." She held her hand out to me, tinitigan ko ito. She smiled sweetly at me. Ewan ko kung may toyo ba siya pero hindi niya ba napapansin na wala ako sa mood?

But I smiled and accepted her hand.

"Zalanna. Giovanni's fiancè." Diniinan ko amg fiance na word. Parang gulat na gulat siya na halos nahigpitan niya ang hawak sa kamay ko. Kahit na bumitiw na ako sa hawak niya ay nanatili sa ere ang kamay niya.

Nag-iwas ako ng tingin at doon siya tumikhim. She nervously chuckled and bowed, said her Papa needed her then left immediately. Tumingin sa akin ang kapitan at nang tingnan ko ay umiling at ngumiti siya.

Bukas ay day-off ni Van kaya sasamahan niya ako pabalik ng Manila.





Madaling naubos ang isang taon na pagpapahinga ko, ngayon ay nasa kompanya na ako nagta-trabaho. Si Van naman ay isa nang official crew ng barko nila. Sa susunod na taon ay magsco-schooling siya para tumaas ang rank niya.

Nagbuga ako nang malalim na hininga habang nakatitig sa plates ko nang biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Lorie na nakasuot ng all black na jumpsuit, may dalang Chanel na bag, may malaking hat sa ulo at malalaking sunglasses.

Hinagod ko siya ng tingin at inirapan. Umupo siya sa harap ko at madramang nagbuga ng hininga.

"Zaly! Galing ako sa Makati at nakita ko si Timothee! Mukhang papunta sa Forbes Park!"

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagd-design lalo na't dadalo si Mommy mamaya sa presentation.

"I am so stressed right now! I need to sleep in your condo!" Madali akong nag-angat ng tingin at umiling.

"No! You can't." Simula nung nagsimula na akong mag-trabaho dito ay bumili na ako ng condo, hindi pa kami masyadong okay ni Mommy kaya umalis ako ng bahay. Wala naman siyang salita sa akin kaya wala na akong pakialam.

Tanging sa trabaho na lang kami nagkikita at nagkaka-usap minsan.

"Ang arte nito! Hindi na ako susuka doon!"

Umirap ako.

"You can use my credit card, bumili ka na lang ng condo katabi ng sa akin huwag ka lang pumunta sa condo ko!"

She stopped and smiled widely.

"Really?! You're buying me a condo?!"

"No." Supladang sagot ko. "The condo will be under my name, pinapahiram ko lang sa'yo. Two bedrooms only, sa tower ka namin bumili."

Umismid siya.

"Sige na nga. At least! Cheque na lang ang ibigay mo!"

Nagpirma kaagad ako ng cheque at ibinigay sa kaniya para maka-alis na siya. Masaya niya itong tinanggap at hinalikan ako sa pisnge bago umalis.

Tiningnan ko ang mga nasa labas ng office ko na agad tiningnan si Lorie na umalis.

Hay. I missed Lili.




Natapos ang presentation ko nang maaga, agad itong pinatapos ni Mommy dahil maraming mali sa design ko.

Masama na rin ang timpla ko dahil sa mga tanong ng board. Ughh! Bakit ba hindi ako pwedeng maging CEO agad?!

Umuwi ako ng condo kahit na sinabi ni Mommy na sabay kaming mag-dinner. I parked my car on the basement and went to the front desk to ask for the papers para sa condo na binilis ni Lorie. Pagkatapos ay dumiretso sa elevator para makapunta na sa condo ko.

Pagpihit ko ng doorknob ay kumunot ang noo ko nang mapansing hindi ito naka-lock. Agad sinakop ng kaba ang puso ko at kahit malakas ang tambol nito ay pumasok ako nang marahan.

Naririnig ko ang T.V. mukhang may tao sa sala. Sinabit ko sa wall grid ang susi at marahang naglakad papunta doon.

The first thing I saw was the light from the tv, changing colors from time to time, madilim kasi dahil hindi naka-on ang mga lights. Maingat akong naglakad. Naroon pa rin ang kaba sa dibdib.

Sa pagliko ko ay laking ginhawa ko nang makita ang pamilyar na taong nakaupo sa sofa.

Suot niya pa ang uniform niya, ang cap ay nasa tiyan habang nakapikit ang kaniyang mga mata.

He has a duplicate of my condo's key.

Palihim akong napangiti habang marahang naglakad papunta sa kaniya.

"Van." Niyugyog ko ang balikat niya nang marahan, madali lang rin naman siyang nagising.

"Hmm." He smiled a bit. Umayos siya ng upo at pinagapang ang kamay papunta sa likod ko,  bahagya akong tinutulak palapit sa kaniya para mayakap siya.

I giggled and pushed him a bit.

"Magbibihis lang ako." Umiling siya at agad na  binitawan ako. I stood up, sumunod naman siya. I stopped walking when I didn't hear his footsteps, paglingon ko, nakatigil na siya.

"Ahh..." Kinalmot niya nang marahan ang noo. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ano?"

"Alfre invited me to have dinner with them. Joshien and my sister are with him. And Mama and Papa will be on another table. Ahmm... is it okay if I invite you too?"

Kumunot ang noo ko at nanatiling malamig ang ekspresyon. Hindi pa namin nasasabi sa kanila dahil naghahanap pa kami ng magandang tiyempo. Pero siguro ito na ang tamang panahon.


"I'm ready to tell them."

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro