Chapter Sixteen

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Sixteen

Umuwi na si Vanessa.

Pero naroon pa rin ang hindi maintindihang damdamin sa dibdib ko. Naiinis na kinakabahan ako.

I know that Van loves me but I just can't help but feel threatened. Vanessa and Tita Sav seems very close to each other.

And knowing that Angeline is her friend mas lalo lang akong naiinis dahil baka may hindi ako nalalaman!

Hinatid ako ni Van pauwi ng Manila. Tahimik lang ako buong biyahe which is very unusual since I am bubbly and talkative everytime. Wala lang talaga ako sa mood ngayon.

"I didn't know about Vanessa, love,"

Mahigit limang minuto na kaming nasa daan at ngayon lang siya nagsalita. Hindi ko siya inimik at nanatiling nakatingin lang sa cellphone ko.

"And Mama didn't know too."

Patuloy lang ang pag-scroll ko sa Instagram, panay naman ang post ko ng mga sceneries na walang kwenta ang mga caption. Naghahanap lang talaga ako ng palusot para hindi siya mapansin.

Manigas ka diyan!

"Love,"

"Zal."

Hindi ko talaga siya pinansin buong biyahe, hanggang sa tumahimik na lang siya at ako naman ay nalunod na rin sa pagpopost sa social media ko.

Tumigil kami dahil sa traffic kaya nagsalita siya ulit.

"There's nothing between me and Vanessa, Zal. If that is what you are thinking."

Natigil ang mga kamay ko sa pagsco-scroll nang makita ang isang shared post sa FB. Shared post ito ni Perseus na galing kay Vanessa. Ang post ay isang babaeng may dalang chocolate, nasa loob siya ng sasakyan at ang background ng chocolate ay ang steering wheel but a part of the windshield was seen at hindi iyon tinted kaya kita kung ano ang nasa harap.

Uminit ang ulo ko nang mapagtantong ang gate nina Van ang nakikita ko! May pangalan pa sa may haligi ng gate. Written in golden bold letters.

del Real

And her caption just made me even more angry. Patang gusto kong manakal.

Off to my boyfriend's house.

"T*ang*na mo!"

I spat at him angrily.

"Why would I believe you?! May past kayo ni Vanessa! I know she was the first girl you love! Umamin ka Van!"

Kumunot ang noo niya at nagbuga ng malalim na hininga.

"We don't have a past, Zal. We were just friends. I never had a relationship before you-"

"Hah! Huwag mo akong lokohin! Don't tell me you don't know about Angeline! She's Vanessa's friend!"

Kumunot ang noo niya at tumingin sa harap dahil green light na, pero ako hindi pa rin ako tumitigil.

"Ano?! Sagutin mo akong p*tang*ina ka-"

"Watch your mouth Zalanna." He seriously said but that didn't stop me.

"You know Angeline right?! Alam mong kaibigan siya ni Vanessa-"

"Yes!"

He stopped the car beside an empty lot. His hand is still on the wheel and he's not facing me kaya mas lalo lang akong nainis.

"P*tang*na mo! Why didn't you tell me?!" Sinapak ko siya sa batok kaya napatingin siya sa akin.

"It's nothing important why do I need to tell you?"

Nanlaki ang mga mata ko at mas lalong nainis. My jaw clenched. I felt offended.

"It's nothing important? You call that not important?! I am your girlfriend for your ass' sake Van! Alam mong may koneksyon siya kay Vanessa!"

"Yes, I know."

Sinabi niya iyon na para bang hindi iyon malaking kaso.

Sinuntok ko siya sa balikat niya.

"F you!"

Umirap ako at nag-iwas ng tingin. Humalukip at hindi nalang umimik. Napapagod na ako sa kakasigaw sa kaniya.

This is not our first time fighting but this is by far, the most tiring fight.

"Why are you so angry about it? I didn't need to tell you because Vanessa's just nothing to me. You are what matters to me. She's not important so I didn't pay any attention to what she's doing or to her friend."

"So alam mo nga? Noon pa?!"

"Alam ko. But I didn't give a damn. Why would I? My attention is all yours."

Natigilan ako sa sinabi niya. Kung kanina ay halos sumabog na ang ulo ko sa inis ngayon naman ay bigla akong naguluhan kung magagalit pa ba ako o hindi.

P*tang*ina.

T*ang*na mo talaga Van!

"Hey." Sumimangot ako at iniwas ko ang mukha kong hinawakan niya. Hindi ako magpapadala sa kalamdo niyang boses.

"Don't be angry-"

"Paanong hindi! Alam mong hindi lang niya kaibigan si Angeline! She must be her spy!" I angrily yelled at him.

Pumikit siya at nagbuga ng malalim na hininga. Hinilot ang sentido natatawang umiling.

"Nirereport niya lahat ng mga whereabouts mo sa Vanessang iyon! Baka pati pagkaligo mo nirereport niya! Pati brand ng brief mo nirereport niya! Why are you so—my gosh!!!"

I dramatically closed my eyes and massaged the bridge of my nose. Napamulat ako ng mga mata nang marinig ang malakas na tawa ng katabi ko.

Kumunot ang noo ko at sinamaan siya ng tingin.

"May nakakatawa don? Ha? May nakakatawa?"

Patuloy pa rin siya sa pagtawa, nakahawak sa tiyan niya at parang baliw na hindi makahinga.

Nagtaas ako ng kilay at hindi na lang siya pinansin. Umirap ako at tinapunan siya ng masamang tingin.

Naluluhang tumigil siya sa pagtawa at nakangiting humarap sa akin. He chuckled at my expression and pinched my nose.

Iniwas ko ang mukha ko ay sinamaan siya ng tingin.

"Ang cute mo." nanggigigil na sabi niya.

Umirap ako.

"P*tang*na mo!-"

Nanlaki ang mga mata ko nang sa isang kisap ay lumapit ang mukha niya sa akin, his hands snaked to my neck, pushing my face closer to him.

His lips didn't move pero nang bumitaw siya ay dinilaan niya ang labi niya in a very sensual way.

Halos uminit ang psinge ko.

Sa gulat ay hindi ako nakagalaw, hindi ako naka-recover agad! It was just a smack, but damn!

Shet! This is not the first time we've kiss but this is the first time he initiated it.

"T*ng*na mo rin."





Pagdating ko sa condo ay agad akong nakatulog sa sofa dahil sa pagod, nagising na lamang ako sa tunog ng cellphone ko.

I groaned and forced to get up. Tiningnan ko ang wall clock at napagtantong alas diyes na ng gabi. Inis na kinuha ko ang cellphone at nakitang si Merill iyon.

"Ano?!"

Nakarinig ako ng kaluskos sa kabilang linya at  malakas na tugtog. Kumunot ang noo ko.

"Hoy Ahas!"

"M-miss Zalanna-"

"Ano na namang kailangan mo?"

"Si Madame kasi, naglalasing dito sa bar," Nag-taas ako ng kilay.

"Oh, anong pake ko? Bahala siya kung makahanap siya ng iba diyan. She doesn't deserve dad-"

"May malaking problema po ang kompanya,"

Natigilan ako at hindi napigilan ang pag-init ng ulo.

"Na naman?! Ano na namang ginawa mong ahas ka?! Nakipagsabwatan ka na naman sa ibang kompanya para nakawan kami?!"

Nakarinig ulit ako ng mga sigawan at ang mahinang pagsaway niya kay Mommy na siguro ay wala na sa sarili ngayon.

"H-hindi po miss-"

"Hindi ko alam kung bakit kinuha ka pa ni Mommy ulit eh! Alam naman niyang malaki ang naging kasalanan mo sa kompanya-"

"Your Mom needs you right now, Miss Zalanna. Huwag po muna ako ang atupagin niyo. Ite-text ko po ang address ng bar, pakipuntahan po siya."

"Wha-"

Bago pa ako nakasagot ay binabaan na niya ako. Napatitig ako sa screen ng cellphone ko.

"Bwesit!"

Maya-maya ay dumating ang text niya.

Kaya naman dali-dali akong nag-bihis ng itim na dress na hanggang tuhod ko. Hapit na hapit iyon sa aking katawan pero wala na akong pakialam kung magagalit si Van. Tanging dala ko lang ay ang cellphone ko at ang credit card na nilagay ko sa loob ng case ng cellphone ko.

I quickly drove to BGC para hanapin ang bar na sinasabi niya.

I don't really go to bars since pinagbabawalan ako ni Van. Minsan lang kapag nandiyan siya o kung may mga mini reunions kami ng batchmates ko.


Pagdating doon ay agad kong pinark ang sasakyan at dali-daling pumasok. Natagalan pa dahil sa mga nakapilang tao.

"Excuse me! I'm in a rush, pwedeng mauna?!"

Hindi ako pinansin ng mga tao doon at tiningnan lang ako.

Abay mga P*ta!

"Hey! Are you listen-"

"Zalanna!"

Paglingon ko sa likod ko ay nakita ko si Caleb na nakasuot ng white t-shirt at black jeans. His hair is a bit disheveled, nilalaro niya ang susi ng kaniyang sasakyan. Umikot ang mga mata ko.

Pangit pa rin!

I stepped forward kasi ako na ang susunod pero hinawakan niya ang kamay ko at sumabay na sa akin, hindi naman naka-alma ang bouncer dahil siya ang may-ari ng bar.

"Ano ba?!" Nandidiring hinila ko ang braso ko.

"We need to talk! After how many years ngayon lang kita nakita ulit!"

"Caleb pwede ba? I didn't come here to have fun. May importante-"

"What happened Zalanna?! Hindi mo ako sinasagot dahil kayo na pala nung del Real na yun noon! At todo tanggi ka pa eh kayo na ang laman ng media. Didn't you think of me?"

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Pwede ba Caleb. Napaka-oa mo!"

"You didn't reply to my texts, you didn't answer my calls, wala ka na sa bahay niyo. Tapos ngayon kayo na ni Van. Hindi mo ba alam kung gaano kasakit yun para sa akin? Umasa ako sa'yo Zalanna! We we're okay! Dahil pa rin ba ito sa cheating issue ko sa'yo-" pagod na nag-ikot ulit ako ng mata.

Kailangan ko pang sumigaw para marinig niya dahil masyadong malakas ang music ng bar.

"This isn't about it Caleb! I don't like you, isn't that enough for your pea brain to understand na hinding-hindi na kita babalikan?"

Suminghap siya at halatang gulat na gulat sa sinabi ko.

"Can't get over me ba?! Mahirap? Gusto mo tulungan pa kita? Please lang! Huwag ka nang manggulo! Kayo nalang nung Vanessang iyon!"

Dali-dali akong naglakad palayo pero hinila niya ulit ako.

"Ano ba-"

"Ganun lang yun?! Pagkatapos ng maraming taon, papaasahin mo lang ako?! Sana sinabi mo kaagad na ayaw mo. Umasa ako eh!" Galit na sabi niya habang humihigpit na ang hawak niya sa kamay ko.

"Sinabi ko naman ah? Ikaw itong mapilit!"

"Kasi-"

"Alam mo? Hindi ka naman gwapo! Mayaman ka lang kaya gwapo ka pero hindi talaga!"

He was totally shocked because of his expression. His eyes widened. Napasinghap pa siya sa sinabi ko kaya ginamit ko yung pagkakataon para makatakas sa kaniya at hanapin si Mommy.

Bwesit!

I saw Mommy after minutes of looking, nasa may counter siya walang ni isang katabi, maybe she paid for it, I don't know.

"Mom." seryoso kong tawag sa kaniya. She immediately turned around and her face lightened when she saw me. She's holding a bottle of tequila.

"Zalanna." she exclaimed.

Bumaba ang tingin ko sa suot niya. She's wearing a very showy dress. A black spaghetti one that is backless at hanggang sa tuhod lang iyon.

"What are you doing here?" galit na tanong ko sa kaniya. She hugged me tightly na agad ko namang pinutol kaagad.

She smiled but I can see sadness in her eyes.

"I just want to... escape."

"Ano na naman ang problema ng kompanya ha?"

Natigilan siya at pansamantalang tumitig sa akin na para bang ako ang sumira sa munti niyang kasiyahan dahil pinaalala ko sa kaniya iyon.

She drank from the bottle and offered it to me but I didn't take it.

She sighed heavily and smiled sadly.

"The Monteverdes are back, Zalanna. Ngayon bumalik na naman tayo sa fifth."

Natigilan ako. Vanessa.

"Many of our clients and investors backed out. We are losing the company."

"What did you do? I thought you have ways to-"

"Vanessa Monteverde is now the appointed CEO, Zalanna. At kung hindi ako nagkakamali, nagiging competetive siya dahil sa'yo."

She glanced at me angrily with a hint of anger in her tone.

"Ano na naman?! Kami na naman ang problema-"

"You know exactly how she liked Giovanni! Dapat talaga hindi na kita hinayaan eh!"

"And what now? Hihiwalayan ko si Van para diyan?! We can find ways, Mom!"

"I'm afraid I lost ways Zalanna. Vanessa Monteverde is quiet wise."

Nanatili iyon sa utak ko hanggang sa nakauwi ako sa bahay namin. Hindi na lang ako sa condo umuwi dahil walang dalang sasakyan si Mommy at kailangan ko siyang ihatid.

Hindi ako agad nakatulog kakaisip nun. I felt threatened. I am very scared right now. For the company and for me and Van. Vanessa just couldn't move on.

But Mom promised that she'll find a way for it. Tutulungan ko rin siya.



From love:

love, you went to a bar?

Ako:

Yes kinuha ko si Mommy naglasing :(

Madaling nakapag-reply si Van.

From love:

Caleb was there?

Ako:

he's the owner of the bar kaya nandun siya.

Kinakabahan na naghintay ako ng sagot mula sa kaniya. Pero lumipas na ang limang minuto at wala pa siyang reply, halos maubos na ang kuko ko sa kakagat.

Ako:

We did not talk.

Bahagya akong napatalon nang nag-ring ang cellphone ko. Pagtingin ko dito ay nakita ko ang nickname ni Van sa Instagram ko. He wants a video call!

Agad ko naman iyong sinagot. Madilim ang sa kaniya. Tanging parang ilaw mula sa lampshade lang ang nakikita samantalang ako, kitang-kita dahil naka-on ang ilaw

"We'll talk tomorrow."

Said his husky voice, nanlaki ang mga mata ko at bago paman ako nakasagot ay in-end na niya ito.

What the-

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro