Chapter 3

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

A/N: Ang hirap mag-English! Wag kayo magreklamo kung may wrong grammar

Cami's POV

Kakagising ko pa lang, nilingon ko si Alice na mahimbing na natutulog sa kama nya. Pumasok na ako sa banyo at naligo saka nag-sepilyo. Mahigit 30 minutes akong nanatili sa banyo, lumabas na ako dun at pumunta sa walk-in closet at nagbihis. Pagkatapos, kong magbihis, ayun, tulog pa rin si Alice.

"Hoy! Gumising ka na! P*ts*! tulog ka pa rin hanggang ngayon?!" sigaw ko sa tenga nya

7:00 am na, 8:00 am ang start ng enrollment. Hindi kami pwedeng ma-late, marami nang estudyante kapag late na, ayaw pa naman namin nang large groups or crowds.

"P*ny*t* Cami!" Sigaw nya rin sakin saka tiningnan ang kabuuan ko. "Buti naman tapos ka na, ang bagal mo"

Nagtataka akong tumingin sa kanya "Ikaw nga dyan ang di' pa nakaligo, ako pa ang mabagal?!" singhal ko, natawa sya

What the heck?!

"Kanina pa ko' tapos" aniya saka tinanggal ang kumot na nakabalot sa katawan nya. Tumumbad sa'kin si Alice, na nakabihis na.

P-paano nya nagawa yon?! Napaawang ako at muling tumitig sa kanya. Nakita ko sya na kumakain na ng sandwich na di ko namalayan kung saan nangaling.

"Kumain ka na, aalis na tayo" aniya saka isinenyas ang tray na nakapatong sa higaan nya.

Tch. Matalino din ang isang to. Bahagya akong natawa at kumuha na rin ng sandwich at kinain yon, pero halos maluwa ko ito nang nalasahan ko ang jelly!

"H-hoy! Ba't mo kinain yan?!" Ani Alice. Niluwa ko ang part ng sandwich na nakain ko at deretsyong tumingin kay Alice. "Akin yan, iyon yung sayo" dagdag nya at itinuro sa'kin ang dalawang peanut butter sandwiches.

Allergic ako sa jelly, allergic naman si Alice sa peanuts. Kung pareho kaming kakain ng peanut butter and jelly sandwich, pareho kaming mamumula at mamamantal.

Mabilis naming tinapos ang pagkain at inayos ang mga gamit namin, doon kasi na kami sa dormitory ng school.

Maya-maya ay umalis na din kami at dumeretsyo sa school.

Alice's POV

Narating namin ang school ng 8:30 am. Medyo na late na kami kasi wala kaming makuha na taxi driver sa ganoong kaaga. Pagkadating namin sa school, sarado pa ang gate.

Tss. Sabi nila 8:00 am ang enrollment, late na. Wala pa masyadong tao, mangilan-ngilan lang ang nakikita ko.

"Pupunta muna ako sa banyo, hintayin mo ko" ani Cami saka tinalikuran ako at halos tumakbo na papunta sa harap ng isang bahay.

Sinalubong sya ng isang ginang. "M-miss, p-pwede po bang makigamit ng banyo, naiihi na po ako eh" tumango naman ang ginang at pinapasok sya.

Hindi na nahiya, kapal din eh. Pinagmasdan ko ang gate ng school. Hugis arko ang gate at nakalagay sa bandang itaas nito ang logo ng school. Valkyrie high... Tiningnan ko ang mapa na nakalagay sa gilid ng gate, nahati pala ang school na to' sa apat, elementary, high school, senior high school, at college. Malawak ang nasasakop ng school, nakita ko sa internet na hiwalay-hiwalay ang lahat ng part at may iba't-ibang principal.

Tumalikod ako at maglalakad na sana papunta kay Cami, nang may papel na pumunta sa mukha ko. Kinuha ko to saka pinagmasdan, birth certificate ito, tiningnan ko ang pangalan. Sarge Vincent Santiago

"M-miss! Sorry! Nilipad po ang mga papel ko" dinig ko na boses na galing sa harap ko. Itinuon ko ang atensyon ko sa kanya, lalake sya, kulay green at yellow ang buhok nya at green ang mata.

"Ikaw ba si Sarge?" Tanong ko, bahagya naman syang nagulat.

"P-paano mo nalaman?" Nagtatakang aniya, iniharap ko sa kanya ang papel na hawak ko. "A-ah, oo, ako nga"

Nginitian ko lang sya at inabot ang papel sa kanya, tinanggap nya naman ito. "Hoy, Alice! Halika na! Bukas na ang gate" dinig kong sigaw ni Cami, andun na sya di malayo sa gilid namin.

"Mauna na ko" paalam ko kay Sarge

"S-sige" lumunok sya muna "Sorry ulit miss"

"Okay lang" nginitian ko sya, ginantihan nya din ako ng ngiti.

"Alice!" Sigaw uli ni Cami

"Eto na!" Sigaw ko rin, tinalikuran ko na si Sarge at pumunta sa gawi ni Cami

New character's POV ( Nix )

Nandito ako ngayon sa ilalim ng puno sa loob ng campus. Nakatira ako sa dorm sa loob ng school kaya nandito na ako agad habang ang ibang mag-eenroll ay nasa labas pa.

Paulit-ulit kong tinitipa ang gitara ko at tumingin sa kawalan. Ang tagal na nating hindi nagkita, bakit hanggang ngayon kumakapit pa rin ako, samantalang ang tagal mo nang bumitaw?

Nanagilid ulit ang luha ko sa naisip ko. Ayaw na kitang isipin, pero hindi ka mawalawala sa isip ko.

Tinipa ko ulit ang gitara ko at nagsimulang kumanta

Sana sa tagal ng panahon, naalala mo pa ako...

Maya-maya tinapos ko ang pagkanta at tumingin muli sa kawalan. Paborito nya ang kantang ito kaya nang umalis sya ay kinakanta ko na to halos araw-araw, nakabisado ko na nga ang lyrics. Pero di ko na alam kung eto pa rin ang paborito nyang kanta...

Babae ang kumanta nito, kahit lalake ako, nababago ko ang boses ko. Kaya kong maging boses babae.

RIIIIINNNNNNGGGGG!!!!

Tumunog na ang bell, hudyat na magsisimula na ang enrollment. Tumayo na ako at pumunta sa principal's office para mag-enroll. Mabilis itong natapos kaya bumalik ako ulit sa punong pwinestohan ko kanina.

Bago pa man ako makalapit, natigilan ako nang may nakita akong nakaupo sa ilalim ng puno. Umubo ako kaya napalingon sya sa gawi ko. Natigilan ako nang makita ko ang mukha nya.

E-eto kaya sya? P-paano? Kelan pa?

Nanatili akong nakatayo habang bahagyang nakayuko kasi nakaupo pa rin sya sa bandang ugat ng puno.

Tumayo na sya at pinagpag ang puwetan nya at deretsyong tumingin sakin. Walang salita syang lumayo sa gawi ko at pumunta sa kasama nya.

Pinagmasdan ko sya habang lumalayo hanggang makarating sya sa paroroonan nya. Nanagilid ang luha ko nang may lalaking lumapit sa gawi nila at nakipagusap sa kanya.

Kaya pala hindi ka na bumalik sa'kin, kasi may iba ka na.

Sabay-sabay silang tumungo sa gawi papunta sa principal's office.

Nasasaktan ako ng sobra, pero hindi ko magawang magalit.

Alam kong hindi mo ako ipagpapalit. Alam kong babalik ka muli sa'kin.... Alice.

~To be continued~

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro