Chapter 5

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

A/N: Ang part ng story na ito ay ginanap sa United States pero since nahihirapan ako mag-English ay Tagalog nalang ito.

                              -KitsuneShinobou 💜




Ryan's POV

Nandito kami ngayon sa kotse namin, papunta kami sa adoption center para kunin yung batang inampon namin.

5 magkakapatid, kulang pa ba yon at kukuha pa ng isa?

"NO!!!!!"

Napahinto si Mark sa pagmamaneho saka lumingon sa bintana, nandito na kami sa adoption center at magpa-parking nalang kami. Dali-dali akong lumabas ng kotse at tumakbo papaunta sa narinig kong boses.

"Get back here!" Rinig kong tawag ni Sister Cecilia, yung madreng taga-pangalaga ng center.

BLAAAAGGG!!!

May nabangga akong bata, purple ang buhok nya. "Get out of my way, Akuma!" Sigaw nya sakin saka sya tumakbo papalayo sakin.

Sa lahat ng Japanese words na pwedeng matutunan, yung Akuma pa talaga?!

Translation: Demon

"Yukina, get back here!" Si sister Cecilia

"Kathreene, operation 506!" Sigaw ni Purple kay pink. Tumakbo si pink papunta kay purple at kumuha ng tape sa pocket nya at pinagdikit ang katawan nilang dalawa at binalot ang kabuuan ng 2 layer ng tape.

"YOU'LL NEVER SEPARATE US!!!" Sigaw nilang dalawa na sa sobrang taas ay muntik nang mabasag ang salamin ko.

Lumapit ako kay sister "Sister, what's going on?" Tanong ko

"Are you Mr. Shidoshi T. (Takumi) Mcartney?" Tukoy nya sa tatay ko.

"No. I'm his son, Ryan" pakilala ko.

"Anyway, please help me deal with these two, it's exhausting having to chase them all day" tumango lang ako at saka binunot ang kutsilyo sa pocket ko, saka sinugod ang dalawa.

Bago pa man ako makalapit, may humila sa kamay ko. "Ryan, what are you doing?!" Si Mark

"Relax" binitawan nya ako kaya nagpatuloy ako sa paglakad. Tiningnan ko yung dalawa na bakas ang takot sa mukha. Lumuhod ako at saka pinutol ang tape na nakabalot sa katawan nila.

Matagal nila akong tinitigan at saka sila lumuhod sa harap ko.

~To be continued~

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro