CHAPTER 1

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

EIYAH P.O.V.

"Eiyah gising na!!" Sigaw ni tita, kaya napabalikwas ako ng bangon dahil sa sigaw niya.

"Tita naman ang aga pa eh." Reklamo ko at nagtalukbong ng kumot.

"Anong maaga, 6:30 ang pasok mo 7:00, maaga pa ba yan!?" Agad naman akong bumangon pagkarinig ko non.

"Tita bakit di niyo po agad ako ginising, male-late na ako eh!" reklamo ko.

"Abah, at ako pa ngayon ang may kasalanan? Bilisan mo na at mag almusal ka na, bilisan mo mag ayos diyan, male-late kana." Sermon niya sa akin, pagka sabi niya no'n ay agad siyang lumabas ng kwarto ko, agad naman akong nag-ayos para sa unang klase ko. Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako para mag almusal.

"Oh Eiyah bilisan mo nang kumain at mahuhuli kana." Utos ni Tito.

"Opo toh." Tanging sagot ko. Binilisan ko nang kumain kahit nagkanda samid-samid na ako. Nang matapos na akong kumain ay agad akong nagpaalam sa kanila na papasok na.

"Eiyah mag-ingat ka." si Tita.

"Opo Tah alis na po ako, kay male-late na talaga ako." Paalam ko, bumeso naman sa akin si Tita at Tito bago ko simulan ang pagpidal ng bike ko. Oo nag babike lang ako kapag pumapasok o kahit saan man pumunta dahil ayaw kong laging may kasama kahit na sinasabi nila Tito at Tita na magpahatid na lang ako sa driver namin ay hindi pa rin ako pumapayag hanggang sa nasanay na sila sa akin. Ngayon ay grade 10 na ako at grade 7 ako dumating kayla Tito at Tita, wala na kase akong mga magulang namatay sila sa isang aksedente na sariwang-sariwa pa sa aking isipan, ikaw ba naman masaksihan mo ang ganong pagkakataon kung hindi ka matruma, binilisan ko ang pagpidal ko hanggang sa makarating ako sa school ko, dali-dali kong pinarada ang bike ko at patakbong tinahak ang main building para hanapin ang name ko, hanggang sa di inaasahang pagkakataon nga naman dahil doon ko pa nakita ang tatlong engkanto.

"Oh look who's here." Malanding sabi ni Kyena.

"Oh si Ms. ugly girl." Yung abobot niyang hilaw na makapal pa ang make up sa dala-dala niyang aklat na si Sylen.

"Hay naku bad morning na naman tayo." Inarte ni kessa na abobot niya rin.

"Sorry ha pero wala ako sa mood maki pagbuno sa inyo dahil late na ako at hahanapin ko pa ang pangalan ko sorry." Sarkastika kong sabi at akmang tatalikuran sila pero hinawakan ako ni Kyena sa braso.

"At saan sa tingin mo ikaw pupunta?" tanong niya.

"Sa zoo siguro baka sakaling don ko makita pangalan ko." Sarkastika kong sabi at inirapan siya at hinablot ang braso ko sa kaniya.

"Aba't ginagalit mo kami ha?" Inis na sabi ni Kessa.

"Abah at ako pa ngayon ang nanggagalit samantalang kayo itong nangharang."

"Abay lumalaban kapa?" Pagkasabi niyang yun ay isang palad niya ang lumapat sa kaliwang pisnge ko. Sinamaan ko siya ng tingin at ginantihan ng sampal, marami na ang nagkukumpulan para panoorin kami, nagsambunotan kami hanggang sa isang boses ang nagpatigil samin.

"Stop it!!"

To be continued ~

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro