CHAPTER 8

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

EIYAH P.O.V.

Di ako pinatulog ng bweset na lalaki na yun kaiisip sa mga sinabi nya. matalino daw ako, andyan lang daw sila para protektahan ako. Takte ibig sabihin meron pang darating na delubyo sa buhay ko? shit naman ayaw ko na.

"Eiyah gising kapa ba?" tawag sakin ni Shan mula sa labas ng kwarto ko. "Ano na naman bang problema mo?" irita kong tanong.

"Wala naman, papasok ha." sabi nya at binuksan ang pinto, agad naman syang lumapit sakin. Umupo ako at sya naman ay sumampa sa kama ko na parang bata.

"Ano bang ginagawa mo dito?" irita kong tanong.

"Wala naman, gusto lang kitang kamustahin, wala bang­­­ masakit sa'yo?anong nararamdaman mo?" tanong nya at sinusuri buong katawan ko.

"Ano ba? walang nangyari sakin, baliw yun eh madali ma uto, biruin mo may baliw pa lang ka mag anak yung hayop na yun?" sabi ko.

"Sino? si kriss?"

"Oo eh sino pa ba?"

"Matulog kana nga." utos nya at lumabas ng kwarto ko. Anyare don?

"Eiyahhh." sigaw ng kung sino.

"Ayy anak ng kabayo." usal ko at napa balikwas ng bangon.

"HAHAHAHA!" tawa ng demonyo kong pinsan.

"Walangya ka talaga, kahit kelan." sabi ko at binato sya ng unan.

"Bilisan mo na nga at mahuhuli na tayo, HAHAHAHA ikatlong araw pa lang ng klase oh bilis." utos nya bago lumabas. Bweset talaga eh, mabilis naman akong nag asikaso bago lumabas ng kwarto ko, as usual maaga na namang umalis sila Tito para sa business nila.

"Kain na tayo panget." yaya ni Shan at nag simulang kumain. Sabay kaming kumain hanggang sa matapos. "oh Eiyah baka don ka na naman sasa kay sa bike mo ha, sisirain ko na talaga yun." inis na sabi nya.

"Bakit na naman ba?" inis kong sabi.

"Sakin ka sasabay sa ayaw at sa gusto mo, bago pumasok at umuwe para maprotektahan kita." seryusong sabi nya.

"Wow ha kala mo naman mapoprotektahan mo talaga ako."

"Oo eh ako pa eh malakas toh."

"Di halata,mag ba bike parin ako."

"Sabi ng sakin ka sasabay eh." sigaw nya sakin.

"Oo na nga sabi ko sasabay na." sabi ko at nag paunang sumakay ng kotse nya.

"Kulit mo talaga." sabi nya at pinaharurot ang kotse nya papuntang school.

Pagka rating namin don ay agad nyang pinark ang sasakyan nya at pumasok sa loob, syempre hindi parin mawawala ang mag samot saring bulungan, di na lang namin yun pinansin at dumiretso sa room namin. Pagka dating namin don ay kunti pa lang sila, 14 lang kase kami na natira, buti na lang kunti na lang ang natira sa room namin na bully, agad umingay ang room sa papuri kay Shan, 5 na lang kase kaming babae ang natira at nakita ko yung apat na nandon na, si Next na nakikipag talo kay Xyfer na inis na inis na, si Nathan naman ay busy sa cellphone nya, nag gegames siguro, si Kriss naman ay kunot noong naka tingin SAKIN, as in sakin talaga, inirapan ko lang sya, nauna namang umupo si Shan, akala ko don sya sa upuan namin, pero di pala, tumabi sya kay Nathan na busy sa cellphone, agad naman akong pumunta sa likorang upuan ko, bigla kong na alala na wala pa pala ako nakakapag thank you sa kanila kaya tumayo ako sapagkaka upo at lumapit sa kanila.

"Sige na kase babes please payag kana plea---Ows Hi bebe ko, good morning." masayang bati ni Next.

"Kapal mo naman dimo nga sya bebe eh." sabi ni Xyfer at binatukan si Next, kawawa naman si Next laging may batok. "Morning Eiyah." bati sakin ni Xyfer. Nginitian ko naman sila bilang tugon.

"Ano nga pala kailangan mo bebe ko?" tanong ni Next.

"Gusto ko lang sana mag thank you sa pag tulong nyo sakin kahapon." sabi ko.

"Okay lang yun ano kaba? malay mo next time kami naman mang hingi ng tulong sa'yo." nagtataka man nginitian ko lang sya. Bigla naman pumasok ang guro namin.

"Good morning class." bati ni Miss, bumati naman kami pabalik sa kanya. "Class we have a four transfer student, come in." pumasok naman agad yung apat, puro babae sila.

"Hi my name is Eunice Clain, 16 years old." pakilala nung isa maganda sya kung lalaki lang siguro ako malamang na love at first sight na ako sa subrang ganda nya, kahit nga babae eh, subrang ganda nya kase.

"Hi my name is Candice Allen, 16 years old too." pakilala naman nung isa. Maganda rin sya.

"Hi my name naman si Cathy Flores, 16 too." maganda rin sya.

"Hi ako naman si Alyssia Arseo, 16 too." yung isa naman, maganda silang lahat, ede sila na maganda.

"Sige umupo na kayo." utos naman ni Miss. Umupo naman yung apat sa tabi ko dahil limang silya yung nandon sa gitna ako, seryuso ba sila tatabi sila sakin?

"Hi." bati nila. Nginitian ko lang sila bilang tugon. Habang nag didiscuss si Miss ay pumasok si Dean.

"Sorry class but, kailangan kong tanggalin ang apat nababae na hindi transfer maliban kay Eiyah." si Dean.

"Bakit dean?" takang tanong ni Miss.

"Ahh mababa kase grade nila." tanging sagot nya. "c'mon move." utos ni dean at agad namang tumayo yung apat na babae na bagsak ang balikat. Bale lima na lang kaming babae na nandito at sampu na lalaki.

"Kunti na lang ang estudyante dito ahh." si Miss.

"Anong magagawa natin eh sila lang ang matatalino at matataas ang grade, at higit sa lahat walang baker." sagot ni Dean. Umalis na sila bale kense na lang kami. Nag patuloy sa pag tuturo si Miss.

DISCUSS
DISCUSS
BREAK TIME

Dina ako tumayo para pumunta ng cafeteria.

"Eiyah, dika ba pupunta ng cafeteria?" biglang tanong ni Candice.

"Dina, dito na lang ako." sagot ko.

"Dika ba nagugutom?" Tanong ni Cathy.

"Hindi."

"Sige na punta na tayo." yaya ni Eunice.

"Oo nga para naman may kausap kami na taga reto." si Alyss.

"Bakit ako marami namang iba jan ahh?"

"Eiyah, ayaw namin sa kanila, nakita kase namin yung mga ginagawa nila sa'yo kanina pag pasok mo ng gate." si Candice.

"Nakita nyo yun?"

"Oo, sige payag kana." si Eunice.

"Baka naman, bullyhin din kayo?" Ako.

"Don't worry palaban kami." Si Cathy.

"So magkakakilala na kayo?"

"Oo, mag kakaibigan pa."s agot ni Alyss. Wala na akong nagawa pa kundi ang sumama sa kanila. Actually ayaw ko talaga ng kinakaawaan dahil felling ko ako na yung kawawang tao sa mundo, pero tingin ko naman deserve ko mag karon ng kaibigan diba? pagka baba namin ng building ay bumungad samin ang mukha ng tatlong demonyetang sila kyena.

"Tch, tingnan monga naman, may kaibigan kana." Si kyena.

"Oo may kaibigan na sya." taas ang isang kilay na sabi ni Eunice.

"Andito kami para protektahan ang kaibigan namin." si Cathy.

"Palaban kayo ha." natatawang si kessa.

"Tingnan natin kung kaya nyo kami." sabi ni kyena, inirapan nya muna ako bago umalis. Dina namin pinansin ang mga nagbubulungan na iba dumeretso kami sa cafeteria na unang pumasok yung apat, natanaw ko na si Shan na kasama yung apat, himala at pumayag yung tukmol na kausapin si Shan. Naglakad na ako papunta ng counter at omorder, pag kakuha ko non ay dederetso sana ako kela Alyss na nasa isang lamesa, nang biglang may pumatid sakin at nahulog ang pagkain ko, napadapa naman ako sa sahig. Agad na nag tawanan ang mga estudyante na naka kita.

"Oh my god." gulat na sabi ni Alyss. Agad naman silang lumapit sakin para tulungan ako.

"Hoy ikaw lalaki ka, bakit mo pinatid si Eiyah ha?" galit na tanong ni Eunice kay kriss, yeah si kriss nag pumatid sakin.

"So?" sabi nya.

"Kapal ng mukha mo, porket ikaw ang may ari ng school nato, wala ka paring karapatang saktan ang kahit na sinong gusto mong saktan." sigaw ni Cathy kay Kriss.

"Stop it." utos ko.

"Alam mo, sayang ang gwapo mong mukha, kaso ang ugali mo, kahit si satanas dika tatanggapin." galit na sabi ni Candice.

"Bro, bakit mo ginawa yun?" takang tanong ni Next.

"Walangya ka talagang lalaki ka." sigaw ni Shan at inupakan si kriss ng suntok. "wala kang karapatang saktan ang pinsan ko." sigaw uli nya. Ngayon samot saring bulungan na ang naririnig ko.

__________________________________________________________________________________________

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro