u n c n s r d 04

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

uncnsrd 04

"Hindi ko malaman anong una kong iisipin: maku-cute-an sa kanya o maaawa."


Sa dami ng tawang napakinggan ko, kay Unica Fae Valentine na siguro ang ayaw ko nang marinig pa. Bukod sa ang lakas, walang bahid ng pagkababae o pagkahinhin ang tawa niya.

Tapos, ako pa pinagtatawanan.

"Itsura mo!" Halos maubo siya sa pagtawa dahil hindi na makahinga. "Naniwala ka naman. Feeling nito, oy."

Sunog ako sa kahihiyan. Kahit ilang araw ang nakalipas, ramdam ko pa rin 'yung init ng kahihiyan.

"'No, move on." Pinalo ni Sandy ang likod ko. "Ayos nga yan eh, naexperience mong masabihan ng crush ka ng chicks."

"Kahit tinawanan ka pagtapos mong maniwala," dagdag ni Jethro.

Nagtawanan sila.

Nanahimik lang ako sa pang-aasar nila at nagfocus sa ginagawa.

Para sa extra credits sa major, nag-volunteer ang mga kaibigan ko para mag-ayos sa radio booth na i-o-open next semester sa school. Sila lang naman talaga ang gustong magpabango sa professor.

Naisama lang ako.

Ayos na rin. Mas naging busy kasi ako sa radio booth at school works kaya hindi ko masyadong naiisip ang pagtawa sa akin ni Unica. Kahit na sa tuwing gabi, kapag pipikit na ako - naririnig ko ang tawa niya. Kapag naman may nagtetext sa akin, o tumatawag sa phone - papasok sa isip ko na baka si Unica na 'yon dahil nga kinuha niya ang number ko.

Nag-eexpect? Ah ewan.

Ilang araw ko ring nanahimik ang buhay ko kaya nagulat ako nang makitang kausap ni Ginang Teodora si Unica pagkarating ko ng faculty room.

"Kung gusto mong bumagsak, oh di sige. Wala akong magagawa," sabi ni Ma'am. "Huwag kang pumasok tutal ayon ang gusto mo."

"Ma'am. Nagpapapaalam na nga ako eh. Nabubunggo ng Values class ko 'yung majors ko. Hindi na nga ako on-time grumaduate."

"Kasalanan pa ba ng values subject na hindi mo ito pinasa noong unang beses mo kinuha, Balentino?"

"Hindi kasi-!"

Natigil si Unica sa pagtaas ng kamay ni Ginang Teodora. "Wala na tayong pag-uusapan. Desisyon mo kung ibabagsak mo ulit ang napaka daling subject dahil sa majors. Magkita na lang tayo sa klase kung papasok ka pa."

Tumalikod agad si Unica dahilan para makita ko ang pagkunot ng noo niya. Pinakita talaga niyang badtrip siya habang naglalakad.

"Tabi nga!"

Binuggo niya ako. Mukhang hindi rin niya ako nakilala - o nakilala niya ako kaya badtrip na badtrip talaga siya? Nakita ni Ginang Teodora ang ginawa niya kaya umiling si Ma'am na nakatingin sa akin habang palapit ako.

"Wala talagang modo ang batang 'yun."

Ngumiti ako bilang tugon.

"Hindi ko maatim ang mga batang ganoon. Walang galang. Iniisip lang lagi ang sarili. Kaya tinuturo ang values sa kolehiyo dahil kinakalimutan na ng mga kabataan ang good values kapag tumatanda na."

"Hindi naman po siguro lahat."

Ngumiti siya at binaba ang salamin sa mata. "Sana ay mahawaan mo ang Balentinong 'yon ng kabaitan mo, Alejandro."

Ngumiti ulit ako. Tapos. . .hindi ko na napigilan ang sarili sa pagtatanong. "Ano po bang problema dun sa kausap niyo kanina?" pwera sa pagiging magaspang, at walang modong estudyante. At pinagtatawanan ang kahihiyan ko kahit hindi kami close. Pinagtitripan pa ako.

"Si Balentino?" sabi niya. "Nananakit ang ulo ko roon. Isang beses lang pumasok sa klase ko at panay ang reklamo na nasasagasaan ng values class ang majors niya. At ayon, nakita ko kanina sa kainan, diyan sa Cantunan, na kasama ang mga barkada, nakikipagtawanan. Pinagbigyan ko siya noon pero, aba, masyado na akong matanda para mapaniwala sa mga ganoong kalokohan."

May ganoong klaseng babae?

"Ma'am, 1st year subject ang values class, di ba?"

Akala ko ba 2nd year na siya? Pang 2nd year section niya doon sa ginawa kong paper work, ah?

Bumuntong hininga si Ma'am. "Ayun na nga, iho. Marami siyang naiwanang subjects dahil kung hindi pinapasukan, binabagsak ang minor subjects. Aba, usap-usapan siya ng mga guro rito sa faculty. Magaling nga sa major, ngunit hindi siya gagraduate kung wala siyang pakialam sa minors."

"Graduating na ba siya?"

"3rd year, iho," sabi ni Ma'am. "Ngunit dahil majors lang pinapasukan, ayun. Dumadagdag ang mga taon na kailangan niyang pasukin. Mga kabataan talaga ngayon, hindi pinapahalagahan ang maliliit na bagay. Hindi iniisip na baka makatulong ito sa malalaking bagay sa susunod."

Tumango-tango ako.

Pagtapos magbigay sa akin ng mga gawain tungkol sa mga events next semester, pinaalis na ako ni Ginang Teodora. Nag-CR muna ako bago magpuntang library para maghintay sa mga kaibigan kong may klase pa nang may humawak sa balikat ko.

Paglingon, hindi na ako nagulat na si Unica 'yon.

"Kailangan kita."

Hinatak niya ako kaya nakabunggo namin ang ilang estudyante na palabas. Paano ba naman, sa exit kami pumasok!

"Sa entrance dapat tayo pumasok!" pasigaw kong bulong.

"Grabe naman tong good boy na 'to." Tinapik-tapik niya ang balikat ko. "Huwag iiyak, ah? Promise. Lalabas tayo sa exit mamaya."

Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi naman niya pinansin.

Hinatak niya ako paupo sa isang table na may dalawang tulog na lalaki at isang babaeng pangiti-ngiti sa phone. Binagsak ni Unica ang bag niya sa mesa sabay hatak sa akin paupo.

Pagtapos marahas na gisingin ni Unica ang dalawang lalaki, at kinuha ang phone ng babae - ang sama ng tingin ng tatlo sa akin.

"Sino 'yan?" tanong ng isa.

Ngiting-ngiti si Unica. Halos mawala na ang mata niya dahil sa kasingkitan.

"Siya ang salvation natin sa Chemistry."

Nagtaka ako. "Ha?"

"Engineering ka, di ba?" Paano niya nalaman? "Siguradong marami kang alam sa mga chemicals-chemicals na 'to."

"Electrical pinag-aaralan ko. Hindi Chemical."

"Wala akong paki," diretso niyang sabi at pinakita ang chemistry workbook nila. "Sagutan mo 'to. Kailangan namin by the end of this day."

"Ayos!" sabi ng isa pa. "Salamat naman. Makakaalis na rin sa wakas."

"Teka-" Hindi pa ako nakakapagsalita nang magsialisan na yung tatlo. "Anong-"

"Shh!"

Napatingin ako kay Unica na umiling habang nakadikit ang hintuturo sa labi. "Huwag kang maingay. Nasa library tayo."

Tiningnan ko ang worksheet nila at napangiwi. Ang dali lang ng problems, ah. Isang buong chapter. Puro basics lang.

"Hihintayin mo bang malusaw 'yung libro sa titig mo?" Kinuha ni Unica ang worksheet. Namangha pa ako dahil naglabas siya ng yellowpad sa bag niya. Akala ko walang laman 'yung bag niya. "Turuan mo lang ako sa mga 'to. Pag na-gets ko na, promise - ililibre kita."

"Kahit huwag na."

"O'rayt. Mabilis akong kausap." Nagsulat siya sa workbook tapos natigil sa first problem, kumunot ang noo tapos napatingin sa akin nang nakasimangot. "Anong sagot sa number 1?"

Napangisi ako.

"Akala ko ba ikaw magsasagot, tuturuan lang kita?"

Umiling siyang tumawa. "Fine! Fine. Akala ko kasi mauuto kita eh."

Ilang beses kong tinanong sa sarili ko kung dilat ba akong nananaginip. Napapatanong din ako sa sarili ko kung totoo ba ito o pinagtitripan ako ng imagination ko.

Eh, pero totoo, eh. Hindi imagination.

Ilang oras kami sa library sa pagsagot sa Chemistry workbook.

"Groupings to di ba? Bakit ikaw lang nagsasagot?" Ready na sana ako magsalita pa tungkol sa mga kagrupong hindi gumagawa at mala'parasite' sa grades pero nawala ang lahat ng 'yon pagsagot ni Unica.

"Ngayon lang ako pumasok sa klase namin, eh. Pambawi."

Nagtanong pa ako. Kahit ilang beses ko pa lang siyang nakita at nakausap, parang alam ko naman na rin.

Kahit gets na niya ang pagsagot sa Chemistry workbook nila, hindi ko pa rin siya iniwan hanggang sa matapos siya. Tinext ko na lang din ang mga kaibigan ko na hindi ako makakasama sa laro namin dahil busy sa pinapagawa ni Ginang Teodora.

"Sa wakas!" Tumayo si Unica at nag-unat pataas. "Tapos na rin!"

Nag-iwas ako ng tingin pagkakita ko ng sumisilip niyang balat sa umangat na uniform. Namalikmata kaya ako? Parang may tattoo siya roon.

Ay, ewan. Walang may paki, Chino.

"Congrats," sabi ko na lang habang nag-aayos ng gamit.

Sabay kaming lumabas ng papasarang library nang bigla siyang tumawa. Tiningnan ko siya nang nagtataka.

"Ayan, ah."

Nakatingin lang ako sa kanya.

"Masaya ka na bang lumabas tayo sa tamang exit?"

Sabay tawa niya ulit. Nabigla ako sandali pero napailing na lang at napangiti. Weird. Parang adik talaga ang babaeng 'to.

Nailang ako sa katahimikan nang may mag-text sa kanya. Hindi ko gustong maki-textmoso pero hindi ko naman din pwedeng takpan ang tainga ko habang sinasabi niya nang malakas ang tinetext niya.

"Sige. . ." sabi niya habang nagtetext. "Papunta. . .na. . .ako. . . dyan. Huwag niyo akong. . .ubusan." Pagtapos magtext, tiningnan niya ako saka ngumiti nang malawak. "Tara, libre kita hapunan."

Hapunan ang sinabi niya pero hindi ko naisip na baka iba ang hapunan para sa kanya. Iniisip kong mas magkakakilanlan kami habang kumakain sa fast food hanggang magsara ang SM Manila pero. . . mali ako.

Beer Garden ang naging destinasyon namin.

Ilang years na ako sa intramuros, at ilang taon na ring dito ang daanan ko papasok ng school. Nakakacurious man, hindi ako napunta sa desisyong papasok ako sa Beer Garden. Hanggang sa ito. Hatak-hatak ako ni Unica papasok, at pinaupo sa loob ng isa sa mga kubo.

Ang dami niyang kinausap, pero hindi niya ako pinakilala kaya ngiti lang ang nagawa ko.

Pinagtinginan ako ng mga kasama ni Unica pero hindi pa rin ako pinapakilala ng babaeng 'to. Tahimik lang akong naghintay sa inorder na pagkain ni Unica. Maingay ang lugar sa malakas na music. Ang daming taong nagtatawanan, nag-iinuman at nagkukwentuhan.

Ilang beses din akong naubo sa usok ng sigarilyo.

At beer. Sobrang daming bote ng beer sa mesa.

Habang kumakain ng sisig na may kanin, binunggo ni Unica ang balikat ko.

"Ayos ka lang?"

Tumango ako.

"Ang tahimik mo talaga, eh no?"

Matipid akong ngumiti.

Pinapatagay ng iba si Unica habang kumakain kayo nakatatlong baso agad siya ng beer bago maubos ang pagkain niya. Namumula na siya habang nakikipagkwentuhan sa katabi niya tungkol kay Ginang Teodora na ang tawag niya ay Tandang Sora.

Nakaisang oras at kalahati na - tuloy pa rin ang ingay, at hindi pa rin ako pinapakilala ni Unica sa mga tao sa paligid.

"Heyyy!" May tumbing babae sa akin na may hawak na bote ng beer. "Anong pangalan mo?" Tiningnan niya ang suot kong ID. "Chino Alejandro? Nice name, haa. Gusto mo?" binigay niya sa akin ang boteng hawak niya. "Dali, tagay, Chino!"

Panay ang ubo ko pagkainom ng beer na tuloy-tuloy. Para akong nalunod! Nabuhusan pa ng beer ang uniform ko pero tawa lang ang nakuha ko mula sa babae.

"Okay ka laaanngg?" tanong niya. "Tagay pa uliit!"

Pinilit na naman niya akong uminom nang may kamay na kumuha ng bote.

"Kung ayaw na ng tao, huwag na pilitin!" Si Unica ang uminom sa umuos ng bote. "Putek, naiihi ako."

Tumayo siya, nag-excuse sa akin para makaalis pero napaupo siya agad kaya inalalayan ko siyang umayos. Natigilan ako pagsandal ng ulo niya sa balikat ko.

Ramdam na ramdam ko ang init ng paghinga niya.

"Knock out na si Unica!"

"Sinong knock out?" Biglang tumayo si Unica at gumewang. "Hindi ako knock out! Excuse me nga, iihi ako!"

Tinulak niya ang tuhod ko para makadaan siya. Tawa nang tawa ang mga nasa kubo habang inaalalayan na siya ng isa sa kanila.

"Iinom-inom kasi ng gutom," sabi ng isang lalaki.

"Eh gago ka pala, tinatagayan mo, eh."

Nagtawanan sila ulit. Nagtuloy ang usapan at inuman nila. Kinakausap din nila ako at ilang beses pinilit uminom pero panay ang hindi ko. Nahihilo na nga ata ako mula sa nainom ko kanina.

Hindi talaga ako sanay mag-inom.

Nakabalik na ang sumama kay Unica sa CR. Tatanungin ko sana kung anong nangyari kay Unica pero nahiya ako. Ilang minuto na ang nakalipas, wala pa rin siya - kaya lumabas ako sa kubo para hanapin siya. Ayun, nakita ko siya sa labas. Nakaupo sa lupa habang nakatingala sa langit.

Hindi kami close kaya pwede ko siyang iwanan at umuwi na lang. Pero imbis na pauwi, sa kanya ako lumapit. Tumayo ako sa tabi niya at ginaya siya. Tumingala rin ako sa langit.

"Ang dami kong ininom," sabi niya bigla. "Nahihilo ako."

"Ikaw, eh."

"Pigilan mo na ako next time."

"Ako?" Napatingin ako sa kanya pero nakatingin lang siya sa kalangitan. "Pipigilan kita?"

"Kahit ayaw kong magpapigil, gumawa ka ng paraan para hindi ako malasing. Lagi na lang kasi ganito, eh."

"Sigurado ka?" tanong ko. Tumango siya. "Sige."

Napangiti ako pagkakita kong ngumiti siya. Sinubsob niya ang ulo niya sa tuhod. Tumahimik kaming dalawa. May ilang kumausap sa akin at may napansin din akong lalaki at babae na may ginagawang kamunduhan sa may dilim kaya nag-iwas ako ng tingin.

Nahihilo na rin ako. Nalalasahan ko pa rin ang beer sa bibig ko.

"Gusto ko na umuwi," bulong ni Unica. Hinawakan niya ang laylayan ng uniform ko. "Uwi na ako."

Napatitig ako sa kamay niyang hawak ang laylayan ng shirt ko. Nakasubsob pa rin ang ulo niya sa tuhod. Hindi ko malaman ang una kong maiisip: maku-cute-an sa kanya o maaawa. Para siyang bata!

"Kuhanin ko lang bag mo."

Gumalaw yung ulo niya. Tumango siguro.

Nagpaalam na ako sa mga nasa kubo kahit hindi naman nila ako kilala at vice versa. Binalikan ko si Unica na tinatanggal ang sapatos niya.

"Uy, bakit mo tinatanggal?"

"Ang kati,eh!"

Kinamot niya ang paa niya pagtanggal ng sapatos. Ito ba dahilan kaya ayaw na niya malasing pa ulit? Para siyang adik. Natatawa ako. Ayaw na niyang isuot 'yung sapatos niya pagtapos niya magkamot.

"Uuwi ka pa."

"And so?! May paa ako. Hindi ko kailangan ng sapatos!"

Ang tigas ng ulo ng bata.

Tinaas niya ang dalawang kamay niya na inaabot ako habang nakapikit.

"Tayo!"

Napatitig ako sa kanya sandali. Sinong mag-aakala na ganito ang babaeng gangster na ito?

Hindi niya ininda ang paang walang sapatos kaya nilagay ko muna sa bag ko ang sapatos niya saka siya sinundan palabas. Nagpara siya ng taxi. Pagpasok namin, tinanong ni Kuya driver kung saan kami.

"Sa condo ko," sagot ni Unica. "What? Sa condo ko nga!"

Bigla akong nahiya pagtingin sa akin ng driver.

"Saan 'yung condo mo?" tanong ko kay Unica.

Ngumiti si Unica. "Hulaan mo. Nagsisimula sa C, nagtatapos sa L!"

Cute sana niya pero wala ako sa mood makipag lokohan. Wala nang pag-asa! Kaya bago pa kami sipain palabas ng driver sa taxi, naghanap ako sa bag niya ng address. Good thing dahil mayroon sa ID.

Mabilis ang byahe dahil malapit na rin magmadaling araw. Ako na rin ang nagbayad sa driver dahil nahihiya akong kumuha ng pera sa bag ni Unica kahit nakakalat kung saan-saan ang ilang libo niya.

Pagkarating sa reception ng condo, isa ang pumasok sa isip ko - rich kid.

Chandelier ang bubungad sa lobby ng condo. Habang naghihintay sa tinawagan ng receptionist, masayang-masaya si Unica na nakahiga sa sofa. Ilang minuto ang lumipas, may isang petite na babae ang lumabas sa elevator na lumapit sa amin.

"Oh my dea' Nics, whut happen!"

Uh, ano raw?

Nilingon ako ng babaeng maliit. "Who ahr yah, youn' man? Wha' did yah do to mah baby?"

"Ah, ano po-" Teka, dapat ba mag-english din ako? "Your baby-she-Unica got drunk so I accompanied her here."

"Ohh, thank you dea'. I'm Ate Nena, Nics' Yaya. Wats yoh name?"

"Chino po."

Hala. Bakit ganito siya magsalita?

"Chin-oh." Lahat may accent? "Thank yah foe bringin' Nics home."

Tinulungan ko si Ate Nena gisingin si Unica. Gusto ko pa sana tumulong hanggang pag-akyat dahil maliit lang si Ate Nena tapos matangkad at mabigat si Unica pero humindi na si Ate Nena.

Hindi na ako namilit pa. Na-no-nosebleed ako kay Ate, eh.

Napangiti ako nang tumawa si Unica habang kinukulit si Ate Nena sa loob ng elevator. Nagsara ang pintuan na huli kong nakita ang pagngiti ni Unica sa akin.

Parang panaginip. Parang walang katotohanan. Parang hindi nangyari.

Pagkagising kinabukasan, napatunayan ko sa sarili ko na totoo ang lahat sa dalawang text na nakuha ko.


Unknown Number

Oy Tsinoy, ikaw raw nag uwi sa akin? Wala ka namang ninakaw sa bag ko di ba? Yung isa kong sapatos, nakita mo ba?


Sinave ko ang number niya sa contacts ko at napangiti sa sunod na text.


Babaeng Gangster

Nga pala. Salamat. :)


; x ;

Sorryyy ang tagal ng update ko </ 3 Got caught up with ze real world. Hoping to write and update faster but life. Still! I'll try my best to update ASAP. My goal is to finish Uncensored before 2016 to give way for new stories (ehem, U Series #2, #3 and Nagpaseries #3 and a lot more with diff style and genre). Wish me luck. We can do this!

Thank you for waiting and reading and commenting: D

Pronunciation:

Chino Alejandro - // Tsi-no Ah-le-han-dro //

Unica Valentine Fae - // Uh-ni-ka or AHnika Fey Va-len-tayn //


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro