u n c n s r d 13

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

u n c n s r d 13

"Hindi ako takot sa dilim. Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa dilim."


Nagmadali ako pagpasok ng kwarto habang hirap sa pag-aninag kay Unica dahil sa dilim. Hindi masyadong makatulong ang hina ng ilaw sa phone ko.

"Putang ina, ang dilim. Tangina. . ."

Medyo naaninag ko na si Unica at nakita kong nakatalukbong siya ng kumot. Lalapitan ko pa lang siya nang dumating si Deus na may hawak na malaking flashlight at nakasinding kandila.

"Oh ito na, ito na. . .may liwanag na."

Pinanood ko ang paglagay ni Deus sa nakasinding kandila sa side table. Binigay din niya ang hawak na flashlight kay Unica na mukhang nahimasmasan na.

"A-Ayos ka lang?" tanong ko.

Napapikit ako sandali sa pagtutok niya ng flashlight sa akin.

"Mukha ba akong ayos lang?" Sabi ko nga, eh. Bumaling siya kay Deus. "Ano bang nangyari?"

"Brown out ata." Tumingin si Deus sa labas ng bintana. Pitch black. "Sa sobrang lakas siguro ng ulan kaya nawalan ng kuryente."

"Bakit ngayon pa."

"Matulog ka na lang ulit."

"Pucha, paano ako makakatulog ulit?"

"Inom," sabi ni Deus. Nilingon niya ako at tinanguan. "May dala akong beer. Pampaantok?"

"Kaya pala ang bigat ng mga bag mo? Kung anu-ano dala mo!"

Tumambay kami sa common room. May kandila sa gitna ng lamesa habang si Deus ay nilalagay ang mga bote ng beer sa paligid nito. Katabi ko si Unica sa mahabang upuan. Nakataas ang paa niya habang may yakap na unan. Sa tapat namin ay si Deus.

Binigay sa akin ni Deus ang boteng nakabukas na. "Umiinom ka ba?"

"Uh. . . Nakainom na."

"Kailan huli mong inom?"

"Nung highschool."

Umismid ang kanina pang tahimik na si Unica. "Good boy."

"Takot ka pala sa dilim?" pang-asar lang.

Umirap siya. "Hindi ako takot sa dilim. Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa dilim."

"Ano bang pwedeng mangyari sa dilim?"

"Baka mapatay kita nang sinasadya ko, ganun," nakangisi niyang sabi.

"Wow."

Sumipol si Deus at tumawa. Pinanood ko namang uminom si Unica at ngumiwi . "Agh, hindi malamig. Pangit ng lasa."

"Wala tayong choice, eh."

Tinitigan ko si Unica hanggang sa sumimangot siya. "Mag-isang bote lang ako. Grabe ka makatitig."

Tumango ako.

Nagpasalit-salit ang panonood ko sa dalawa habang nagsisimula kaming mag-usap ng kung anu-anong bagay. Inuna namin ang experience sa pag-upo sa bubong ng jeep at kung paano kami nabasa nang ulan.

"First time mo ba?" tanong ni Deus.

"Oo, eh. Hindi ko nga akalaing makaka-experience ng ganun."

Nakakalahati na ni Deus ang bote niya. "Sama ka ulit sa amin. Alam ko next year aalis din 'yong tropa, di ba?" tanong niya kay Unica.

Nagkibit balikat si Unica. Siniko niya ako kaya muntik matapon ang hawak ko. "Uy weak, iniinom 'yang beer. Hindi dinadasalan."

Ngumisi ako. "Teka lang. Hindi pa ako nakakapag-amen."

Tumawa bigla si Deus kaya sabay namin siyang tiningnan ni Unica. Winasiwas niya ang kamay para sabihing huwag siyang pansinin. Si Unica naman, nakataas ang kilay na naghihintay para uminom ako.

Highschool pa ako nang una't huli akong uminom ng beer. Nagkaayaan lang kami para ma-experience pero hindi ko rin alam kung bakit hindi na ako naulit. Siguro dahil hindi ko na-trip-an ang lasa? O hindi ko siya hinahanap-hanap na parang addiction? Wala, eh.

Pero nang lumapat ang beer sa dila ko, kinabahan ako. Ewan ko kung bakit. At nung nilunok ko na, medyo gumuhit ang pait at init pero hindi masakit. May kakaiba lang na pakiramdam tapos nawala na rin. Naiwan lang 'yong kakaibang lasa sa bibig ko.

"Itsura mo," natatawang sabi ni Unica. "Iinom ka lang, pumikit ka pa. Feel na feel lang?"

Pumikit ako? Hindi ko napansin!

"Kamusta lasa?" tanong ni Deus.

Mapait. Ang init sa pakiramdam. Hindi kasing sarap ng mango juice pero hindi naman din pangit ang lasa. Pero ang sinabi ko na lang ay, "ayos lang."

Paunti-unti ang pag-inom ko ng beer habang si Deus ay nasa pangalawang bote na at paubos na ang unang bote ni Unica. Sa gitna ng inuman ay kwentuhan at pagkain ng pulutan naming dala ni Unica na corned tuna.

Kung anu-ano ang kinwento ni Deus – karamihan ay tungkol sa youtube life niya – at nagtatanong din siya ng mga nangyayari sa buhay ko. Minsan nagsasalita rin si Unica at gumagatong ng pang-aasar sa akin pero madalas tahimik siya.

"Ang gwapo pala talaga ng boses mo," sabi niya, naaamoy ang beer mula sa bibig. "Kahit pala sa personal, tapos madilim."

Tumawa si Deus. "Pinapahiwatig mo bang hindi gwapo boses ni Chino pag nakikita mukha?"

Lalong tumawa si Unica. "Wala akong sinasabing ganun!" Natahimik ako. "Pinapahiwatig ko lang na gwapo boses niya pag hindi ako nakatingin sa mukha niya. Salita ka nga."

Hindi ako nagsalita.

"Ay, shytype si kuya."

Ano bang problema nito?

Malakas ang ihip ng hangin dahil na rin sa lakas ng ulan at nakabukas na bintana sa common room. Kaya hindi na rin ako nagulat nang mamatay ang kandila. Ang kinagulat ko, dahilan para mapasigaw ako kaunti, ay ang paghawak sa akin sa braso. Sobrang higpit! Sa sobrang bigla rin ay natapon ang laman ng boteng hawak.

"Pucha naman, 'yong ilaw naman, oh," sabi ni Unica nang humihigpit lalo ang hawak sa braso ko. "Deus. . ."

Tumatawa si Deus. "Bahala ka d'yan. Matutulog na ako."

"Ay weh!"

"Uy!" Binaba ko na ang boteng hawak dahil ginugulo na ni Unica ang braso ko. "Natatapon 'yong beer."

"'Yung ilaw. . ." bulong ni Unica.

Naramdaman kong nanlalamig at nagpapawis ang kamay ni Unica na hawak ang braso ko. Malakas at mabilis din ang bawat hugot niya ng paghinga. Hinawakan ko ang braso niya, sana mapakalma siya kahit kaunti, at para ipahiwatig na hindi ako aalis sa tabi niya.

Sinindihan ulit ni Deus ang kandila. Nagsindi rin siya ng sigarilyo at ibinigay kay Unica. Napatingin pa siya sa hawak ni Unica sa braso ko saka ko nakita ang ngisi niya sa akin. Nang humithit si Unica sa sigarilyo ay kumalas na siya at mas hinigpitan ang yakap sa hawak na unan.

"Yosi?" alok ni Deus sa akin.

Umiling ako. Nakangisi siyang sinindihan ang sariling yosi at naghithit buga. Kalmado na rin si Unica kahit papaano na mukhang na-stress sa dilim. Nag-games siya sa phone niya habang nagkukwentuhan kami ni Deus nang mag-ring ito.

Pagsilip ko, pamilyar na mukha ng long hair ang nakita ko sa picture. Natahimik kami ni Deus pagsagot ni Unica ng tawag.

"Bakit? Sabi ko sa 'yo aalis ako—what? Tangina, hindi nga?" Tumawa si Unica. "Gago ka, tumatawa ka pa d'yan. Hindi kita matutulungan – ang layo ko sa kabihasnan. Tawagan mo na lang tatay—" Natahimik sandali. "Tawagan ko si Sin, baka tulungan ka nun."

Pagkababa ng tawag, tama akong si Sinteya ang binanggit niyang Sin dahil nakita ko ang picture.

"Uh, Sin – uhm, Vane's in trouble. He just called. Nasa police station daw siya." Tumawa si Unica. Tumayo siya at kinuha ang flashlight kay Deus saka pumasok sa loob ng kwarto. Mahina ang boses niya sa pakikipag-usap kaya hindi ko masyadong naintindihan.

Matapos ng ilang minuto, patakbong bumalik si Unica sa tabi ko at yumakap sa unan.

"Si Sinteya Yeo 'yon?" tanong ni Deus. Tumango si Unica. "May ibang lalaki na naman siya?"

"Bitter ng boses ah? Porke't parang hangin ka lang sa kanya at hindi napapansin."

Tumawa si Deus at inayos ang mahabang buhok. "Tanggap ko naman nang hindi long hair mga trip nun."

Tumawa rin si Unica. "Eh paano 'yan, lalaking long hair 'yong pupuntahan niya sa Las Piñas mamaya? May mga tattoo pa sa katawan."

Lalaking long hair? 'Yong naghatid sa kanya sa condo last time?

"Ay puta, seryoso ba 'yan?!" Kinuha niya ang phone ni Unica. "Akin na number ni Sinteya. Baka kami na nakatadhana sa isa't isa. Anong code nito?"

"Lul. Asa ka," natatawang sabi ni Unica.

Ikinwento naman ni Deus ang tungkol sa experience niyang love at first sight pagkakita kay Sinteya noong 18th birthday ni Unica. Dapat nga raw nasa baywang na ang haba ng buhok niya kaso hindi trip ni Sinteya ng mga lalaking long hair kaya pinagupitan niya nang mas maikli pa sa buhok ko lagpas 2 by 3 ang gupit.

"Eh nung nagkita kami ulit, taena, hindi niya ako kilala! Magkatabi pa man din kami nung inuman. Ako pa naghatid sa kanya nung nalasing siya."

"Hangin!" natatawang gatong ni Unica. "Isa kang hangin na hindi binigyan ng pagpapahalaga."

Tawa nang tawa si Unica sa pagkamiserable ni Deus kaya natatawa rin ako. Nag-iba ang ikot ng kwentuhan nang mahimasmasan kami ni Unica. Ilang beses pa akong pinalo ni Unica nang matawa siya sa paglabas ng beer mula sa ilong ni Deus.

"Putangina kadiri!" palo siya nang palo sa akin kaya hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya.

"Ang sakit na, tama na."

Tinanggal niya ang hawak ko sa kamay niya at pinagsisisipa naman ako. Ilang beses pa siyang nakaiwas nang hawakan ko ang dalawa niyang paa. Sinimulan ko siyang kilitiin kaya bigla siyang tumawa nang malakas at parang tumabingi ang panga ko nang sipain niya ako sa mukha.

"Ouch, shiit, yung tiyan ko!"

Kinukurot na niya ako sa braso pero hindi ko tinigilan ang paa niya. Hindi na rin ako makahinga sa sakit ng panga ko sa pagtawa at sipa niya. Tinanggal ko na nga rin ang salamin ko nang sipain niya 'yon. Ang sakit sa mata, eh!

Napangiwi ako sa suntok niya sa braso ko nang tigilan ko siya. Nahimasmasan na rin kami ni Deus sa pagtawa. Natahimik kaming tatlo. Napagod ako kahit nangiliti lang naman ako ng paa. Nakng.

Makalipas ang ilang minuto, nagsindi ulit ng sigarilyo sila Unica at Deus. Wala pa ring kuryente kaya madilim. Napansin ko namang iniiwas ni Unica ang paningin sa madilim na parte ng common room.

"Saan nanggaling takot mo sa dilim?" tanong ko.

Ayos lang sa akin kung hindi niya gustong sagutin ang tanong ko. Pero siguro sobrang iwas siya doon sa tanong kaya tumayo siya at nagpaalam.

"Antok na ulit ako," sabi niya. "Deus, samahan mo ako sa kwarto. Huwag kang aalis hangga't di ako tulog."

"Masusunod."

Tumitig ako sa sumasayaw na apoy sa kandila nang samahan ni Deus si Unica sa kwarto. Tahimik ako habang naririnig ang mga boses ni Unica at Deus na nag-uusap. Hindi ko lang maintindihan ang sinasabi nila.

Ilang minuto pa ang lumipas, sa inip, tumungga ako sa beer na hindi ko pa rin nauubos. Sinandal ko ang ulo ko sa sandalan at tumitig sa kisame nang dumating si Deus.

"Musta music video natin d'yan, pre?"

Nilingon ko siya at ngumiti nang bumalik siya sa kaninang upuan. Natahimik kami nang magsindi siya muli ng sigarilyo. Hindi pa tapos ang gabi, nakailang stick na siya agad.

"Anong mayroon?" tanong niya bigla.

"Saan?"

"Sa inyo ni Nics."

Muntik kong mabuga ang iniinom na beer. Pero imbis na mabuga, nabilaukan ako sa biglaang pag-inom kaya ilang beses pa akong umubo.

"Anong mayroon? Wala."

Ngumisi si Deus. "Oh? Close na close kayo."

"Kayo rin naman."

Tumawa siya. "Ilang taon na kaming magkakilala. Ilang buwan pa lang kayo?"

Ngumisi ako at umiling. "Sakto lang, pre. Wala pa nga akong masyadong alam sa kanya."

"Pero kasama ka dito sa amin ngayon."

Ikinwento ko sa kanya ang naging pustahan namin ni Unica. Tawa siya nang tawa at ilang beses umiling.

"Kaya pala hindi makausap ng isang linggo. Akala nga namin nababaliw na, eh. Kinakausap ba naman sarili," sabi niya. Sumabay ako sa tawa at uminom sa hawak na beer. "Bakit gusto ka niyang sumama? May gusto ba sa 'yo si Nics?"

"Ha?" Nakng, ilang beses na akong muntik mabulunan! "Wala. Bakit mangyayari—"

"Hah. Oo nga pala. Baka nga hindi pa nakaka-move on 'yun."

Naghintay ako ng susunod niyang sasabihin pero natahimik siya pagtapos niyang bumulong. Hindi na siya nagkwento o kahit expand man lang ang sinabi niya. Gusto ko man malaman anong mayroon sa move on ay hindi na ako nagtanong pa.

Wala naman akong karapatang malaman 'yon.

"Weirdo ng ganun."

"Alin?"

"Wala. Ikaw ba, magkwento ka nga. Nabanggit mo 'yong Aris ba 'yon na taga Bulacan kanina. 'Yon ba girlfriend mo?"

Sa dami ng napagkwentuhan namin kanina, hindi ko naalalang nabanggit ko pala si Aris.

"Sana."

Sumipol si Deus. "Basted?"

Tumungga ako sa hawak na bote ng beer. "Hindi niya sinasabi. Masyado siyang mabait para basterin ako."

"Ahh, paasa."

"Hindi rin ako nanliligaw – kinakaibigan—"

"Friendzone, tol."

Natawa ako. Hindi ko napansin na naubos ko na pala ang sariling bote. Inalok ako ni Deus ng nasa kanya. Sinalin niya ang kaunting beer sa bote ko.

"Inuunti-unti ko rin siguro," diretso kong sabi. Tumitig ako sa kandila. "Ayaw ko siyang biglain dahil marami rin siyang problema. Baka makadagdag ako kapag inaraw-araw ko pangungulit sa kanya. Alam ko ring may iba siya pero nung highschool siya nun. Ewan ko lang ngayon."

"Ba't hindi mo alam? Dapat i-stalk mo."

"Eh, baka kasi ayaw rin niyang malaman ko kaya hindi ko na inaalam."

"Oh. Baka takot kang malaman na wala kang pag-asa."

Tumawa ako.

Nakng, sakit nun, ah.

"O kaya naman, hindi ka lang talaga ganoon ka interesado sa kanya."

Natahimik ako roon.

Ako? Kay Mari Solei? Aris? Hindi interesado? Eh nung una ko siyang nakita sa church meeting noon, halos hindi ako makatulog kakaisip kung sino nga ba siya. At inalam ko rin ang pangalan niya pati number.

Highschool pa lang ako, pinapangarap ko na si Mari Solei. . . tapos hindi interesado? Imposible.

Pakiramdam ko pinagalitan ako ng isang kuya at sinabihan ako ng, Ino, hindi sapat ginagawa mo kay Mari Solei.

Bumuntong hininga ako at medyo hilo na rin bago inubos ang iniinom na beer.

Isang oras ang tulog ko dahil ginising ako ni Deus nang mag-ala sais na ng umaga. Kahit malamig ang tubig, naligo ako. Hindi pa rin humihinto ang ulan at mahamog pa rin sa labas nang umakyat kami sa restaurant. Wala pa ring kuryente at hindi rin nagrereply si Sir Francis. Mukhang lowbatt at walang pang charge..

Isang oras din hinintay namin para sa pagdating ni Sir Francis.

"Nakuumuulanpa rinathinditayomakakaakyat. Deliakdoangdaan anglakasparinngulan."

"Hala, may mga pasok pa kasi itong mga kasama ko sa school," turo sa amin ni Deus.

Tiningnan lang kami ni Sir Francis at sumingot.

"Hinditayomakakaakyattalaga salakasngulan."

"Hindi na lang ako papasok," sabi ni Unica at tiningnan ako. "Huwag ka na lang din pumasok."

"Hindi pwede," sabi ko. Nakunsensya ako sa pagkadismaya ng itsura niya. "Monday lang ako pwedeng umabsent. Baka sakalin ako ng mga kaibigan kop ag hindi ako tumulong sa final project na gagawin."

Lalong lumala ang simangot ni Unica. "Lah, paano 'yan? Sabado na ngayon."

"Aymaybagyokasi," sabi ni Sir Francis. "Signalnumber2nangaatadito ay."

Natahimik kaming tatlo. Nakatingin sa amin si Deus nang taimtim.

May tatlong linggo pa bago ang finals. Napaaga ang punta namin sa Cordillera dahil nagkaroon ng long weekend vacation. Napagdesisyunan din kasing huwag sembreak dahil siguradong maraming tao. Hindi makakapag video nang maayos si Deus. Hindi rin ako nagpaalam kay Mama dahil mag-aaalala 'yon. Ang alam naman ni Gio ay may overnight kami ng pageant committee na hindi rin alam ng mga kaibigan ko.

Bumuntong hininga si Deus. "Kung hindi pwede, umuwi na lang tayo bukas para umabot kayo ng Tuesday sa school, tops."

Nakaramdaman naman agad ako ng kunsensya. "Dito na lang kayo, ako na lang uuwi nang mag-isa."

"Hindi pwede 'yun!" sabi ni Unica. "Ako pagbubuhatin niyo ng equipment ni Deus? Ang bigat kaya!"

Nagsalitan ang tingin sa amin ni Sir Francis. "Kunghumintomamayaang ulan,balikakorito. Bakasakaling pwedenangumakyat."

"Sige ho, pasabihan na lang kami."

Kung pwede lang akong umabsent, gagawin ko. Pero gagawa pa kami ng final project at marami-rami pa akong gagawin din para sa pageant at ibang subjects. Tinutulungan ko rin si Aris sa paglipat niya sa school.

Hinimas ko ang nananakit kong ulo.

Iniwan kami ni Sir Francis na tulala sa bintana habang humahampas ang malakas na hangin at mga sanga ng mga punong nasa labas.

"Hindi ko akalaing maiinis ako sa ulan," sabi ni Unica habang umiinon ng Pinoy Kape, white coffee. "Ang laking hadlang para makaakyat tayo."

Bumuntong hininga si Deus. "Basta plan B, bumalik na lang tayo sa Manila kapag hindi tumila."

Tumila ang ulan pagkarating ng tanghalian.

Ginising pa ako ni Deus dahil nakatulog ako sa sofa sa common room pagbalik mula sa pagkain ng agahan. Naririnig na namin ang sipol ng mga ibon at kita na rin ang tanawing bundok sa labas ng bintana. Kalmado na rin ang rumaragasang ilog.

Dumating si Sir Francis. At siguro may balat sa pwet ang isa sa amin, dahil laging bad news ang dala niya.

"Landslide."

"Tangina forever, tumigil na nga ulan – landslide naman?!" reklamo ni Unica pagbaba namin sa inn. Humiga siya sa pahabang upuan at nagdabog. "Ayaw ba talaga tayo paalisin? Paano 'yan? Wala ring kuryente. Kaiyak."

"Maghintay tayo ng himala," sabi ko at naupo sa isang upuan.

"Ang himala siguro ay aabsent ka ng Tuesday para mas marami tayong oras dito."

Bumuntong hininga ako. "Pasahan na namin ng project. Hindi ako pwedeng umab—"

"Minsan lang naman—"

"Unica, hayaan mo na," sabi ni Deus at naupo sa tapat ko. "Hindi lahat ng tao kayang balewalain ang pag-aaral."

"Anong pinapahiwatig mo?"

Ngumisi si Deus. Binato naman siya ni Unica ng unan na nasalo rin niya.

Nakukunsensya ako. Gusto ko pang manatili at lakbayin pa ang buong lugar. Pero kung bukas pa kami makakapunta ng Buscalan, at overnight din doon, Tuesday pa kami makakauwi at Wednesday ako makakapasok.

Nakng, ang daming dadagdag na responsibilidad.

Ngayon pa nga lang na hindi ako kumikilos sa long weekend, sugal na.

Bumuntong hininga ako.

"Ayos lang 'yan. Huwag mo masyadong isipin," sabi ni Deus saka ako nginitian. "Madalas talaga sa mga ganitong pag-alis, hindi naaayon sa plano."

"Pero di ba, itinerary nating makaakyat at magvideo ka—"

"Tol, ayos lang. Marami pang araw na darating. Hihintayin naman ako ni Whang Od sa susunod kung hindi ako makakaakyat ngayon."

"Kaya lan—"

Natigil ako sa unan na binato sa akin. Binalingan ko ng tingin si Unica na nakakunot ang noo. "Ingay mo. Natutulog ako."

Gising siya.

Gusto lang talaga niya akong batuhin ng unan.

Binalak naming lumibot sa tinglayan pero biglang bumuhos ulit ang malakas na ulan. Bumuntong hininga si Deus at pumasok sa kwarto, nagpaalam na matutulog muna. Bumaling ang tingin ko kay Unica na nakahiga sa sofa at nakatingin sa labas ng bintana.

"Hindi ka ba natutuwa sa ganito?"

"Alin?"

"Yung ganitong walang ginagawa? Walang iniisip. Payapa lang."

"Ayos lang."

"Hindi ka mukhang ayos. Mukha kang natatae. Constipated. Huwag mong isipin mangyayari sa Manila. Nandito ka ngayon. I-enjoy mo 'yong ngayon."

"Ang dami kas—"

Binato na naman niya ako ng unan. Hindi ko agad nasalo kaya tumama sa salamin ko. Na naman! Minabuti kong itago na lang ang salamin ko sa mata sa bag ko. Medyo malabo ang paningin ko pero ayos lang kaysa naman laging tinatamaan ng babaeng 'to.

Paglabas ko ng kwarto, nakatayo na si Unica.

"Tara nga."

"Akyat ka sa restaurant?"

Hindi siya nagsalita at naglakad palabas ng inn. Nilingon niya ako, mukhang hinihintay niyang sumunod ako na ginawa ko rin. Ang inaasahan ko ay baka magkape kami dahil lumamig sa lakas ng ulan– kaso iba ang nasa isip ni Unica.

Tumakbo siya. Hinatak ako. Palabas ng daan.

"Teka—" Lalong humigpit ang hawak niya sa braso ko. "Nababasa tay—"

"Duh!" Tumawa siya. Nang makalayo kami sa inn, sumigaw siya ng, "YOLO!"

Wala pang ilang segundo, basang-basa na kami sa pagbuhos ng ulan.

Pinipigilan ko pa siya. Umiwas ako ng tingin nang mapansing may bumabakat na sa nababasa niyag sando. Tinanggal ko ang hawak niya sa akin at ako ang humawak sa braso niya.

"Nakng, magkakasakit tayo nito, eh!" pagsigaw ko. May sinabi siya pero hindi ko narinig dahil sa buhos ng ulan. "Hindi ko marinig!"

Nagulat ako sa bigla niyang ginawa: malamig ang kamay niyang hinawakan ang magkabila kong pisngi. At para akong sinuntok sa tiyan ng kung ano nang magkatitigan kami.


; x ;

Kapag hindi umayon sa  plano mo ang lahat, anong gagawin mo? :D







Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro