16. Zane, The Couch Potato

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"People can really change. When they're far away from each other, their hearts will change. It's so cruel that the only thing I can do is wait."

- Ran Mouri

Chapter 16:
Zane, The Couch Potato

· · ────── ·𖥸· ────── · ·
ZANE

"Isa't kalahating araw lang nawala ang kapatid kong ito pero ngayon ay hindi na siya 'couch potato'," pabirong wika ni Ate habang sabay kaming naglalakad papunta sa tapat ng apartment ko.

Sasabihin ko sanang ininit ko lang ang niluto ng kasama ko pero may bumubulong sa aking isipan na baka tadtarin niya ako ng biro kung malalaman niyang hindi pa rin ako nagluluto.

"Ate, welcome to 221B," wika ko rito noong sa wakas ay nakatungtong na rin kami sa tapat ng pinto ng tinitirhan ko. "I haven’t had a chance to clean yet, as I was busy with various tasks yesterday, so it’s still a bit messy inside."

"Ang astig nga, e," sambit nito na nagbigay ng isang matamis na pagngiting matagal ko nang hindi nasisilayan dahil sa hindi na kami masyadong nagkakausap. "Parang address ni–"

"Sherlock Holmes!" pareho naming bulalas.

"Oo nga po, ano?!" bulalas ng hindi ko makapaniwalang sarili.

Nang dahil sa mas namayani ang pagkakaba ko sa bagong mundo ay hindi ko na namalayan ang mga magagandang bagay sa paligid.

"Tama ka riyan," sagot sa akin ni Ate. Pareho kaming mahilig magbasa ng mga aklat at pareho ring mahilig manood ng iba't ibang anime. Hindi ko na sana mapapansin ang sinabi niyang iyon kung hindi niya pinaalala sa akin.

When I opened the door, I was greeted by a scene of my flatmate eating in the kitchen. Even though our eyes met, she continued eating without a pause.

"Saan ka galing? Kanina pa kita hinahanap."

"Ikaw ang bigla na lang nawala," sagot nito. Matapos ang isang subo ay inilapag niya ang hawak-hawak na kutsara at kinuha ang basong mayroong malamig na tubig.

Habang abala siya ay alam kong maaari ko nang patunayan kay Ate na kakaiba ang kasama ko. Baka sa ganoon ay maawa siya sa akin at patuluyin ako sa tinutuluyan niya – mas maganda na iyon dahil tatlo na kaming maghahati-hati sa bayarin.

"Ate, tingnan niyo po ang sinasabi ko sa iyo," pabulong kong wika kay Ate bago pa man siya makapasok sa apartment at makita ni Raine.

She simply pushed the door open as if she didn’t care and then calmly faced my flatmate. "Hi, Raine. Kumusta na?"

Inilapag ni Raine ang hawak-hawak na baso at nagsimula muling sumubo. Nabaling na ang kaniyang mga titig sa kinakain. "Hello po," mahinang sagot lamang niya.

"Nakilala mo na pala ang kapatid ko. Makulit ba?" tanong pa ni Ate.

"Ayos lang naman po siya," sagot ni Raine.

Pupunta na sana siya sa parisukat naming sofa upang umupo nang isang notipikasyon ang pumukaw sa aming atensiyon. Pagtingin ni Ate sa kaniyang selpon ay ang pangalang Brittany ang nagpakila.

Answer. "Hello, Brit."

"Hi, besh. Nandito na ako sa labas," sagot ng tao sa selpon niya. "Pwede ba akong magpatulong?"

"O sige. Pupunta na ako," wika naman ni Ate sabay patay sa tawag. "Raine, ikaw na ang bahala sa kapatid ko, a. Dahil mahilig iyang gumamit ng selpon buong araw at saka umupo lang sa tabi, mas magandang isama mo siya sa labas minsan para naman pareho kayong maarawan. At saka, yung manok na binili ko, nasaan na?"

"Nasa refrigerator pa, Ate," sagot ko.

"Maghati na lang kayo nun. Sige, paalam." Tinapik-tapik niya ang aking kanang balikat at saka na umalis kasabay ng pagsara niya sa pinto.

Maghati? Kung ganoon ay nag-overthink talaga ako kahapon. Ano ka ba naman, Zane?

"Bilisan mo na riyan," pagputol ni Raine sa mga iniisip ko. "Susundin ko agad ang utos sa akin ng Ate mo. Pagkatapos mong kumain, pupuntahan na natin ang sinasabi ko kanina."

"Saan naman iyan?"

"Malapit lang kaya sige na. Mabilis lang din naman tayo," dagdag pa nito at saka na bumalik sa kuwarto niya. "Besides, it’ll be excellent content for your blog on your little website."

Did she even notice that? Then again, it’s my fault for following her website last night.

Lorrainedeverra. That's why it's L.A.V.

Sa muli ay naiwan na naman akong mag-isa. As time goes on, I’m increasingly worried that I might end up merely being submissive to her. Wala naman akong mapapala kung palagi na lang akong nakabuntot sa kaniya.

Nagsandok na nga ako ng kanin at nagsimula nang kumain. Mainit-init pa ito at dahil siguro iyon sa bilis lang naming magkausap ni Ate. Bukas ay malaki ang posibilidad na hindi na iyon maulit dahil pasukan na naman.

Matapos kumain ay niligpit ko na ang pinagkainan ko. "Mamaya na ako maghuhugas," wika ko sa aking sarili. "Maghahanap muna ako ng mababasang komiks sa internet na pwedeng idagdag sa blog ko habang hindi pa lumalabas sa lungga niya yung dragon dito."

Hinayaan ko munang maupo ang aking sarili sa parisukat na sofa na nakaharap sa kanang parte ng apartment. Gustong-gusto ko ang puwestong iyon dahil abot doon ang hangin na nagmumula sa balkonahe at saka nakatalikod din sa pintuan.

Pagbukas ko ng selpon ay isang notipikasyon ang bumulaga sa akin. Isa na namang mensaheng nagmula sa isang hindi ko kilalang numero.

"Sino naman ito?" Pagbukas ko sa mensahe ay pansin kong iba ang numerong iyon sa numero ni Raine.

Pumapayag ka na ba sa inaalok ko, Mr. Nuñez?

Para bang nanigas ang buong katawan ko at hindi makagalaw. Kahit na magkakaroon ako ng scholarship ay delikado ang mga bagay tungkol sa pera. Pero kung ang kailangan niya lang naman ay impormasyon sa kung saan pupunta si Raine ay maaaring maging ayos lang ang lahat.

"I’m not gaining much from constantly following Raine, but if I tell that woman what she’s up to, I could make some money," sambit ko sa aking sarili. "Ano ba ang gagawin ko?"

"Sabihin mo kung saan tayo pupunta mamaya," wika ng isang boses na nagmula sa aking likuran.

It felt as though my soul had left my body when my mind realized that the voice was coming from Raine.

"R-Raine? A-Akala ko nasa... Akala ko nandun ka–"

"Parang nakakita ka ng multo? Anong nangyari sa iyo?" Naglakad lamang ito papunta sa isa pang parisukat na sofa na nakaharap sa akin at doon umupo.

"Itong nasa selpon, h-hindi ko–" Halos hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya. Matapos ang sinabi kong iyon ay para bang wala na akong mukhang ihaharap sa kaniya.

"Galing ba ang mensaheng iyan sa pinakamatindi kong kalaban, kung iyon man ang gusto niyang itawag ko sa kaniya?" kalmado niyang tanong.

"Ahh..." Ano pa ba ang sasabihin ko, kung hindi ay sabihin na lang sa kaniya ang pangyayari. Mas maayos nang may nakakaalam nang kung ano man ang nangyari.

But she might also get caught up in whatever that woman’s intentions are.

"Kanino iyan galing?" wika pa niya.

No, Zane! Since she’s the one who wants to get involved, just say it. You’ve got nothing to lose if that mysterious woman doesn’t find out that her informant is aware of what’s going on.

"Sa... Sa kaniya nga," sagot ko na lamang. "Pero, pakiusap, huwag mong ipapahalatang alam mong sinabi ko sa iyo."

"Kung ganoon ay hindi pa rin niya talaga ako tinatantanan," wika ni Raine.

"Para lang malaman mo, totoo ang sinasabi ko sa iyo na inalok niya ako ng pera," pagpapaliwanag ko.

"At hindi mo iyon tinanggap kaya naman wala kang napala," sagot niya. "Ngayon ay sagutin mo na lang siya at maya-maya lang ay baka sumuweldo ka na."

"Seryoso ka ba sa pinagsasasabi mong iyan? Sasabihan ko ba talaga siya? Hindi ka ba natatakot sa kung anong gagawin niya sa iyo?!" pagdiin ko, umaasang matauhan man lamang siya.

"It’s time for us to cross paths once more. And yes, I am serious about what I’m saying," sagot pa ni Raine.

I didn’t have a choice. I had a feeling that Raine knows exactly what she’s doing. At isa pa, parang mas kaya pa niyang ipagtanggol ang sarili niya kaysa sa akin.

"Anong sasabihin ko sa kaniya?" tanong ko na lamang.

"These words exactly: '217A, Luna Residences, Kalayaan Street. May bibisitahin kami," wika niya.

217A, Luna Residences, Kalayaan Street. May bibisi-

"May bibisitahin tayo? Sino?"

"Basta, isend mo na yan," wika niya sabay tayo mula sa kinauupuan.

... -tahin kami. Send.

"Nasend ko na." Tumayo na rin ako at saka ko siya nakitang binubuksan na ang pintuan.

Sa marami-rami na ring pagkakataon ay nakita ko na naman ang sarili kong humahabol sa isang mabilis maglakad na tao. "Sandali lang!"

Papaliko pa lang ako sa may hagdanan papunta sa common room sa baba ng 222B nang doon ko siya naabutan. Nakatingin ito sa akin at saka napahinto.

"Nasaan pala ang Tita mo?" tanong niya.

"Umalis siya," sagot ko na sa wakas ay nakahabol din. "Pero sabi niya, nakita ka niya kanina. Baka kung sino lang ang nakita niyang kamukha mo o baka lumabas ka nga kanina."

Nagsimula ulit siyang maglakad. "Nandoon lang ako sa library natin. Bakit ba hindi mo ako nahanap doon?"

"Hinanap kita pero wala ka naman doon," depensa ko.

"Hindi ka kasi naghanap nang maayos," wika pa nito.

Paglampas namin sa common room ay binuksan niya ang pintuan palabas. Umikot kami pakanan at saka noon ko pa lamang nakita nang malapitan ang mga nakatago pang apartment sa ibaba.

"Hindi tayo makakapasok nang magkasama," wika niya na napatingin sa may bintanang nakabukas. "May nauna na sa atin."

"Ano ba ang gagawin mo rito?"

Huminto kami sa harapan ng Apartment 217A.

"Ito," wika niya sabay bigay sa akin ng isang kulay puting earpiece.

"Aanhin ko naman iyan? Magpapatugtog lang ako rito sa labas?" tanong ko na sinagot niya ng isang misteryosong ngiti.

"Ikaw ang papasok sa bahay na iyon," sagot nito na nagpabilis muli ng pagtibok ng aking puso.

"Ano?"

"May tao na sa loob kaya kailangan kong makuha mo ang atensiyon niya. May kailangan lang akong tingnan doon," dagdag pa niya.

"Kung papasok ka rin lang, bakit ako pa ang kailangang kumuha sa atensiyon niya? Ano ka, papasok nang palihim sa bintana?" tanong ko.

"Maririnig ko ang mga sinasabi mo at maririnig mo naman ang mga sinasabi ko. Bumulong ka lang sa akin, tutulungan kita kung ano ang mga salitang dapat mong sabihin," pagpapaliwanag nito.

Napabuntong-hininga na lamang ako. Pagkatapos ng bagay na iyon ay matutulog na ako sa kama at alam kong mas babagal pa ang oras kung makikipag-away pa ako sa kaniya.

"Anong gusto mong gawin ko?"

"Ulitin mo lang kung ano ang sasabihin ko at huwag kang magsasalita ng kung ano-ano na lang," sagot niya.

"Sige. Kung iyan ang gusto mo," sagot ko habang naglalakad papalapit sa may pinto.

Samantala, bigla na lamang nawala sa aking paningin si Raine. Nang dahil sa alam ko naman ang plano niya ay baka naroon na nga siya sa may parteng bintana.

Bakit naman kaya takot siyang makita ng nakatira sa apartment na ito?

"Ano naman kaya ang gagawin ko rito?" sambit ko sa aking sarili na nagdadalawang-isip pang kumatok.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro