2. The Familiar Stranger

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"It takes a great deal of bravery to stand up to our enemies, but just as much to stand up to our friends."

- Albus Dumbledore, Harry Potter and the Sorcerer's Stone, Chapter 17

-----

Chapter 2:
The Familiar Stranger

· · ────── ·𖥸· ────── · ·
ZANE

“Isa na namang Nuñez.”

“H-Huh?” tanong ko na lamang. Nagbalik ang kakaibang pakiramdam na akala ko'y nawala na.

“Isa ka sa mga Nuñez na nandito, tama ba? Kakilala ng may-ari,” dagdag niya. “Pamangkin o kamag-anak?”

Pamangkin. P-Paano mo nalaman? Sinabi ba sa iyo ni Tita?” tanong ko na napaharap dito.

“Ito na ang order mo, anak.” Nabaling ang kaniyang misteryosong tingin sa aking likuran kung saan ko narinig ang mga yabag at ang boses ni Tita.

“Ah, thank you, Tita!” Napalitan ang kaninang seryosong ekspresyon niya ng maligayang pagtanggap habang inaabot sa kaniya ni Tita ang hawak-hawak na kape. “Bagay po sa inyo ang bagong apron na iyan.”

Biglang pumasok sa isip ko ang mga dagdag na katanungan. Hindi ko napansin kung naka-apron ba si Tita kanina o hindi. At isa pa, isa rin ba siya sa mga nanunuluyan sa mga apartment dito?

Pagkakuha niya ay umupo na ito sa upuang uupuan ko sana kanina lamang.

“Napansin mo pala,” wika ni Tita rito na nakangiti. “Teka lang, hijo, ah. Kukunin ko na rin ang order mo.”

Pag-alis ni Tita pabalik sa counter ay muli na namang nagsalita ang babaeng nasa harapan ko. Hindi pa niya iniinom ang inorder na kapeng cappuccino. Sa halip ay kinuha nito ang isang maliit na notebook na may kasamang isang ballpen at saka nagsulat.

“Mahilig kang magbasa?” tanong niyang muli.

“Is that because I took a book–” Pagtingin ko sa kaniyang lamesa ay naroon ang librong hihiramin ko sana kanina. Binuksan niya ito at saka para bang sinusulat ang mga bagay-bagay mula rito.

“Mas mahilig ka sa anime kaysa rito. Kung gusto mo, may nahanap akong isang anime na libro riyan,” sagot niya sa aking tanong. “Mahilig akong magsulat ng mga kuwento o kung ano-ano pa. Sa tingin mo ay ayos lang na magkaiba ang hilig nating dalawa?”

Muli kong narinig ang mga yabag ni Tita na papalapit sa akin. “Dito ka na lang umupo sa kabilang upuan,” wika niya.

“Dito na lang po siya tumabi sa akin,” pagputol ng babae.

“Hindi ka naman magagambala, anak?” tanong ni Tita sa kaniyang maalalahaning tinig.

“Nagsusulat lang naman po ako,” sagot ng babae na hindi pinuputol ang pagtingin sa sinusulat.

Paglapag ni Tita ng crinkles at kape ko sa lamesa ay nakakuha ako ng oportunidad na hayaang sagutin ni Tita ang mga katanungan ko. “Sinabi niyo po ba sa kahit sino rito ang pagdating ko? May nakakaalam po ba?” pabulong kong tanong.

“Wala naman. Imposible naman atang ang kapatid mo dahil umuwi siya noong bakasyon at kamakailan lamang siyang nagsabi sa akin na darating ka,” sagot ni Tita.

“Uh, Ate, puwede po bang magtanong?” tanong ko sa babaeng nakaupo. Pagkatapos kong magsalita, ibinaba niya ang kaniyang ballpen at isinara ang aklat. Nalipat sa akin ang kanyang atensiyon. “P-Pwede po ba?”

“Sige,” sagot niya. “Ano iyon?”

“Sino po ang nagsabi na pamangkin ako ng may-ari ng lugar na ito? At saka paano rin na nalaman mong mahilig ako sa anime?” tanong ko sa tonong hindi siya nais na inisin.

Binigyan niya ako ng isang pagngiti at saka niya ibinuka ang kaniyang mga labi.

“Mukhang sa wakas ay may makakasama na rin ako sa silid ko,” wika niya. Tumayo ito at saka iniurong papunta sa akin ang librong parehong kumuha ng atensiyon namin. “Tita Clara, pa-take out na lang po ng kape ko, please.”

“Ikaw ba ang makakasama ko sa apartment?” tanong ko bago pa siya umalis.

“Sa wakas ay may kahati na rin ako sa bayarin,” sagot niya.

Pagbalik ni Tita ay inilipat na nga niya ang kape ni Ate sa isang styrocup na may tatak na ‘Clara's Coffee Shop’. “Here you go, anak.”

“Salamat po ulit, Tita,” wika pa niya habang minamasdan ko siyang maglakad palayo.

Malapit na sana siya sa pinto nang napatigil siyang muli. Akala ko kung may nahulog lang siya subalit sa halip ay humarap siya sa akin. “Magkita na lang tayo sa hapunan.”

“S-Sigurado ka ba talagang ayos lang na lalaki ang kasama mo sa isang kuwarto?” tanong ko pa.

“Ayos lang naman sa akin lalo na’t alam kong mapagkakatiwalaan ka,” sagot ng misteryosong babae.

Nanlaking muli ang aking mga mata. Kung makapagsalita siya ay para bang alam na alam na niya ang pagkatao ko.

“Pasensiya na, Ate, pero kilala po ba kita?”

Pilitin ko mang tumigil na sa pagsasalita sa harap ng mangilan-ngilang tao sa loob subalit hindi napigilan ng mga labi kong manahimik na lamang. Alam kong marami pa akong katanungang nagnanais na makawala mula sa aking isipan.

Umiling-iling siya na para bang kinokonsidera ang mga taong nakatingin sa amin.

“Maybe, maybe not,” sagot niya. “Siya nga pala, huwag mo na akong tawaging Ate kasi mas matanda ka sa akin. Now, excuse me, Tita, new guy, pupunta na ako sa sunod kong destinasyon.”

“Sunod na destinasyon?” sambit ko na lamang sa aking sarili habang sa muli ay pinagmasdan ang pag-alis niya.

Pumunta ang babae sa kaliwang bahagi ng coffee shop kung saan ay kita ko siya sa salaming pader. Dire-diretso lamang siya nang maya-maya lamang ay nawala na ito sa aking paningin.

“Sino po yun, Tita?”

“Tama ang hula mo. Siya ang makakasama mo sa apartment,” sagot ni Tita.

“Kakaiba po ba talaga siya o sadyang dahil sa para bang close kayo ay madalas niyo akong banggitin sa kaniya?” tanong ko rito na hindi pa rin makapaniwala sa nasaksihan.

“Wala naman akong nabanggit sa kaniya na tungkol sa inyo ng kapatid mo,” sagot niya.

“Hindi naman po ba ang kapatid ko ang nagsabi sa kaniya?” panibago kong tanong.

“Ang totoo, ang kapatid mo sana ang kasama nung kausap mo kanina noong una siyang pumunta rito noong nakaraang taon. Kaso nga lang, sinabi niyang gusto na lang niyang lumipat,” paliwanag ni Tita.

“Bakit po siya umalis?” sambit ko pa.

“Nangupahan din kasi rito ang isa sa mga kaibigan niya kaya ayun, nakiusap na doon na lang siya,” sagot ni Tita.

Sino kaya ang babaeng iyon kanina?

“Siya nga pala, kung gusto mong malaman ang pangalan niya, isa siyang De Verra,” sambit ni Tita.

Napakapamilyar ng apelyidong iyon sa akin. Hindi ko alam subalit noong binanggit iyon ni Tita ay nagbigay ito sa akin ng goosebumps.

“Pa-order po.” Isang customer ang dumating na humila na naman kay Tita palayo sa akin.

“Maiwan muna kita riyan,” wika niya sabay alis.

Naupo na lamang ako at nagsimulang kumain ng chocolate crinkles ni Tita.

Nakita ko ang librong forensics sa aking harapan. Pagbukas ko rito ay may isang maliit na piraso ng papel na may nakasulat na kung ano. Noong aking binasa, sinabi ritong:

:・゚

Magluto ka ng paborito mong adobo mamaya. Mag-celebrate tayo sa pagdating mo.

:・゚

Sa baba ng sulat-kamay na iyon ay nakasulat ang mga letrang L.A.V.

Sino naman kaya ito? Kadarating ko pa lang dito pero ang rami nang mga kababalaghang nangyari.

Habang iniinom ko ang aking kape ay pumasok sa aking isipan ang presensya ng aking selpon. “Ma-search nga kung sino ang De Verra na iyon.”

Binuksan ko ang isang aplikasyon at doon ko itinayp ang kaniyang apelyido.

De Verra.

Marami ang nakita kong taong may apelyidong ganoon. Patuloy akong nag-scroll subalit hindi ko nakita ang kaniyang mukha.

Susuko na sana ako nang makita ko ang isa sa mga post kung saan nakita ko ang buong pangalan na may posibilidad na may kinalaman sa kung sino man ang L.A.V. na iyon.

"Totoo ba ito?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro