28. The Unfinished Case

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Memories of someone who's passed away remains beautiful forever and a person's heart will linger over them, they say."

- Ai Haibara

-----

Chapter 28:
The Unfinished Case

· · ────── ·𖥸· ────── · ·
ZANE

Magsisimulang muli ang dati nang nasimulan.

Para bang hinugot mula sa aking katawan ang aking kaluluwang nagkukumahog na makahanap ng mga kasagutan. "Ano naman ang ibig sabihin ng–"

"Huwag mong sabihing hindi mo alam ang tungkol diyan. Siguro naman ay nabasa mo na iyan dati o narinig mo na sa kung saan," pagputol sa akin ni Raine na tinitingnan ang mga buto.

Agad kong kinuha ang aking selpon at saka tiningnan ang internet. May kutob ako sa ibig sabihin ng bagay na hawak-hawak niya subalit kailangan kong makompirma iyon.

Five orange seeds.

Nanlaki ang aking mga mata nang mabasa ko ang ibig sabihin nito.

"Five orange pips," Raine muttered under her breath.

"KKK," I blurted out.

"It's a warning, Zane," dagdag pa niya.

"Alam ko, pero hindi ba't itong KKK na ito ay isang sekretong organisasyon? Hindi ang Kataastaasan Kagalang-galang Katipunan ng mga Anak ng Bayan kung hindi ang Ku Klux Klan." Lumapit ako sa kaniya at ibinulong ang mga salitang iyon habang tumitingin-tingin sa paligid kung may nakikinig ba.

Mahilig ako sa mga bagay na may kinalaman sa kasaysayan. Bukod doon ay marami na rin akong nabasang mga nobela — kagaya na lamang ang istorya kung saan nasambit ang ibig sabihin ng mga butong iyon na sinulat ni Sir Arthur Conan Doyle.

"Raine, paano ka nakaabot sa mga ganito?" tanong ko pa.

"Hindi ko alam pero baka may kinalaman ito sa mga dating kaso na nilutas ni Dad — ang maaaring dahilan ng trahedyang iyon," sagot niya na nagsimulang maglakad muli.

"Kaso? What do you mean? You're just like your Dad?"

Act like you don't know anything yet, Zane. Let the answers flow from her naturally.

"Chief Detective siya," sagot nito na nagbigay ng isang pagkalabit sa aking isipan.

Ilang beses kong nabanggit ang apelyido nila sa aking isipan subalit hindi ko lang maalala kung paano ko sila unang nakilala.

Pilit ko mang alalahanin habang naghahabol sa mabilis niyang paglalakad subalit hindi ko iyon magawa.

"Pahiram nga ako ng litrato," aniya. Napatigil siya sa aking harapan na muntik ko nang mabangga nang dahil sa dami ng nakatambak sa aking isipan.

Ibinigay ko na lamang dito ang litratong ipinahawak niya sa akin. Wala kaming suot o dala mang gloves kaya naman baka mokontamina namin iyon.

"Pwede bang... Pwede bang matanong kung ano ang pangalan ng Papa mo?" tanong ko kasabay ng pag-abot niya sa hawak ko. Alam ko na iyon subalit baka mapatunog nito ang memorya kong madalas ay kinakalawang.

"William De Verra," sagot niya.

Sa wakas ay bumalik na sa akin ang alaalang hinahanap ko. Agad kong hinanap ang pangalan nito sa internet at saka ko nga nahanap ang buo nitong pangalan.

Detective Chief Superintendent William Lawrence De Vera.

Kasabay noon ay ang paglabas ng mga balita tungkol sa nangyari sa kanila — ang trahedyang ikinuwento sa akin ni Raine.

Gusto ko pa sana siyang tanungin subalit hinila naman ako kaagad pabalik sa kadiliman ng kasong ginagawa namin.

"Hindi na klarado kung sino ang nasa litrato!" wika ni Raine na ramdam ko ang pagkalito sa kaniyang mga kilos.

"Alam kong makakaya mo naman ang bagay na iyan pero sa ngayon ay kailangan nating humingi ng tulong tungkol dito. May buhay na nasa panganib!" ani ko na pabulong upang walang ibang makarinig sa pinag-uusapan namin.

Alam kong mayroon pang ibinigay na gawain ang Ate ni Raine sa kaniya at sinabayan pa ito ng bagong kaso na gustong may makipaglaro sa kaniya.

Ito na nga ang kinatatakutan ko!

"Kilala mo ba kung sino ang nasa litrato?" tanong niya.

Sa muli ay tiningnan ko nang maigi ang litratong iyon. Hindi ko alam kung dalaga ba o medyo matanda pa ang babae roon subalit base sa estilo niya ay maaaring nasa kalagitnaan ng teen at late teenage years na ito.

"Hindi ko alam pero baka makatulong si Tita," sagot ko na bumase na lamang sa background nito.

Pagdating sa gusali ay natagpuan namin sa loob ng coffee shop si Tita. Kagaya ng dati ay abala ito sa pag-aasikaso ng mga costumer niya.

"Tita, may alam ka po ba tungkol sa litratong ito?" tanong ni Raine habang ipinapakita rito ang hawak-hawak.

Noong inilapit niya ito ay sinuri nito ang litrato ng ilang segundo. "Parang damit ko iyan, a," wika niya.

"Ikaw po ba ang dalagang iyan?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi," sagot niya na nagpatibok nang mabilis sa aking puso. "Saan galing ang litratong iyan?"

"Hindi po namin alam, pero nasa iyo pa po ba ang damit na iyan?" tanong pa ni Raine.

"Nasa apartment ko at nakatago sa isang kqhon," wika ni Tita. "Mary, ikaw na muna rito, a. May gagawin lang ako madali!"

Pagtingin ko sa counter ay naroon ang kapatid ko na nagtatrabaho rin sa coffee shop kasama ang kaibigan nitong si Brit. "Sige po," sagot nito.

Pumasok kami sa pangalawang common room sa pamamagitan ng pintuan sa kanang bahagi ng shop. Mabilis kaming umakyat papunta sa bahay niya sa 225C at saka na ito na naghanap sa mga silid niya.

"Raine, masama ang kutob ko rito? Sabihin ba na natin kay Tita?" pabulong kong tanong sa katabi ko habang abala si Tita sa paghahanap.

"Para madamay rin siya rito? Zane, delikado," sagot nito na may pagdiin sa kaniyang tinig.

Hindi nga nagtagal ay dumating na rin si Tita na may dala-dalang damit na nakatipig sa loob ng isang karton.

"Binigay iyan sa akin ng Papa ni Zane limang taon na ang nakararaan. Hindi ko naman iyan ginamit kaya nilagay ko lang dito sa karton," wika ni Tita.

"Pwede po bang mahiram ito?" tanong ni Raine.

"Kung gusto mo ay sa iyo na lang ang mga damit na iyan. Ibibigay ko sana iyan kay Mary kaso ayaw niya ng mga dress," sagot nito.

Hindi naman sa ayaw ni Ate ng dress kung hindi ay mapili lang talaga ito sa mga sinusuot na damit.

"Sige po. Salamat." Kinuha ni Raine ang karton at saka na kami naglakad muli palayo.

"Anong plano mo?" tanong ko habang naglalakad kami pababa ng hagdanan.

"Paano niya nasabing kaso ito?" wika ni Raine.

"Siguro pinapahanap lang sa iyo kung sino ang taong nakasuot ng damit na iyan," sambit ko na pabiro, umaasang mabuhayan man lang siya.

Dumiretso lang siya sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa labas ng gusali. "Saan naman tayo pupunta?" tanong ko pa.

"Balik sa siyudad," sagot niya. "Mapapaaga ang pa-laboratory activity ni Sir Aguilar."

࿐ ࿔*:・゚

Pagbalik nga sa siyudad ay sinalubong kami ng isang gusaling malapit lang sa Police Headquarters. Sa itaas nito ay nakalagay ang mga salitang St. Luke the Evangelist Hospital.

"Consider yourself fortunate for still having access to the lab here," greeted the attendant overseeing one of the rooms in the facility we visited.

"Nice to see you again, Sam," sagot ni Raine sa babaeng para bang nakita ko na noon.

"Hindi ba ikaw yung–" wika ko habang hinahanapan ni Raine ng mapupuwestuhan ang mga gamit niya.

"Hi! I can't believe I'll see you again with that girl," sagot nito sa akin na para bang hindi pa rin interesadong makausap ako.

Tama! Siya nga iyong babaeng kasama ni Kuya George noong Sabado — yung medyo maarte.

Mula sa may hindi kalayuan ay nakita kong pumuwesto si Raine sa isa sa mga lamesang nasa gilid ay mga lab equipment.

"Typical mystery setting," pabulong kong wika sa aking sarili habang lumalapit dito. ""Let me guess, she's a friend of yours, which is why you have access to these things?"

Ibinaba niya ang mga gamit na dala at saka sinuot ang isang pares ng surgical gloves galing sa isa sa mga kartong lagayan nito.

"A friend?" sarkastikong sagot sa akin ni Raine.

Pagtingin ko sa paligid ay mayroon pang mangilan-ngilang tao sa loob at nakasuot ng lab gown kagaya na lamang ng masungit na babae.

"Ano yan, De Verra? Magtatahi ka rito?" tanong ulit sa kaniya ng babae. "This is exclusively for research purposes and–"

"Research purposes?" tanong ko pa. "So does that mean that you two are–"

"Ah, St. Luke's Hospital, the private hospital owned by my uncle. Now, my sister oversees it," sagot ko.

"And what is she doing here?" pabulong kong tanong sa aking kasama.

"Ignore her," sagot nitong para bang hindi alintana kung nakikinig ba ang tinutukoy ko. "She's my cousin and she calls this her playground — bossing around with the technicians here."

"Cousin?"

"Perhaps you'd like me to have you leave, Raine?" wika pa ng babae.

"Mawalang-galang na mga Ma'am, pero puwede po bang huwag na kayong mag-away?" tanong ng isa sa mga nagtatrabaho roon.

"Sorry, Ate! I just couldn't resist my anger whenever I see my annoying cousin," sagot nito at saka na umalis.

"Pinsan mo siya? E bakit kasama siya ni Detective Ferrer nung papunta tayo doon sa may crime scene?" tanong ko pa rito.

"She's Samantha Ferrer. Now would you mind?" sagot nito na unti-unti na ngang sinusuri ang damit ni Tita.

"Ferrer?"

"Komportable at pwede sa pabago-bagong panahon," wika niya sa kaniyang sarili habang tinitingnang maigi ang pulang damit. "Napakadetalyado ng lace. Sinusuot lang kapag may okasyon, hindi pang-araw-araw."

Silk and chiffon.

"Ano pala ang tungkol doon sa lalaking nasa selpon? Bakit siya tumawag sa iyo? Sa tingin mo ba ay hostage siya?" tanong ko rito.

"Gustong makuha ng taong iyon ang atensiyon ko," sagot ni Raine na nakatuon pa rin ang pansin sa damit. "Gusto niyang makipaglaro!"

"Makipaglaro? Ano iyon, bata?"

"Hindi ko alam kung ano ang tunay na pakay niya," sagot pa ng kasamahan ko.

Mas nararamdaman ko pa ang tensyon sa paligid. Habang tumatakbo ang oras ay mas lalo lamang akong kinakabahan para sa lalaking iyon. "May maitutulong ba ako?"

"Ikaw ang tumingin dito. Isuot mo lang ang gloves mo para hindi makontamina ang sample," sagot nito sa akin.

Gusto ko lang na makatulong pero hindi ang mismong tumingin na sa pinagkakaabalahan niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro