9. Concealed Peril

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"How often have I said to you that when you have eliminated the impossible, whatever remains, however improbable, must be the truth?"

- Sherlock Holmes

-----

Chapter 9:
Concealed Peril

· · ────── ·𖥸· ────── · ·
RAINE


Isang lalaking nasa ika-40 taong gulang na ang humarap sa akin. Nakasuot ito ng hindi gaanong makapal na jacket at saka nakasuot ng salamin. Wala itong dalang bag na maaaring paglagyan ng kung ano mang ginagamit niya.

"Nandiyan ba si Clara Nuñez?" tanong nito.

"Nandito po. Bakit? Sino po kayo?" tanong ko naman.

"Ah, kaibigan niya ako mula sa support group namin. Ang usapan namin ay magkikita kami ngayon para magkausap muli," sagot niya. "225C, Luna Residences, Kalayaan Street ang address niya, hindi ba?"

"Bakit ka po kinabahan nung nakita niyo ako?" tanong ko rito na pinag-aaralan ang kaniyang kilos at personalidad.

Isa sa kanila ni Mrs. Nuñez ang maaaring suspek at kailangan ko pa ring mag-ingat mula sa kanila – lalong-lalo na sa lalaking iyon na ngayon ko pa lang nakita.

"Kinabahan? Hindi, nagulat lang ata ako kasi akala ko si Clara na ang makikita ko," sagot nito na binigyan ako ng isang pagngiti.

Kung nagulat man siya kanina ay dapat hindi na siya kinakabahan ngayon. His pupils slightly widened when he first saw me opening the entrance door, suggesting he was indeed surprised. However, he maintained a composed facade.

Bukod doon ay napansin ko ang inboluntaryong paggalaw ng kaniyang kaliwang kamay na ngayon ay inilagay na niya sa bulsa ng kaniyang jacket katulad ng isa pa. Insecurities must be the cause of this.

Base naman sa pag-aayos niya sa sarili ay mayroon siyang propesyon na nangangailangan na hindi siya dapat madaling magulat. Ang postura niya, maayos.

"Uhh... pwede ba akong pumasok?" tanong niya habang pinagmamasdan ko ang kaniyang katawan mula ulo hanggang paa at pabalik.

"Ah! Pwede naman po pero mas madali po yata kung sa kabilang pasukan kayo pumasok kasi mas malapit ang pag-akyat doon papunta sa apartment ni Tita," sagot ko noong nagtapat ang aming titig.

Hindi naman siya dadaan sa parteng iyon dahil maayos doon ang CCTV. Kung doon siya papasok ay maaaring i-track ng mga pulis ang kaniyang mukha at malalaman din kung sino ang tunay na mamamatay.

"Oo nga, ano!" Nanlaki ang aking mga mata nang makita kong nagsimula na itong maglakad papunta sa pangalawang entrance na medyo malayo-layo mula sa pinapasukan ko madalas kapag papasok sa apartment ko.

Nagkaroon ng pagbabago sa plano ko. Hindi ko inasahang maglalakas siya ng loob na sundin ang sinabi ko. Kung siya man ang serial killer ay maaaring planado niya ang bawat pagpatay. Maaaring isang trap ang pag-iwan niya sa sulat.

Kailangan kong mag-ingat!

"Clara?" Muli nitong tinawag si Mrs. Nuñez kasabay ng mga pagkatok. Mayroon pang mga naninirahan sa baba – sa parteng iyon ay naroon ang Apartment 219A at ang nakatira doon ay isang guro sa hayskul.

Sa tabi naman nito ay ang 218A na nasa ibaba ng sa akin. Mag-asawa ang nakatira roon. Ang nasa likod naman ng kinatatayuan ko, sa likod ng common room, ay ang Apartment 217A. Doon naman ay nakatira ang isang businessman na abalang-abala sa trabaho niya at sa ngayon ay maaaring nasa opisina niya pa rin sa sentro ng siyudad.

"Uh... On second thought, you may enter through this entrance," wika ko rito.

"Huh?" Naglakad itong muli papunta sa akin. Nakita na ng CCTV ang kaniyang mukha at ayos na iyon sa akin kung may mangyari mang masama. Ang kailangan ko na lang gawin ay panatilihing kalmado ang sarili at hindi magpadala sa galit ng damdamin.

"Dito na lang po kayo dumaan para masurpresa si Tita. Kung bababa pa po siya para magbukas diyan, baka hindi niya po maaayos ang mga inaayos niya sa taas," sagot ko na lamang.

"Sige, dito na lang," sagot nito.

Pagpasok namin ay tahimik niya lamang akong sinundan. "Madalas dito po sa common room nagtitipon-tipon ang mga mayroong bisita kasi ang iba ay ayaw magpapasok sa mga apartment nila," sambit ko bago kami umakyat sa hagdan. "Gusto mo po bang dito na lang kayo mag-usap ni Tita at tatawagin ko na lang siya?"

Binigyan niya muli ako ng isang pagngiti at titig na para bang nakikiusap sa akin na pagbigyan ang kaniyang hiling. "Importante kasi ang kailangan naming pag-usapan at mas maganda kung doon kami sa mismong tinitirhan niya mag-uusap."

Tinanguan ko na lamang ito. "Dito po ang daan."

Pag-akyat ng hagdan papunta sa B floor ay umakyat ulit kami sa hagdan papuntang C floor. Dire-diretso lang kami sa paglalakad hanggang sa narating na nga namin ang apartment ni Mrs. Nuñez.

"225C. Dito na nga iyon. Salamat," wika nito.

"Wala pong anuman," sagot ko.

Bubuksan ko na sana ang pinto nang sumagi sa akin ang isang kutob na may mangyayaring masama.

Sa likod mo! Sa muli ay narinig ko ang boses ni Dad. Walang ano-ano ay binitawan ko ang doorknob at saka ko lang nalaman na plano na pala akong turukan ng lalaki. Buti na lamang ay nakailag ako.

Nagbago ang kaniyang awra – napalitan ng seryosong mukha ang kaniyang dati ay maamong mukha. Hawak-hawak ang isang panurok ay muli niya itong inamba sa akin na naging dahilan nang agad kong pag-ikot palayo rito.

"Pampatulog. Hindi ko inasahan iyon, a," sambit ko na lamang sa sarili kong mayroong pusong bigla na lamang bumilis ang tibok.

"Alam ko kung ano ang plano mong gawin," wika nito na patuloy pa rin sa pag-amba ng kaniyang panurok. "Huwag kang gagalaw kung ayaw mong iturok ko ang kemikal na ito sa iyo! And trust me, you'll not going to like it."

"Ikaw nga talaga iyon! Tama nga ang hinala ko," wika ko. Ibinaba ko na lamang ang aking mga kamay, alerto sa kung ano man ang maaari niyang gawin. Alam kong delikado kung haharapin ang isang serial killer subalit ang akala ko ay pareho lang ang taktika nila sa mga taong napakulong ko rati.

"Wala si Clara sa loob at pinatago mo siya sa kung saan. Kanina ko pa kayo minamanmanan at walang Clara ang lumabas. Ang ibig sabihin ay nandito lang siya sa kung saan," wika nito.

Napalunok na lamang ako ng laway. Nag-iisip ng panibagong plano.

"Pasok sa loob!" utos nito sa akin.

Nasa huling apartment na ako at wala na akong matatakbuhan. Masyadong delikado kung sa balaustre ako ng hagdanang papunta sa ibaba daraan. I was trapped!

"Or else?" tanong ko rito.

"Papasok ka o hindi mo malalaman kung ano ang tunay na nangyari?" sagot nito.

Wala na akong nagawa kundi ay sumunod dito. Panay pa rin ang mabilis na pagtibok ng aking puso at wala pa rin akong maidagdag na maayos na plano.

Agad nitong isinirado ang pinto – magandang galaw para walang makarinig sa pinag-uusapan namin. Ipinatong nito sa mesa ang dala-dalang panurok at saka umupo sa sofa na nakalagay sa sala.

"Ahh... Naghanda pa pala siya para rito," wika nito.

"Retirado kang pulis at isa ka sa mga biktima ng pangyayaring iyon, alam kong may dala kang baril," sambit ko na pinipigilang maging halata ang aking pangamba.

"Relax lang, Hija. Hindi kita papatayin at alam kong alam mo iyon," sagot nito. "Pinatago mo sa kung saan sa gusaling ito si Clara at saka mo na ako planong papuntahin dito. Bakit? Hindi ka ba natatakot?"

"Alam ko kung ano ang nangyari at gusto kong malaman kung bakit mo iyon ginawa," sagot ko rito.

"Hindi," sagot nito na mayroong ngiti sa kaniyang mga labi. "Tumawag ka na ng pulis, hindi ba?"

Muli na namang nanlaki ang aking mga mata habang inaalala ang planong inilatag ko sa aking isipan.

"Hindi ko sila pinatay, Ms. De Verra," dagdag pa nito. "Pagkatapos naming mag-usap ay sila na mismo ang pumatay sa mga sarili nila."

𓇢𓆸𓇢𓆸
7:16 p.m.

One of them must be the murderer. Now, I know and trust Mrs. Nuñez that she cannot do it.

Pupunta rito ang taong iyon at saka habang nag-uusap ay doon na niya papatayin si Tita. Pero paano? Bakit sa mismong biktima nakita ang mga pulbura at malapitan nangyari ang pagbaril dahil sa liit ng butas sa ulo na galing sa balang ginamit?

Ang note na iyon! Iyon ang nagpapakitang mayroong pumapatay. Bukod doon ay nakita ko rin sa mga naunang namatay na mayroong maliit na butas sa mga katawan nila na, ayon sa mga pathologist, ay dahil tinurukan ito ng kung ano sa katawan bago namatay.

Itatago ko si Tita at ako ang haharap sa lalaking iyon. Tamang-tama lang para malibang ko ang utak niya bago dumating ang mga pulis na tatawagan ko maya-maya matapos kong mailagay sa pader ang mga papel na ito.

And just in case he has something up his sleeve, I’ll bring my lucky dart gun with me. One dart is enough to put a grown man to sleep. The rest is all acting.
𓇢𓆸𓇢𓆸

"Nabasa ko ang mga bagay tungkol sa iyo bago pa man ako magretiro matapos ang pesteng aksidenteng iyon," sambit niya. "Tatanungin kita, Ms. De Verra. Kung nagkaroon ka ng pagkakataong makita ang mga taong pumatay sa mga magulang mo, at sa buong kaligayahan mo, ano ang gagawin mo?"

Bigla na lamang humina ang pagtibok ng aking puso, para bang umikot ang aking paningin. Para bang mayroong mga tumutusok sa aking buong katawan hanggang sa aking ulo. Natagpuan ko na lang ang aking sariling nahuhulog papunta sa kaniyang mga kamay at pinaupo ako sa harap ng mga pagkaing niluto ni Tita.

Pilit kong nilabanan ang kakaibang pakiramdam na iyon hanggang sa nakita ko ang nakalagay na panurok sa lamesa. Wala na itong laman.

"Hindi ka nakaiwas, kawawa naman." Unti-unting dumilim ang aking paningin, ang damdamin ko ay para bang napupuno ng mga mapapait na alaala ng kahapong para ba akong sinasakal.

"Hindi kita papatayin," bulong nito sa akin. "Ikaw ang papatay sa sarili mo."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro