Epilogue

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

· · ────── ·𖥸· ────── · ·
RAINE

Happy birthday to you. Happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday. Happy birthday, Lorry.

Sa loob ng common room ay umalingawngaw ang boses ng mga pagkanta ng mga kasamahan ko sa silid na iyon. Kitang-kita ko ang mga tuwa sa mukha nila - para bang nasisiyahan para sa akin.

I sank into the chair offered by a few of them, my gaze fixed on the mocha cake, possibly made by Mrs. Nuñez. My emotions went blank as I struggled to understand why.

Kuya George lit the candles shaped as the numbers one and eight, standing side by side.

Kung ganoon pala ay labingwalong taon na ako. Opisyal na anim na taon na simula noong...

𓇢𓆸𓇢𓆸
Natagpuan kong muli ang aking sarili sa loob ng kuwartong iyon subalit wala na ang mga tao. Alam kong nakapasok na naman ako sa aking memory palace.

"Happy birthday, sweetheart." Mula sa dilim ay lumabas si Mom na nakangiting umupo sa harapan ko.

"Mom."

"Malaki na ang anak namin!" bulalas naman ni Dad na sumulpot mula sa aking likuran.

"Dad."

"Hindi kami puwedeng magtagal ngayon, a. Ayaw naman naming nakatulala ka lang habang nagsasaya ang mga tao para sa iyo," wika ni Mom.

"Oops! Huwag kang iiyak!" wika ni Dad na itinuro ang mga mata ko. Noon ko lamang namalayang may namumuo na namang mga luha sa aking mga mata.

Agad ko itong pinunasan subalit kapalit naman noon ay ang pagbalik ko sa reyalidad.
𓇢𓆸𓇢𓆸

"Make a wish, anak," ani Mrs. Nuñez.

Wish? Ang tanging hiling ko lang ay ang mabigyan na rin sa wakas ng hustisya ang pagkawala ng mga magulang namin. Ngayong araw ay naganap na iyon.

Ano pa ba ang mahihiling ko?

After a few moments of silence, I blew the flames off the two blue candles.

Nagpalakpakan ang lahat at sa paligid naman ay binati pa ako ng mga asul at rosas na lobong nakaayos sa mga dingding.

"Ngayon ay pasok na tayo sa shop. May ibinigay sa atin ang Ate Elizabeth mo kanina," yaya ni Mrs. Nuñez. Kinuha niya ang cake at saka kami lumipat sa kasunod na silid gamit ang pintuan sa loob ng common room.

Doon naman ay nagningning ang iba't ibang putahe - macaroni salad, spaghetti, fried chicken,carbonara, at marami pang iba.

Nagpatugtog ng masayang tugtugin si Mrs. Nuñez. Kasama na rin niya sa wakas ang mga nagbakasyon noong tauhan niya sa shop niya.

Masaya ang lahat na kumakain. Hindi ko na pinansin kung sino ang mga dumalo subalit alam kong marami sila.

࿐ ࿔*:・゚

Before the day was over, I finished my meal early. I bid farewell to Mrs. Nuñez and left them to continue eating the food there.

Umakyat ako sa apartment at saka inayos ang aking sarili. Alas kuwatro na at ayoko namang magabihan sa daan.

Pagbukas ko ng pinto palabas ay hinarang ako ng kasamahan kong may dala-dala pang pinggan na may kaunting piraso ng cake.

"Saan ka na naman pupunta?" tanong nito.

"None of business, Zane," sagot ko at saka na nga kinandado ang silid.

"Ang sungit na naman," aniya habang sumusubo ng kinakain.

Ayokong mag-isa subalit para bang pinapaalis ko ang mga taong lumalapit sa akin. Dahil ba sa ayaw kong maiwan muli?

"Sorry," mahinahon kong sagot at saka na nagsimulang maglakad pababa. "May mga bibisitahin lang ako."

"At saan naman?" Sa muli ay naroon muli siya sa aking likuran - bumubuntot kahit na hindi ko naman inuutusan.

"Hindi ka naman makakasama dahil hindi mo pa nga iyan tapos na kinakain mong iyan," ani ko na lamang, tinatago ang ngiti sa aking mga labi.

Agad itong tumakbo pababa ng hagdan at saka nagpunta sa shop ng kaniyang Tita. Hindi nga nagtagal ay bumalik siyang dala-dala ang kaniyang mahal na mahal na selpon.

"Babalik naman po kami agad, Tita," aniya bago isirado ang pinto na nagpahina ng tugtog at tawanan na naroon sa silid na iyon.

"Saan ka pupunta?" tanong ko rito.

"Knight in shining armor, remember?" tanong nito na para bang nagyayabang.

"Bahala ka nga," wika ko na lang at saka na binuksan ang pinto papunta sa labas.

Malamig na hangin ang bumati sa akin kahit na suot-suot ko pa ang aking kayumangging coat blazer na niregalo sa akin ni Ate noon. Bukod doon ay naroon din ang maliit na itim ni Kuya Ron.

Binuksan ko ang pintuan nito at saka isang lalaki ang namataan kong nakatingin sa akin doon. Nakasuot ito ng shades at saka itim na leather jacket.

Naputol ang kaunting katihimikan nang bumukas ang pintuan sa may parteng likuran. "What did I miss?" inosenteng tanong ni Zane kasabay ng pagsiradong muli ng pinto. "Anong nangyari sa iyo, Kuya?" biglang tanong nito nang mabaling ang tingin sa lalaking nakatingin at nakangiti sa akin.

Napabulalas ito at saka na inalis ang kaniyang shades. "Ano sa tingin niyo ang bago kong style?" pabirong tanong nito.

"Kuya," sagot ko sa seryosong ekspresyon. "Para kang gangster."

"Oo nga, Kuya Ron," wika naman ng tawang-tawa kong kasama.

"Mamaya ko na sasabihin kung bakit," aniya at saka na nga kami umandar. Patuloy lamang silang tumawa na para bang nagbibiruan ang dalawa gamit ang pakikipag-usap sa kanilang mga isipan.

Boys.

࿐ ࿔*:・゚

Maya-maya lamang ay nakarating na rin kami sa wakas sa harap ng isang bahay na medyo may kaliitan subalit maganda naman ang paligid.

"Kaninong bahay iyan?" tanong ni Zane.

"Mrs. Hernandez," sagot ko.

Pagbaba namin sa kotse ay nakita ko sa labas ang natawag ko noon sa aking isipan na liar. May hawak-hawak itong pandilig at saka tahimik na nakatayo sa isang halamanan.

"Mrs. Angelica? Ayos na siya?" ani Zane.

"Wala naman talaga siyang sakit, e. In fact, she's a psychologist," pabulong na sagot ko rito.

"Is that because of another deduction?" tanong nito na nakataas ang kilay.

"Nahanap ni Kuya Ron ang mga papeles niya kasama ang mga katrabaho niyang pulis at doon ko iyon nalaman," sagot ko na lamang kahit na ang totoo ay mas nauna kong nalaman ang tungkol dito.

Simula pa lamang noong una akong nakatungtong sa bahay na iyon ay pansin ko nang para bang wala naman talagang sakit ang nakatira roon. The fear stemming from her departed friends and the tragedy might originate from Mrs. Angelica's anxiety and depression, rather than a specific psychological disorder.

Nakokontrol niya naman ang mga emosyon niya lalo na noong kinausap ko siya sa gusali ni Mrs. Nuñez.

Alam niya ang tungkol sa mga sakit na iyon kaya naman ay ginamit niya ito upang ipakita sa mga taong may sakit siya sa utak. She was merely influenced by what she learned in her studies and her experiences.

Naisip niya tuloy na may ganoon siyang kondisyon.

"Tara na," yaya ko rito.

"Ang bilis naman."

"Binisita ko lang naman siya para malaman ang kalagayan. Ayos naman siya kaya tara na," sagot ko at saka na bumalik sa loob ng sasakyan.

"Do you think she might already know what happened to her sister?" tanong pa nito kasabay ng pagsiksik sa sarili sa likod namin ni Kuya Ron.

"Hindi na natin responsibilidad iyon, Zane. Ang mga nakatatanda na ang bahala sa kaniya," sagot ko na lamang, handa na sa huli kong destinasyon sa araw na iyon.

࿐ ࿔*:・゚

Hindi nga nagtagal ay nakarating na kami sa sementeryo kung saan nakalibing ang mga magulang ko. Matapos ibigay sa akin ni Kuya Ron ang bulaklak na pinabili ko sa kaniya ay dumiretso na ako.

"Mom, Dad, sa wakas..." Sa muli ay namuong muli ang mga luha sa aking mga mata habang ibinababa sa magkatabing lapida sa may ibaba ko ang mga puting bulaklak. "Sa wakas po ay makakapagpahinga na kayo."

Unti-unti na ngang tumulo ang mga luhang hindi ko na napigil pa. "Sa wakas ay nasa kulungan na po ang pasimuno ng nangyari sa inyo, anim na taon na po ang nakararaan."

Hindi ko man nakikita ay ramdam ko ang malamig na hanging dumampi sa aking mga pisngi na maaaring sila iyon ay nagpapaalam na.

Matapos nilang mawala, akala ko ay mag-isa na lang ako sa mundong ito. Limang taon akong nalunod mula sa sakit at pagnanais ng paghihiganti.

Subalit ngayon ay tapos na rin sa wakas ang laro. Mabubuhay na rin ako ng normal kagaya ng dati.

Matapos ang patuloy na pagtulo ng mga luha ay pinahid ko na ang mga ito ng aking dalang panyo. Bumalik na ako sa loob ng kotse kung saan ko naman natagpuan ang dalawang nagtatawanan tungkol sa mga palabas sa telebisyon.

"Ayan na siya," wika ni Zane na nagpitigil sa kanila.

Sa muli ay nagpatuloy na kami sa pag-andar at sa oras na iyon ay pabalik na sa gusali.

࿐ ࿔*:・゚

"Raine!" Malugod akong binati ng yakap ni Mrs. Nuñez pagpasok ko sa coffee shop niya. Medyo bumawas ang mga tao, pero ayos lang. Alam ko namang abala rin sila, e.

"Balita namin, tumutugtog ka raw ng piyano?" tanong ni Kuya George.

Namula ang aking mga pisngi sa sinabi niyang iyon na sinabayan pa ng pagpuwesto nito ng dala-dalang maliit na keyboard.

"Sige nga, Raine," pagpilit ng mga tao roon.

"Tumutugtog ka pala, a," ani naman ni Zane.

Inilapit nila ako sa keyboard at saka ako pinaupo sa may counter.

"Sige na, Raine. Iparinig mo sa kanila ang pinaparinig mo sa akin noon," pabulong na wika ni Mrs. Nuñez na binigyan ako ng isang matamis na ngiti.

Napabuntong-hininga ako at saka hindi namalayang ako na pala ang may gawa ng nakakakalma tugtog na bumalot sa silid.

Ngayon ay alam ko na. Hindi ako nag-iisa sa laban sa buhay na ito.

Sa wakas ay natapos ko na rin ang laro sa tulong ng mga bagong miyembro ng aking pamilya.

- THE END OF VOLUME ONE -

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro