ZANE 003

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Pag-uwi namin ay nakita ko kaagad ang bagong upload ni Raine.

Kung ganoon ay tapos na rin sa wakas ang kaso ni Mama. Sinimulan ni Mr. William de Verra at nagawa namang tapusin ng kaniyang anak.

Nakatulong ako subalit sa huli ay nasuklian na naman iyon. Matapos ng lahat, mayroon pa bang mga susunod? Hindi ko ba alam subalit nabubuhayan ako sa tuwing sinasama ako ni Raine sa mga kaso. Ano na lang kaya ang mangyayari matapos ang araw na ito?

Maging ako ay napaisip bigla. Napakulong na rin sa wakas ang lalaking iyon subalit para bang mayroon pa ring mali, e. Sana ay mali ang kutob ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro