Chapter Five: Gave Up

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter Five: Gave Up

" George!, Nandito ang kuya mo!" Nanlaki ang mga mata ko at dali dali kong inayos ang suot ko at ang buhok ko. Naglagay ako ng polbos at tiningnan saglit ang mukha ko sa salamin bago nagmadaling bumaba.

I am wearing a black t-shirt with a little white check on the upper-left of it. Pinarisan ko ito ng bluish-white na maong pants at Doll shoes.

Dala-dala ang bag ko, bumaba ako papunta sa sala. Nandito si kuya and that means nandito si Althea. My pamangkin!

"Althea!" Tumakbo kaagad ako sa 3 years old na bata na nakatayo sa gilid ni Kuya. Niyakap ko siya ng mahigpit at tumawa naman siya. So cute.

"Tita"

Ngumiti siya sa akin nung humiwalay na ako sa pagkakayakap sa kaniya.

"Para kang praning Jo"inirapan ko lang si kuya.

"Whatever"

Hinawakan ko na sa kamay si Althea at dinala siya sa Dining area.

" Hindi pa kayo kumain kuya?"tanong ko.

"Kumain na, pero itong si Mommy pinag-bake ng cookies si Althea kaya kakain na rin ako"sabi niya. Ngumiwi ako.

"Takaw mo"hindi naman niya pinansin ang sinabi ko.

"Althea, huwag mong tularan ang daddy mo ha..."

"Tigilan mo ang anak ko Georgina baka mahawa sa ka-praningan mo"

"Tse!...... Nga pala, nasaan si ate Stella?"

" Nandun sa labas, tumawag ang mama niya" tumango nalang ako.

Tiningnan ko naman si Althea, ngumiti ako nang makitang nakatingin din siya sa akin.

"Did you know Tita Jo, I got a perfect score in our Science test?"

"Woah, very good Al, keep it up. You know Tita is just here to help you with your studies"

"Yeah!"napatawa ako. Ang cute talaga ng batang ito.

"Jo?"napatingin ako kay kuya.

"Hmmm?"

"May lakad ka pala?"tanong niya. Napansin niya siguro ang suot kong damit.

"Ahh, oo. Review lang para sa upcoming Science Fair, tsaka sa Sabado lang naman, wala sa linggo"napa-tango tango siya doon.

"Ahh, akala ko bibisitahin mo si Nina "pagkasabi niya nun ay natigilan ako.

"Ilang weeks na pala akong hindi nakapunta sa kaniya!"sabi ko at gulat na nakatitig kay kuya. Siguro dala ng pagka-busy, nakalimutan kong bisitahin siya sa bahay amponan.

"Oh?, Lagot ka, baka nakalimutan ka na nung bata" sinamaan ko ng tingin si Kuya.

Shoot!. Na-busy ako at di ko na nabisita si Nina.

Nina is a kid from the orphanage.  Para narin kasing hobby ni Daddy ang pagbibigay ng Donations and Charities sa mga bahay amponan, not for fame, not for the media, not to make him good and kind on the eyes of the people and the world but to help them. At sa tuwing nagbibigay siya o kung may mga event for the orphanage like Biddings for paintings and other things na makakatulong sa mga bata, ako ang pinapapunta niya as representative. At ngayon na busy ako sa trabaho, si Mommy at siya na ang madalas pumupunta doon.

"Bibisitahin ko siya mamaya after review" sabi ko.

Tinaasan lang ako ng kilay ni Kuya.

"Baka maghanap na naman kay--"

"Aalis na ako, bye Althea Baby"sabi ko at hinalikan sa noo ang bata. Pinutol ko na si kuya, dahil alam kong hindi maganda ang idudugtong niya.

Narinig ko namang tumawa si kuya kaya umirap nalang ako at nagpaalam na sa kanilang lahat.

---

" Very good guys" napa-palakpak ako sa scores nila sa oral test ko sa kanila about sa mga kinds and parts ng cell.

"Now, let us have a test about the functions, okay ba yun?"

"Yes maam" pinanood ko silang kumuha ng  isang 1 whole intermediate pad.

Pangalawang saturday na namin tong review at isang week nalang contest na.

My days in this school went great, naging okay ang mga bata sa akin, they became close to me.  Nagiging comfortable na sila sa akin, and that made me happy.

My reviews with Jean and Janice went great too. Actually natapos na naming i discuss ang Biology 7 at mga test nalang ang kailangan namin para mas mabihasa na sila.

And Nico?. Well kinareer ko ang hindi pagpansin sa kaniya. Alam kong imposible yun kasi magkatapat lang kami ng table, may mga instances na napipilitan akong pansinin siya pero most of the time ay hindi. Hindi rin naman kasi maiwasang magpansinan kami dahil may mga meetings ang Science department ukol sa upcoming contest at ng culmination ng Science. Maybe it is the best thing to do for me to move on and prove myself to my dad.

"Okay, What is the function of the Cell wall?" I orally asked them. Kanina ay nagpa-written test ako at sa susunod na review namin ay ilalayo ko na sila. Jean will take the written test while I will orally test Janice.

"Number two,  Cells have Nucleus, what is it?" I asked. They readily answered and started writing in their papers.

We went on with it. I checked their answers and they answered all correctly. I was happy with it. Meaning, nakuha nila at naintindihan nila ang mga pangaral ko.

Tahimik ang school dahil weekend na. Tanging mga contestants lang at coaches ang narito pati ang caretaker ng school at guards.

We finished the review 5 minutes before 11 am. Sinadya ko ito dahil pupuntahan ko pa si Nina.

"So saan kayo kakain?"tanong ko sa dalawa. Bitbit ko na ang bag ko ngayon at naglalakad kami pababa ng Grade 7 building. Napag-desisyonan kasi namin na doon sa room nila mag-review.

"Diyan po kami sa bahay nina Janice Maam. Katapat po ng school"napatango naman ako sa sagot ni Jean.

"Ahh, may review kayo ngayon ni sir Nico?"tanong ko.

"Yes maam, ngayong 1:30 pm kami magsisimula"sagot naman ni Janice

Nang marating na namin ang 1st floor ng building ay hinarap ko sila.

"Mag-ingat kayo ha, magpatulong kayo sa guard sa pagtawid"sabi ko.

"Yes maam" ngumiti ako. Ginulo ko ang mga buhok nila nang bahagya at napatawa naman sila. Those laughter, I missed them. Cute.

Nauna akong maglakad sa dalawa dahil gusto kong maka-abot sa time. Gusto ko kasing makasabay sa pagkain ng lunch si Nina.Pero bago ako makalayo sa kanila ay narinig ko ang usapan nila.....

"Alam mo Jean----"

"Hindi, hindi ko alam Janice"napangiti ako.

"Jean naman eh" tumawa lang si Jean kay Janice. Kids.

"Alam mo, bagay si Maam George at sir Nico, nung nakaraang Review natin sa Saturday, nung nag-review tayo kasama si Maam George tas pumunta si sir Nico sa room para bigyan ng snacks si Maam George, ang sweet nun" binagalan ko ang paglalakad papunta sa faculty. Totoo ang sinabi nila. Ito talagang mga batang 'to.

"Anong sweet dun?, Hindi nga tayo binigyan ni sir ng snacks"

"Pero binigyan niya tayo nung time para makapag-snacks bago ang Review niya, ano kaba Jean. Ang sweet kaya ni sir"sabi naman ni Janice.

"Ang sabihin mo may crush ka kay sir"natigilan ako. Shoot. Mga bata talaga!.

"Hoy, wag ka ngang maingay, baka marinig ka ni Maam"pabulong na sabi ni Janice. Gusto ko mang matawa sa dalawa ay di ko magawa. The thought about what happened when Nico gave me a snack filled my mind again. Ayaw ko nun, ayaw ko na siyang isipin. Distraction lang ang hatid nun.

But honestly, ideny ko man pero hindi siya mawala sa isip ko, and I hate it.

Nakarating na ako sa tapat ng faculty kaya hinarap ko ulit ang dalawa. Nakita ko ang bahagyang pagkagulat nila.

"Goodbye kids, study your notes okay"sabi ko at tumango sila, bakas parin sa mga mukha nila ang pagkagulat dahil hindi nila ako nasagot. Ngumiti ako at tumalikod.

"Tingin mo narinig kaya iyon ni maam?"tanong ni Jean.

"Hindi, dahil kung narinig niya ay hindi na sana niya tayo kinausap."

Huminga ako ng malalim. Yeah, I am a great pretender. Minsan hindi na nila alam ang tunay kong nararamdaman dahil magaling akong artista.

Pumasok ako sa faculty room pero agad akong napa-atras sa gulat nang makita si Nico sa mesa niya. Nakasandal ang likod ng ulo niya sa upuan at bahagyang nakatingala at nakapikit. It is not like ngayon ko lang siya nakita, madalas ko siyang makita dahil nga nasa iisang paaralan kami, yun ngalang, minsan ko lang siya pinapansin at kung pinapansin man ay maliit lang ang mga salitang binibitawan ko.

I pushed myself in, though I am in doubt. Pumunta ako sa table ko at binuksan ang drawer bago inilagay ang mga reviewers na dala ko. I took a glance at him, parang hindi niya ramdam ang presensya ko dahil hindi man lang siya lumingon, but I know, he knows that I am here.

Nang nailock ko na ang drawer ay aalis na sana ako nang bigla niyang hinawakan ang braso ko. Parang may kuryenteng pumasok sa katawan ko nang gawin niya yun, I missed his touch. Wait what?! No!.

Nanlaki ang mata ko at tiningnan siya. Nakatitig siya sa akin ngayon at nakakunot ang noo.

Sinubukan kong hilain ang braso ko pero hindi ko magawa.

"Ano ba Nico?"may halong inis ang boses ko nang sinubukan kong bawiin ulit ang braso ko.

"Aalis na ako, may pupuntahan pa ako"sabi ko.

"Kailan?"tiningnan ko ulit siya. Natigil ako sa pagbawi ng braso ko.

"A-anong kailan?"tanong ko.

"Kailan mo pa ako papansinin?, Ang hirap na kasi eh"binitawan niya ang braso ko at ginulo ang buhok niya. Parang frustrated siya.

"Alam mo bang halos mabaliw na ako sa kakaisip kung bakit?, Kung bakit hindi mo ako pinapansin, halos suntukin ko na ang sarili ko dahil sa ginawa kong pagsunod ko sa'yo nung araw na iyon kasi pakiramdam ko doon nagsimula ang hindi mo pagpansin sa akin"nakinig lang ako. Gulat, pero hindi ko ipinahalata.

"All I want is to be a f-friend to you"sabi niya. Friend, yeah. Bakit hindi ko ba naisip iyon. Friend lang naman. Si Aubrey yung gusto niya eh.

"I- I need to go"sabi ko at umalis. Agad akong naglakad papunta sa gate. My mind was occupied with what happened earlier. Well what the fudge was that?. Ni hindi ko napansin ang pagpaalam ng guard sa akin.

Pinaharurot ko na ang Scooter papunta sa Orphanage, maraming tao ang bumabati o sumisigaw ng 'Maam' pero hindi ko napapansin, because my fucking mind is fucking occupied with Nico, and I hate it!. Big time!.

---

"Maam George?, Ikaw na ba iyan?" Tiningnan ako ng madre mula paa hanggang ulo. Parang hindi makapaniwala na ako ito. Well, matagal na naman din akong hindi nakapunta dito pero nagbago ba ako?, Parang ilang weeks lang iyon ah.

"Hahah hello sister, nandito po ako para bisitahin si---"

"Si Nina"pinutol na niya ang sasabihin ko. Napangiti ako. Sinabayan niya ako sa paglalakad.

"Sino pa ba ang binibisita mong bata dito?, Kung hindi ang iba ay si Nina naman talaga palagi. Kawawa nga iyong bata, lagi kang hinahanap"sabi niya. Na-guilty naman ako sa sinabi ni Sister Alice.

Nakarating kami sa ground kung saan maraming bata ang naglalaro, ang iba ay naglalaro gamit ang chinese garter, ang iba ay habul-habulan, ang iba ay yung may talon talon ang iba naman ay nakaupo lang at parang may sinasabi o nagsasalaysay ng stories.

Nakita ko sa pavilion na nasa gitna ng ground si Nina, kasama ang ibang bata na nakaupo lang at parang nag-uusap. Hinigpitan ko ang hawak ko sa plastic bag na may lamang mga laruan para sa mga bata.

"Andiyan na si ate Ganda!, May dalang laruan!"sigaw ng isang bata na kasama ni Nina sa pavilion. Agad lumingon ang mga bata sa akin pati si Nina. Halatang gulat pa siya pwro agad ding nakabawi.

Agad tumayo ang bata at tumakbo papunta sa akin para yakapin ako. Niyakap niya ako sa bewang ko.

"Ate Jo"she said. Nabasag ang boses niya.

Niyakap ko siya pabalik at ngumiti. Lumapit na rin ang ibang bata sa amin.

"Bakit ang tagal mo?"bahagya niya pa akong sinuntok. Umiiyak siya alam ko iyon dahil sa pagkabasag ng boses niya.

Nag-bend ako para maka-level ko siya at agad na pinunasan ang mga luha niya.

"Nina..."pagsimula ko. "Na-busy kasi si ate Jo eh, huwag ka nang umiyak nandito na ako. Sorry" mas umiyak siya sa sinabi ko kaya niyakap ko siya at pinatahan.

"Naghintay ako sa'yo eh. Nagjintay ako ate Jo" nag-init ang sulok ng aking mga mata, para bang nagbabadya na iiyak na rin ako.

Nang tumahan na siya ay hinarap niya ako at ngumiti. I stood up and held her hand. Ibinilin ko na kay sister Alice ang mga bata na nag-aagawan na ngayon ng mga laruan.

We made our way to one of our favorite benches. Doon kami laging umuupo kapag binibisita ko siya.

Nang makaupo na kami ay nakita kong umiiyak parin siya at nakatungo, kaya pinaharap ko siya at bahagyang yumuko para magka-level ang mga mukha namin. Pinahid ko ang mga luha niya at nakangiting tinupi ang buhok na nasa pisngi niya papunta sa likod ng tainga niya.

"Shhh, tahan na Nina. Nandito na si ate, sorry" nabigla ako nang niyakap niya ako.

"Namiss kita ate Jo"sabi niya. Niyakap ko na rin siya pabalik.

"Meron akong dalang take out galing Jollibee" sabi ko at kinuha ang plastic na nilagyan ng box.

Ngumiti siya nang napakalapad at masayang kinuha iyon at nagsimula nang kumain. Napansin ko na rin na iginiya na ng mga madre ang mga bata para kumain. Sinulyapan kami ni Sister Alice at ngumiti bago umalis.

Tiningnan ko naman si Nina na ngayon ay sinusubo ang balat ng Fried Chicken. I smiled at her at kinuha na rin ang tinake out kong Fried Chicken at tsaka coke.

Nina was only 8 years old. 1st year college ako nun nung pinapunta ako ni Daddy dito sa orphanage na ito. He was busy that time so I became his representative, kuya was also his representative but in another orphanage.

May mga bidding nun, para sa isang Abstarct Painting. Dad gave me 1 Million, half of it for the bidding and half of it for voluntary charity for the orphans. I didn't win the bidding because someone bid 600,000 pesos, though I still gave the Million for charity purposes.

At nung time na iyon ay binista ko ang mga bata, until I saw Nina on Sister Alice's arms. 1 year old pa lamang siya nun. I knew about her history, kung paano siya nakita ni sister Alice sa front door ng orphange nakalagay sa isang kahon at umiiyak. I don't know but my heart instantly softened and that is where it all started. Lagi ko na siyang binibisita.

Until I also knew who won the bidding. It was the son of Artchitect Novemir Dela Cruz. Nico Dela Cruz. He approached me that day to just ask about my name, and then, sa tuwing binibisita ko si Nina ay nandun din siya. We knew each other better everyday, schoolmate ko pala siya nung highschool, until......yeah. The very worst. The time I fell. I regret it.

I regreted falling for him. I thought that if I fall, I would be catched and will never fall again just to be hurt by hitting the ground, but no. I just did one move, one move and he gave up. Maybe because the situation was getting harder for him to tighten his grip on me, he gave up.

One move. And he gave up.

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro