Chapter Twelve: Conversation

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 12: Conversation

After that accident, we all went home. We stopped at Jollibee first to eat, para malibang ang mga bata. And after that, we sent them home para makapag-relax, kahit na may time pa para maka attend sila sa school ay pinauwi na muna namin sila. The coaches too, pinauwi na rin kami.

The bus was left at the Municipal Hall. Sinuri kaming lahat at mabuti naman at walang nasaktan.

Pagdating ko sa bahay ay sobrang shock si Mommy. Maaga pa kaya hindi pa siya pumupunta sa trabaho. She was in the middle of drinking her glass of water while walking across the room when she saw me entering the door.

" Oh, wala nang contest George?" Tanong niya. She was still wearing her Pajamas and Shirt under her Night Dress. After all, umuulan pa, mabuti na ngalang at hindi ako nag motor.

" Meron " sabi ko. Kumunot ang noo niya. Umupo siya sa sofa at sinenyasan akong umupo.

" Oh, bakit ka umuwi, may nakalimutan ?" Dahan-dahan akong naglakad papunta sa tabi niya.

" Naaksidente po ang sinasakyan naming bus" paliwanag ko. Nanlaki ang mga mata niya at napainom ng tubig habang hawak hawak ang dibdib niya. Kaya hindi ko gustong sabihin to sa kaniya.

"Oh my...okay ka lang, hindi ka ba nasaktan, wala ka bang galos o sugat?, Sabihin mo George, nauntog ba ang ulo mo?" Tanong niya habang sinusuri ang buong katawan ko. Hinawakan pa niya ang braso ko para. No mom, someone protected me.

" Mom, wala po. Sa bandang likuran ng bus ang nabunggo, nasa harapan po ako" she sighed in relief matapos akong suriin at mapagtantong okay lang ako.

"If your dad learns about this, naku!" I was kind of taken aback by what she said. My dad still cares for me, eventhough we are in some kind of misunderstandings. He cares for me.

" You should rest George naku!, Gustuhin ko mang pagsalitain ka tungkol sa nangyari, I think it is best if you rest. Mamaya na tayo mag-usap" sabi niya. Still sounds and looks frustrated.

" Oh, wala kang trabaho sa Municipal Hall mom?" Mom is a fiscal at nasa Government na siya ngayon nagt-trabaho.

" Wala naman akong mga aasikasuhin sa opisina ko, nagpaalam narin ako na baka sa bahay lang. You know I love rain, especially when I am in the house and besides, napagod din ako sa last na kaso. Binilin ko nalang ang secretary ko na tawagan ako kapag may importanteng mga bagay na kailangan ako" she said. I know, my mom likes the rain. Ako rin. I usually love it when it rains at nandito lang ako sa bahay, nakaupo sa sofa umiinom ng gatas, nanonood ng T.V o nandun sa kwarto natutulog o nakahiga at nakikinig sa music.

"Oh, well then, sa kwarto nalang ako mom. Gisingin niyo nalang ako kapag lunch na. I am tired and in the state of shock" sabi ko. Worried flashed through her face.

" Would you want me to sleep beside you darling?" Tanong niya. Umiling ako.

" No need mom, my songs will do for me to stay calm and rest" sabi ko.

"Well then, take a rest. Manonood lang ako ng Titanic dito" sabi niya. I smiled. I really love having conversations with my parents. I think it is the best thing in the world.

Pagkapasok na pagkapasok ko palang ng kwarto ko ay bumungad sa akin ang tahimik na lugar. Tanging ang ulan lang ang maririnig. Ang ulan na tumatama sa mga dahon ng kahoy. Ang tipikal na tunog ng ulan. Tiningnan ko ang sliding door na made of glass patungo sa balcony. Hindi nakatakip ang kurtina nito kaya kitang kita ko ang makulimlim na kalangitan at ang mga patak ng ulan.

Hindi naka-on ang air-con ng room ko pero malamig, dahil sa ulan. Tiningnan ko ang kama ko at parang gusto ko nang tumalon doon kaya naman, nagbihis na ako. Iyong makapal at fury na pajamas at shirt ko ang sinuot ko, tapos tinabunan ko pa ng Night Dress. Pagkatapos ay tumalon sa kama.

Coldness enveloped me, it looks like my comforter and bed sucked the coldness the rain is bringing.

Ico-conect ko na sana sa Bluetooth speaker ko ang Cellphone nang magnotify na may nag-message sa akin.

It was from an Unknown Number kaya tiningnan ko nalang, baka kasi importante at kailangan pa talaga kunin ang number ko.

From: 09*********

Hi, This is Nico, kamusta ka na?"

Biglang kumabog ang dibdib ko nang mapagtantong si Nico iyon.

I don't know what to say.  Paano niya nakuha ang number ko?.

Dahil sa kaba na hindi ko maipaliwanag ay hindi ko alam kung ano ang ire-reply.

After 5 minutes ay naglakas naman ako ng loob na mag-reply.

Hi, I am okay :-)

I sighed. Mabilis siyang mag-reply.

From:09*********

Pasensya na sa ginawa ko kanina. I am just worried.

I don't know, a part of me is happy because we are communicating again through cellphone but a part of me is afraid.

From:Me

Yeah, apology accepted

How did he even know my number?

Dahil sa takot ko sa nararamdaman ko ay pinatay ko nalang ang cellphone ko at natulog na habang malakas na bumabagsak ang ulan sa labas.

Hindi ko alam kung ilang oras ang tulog ko, paggising ko ay umuulan pa rin. Napatingin ako sa pintuan nang bigla itong bumukas at iniluwa nun si Mommy.

"Oh, gising ka na pala darling, halika na, kakain na tayo" sabi niya.

Tumango naman ako at nag-inat bago tumayo at lumabas na.

"Are you feeling well now?"tanong ni Mommy habang pababa kami ng hagdan.

"Yes mom, umuulan pa rin, parang gusto ko nalang humiga sa kama" sabi ko.

"Kumain ka muna, I am sure makakatulog ka ulit" sabi niya.

Kumain na kami ng hinanda niyang lunch. Kapag kasi wala sa trabaho si Mommy ay siya ang nagluluto. She cooked Grounded Meat at naghanda din ng Vegetable Salad.

Pinasabay narin namin sina yaya, tahaimik kasi kapag kami lang.

Mom asked me about what happened. Sinabi ko sa kaniya ang lahat at halos ma-highblood siya.

" Mom, I am okay, really. Wala talagang nangyari sa aking masama" sabi ko.

" Who protected you darling, papasalamatan ko, you could invite her for dinner or kahit anong Meal time basta free ako"   natigilan ako. Si Nico siya mom at hindi siya babae.

Tumikhim ako bago kabadong nagsalita.

" Hindi po siya b-babae mom" sabi ko. Napatingin naman sa akin si Mommy. Nakakunot ang kaniyang noo.

"Oh, who is he then?, I think you should invite him. I need to thank him for saving my baby girl" parang may humaplos sa aking puso nang marinig iyon kay mommy. Yung tawagin niya akong baby girl at gusto niyang pasalamatan ang taong nagligtas sa buhay ko. But I am still pretty pre-occupied about Nico.

" S-Si Nico po" sabi ko. Umalingawngaw ang tunog ng kobyertos na nahulog ni mommy. Agad niyang kinuha ang baso ng tubig na nasa gilid lamang at ininom ito na para bang mamamatay siya pag di niya iyon ininom.

"Nagkabalikan na kayo?" May nakakalokong ngiti sa kaniyang labi, ngiting umaasa din.

Tumaas ang kilay ko at nagtaka sa inasal niya. Alam nila ni daddy na naging kami ni Nico noong First Year College ako. Pinakilala ko siya sa kanila pero alam kong alam ni mommy ang ginawa ni Nico.

" No!, Mommy naman" sabi ko at isinubo nalang ang meat.

" Oh eh bakit kayo magkasama?" Naka-taas kilay na tanong niya.

" He is also a teacher. We are on the same school" napatingin ako kay yaya mabel na ngayon ay nakangiti sa akin. Parang yung tinutukso ka.

" Oh my gosh. Baka magkabalikan kayo" parang kinikilig na sabi ni mommy sa akin. Nagtataka lang ako sa kaniya. Alam kong alam niya ang ginawa ni Nico. Nagalit pa nga siya.

" Mommy, alam mo naman siguro ang ginawa ni Nico noon--"

"I know darling, pero iba lang iyong parang pakiramdam na parang nakatadhana kayo para sa isa't isa, imagine, nagkita kayo ulit. Galit ako kay Nico pero bet ko parin siya sa iyo. He was nice and kind, parang ang hirap ngang paniwalaan na nagawa niya iyon sa iyo. But still. Kinikilig ako!" Napairap nalang ako sa inasal ni mommy. Sana pala hindi ko nalang sinabi na si Nico iyon.

"Mommy" may pagbabanta sa boses ko.

"Okay okay, I"ll shut my mouth........." Pinaglalaro ni mommy dalawang thumb na nakalapag sa mesa ngayon at nakatingin sa akin. " But invite him for a meal here" mabilis na sabi niya.

"N-no way. Nagpasalamat na ako." Sabi ko.

"Eh baka gusto ka niyang kamustahin" may nakakalokong ngiti sa kaniyang mga labi. Sina Yaya Mabel at Grace naman ay nagpipigil lamang ng tawa.

"Mom"pa inis na sabi ko.

"Anong mom mom ka diyan, he deserves to be thanked. If not for him you could have been in danger" seryosong sabi ni mommy.

" Okay, wag na natin siyang iinvite dito. I'll just text him" sabi ko. At halos maparusahan ko ang bibig ko dahil sa lumabas na mga salita.

"Oh?" Nakangiti na naman si mommy, nhiting nanunukso. " You are still communicating" nakangiting sabi niya. I look frustrated now. Gosh!!!!.

" He just texted me kung kamusta ako" sabi ko.

"Well then, I am happy for you darling. But, take care of your heart. Don't let it be broken again. Kinikilig man ako sa inyo ni Nico pero that doesn't mean na 100% ko na siyang gustong bumalik sa iyo. Kinikilig lang ako" sabi niya.

Ngumiti ako.

"Of course mom." Sabi ko at pagkatapos naming kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko. It is still raining outside and how I wish walang pasok bukas.

Umupo ako sa kama at kinuha ang phone para magpa-play ng musics pero pagbukas ko ay bumungad sa akin ang mga notification na may nag message sa akin.

From:09*** ******
    Thank you:-)

From:09*********
Ano pala ang ginagawa mo?

From:09********
You must be busy, hindi ka narereply

From:09*********
Bye na muna Jo

My heart beated fast. Kung hindi ba ako natulog ay makakapag-text kami?. Napahinga ako ng malalim. Napatampal ako sa noo ko.

"Ano na naman ito George?" Sabi ko habang tinatampal ang noo ko.

Nag reply nalang ako kay Nico.

Me:

Hi Nico, sorry ngayon lang ako nakareply nakatulog kasi ako, Wala naman akong ginawa, and thanks for saving me

Yun lang ang ni reply ko. Ano pa ba?
Kung ibang tao pa iyan marami na akong nasabi pero pagdating kay Nico, ewan ko.

Mabilis namang tumunog ulit ang cellphone ko kaya tiningnan ko ito.

From:09********
Hey, it's okay. Syempre nakatulog ka, umuulan eh, haha

My heart beated fast again. He still remembered. I used to tell him I like rains and that it can make me sleep during the day. Mahirap kasi akong patulugin kapag may araw pa. Hindi ako nakakatulog, just like usual people do every afternoon. Sleep. Pero kapag umuulan, nakakatulog ako

Me:
Yeah

From:09*********
Ano naman ang sinabi ng mommy mo sa iyo nang umuwi ka, I am sure she freaked out nung sinabi mo ang nangyari, that is if nandiyan siya nung umuwi ka"

Me:

Yes she freaked out haha

I never thought I would enjoy having this conversation with him.

Kinakabahan ako, oo. Pero nang nagtagal ay parang ayaw ko nang bumitaw. At ito ang kinakatakot ko.

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro