Unmasked

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"MAY patay na naman na natagpuan sa likod ng auditorium. Ibang klase na talaga ang nangyayari dito sa school natin, masyado nang marami ang namamatay pero wala pa ding aksyon ang mga staff lalo na ang Headmaster."

"Oo nga, parang wala silang pakealam sa mga nagyayari dito, natatakot na nga ako eh, baka mamaya tayo na ang sunod na mamatay."

"Ano kaba, think positive nga, hindi tayo mamamatay. Halika na punta na tayo sa room."

Umalis na ang dalawang babaeng estudyante na kanina lang ay nagk-kwentuhan sa tapat ng table na inuupuan ko dito sa loob ng cafeteria. Ayon sakanila meron na namang natagpuang patay, iba na talaga ang nangyayaring to sa school, at tama nga ang dalawang estudyante kanina, walang pakealam ang mga staff at ang Headmaster.

"Louie!"

Kumakaway na lumapit sa'akin sila Mark at Joseph, ang dalawa kong kaibigan. Naupo sila sa dalawang upuan na naroon din sa table na inuupuan ko.

"Alam mo na yung balita?" tanong ni Mark.

"Oo, narinig ko kanina."

"Grabe, kung nakita mo yung katawan nung babaeng namatay masusuka ka talaga, bukas yung tiyan tapos kitang kita yung lamang loob, tapos ang ipinagtaka namin ay labas yung puso nya at may nakasulat," nawalan ako ng ganang kumain dahil sa sinabi ni Joseph, hindi nya man lang naisip na kumakain ako.

"Oo nga may nakasulat, at alam mo ba kung ano yun?" may pagdududang tanong sa'akin ni Mark na inilingan ko.

"Louie. Louie ang nakasulat sa puso nung babae, at alam mo din ba na si Trina yung babaeng pinatay."

Nagulat ako sa sinabi ni Joseph, pangalan ko ang nakasulat sa puso ng babae? At yung babaeng yun ay si Trina? Si Trina na nung nakaraang araw lang ay nag-confess na may gusto sya sa'akin? Paanong nangyari yun? Nung nakaraang linggo lang ay si Jessica ang pinatay, umamin din sya sa'akin na may gusto sya pero tatlong araw lang ang nakalipas ay pinatay din ito.

"Louie, wala ka naman sigurong kinalaman sa nangyayari dito sa school natin diba?" Seryosong ani Joseph na mahihimigan ng pambibintang.

"Pinagbibintangan mo ba ako? paano mo naman naisip na may kinalaman ako sa sunudan na pagkamatay ng dalawang babae sa school natin," medyo naiinis kong sabi sakanya.

"Hindi ako namimintang, alam kong alam mo na ikaw ang huling nakausap nina Jessica at Trina bago sila pinatay, imposible naman na kaibigan nila ang pumatay sakanila hindi ba?"

"Kaya ako ang bibintangan mo?! por que ako ang huling nakausap, Pre kaibigan kita hindi ko inaasahan na kaibigan ko pa mismo ang magbibintang sa'akin. Kilala mo ko, hindi ko kayang pumatay ng tao."

Dahil sa inis ay iniwan ko silang dalawa ni Mark doon. Nakakainis, mamamatay tao na pala ang tingin nya saakin. Pagkalabas ko ng cafeteria ay nakasalubong ko si Flinn, ang kaibigan kong babae, sya ang pinakamatagal ko nang kaibigan, simula pagkabata palang namin ay magkaibigan na kami. Tinawag ko sya at nakangiti naman nya akong nilingon.

"San ka pupunta? Kumain kana ba?" agad nyang tanong pagkalapit sa'akin.

"Babalik na ako sa classroom at Oo, tapos na akong kumain."

Si Flinn lang talaga ang nakakapagpakalma sa'akin. Simula dati, kapag nagagalit ako sa isang salita nya palang kumakalma agad ako. Mabait si Flinn at Understanding, hindi kagaya ni Joseph na kahit kaibigan ko ay magagawa akong binatangan. Bumalik na naman ang inis ko nang maalala si Joseph, sumimangot ako at nakita yun ni Flinn.

"Oh ba't bigla kang sumimangot dyan? Anong problema mo?"

"Nag-away kami ni Joseph eh."

"Ha? Bakit naman?"

"Pinagbintangan nya ako na ako daw ang pumatay dun sa dalawang babaeng namatay, sabi nya ako daw ang huling nakausap nung dalawa kaya baka may kinalaman daw ako,"
nagulat sya sa sinabi ko, siguro ay hindi sya makapaniwala na nag away kami ni Joseph.

"Sinabi nya yun? Ang kapal naman ng mukha nya na pagbintangan ka, wala naman syang ebidensya ah, nasaan sya? kakausapin ko sya," papasok sana sya sa cafeteria pero pinigilan ko na.

"Wag na, hayaan na natin sya, tara na sa room."

Hinila ko sya papunta sa room namin, kwento ako nang kwento para maalis sa isip nya ang sinabi ni Joseph pero tahimik lang sya hanggang sa makapasok kami sa room at maupo sa upuan namin.

"Antahimik mo naman, hindi ako sanay ha," napatingin sya saakin.

"Siguro may boyfriend kana kaya ka tahimik no? siguro iniisip mo sya no," pang aasar ko sakanya at sinundot sundot pa ang pisngi nya pero dahil seryoso pa din sya ay itinigil ko na ang ginagawa ko.

"Ang seryoso mo naman, hindi kana mabiro."

"Alam mo naman na ikaw lang ang gusto ko diba Louie?"

Napaiwas ako ng tingin sakanya. Ayan na naman sya at cinome up na naman ang tungkol sa feelings nya saakin. Matagal ko nang alam na may gusto sya saakin, narinig ko nang sabihin nya kina Mark at Joseph na gusto nya ako pero nagkunwari pa din akong wala akong alam, hindi ko kasi matanggap na nagkagusto sya sa'akin. May promise kasi kami na hindi dapat kami ma fall sa isa't isa, sya pa mismo ang gumawa ng rule na yun pero sya din mismo ang sumuway.

Kung saan saan nakarating ang paningin ko wag lang masalubong ang mga mata nya. Narinig ko syang bumuntong hininga at dun lang ako napatingin sakanya, nakayuko na sya at nilalaro ang mga daliri,siguro na realize nya na mali na sinabi nya pa yung tungkol sa feelings nya, sinabi ko na din naman kasi sakanya na hanggang kapatid lang ang tingin ko sakanya eh.

Dumating ang teacher namin at sinabing half day daw muna kami, aasikasuhin daw muna nila yung tungkol sa namatay na estudyante, buti naman at nagkaroon na sila ng pakealam. Sabay kaming umalis ni Flinn sa room pero nagpaalam din sya saakin na may pupuntahan lang sya, naglakad na ako papunta sa dorm building naming mga boys, nang makarating dun ay nagulat pa ako nang makita sila Mark at Joseph na makakasabay kong pumasok, pero hindi ko na lang sila pinansin. Magtutuloy tuloy na lang sana ako sa paglalakad pero tinawag ako ni Joseph.

"Pre sorry na sa nasabi ko kanina, nag-overthink lang siguro ako kaya ko yun nasabi," kamot batok na ani Joseph.

Tumango lang ako sakanya at umalis na din, badtrip pa din ako sakanya. Sumakay ako sa elevator at pinindot ang floor ko, nang makarating ay dumiretso agad ako sa room ko at pumasok doon, naligo ako saglit at humiga na din sa kama ko ilang saglit lang ang nakalipas ay nakatulog na din ako.

Naalimpungatan ako dahil sa ilaw na tumama sa mukha ko, pagmulat ko ay tumambad sa'akin ang ilaw na hindi ko na i-off kanina. Tumayo ako para patayin yung ilaw at bumalik sa pagtulog, hindi naman ako nakakaramdam ng gutom eh. Pagpatay ko ng ilaw ay saktong nakarinig ako ng sigaw ng isang lalake mula sa rooftop ng kabilang building, tanaw ko ang rooftop ng kabilang building dahil mas mataas ang building na kinaroroonan ko, nasa pinakamataas na floor din ako. Dali dali akong lumapit sa balcony ko ang binuksan ang kurtina at ang glass door. Tinanaw ko ang rooftop at wala naman akonh nakita na kakaiba kaya isinara ko ulit yung glass door at bumalik na lang sa pagtulog.

Kinabukasan ay maaga akong nagising, kanina pa kasi may kumakatok sa pinto ng room ko. Pupungas pungas ko itong binuksan at tumambad sa'akin si Mark na hingal na hingal at pinagpapawisan pa.

"Ano nangyari sa'yo? Alas kwatro palang tapos nambubulabog kana agad."

"Pare...si....si Joseph wala sa kwarto nya, gulo gulo din ang mga gamit nya at may mga patak ng dugo, pre baka may masamang nang nangyari kay Joseph."

Nagulat ako sa sinabi nya, agad kaming pumunta sa kwarto ni Joseph na ilang room lang ang layo sa'akin. Pagkabukas namin ay gulo gulo nga ang mga gamit at may mga dugo pa sa sahig pati sa kama ni Joseph, bigla akong kinabahan.

"Pumunta tayo sa mga teacher, magpatulong tayo sakanila na hanapin si Joseph."

***

"Nakausap na namin ang magulang ni Joseph, nasabi na namin kung ano ang nangyari sakanya papunta na daw sila dito."

Umalis din si Mrs. Laya matapos sabihin iyon. Kami naman ni Mark ay nanatili lang na tulala, hindi pa din makapaniwala sa nangyari kay Joseph. Kanina pagkatawag namin sa mga teacher ay tinulungan agad nila kaming hanapin si Joseph, ginalugad namin ang buong campus pero hindi namin sya nakita hanggang sa inabot na kami ng alas sais ng umaga, may lumapit saamin na babae na kaklase lang daw nila Mark, sinabi nya na may nakita syang mga dugo sa sahig ng rooftop sa Dorm Building nila, agad kaming tumakbo papunta doon,habang papalapit kami ay mas lumalakas ang kabog ng dibdib ko, may dugo din kaming nakita sa kwarto ni Joseph, sana naman walang nangyaring masama sakanya.

Nang makarating kami doon ay nakita nga namin ang dugo na nagmumula sa isang malaking itim na store box. Nilapitan namin yun at nang buksan ay nakita namin ang putol putol na katawan ni Joseph, nasa ibabaw pa ang ulo nya na nakamulat pa ang dalawang mata. Mula noon ay natulala na kami ni Mark, hindi makapaniwala sa mga nangyari, isa na din si Joseph sa mga pinatay, sisiguraduhin kong hahanapin ko ang killer.

Tumayo ako at nagsimulang maglakad napatigil lang ako nang tawagin ako ni Mark.

"Saan ka pupunta?" malamig nyang tanong.

"Babalik ako kung saan natagpuan ang bangkay ni Joseph, hahanap ako ng ebidensya na magtuturo sa killer, kailangan nang matigil ang pagpatay nya."

"Sasama ako."

Agad naming nilibot ang rooftop kung saan namin nakita ang bangkay ni Joseph. Matapos ang ilang minuto ay may nakita akong isang itim na mask, kinuha ko ang panyo ko saka ko ito binalot sa kamay ko at pinulot ang mask, tinawag ko si Mark at pinakita sakanya ang Mask.

"Pamilyar saakin ang bagay na 'yan," nagisip sya saglit.

"Alam ko na! Nakita ko ang mask na yan nang minsang dumalaw ang Headmaster dito. Nakita kong suot nya yan!"

"Pano ka naman nakakasiguro?"

"Tingnan mo, may pangalan sa likod ng mask, HM ibig sabihin, Headmaster."

Oo nga naalala ko na, ganito nga ang suot ng Headmaster nang dumalaw sya dito. Minsan lang kasi magpakita  dito sa campus ang Headmaster at lagi pa itong naka itim na mask, wala pang nakakakita ng mukha nito pero alam naman ng buong campus na nasa 17 years old pa lang din ito kagaya naming mga senior high.

Pagkatapos namin iyong malaman ay dumiretso agad kami sa mga teacher, sinabi namin ang mga nalaman namin at sinamahan naman nila kami sa police station, bumalik kami sa school kasama ang mga pulis. Sakto naman na dumating din doon ang Headmaster, agad syang kinausap ng mga pulis, nabigla ang lahat ng sabihin namin ang mga nalaman namin, ganun din ang Headmaster.

Nang tinanong sya ng mga pulis kung sya ba ang mga pumapatay sa mga estudyante nya noong una ay tumanggi sya pero kalaunan ay umamin din sya nang ma-corner sya ng mga pulis.Matagal na din palang minamanmanan ng mga pulis ang Headmaster dahil  marami na daw  kaso ng pagpatay ang lumalabas na ang Headmaster ang suspek.

"Bakit mo sila pinapatay? lumalabas na lahat ng pinatay mo ay mga babae na kasing edaran mo din, si Joseph lang ang lalaking pinatay mo."

"Yun ay dahil ang mga babaeng yun ay may gusto sa lalakeng mahal ko,  at si Joseph ay pinagbintangan ang lalakeng mahal ko na sya daw ang killer kaya ko sya pinatay."

Nagulat ako sa sinabi ng Headmaster, at mas nagulat kami ni Mark nang tanggalin ng Headmaster ang itim na mask na suot nya na gaya ng nakita namin sa rooftop.

"Flinn."

Si Flinn ang Headmaster.

*END*

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro