Chapter 6

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

HINDI siya lumabas ng kwarto pagkatapos sa nangyari kanina sa kusina. Kinatok siya kanina ng isang katulong sa mansyon para bumaba dahil kakain na ng gabihan pero tumangi siya rito. Humingi siya ng paumanhin na hindi siya makakasama dahil masama ang kaniyang pakiramdam.

Nag linis din siya kanina ng buong katawan niya. Hindi siya makapaniwala sa sarili na hinayaan niya si Uno gawin 'yon sa kaniya. Nagagalit siya sa sarili na bumigay ang kaniyang katawan sa mga haplos at halik nito sa kaniya kanina.

Kapag naaalala niya iyon ay nandidiri siya sa sarili niya. Ang tagal niya iningatan ang sarili para mawala lang sa isang lalaki na hindi niya gano'n lubos na kilala.

Kahit anong gawin niyang punas sa katawan ay naalala niya pa rin ang ginawa sa kaniya ni Uno. Tumulo ang kanina pang bumabadyang luha sa mata niya. Pinunasan niya ito pero patuloy pa rin ito tumutulo.

Naka-upo siya ngayon sa kama niya, nakataas ang dalawa niyang binti habang yakap-yakap ito. Naka-baon din ang kaniyang mukha sa kaniyang binti at patuloy pa rin na umiiyak.

Gusto na niya umuwi sa kanila, kung bakit kailangan pa umalis ng mga magulang niya. Hindi niya sana ito mararanasan.

Natigil siya sa pag-iyak pero patuloy pa rin natulo ang luha niya. Kinakabahan na tinitigan niya ang pintuan. May kumatok ulit dito. Bumilis ang kaniyang tibok ng puso, para rin siyang nahihirapan na huminga.

"Clementia?" Nawala ang kaba niya nang marinig ang boses ni tita Eleanor sa likod ng pinto.

Pinunasan niya ang kaniyang luha, tumayo siya at tiningnan ang sarili sa salamin. She has swollen eyes. Sigurado mag tatanong ito kung bakit siya umiyak.

"Wait lang po!" sagot niya rito bago pumasok sa loob ng cr at nag hilamos doon. Umaasa na hindi nito mahalata ang kaniyang mata ngunit nang tumingin siya sa salamin ulit ay maga pa rin ang mga ito.

Umiling-iling siya at sinampal-sampal ang sarili.

"Bahala na nga," bulong niya sa sarili bago lumabas ng kubeta at nag tungo sa pinto. Binuksan niya ito at nakita ang matalik na kaibigan ng kaniyang ina. Na ngayon, kung saan siya nakatira.

Bumaling ang kaniyang paningin sa hawak nitong tray. May mga pagkain ito, may prutas, tubig at gamot.

"Tita, nag abala pa po kayo. Ayos lang po ako."

Tinitigan siya nito sa mata. Sigurado siya nahalata nito ang pamamaga ng mata niya.

"Nag-alala kami sa'yo. Ang sabi mo masama ang iyong pakiramdam. Sinabi ko sa magulang mo na aalagaan ka namin habang wala sila," saad nito sa kaniya. Nag taka siya kung bakit wala ito sinabi pero ayos na rin 'yon dahil hindi niya alam ang sasabihin dito kapag nag tanong pa ito sa kaniya.

"Salamat po, tita," nahihiya niya saad rito. Binalik niya ang tingin sa tray at kinuha ito.

"Ayos lang ba kung pumasok ako?"

"Oo naman po, bahay niyo po ito."

Pumasok sila sa loob. Ang kwarto niya ay may mini sala. Inilagay niya sa lamesa ang pagkain bago umupo. Sumunod rin na umupo sa tabi niya ang tita Eleanor niya.

"Kumain na po ba kayo, tita?"

"Katapos lang namin. 'Wag mo 'ko alalahanin at kumain ka lang d'yan."

Katulad nang sinabi nito ay kumain na nga siya. Ilang minuto rin na katahimikan ang namalagi bago nag simula na mag salita ito.

"Cece," tawag nito sa kaniya. Binalingan naman niya ito ng tingin.

"Kapag gusto mo ng kausap o may gumugulo sa isipan mo. Huwag ka mahiya na lumapit sa akin. Alam kong hindi madali para sa'yo makipag halubilo lalo na puro lalaki ang mga anak ko. Kahit pa sabihin natin sanay ka dahil sa pag chi-cheer dance mo," panimula nito habang siya ay maigi lang nakikinig dito.

"Naalala ko lang nag chi-cheer ka pala." Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya. Ngumiti siya rito bilang pagpapasalamat dahil naalala nito ang ginagawa niya. "Sabihan mo lang ako kapag nang gulo sila sa'yo," dagdag pa nito.

Tumango siya at nagsimula ulit sumubo ng pagkain habang patuloy pa rin siya nakikinig dito.

"Mababait naman ang mga iyon at sobrang sweet pa. Masyado lang silang protective at kapag may gusto ay palagi nila nakukuha."

Natigil siya sa pagkain. "Ah, ganoo'n po pala."

"Right, nakwento pala nila sa'kin, 'yong about sa university nila kung gusto mo lumipat? Pasensiya na, sadyang makukulit talaga 'yong tatlo. Gusto rin nila makausap magulang mo tungkol do'n."

"P-po?!" medyo napataas ang boses niya sa narinig. Nahiya tuloy siya bigla sa naging asal.

"Alam kong hindi ka papayag lalo na't may team ka na hindi pwedeng iwan. I already told them that but they keep insisting. I'm sorry."

"Tita, I'm really okay lang po sa university ko ngayon. Ayoko umalis at iwan mga kaibigan ko. Isa pa, we've been wanting to compete to asia kahit na sobrang hirap 'yon mangyari."

"I understand, hija. I'll try to talk to them again. Whatever your decision, I'm sure they'll accept it."

"Thank you po, tita," aniya. Inabot naman nito ang kamay niya. "They just want to make sure you're okay." Tumango siya rito at pilit na ngumiti.

NAG desisyon siya bumaba nang mapansin na masyado ng late. Hinintay niya talaga na pumasok ang mga ito sa sari-sariling kwarto bago siya bumaba. Hindi niya kasi alam ang gagawin o sasabihin kapag nakita niya si Uno.

Maingat na pumasok siya sa loob ng kusina. Patay na rin ang mga ilaw. Ang tanging may liwanag na lang ay sa hagdan.

Nang makaapak sa loob ay agad siya kinalibutan dahil naalala niya ang nangyari sa kanila ni Uno roon. Sa kusina pa talaga nila ginawa, nakakahiya.

Inilapag niya sa lababo ang pinagkainan at nagsimula na maghugas. Tahimik lang ang buong paligid at ang ingay na lang ng mga plato at tubig ang maririnig.

"Cece."

"Ay, kabayo!" Agad siyang lumingon sa nang gulat sa kaniya o tumawag. Nakita niya si Tres sa gilid nakatayo habang pinagmamasdan siya. Kita sa mukha nito na inaantok na ito at parang stress na stress.

"Bakit ka naman nanakot, Tres!" singhal niya rito.

"Bakit ka rin naghuhugas d'yan na walang ilaw?" balik nitong tanong sa kaniya. Pinatuyo niya muna ang mga ito bago binalik sa lagayan at binalingan ang binata.

"Bakit gising ka pa? Anong ginagawa mo rito, Tres?" saad niya. Hindi niya sinagot ang katanungan nito.

"Hinihintay kita," straight forward nitong sagot sa kaniya.

"Bakit? I mean hinihintay mo a-ako? Paano pala kung hindi ako bumaba. mag hihintay ka pa rin?" tanong niya.

"Alam kong baba ka."

"Paano nga kung hindi?" Umikot ang mata niya pa.

"Alam ko nga na baba ka."

"What if nga, Tres." Natawa naman si Tres sa kaniyang inasta. "Baka diyan na ako matulog," datong din ni Tres na mas lalong kinaikot ng kaniyang mata.

"Tres naman, niloloko mo ako."

"What? Hindi kita lolokohin, sweetheart." Agad naman siyang natigilan sa niring na tawag nito sa kaniya.

"Naniniwala na ako. Mauna na ako, Tres. Good night," aniya. Sobrang kinakabahan din siya. Aalis na sana siya nang magsalita ito ulit.

"Ako na ang humihingi ng pasensiya sa ginawa ni Uno kanina. Kung andito lang kami nang mas maaga, baka hindi nangyari 'yon."

Nag babadya na naman na tumulo ang luha niya. Nakatalikod siya rito. May kadiliman ang paligid, kaya ayos lang kung maluha siya. Hindi siya nito makikita pero kahit gano'n ay pinigilan niya pa rin maluha.

Ngumiti siya ng pilit na para bang makikita siya ng binata. "Nangyari na. Ayos lang, Tres."

"Cece," tawag nito sa pangalan niya. Natigilan pa siya ng hawakan siya nito sa braso. Agad din naman ito inalis ni Tres nang mapansin nagulat siya sa pagkakahawak nito.

"Sorry. Sige, umakyat ka na, goodnight."

"Good night."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro