Chapter 8

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Unedited for now.

HINDI maipinta ang mukha ni Clementia nang bumalik ito sa loob ng mansyon.

"Siya unang humalik tapos iiwan niya lang ako roon?!" Inis na saad niya sa sarili habang papasok sa loob.

"Edi sana, hindi na niya—" Natigil ang pag rarant niya nang mapansin si Dos nasa sala nanunuod ng palabas.

Lumingon si Dos sa gawi niya nang maramdaman na may tao roon. Tinaasan siya nito ng kilay, nag tataka kung may kailangan ba ang dalaga sa kaniya.

"May sasabihin ka?"

"Wala. Wala, D-Dos." Sagot niya rito at nginitian pa ito kahit kinakabahan na siya kung paano ito tumingin sa kaniya. Tinanguhan naman siya nito at bumalik sa panunuod.

Nakatayo pa rin sa gilid si Clementia at parang nang hina ata ang kaniyang mga binti nang marinig ang boses ni Dos kanina lalo na kung paano ito tumingin sa kaniya. Para siyang nalulusaw na parang ice cream.

"Sit down."

Napatalon siya sa gulat nang mag salita ulit ang binata. Tumingin ito ulit sa kaniya.

"Ay jusko po! Huwag kang tumingin at baka hindi na ako makalakad." Gulat niyang saad dito. Nanlaki naman ang mata ni Dos sa sinabi niya at unti-unti namula ang tenga nito.

"Oh shit!" Saad niya nang mapagtanto ang sinabi rito. Agad niya rin tinakpan ang bibig at nahihiya na tumingin kay Dos.

"Sorry!" Paumanhin niya rito at dali-dali na tumalikod sa binata ngunit agad din siya natigilan ng mabunggo siya sa isang matigas pader.

Inangat niya ang ulo at nakita na hindi pala pader ang natamaan niya kundi isang malaking tao na ngayon seryoso nang nakatingin sa kaniya.

"Cece."

"Tres." Pabulong na tawag niya rito, agad niya rin iniwas ang paningin dito.

"Sorry, mauna na ako."

Makakaalis na sana siya nang maramdaman na may humila sa kaniya sa braso.

"There you are." Nanigas ang buo niyang katawan nang marinig ang boses nito. Unti-unti siyang lumingon dito at nakita si Uno na nakangisi sa kaniya.

"Wala ka nang takas." Ani pa nito na mas lalo niya kinabahan.

"Uno, bitawan mo 'ko."

"No way! Ngayon na nga lang kita nakuha tapos sasabihan mo pa ako na bitawan kita? That would never happen, Clementia."

"Uno." Napalingon siya kay Dos na nag salita. Nakatayo na ito ngayon sa gilid nila, ganoon din si Tres.

"Damian, labas ka rito."

Tinitigan niya ang mga ito, masama ang titig sa bawat isa. Natakot siya at kinabahan dahil sa nararamdamang tensyon namamagitan sa mag kakapatid.

"G-Guys, pwede mauna na ako—"

"No/Hindi!"

"Uno. Dos. Tinatakot niyo si Cece." Lumingon siya kay Tres na sa wakas ay nakapag salita na rin. Tumingin siya rito pero iniwasan siya nito ng tingin.

'Ikaw pa may ganang mang-iwas.' Wika niya sa sarili.

Naramdaman niya na bumitaw si Uno sa pagkakahawak ng braso niya. Napansin niya rin na lumambot ang tingin ng dalawa sa kaniya.

"Thanks." Saad niya sa mga ito bago tumalikod at umalis na roon.

Hangga't maaari ay susubukan niya umiwas sa tatlo. Kapag nag sasama-sama ang mag kakapatid ay puro trouble na lang ang nangyayari sa kaniya.

TAHIMIK na kumakain ang mag anak na Martin kasama si Clementia at maliban sa ama ng mga ito dahil nasa trabaho ito.

Ang maririnig lang sa buong hapag ay ang ingay ng kubyertos at pinggan habang sila ay kumakain. Hindi niya rin magawa na tumingin sa mga ito, buti na lang talaga ay hindi nag tatanong ang ina ng mga ito.

"Cece..." Basag sa katahimikan ni Eleanor na ina ng triplets. Kakasabi niya lang kanina na buti na lang hindi ito nag tatanong pero ito ngayon at nag salita na ang ina ng mga ito.

"Yes po, tita?"

"Bukas ng gabi, pwede mo ba ako tulungan?"

"Opo naman, ano po ba gagawin natin?"

"Bibisitahin ko yung kapatid ko na kakauwi lang galing sa States. Mag be-bake ako ng cake."

"Sige po, tita. I'll help you po."

"Salamat, hija."

Nginitian naman niya ito at bumalik sa pag kain.

"Kayong tatlo, sumama kayo sakin bukas. Kasama ng tita niyo ang pinsan niyo."

"Okay po, Ma." Sagot ni Tres sa ina.

"Isasama mo ba si Cece, Mom?" Tanong naman ni Uno na kina-tingin niya rito.

'Bakit naman siya isasama? Kahit kailan talaga pahamak itong lalaki na ito!' Inis niyang wika sa sarili.

"Kung gusto ni Cece— gusto mo ba sumama?" Baling sa kaniya ni Eleanor.

"Hindi na po, nakakahiya po tita."

"Hindi pwede! Wala kang kasama rito!"

Inis na tumingin siya kay Uno at nahihiya na ngumiti sa ina nito.

"Uno, nasa hapag tayo."

"Sorry, Ma."

"Sumama ka na, Candace. Hindi naman masama na sumama ka." Saad ni Dos sa kaniya.

"Ayos lang sweetheart na sumama ka samin." Dugtong pa nang ina ng mga ito. Nahihiya naman na ngumiti siya rito at tumango.

"Okay po."

PAPUNTA na si Clementia sa kaniyang kwarto sa pangalawang palapag nang maabutan niya nakatayo sa harapan ng pintuan niya si Tres.

Nang mapansin siya nito ay bumaling na ito sa kaniya.

"Tres?" Nag tataka na tanong niya rito.

"May sasabihin yung dalawa sayo." Saad nito at kinuha ang kamay niya.

"Wait! Saan tayo pupunta?"

Ngunit hindi siya nito sinagot at hinila lang siya nito sa kung saan. Nalagpasan na rin nila ang mga kwarto ng triplets kaya hindi niya alam kung saan talaga sila pupunta.

"Andito na tayo."

Tumingin siya sa pinto na nasa harapan niya. Binuksan ni Tres ito at sinenyasan siya na pumasok sa loob.

Pag pasok niya roon ay napansin niya agad ang malaki at malawak na higaan na nasa loob ng kwarto.

Ngayon niya lang nalaman na may ganoon palang uri ng kwarto rito sa mansyon. Bumalik ang paningin niya kay Tres.

Tatanungin niya sana ito kung nasaan sila nang lumabas sa isang pintuan si Dos.

"Clementia." Lumingon siya sa tumawag sa kaniya sa gilid at nakita si Uno na nakaupo sa sofa. Hindi niya ito napansin agad. Kanina pa pala ito nakaupo roon.

Malaki ang kwarto, may sariling mini sala rin ito.

Lumapit sa kaniya si Uno at hinawakan ang kaniyang kamay. Aalisin niya sana ito kaso sinamaan siya nito ng tingin kaya nag paubaya na siya rito paupo sa sofa kung nasaan nakaupo na sina Dos at Tres.

Pag kaupo niya ay agad niya tinanong ang mga ito. "May sasabihin daw kayong dalawa."

"Kaming tatlo kamo." Dugtong ni Uno sa sinabi niya. Kumunot naman ang noo niya at tiningnan si Tres pero hindi siya nito binigyan ng isang tingin.

"Ano 'yon?" Lakas loob niyang tanong sa tatlo.

"We want you." Nagtataka na binaling niya ang paningin kay Dos. "A-Ano kamo?"

"We want you." Ulit nito sa kaniya na mas lalong pinag taka niya.

"Niloloko niyo ba ako? Mauuna—"

"And who told you na papaalisin kita?" Saad ni Uno sa kaniya at hinila pa nito ang kamay niya nang patayo na siya sana sa sofa. Bumaksan siya ulit sa sofa paupo.

"Paano niyo naman nasabi na gusto niyo ako— I mean you want me?"

Bumaling siya ng tingin sa pinakabunso sa triplets. "Tres, diba? hindi mo naman ako kailangan? Wala kang pake sa akin diba? Kung may pake ka, hindi mo ako iniwan kanina."

"What?" Gulat na tanong ni Tres sa kaniya.

"What! What ka diyan! Iniwan mo nga ako kanina pagkatapos mo ako halikan!" Inis niyang singhal dito.

Agad siya lumingon kay Uno na bigla na lang tuma-tawa nang malakas sa gilid niya.

"Anong tinatawa mo?"

"Sorry. Hindi lang ako makapaniwala na pumayag ka sa kaniya mag pahalik pero sa akin, iniyakan mo pa ako."

"Ang gago mo." Inis niyang singhal dito at sinampal ito nang napakalakas.

"Aww, baby."

Lumapit naman sa kaniya agad si Tres at hinawakan siya sa balikat at kamay para pigilan siya. Si Dos naman ay pinapanuod lang sila.

"Akala mo naman hindi mo nagustuhan."

"What the fuck, Uno!" Tumayo agad si Dos at kinuwelyuhan ang kapatid na nakangiti pa rin.

"Bakit, Dos? Naiinggit ka at hindi mo pa natitikman si Cece? Ang bagal mo kasi."

"Putangina mo!" Sabay suntok ni Dos kay Uno na mas lalo kinagulat niya. Niyakap naman siya agad ni Tres at inilayo sa dalawa na ngayon ay nag susuntukan na.

"Tres, awatin mo sila. Ano bang problema niyo?"

Ngunit hindi gumalaw si Tres at hinayaan lang ang dalawa magkainitan sa isa't isa.

Umalis siya sa pagkakayakap kay Tres at nilapitan ang dalawa.

"Cece!" Pigil sa kaniya ni Tres ngunit nakaalis na siya at nasa malapit na siya kala Uno at Dos.

"Tigilan niyo 'yan! Para kayong mga bata! Diba may sasabihin kayo sakin?! Sabihin niyo na para makaalis na ako rito!" Sigaw niya sa mga ito. Natigil naman ang dalawa sa pag susuntukan at tumingin sa kaniya.

Napabuntong hininga si Dos at lumapit sa kaniya. Humawak ito sa kamay niya at tinitigan siya sa mata.

"Like what I said kanina, we want you. We shared the same woman, Candace."

"WHAT?!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro