Prologue

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Binabati kita, Detective Bon Tinio!" wika ng isang matandang lalaki at nakangiting yumakap sa akin.

"Thank you, Sir." tugon ko.

And yes, gaya ng mga sandamakmak na istoryang napaglumaan na ng panahon, heto pa rin tayo sa parte na ipapakilala ako ng awtor na mapapaisip kayo kung gaano nga ba kaganda ang buhay ko base sa description niya.

Pero sige, simulan ko na.

Isang matipunong lalaki, anim na talampakan ang taas, at may kakayahan na sumuri ng mga bagay-bagay na hindi kayang maintindihan ng ilan.

Syempre, hindi ako iyan.

"Put*ngin*mo Bonet, bumangon ka na! Tanghali ka na naman gumising, wala pa tayong pagkain!" sigaw ni mama na nagpabalikwas sa akin mula sa pagkakatulog.

At iyan ako.

Kung ang iba ang tatanungin sa kung paano nga ba ako idedescribe, madali lang naman.

Isang malaking batugan.

Pero hindi ko naman sila masisisi kasi mas maraming tao talaga sa mundo na ito na mas madalas makita ang mali sa isang bagay kaysa sa mga tama na nagawa nito.

Pero kahit na ganoon pa man, may pangarap naman ako.

Ang maging pinakamagaling na detective sa buong mundo ala Sherlock Holmes o higit pa.

Nagtatrabaho ako sa Bountania Police Department bilang janitor at masaya naman ako dito.

"Bonet, ikaw ang bahala dito sa cr ah. Medyo napasabak kasi ako sa niluto ni Misis kaninang tanghalian." usal ni Chief habang nag-aalis ng dumi sa ilong nito.

"Sige po."

Matapos naman niyang umalis ay pumasok naman ako sa pinanggalingan niyang cubicle at agad na naamoy ang pinangyarihan ng krimen.

"Pucha ang baho! Daig ko pa 'yong nakulong sa septic tank nito, maiiyak na yata ako pero no choice." bigkas ko sa isip ko dahil hindi nila ako pwedeng marinig na nagrereklamo kasi ito ang trabaho ko.

Kadiri!!!

"Narinig mo na ba 'yong balita? Darating daw ngayon si Director Axie para magpromote ng mga bagong officers."

"Oo nga, nalaman ko nga lang din sa iba pa na posibleng tataas na naman ang ranggo ni Chief. Sana mabiyayaan din tayo." usapan ng dalawang lalaki na pumasok sa loob ng cr.

Promotion? Sana all.

"Kaso may topak daw, ayon pa nga sa mga sabi-sabi ay may pinatay pa nga raw 'yon na kapwa niya officer pero nabasura lang sa korte dahil sa hindi sapat na ebidensya."

"Nakakatakot naman pala na 'yon kung ganoon."

"Tara na nga para makapaghanda na sa pagdating niya at ang baho pa rito sa cr, kawawa tiyak 'yong maglilinis nito."

"Tama."

Bwisit.

"Magandang hapon, Director!" pagbati ng mga officers sa lalaking pumasok sa station.

Sa isang maliit na stage ito nagbigay ng mga mabubulaklak na mensahe gaya ng mga napapanood ko sa K-drama at hindi ko na ito inintindi bagkus ay nakatuon ang atensyon ko sa mga maliliit na kahon na nakalapag sa lamesa.

"Anong tinatayo-tayo mo diyan, nalinis mo na ba 'yong cr?" tanong ni Chief mula sa likuran ko.

"Natapos ko na po kanina pa."

"Ang ganda ng mga pa-giveaways no? Sayang at hindi ka makakakuha ng isa man lang kahit alin diyan." dagdag pa nito at tumawa ng malakas bago tuluyan na umalis.

"Maraming salamat sa inyong masipag na pagtatrabaho at dahil diyan ay maglulungsad ako ng promotion ngayon kung saan ang ilan maswerte mapipili ay madadagdagan na naman ang pera sa bulsa nila." sabi ng Director na ikinatawa ng lahat.

Nagpatuloy lamang ito sa pagsasalita hanggang sa dumako na ito sa pagbanggit ng mga pangalan ng mga ipopromote.

"Commissioner Henry Akun."

"Si Chief 'yon!"

"Congrats Idol!"

"Ma'am wanport?"

"Sabi ko na nga ba, ang galing mo talaga!" hiyawan ng mga tao nang makaakyat sa stage ang Chief na ngayon ay isa nang Commissioner.

"At panghuli, ang karangalan na ito ay para sa isang tao na marahil maliit man ang tingin sa kaniya ng mga tao ay pinipilit niya pa rin na magsumikap para sa trabaho."

Pa-suspense yarn?

"Sino 'yan sa tingin ninyo?"

"Hula ko si Butler 'yan, puro kain lang dito sa station 'yon eh." usapan ng dalawang officer sa gilid ko.

Well, balik na ulit ako sa paglilinis.

"Detective Bon Tinio!"

"Ha?!"

Ako?!

"Pero Sir... janitor lang siya, tagapaglinis ng inidoro. Ni hindi nga siya nakapagtapos ng pag-aaral tapos bibigyan mo ganiyang posisyon? Parang nagkakalokohan naman yata tayo rito ah."

"Nasabi ko na ang desisyon ko, Commissioner. May dahilan ako kaya ko pinili si Mr. Tinio para sa trabahong ito..." turan ng Director at tumingin sa akin.

"Iyon lang naman ay kung tatanggi ka."

"Ah hindi po... malugod ko pong tinatanggap ang trabaho na ito. Maraming salamat po." tugon at yumukod.

Matapos ang naganap na promotion ay hindi na mawala ang mga bulong-bulungan sa station habang ipinagpapatuloy ko ang trabaho ko bilang janitor.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro