10

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Tanga ka talaga Pamie, bakit mo ni like?" Hinampas ko ng mahina yung mukha ko dahil aksidente kong na like yung post ni Cian sa Instagram. Hindi ko sinasadya.

Mabilis kong pinatay yung cellphone ko dahil sa kahihiyan, baka nakita niya yun yari talaga, tinanggal ko din naman kaagad eh. Inis akong pumunta sa cr at naligo na. Bukas na nga pala yung laban namin sa intrams, kinakabahan ako na excited, sana lang manalo kami this year, nakaraan kase talo kami eh, sapat naman na yung practice at training namin eh, I hope kahit hindi na champion, mapasok lang sa top 3 okay na.

Nang matapos ako mag-asikaso ng sarili ko ay bumaba na ako dala ang raketa at susi ng kotse ko, dinala ko rin yung maliit kong shoulder bag na ang laman lang ay cellphone at wallet ko.

"Where are you going?" Tanong ni Mommy ng makasalubong ako pababa ng hagdan.

"Somewhere," tipid kong sagot.

"Pamie, pwede ba akong sumama?" Napatingin ako kay Lea na nakasunod pala sa akin.

"Seriously? Sasama ka sa akin?" Natatawa kong tanong, masama naman akong tiningnan ni Mommy pero inirapan ko lang siya.

"Why not? Gusto lang sumama sa'yo ng kapatid mo-"

"She's not my sister, and I don't want a sister!" Sigaw ko at mabilis na lumabas ng bahay.

Lagi na lang pinagpipilitang kapatid ko siya, kahit kailan hinding-hindi ko papangarapin na magkaroon ng kapatid at lalong-lalo na siya.

Irita akong nagmaneho palabas ng village, hindi pa sana ako papalabasin ng guard pero nakita niya atang galit ako kaya napilitan na lang. Ano naman kaya ang sinabi ni Mommy.

Kailan ba nila matatanggap na ayaw ko sa kanila? Bakit hanggang ngayon hindi nila ako naiintidihan? Pinagsisiksikan pa ni Lea ang sarili niya sa akin, bakit akala niya ba makukuha niya ang loob ko sa kadramahan niya sa buhay? Asa siya. Hindi naman ako baliw para gawin yun noh.

Dumiretso ako sa park kung saan madalas maglaro yung mga bata, may dala na akong Jollibee kagaya ng request nila nakaraan, nakangiti akong bumaba ng kotse bitbit ang pagkain.

"Ate Pamie!" Sinalubong kaagad ako ni Angel at tinulungan naman ako ni Adrian magdala nung mga pagkain.

"Kanina pa kayo dito? Ang aga niyo ha," natatawa kong tanong.

"Actually pauwi na nga po kami eh kase nagugutom na, kaso nakita ka namin at may dala pang pagkain kaya dito na lang kami kakain," paliwanag ni Angel.

Pumunta muna kami sa ilalim ng puno kung saan may maliit na lamesa, doon ko inilagay lahat ng pagkain para mapagsaluhan namin. Hindi naman sila ganon kadami ngayon, si Adrian, Angel, Cyrell, Lloyd at Jimmanuel lang ang nandito ngayon. Wala si Mia at Vimmia.

"Ate, good luck po sa game niyo bukas," si Lloyd.

"Paano niyo nalaman?" Taka kong tanong, hindi ko naman yun nabanggit sa kanila.

"Sinabi po sa amin ni kuya Cian, andito po siya kanina eh, kaya lang umalis na rin kaagad." Paliwanag ni Cyrell.

"Ahh salamat."

Nagpatuloy na sila sa pagkain habang ako naman ay nagte-text kay Lexi.

To Lexi
    Where are you panget, punta kang park laro tayo ng badminton.

Maya-maya pa ay nagreply na siya.

From Lexi
   Hindi ka ba nananawa? Ako kase sawang-sawa na, bahala ka diyan.

To Lexi
   Corny mo, pupunta ka ba o hindi?

From Lexi
   Hindi.

Tamaran talaga kahit kailan, kala mo hindi ako kaibigan eh. Wala na rin akong nagawa ayaw niyang pumunta eh, nakipaglaro na lang ako sa mga bata kaysa naman tumambay sa bahay na wala naman akong gagawin at mag-aaway lang kaming lahat don.

"Umuwi na kayo, gabi na oh, baka hinahanap na kayo ng mga magulang niyo?" Nagpaalam na ako sa mga bata nauuwi na, nanlalakit na rin ako dahil sa pawis ko.

Dumaan muna ako sa drive thru para may kainin ako sa kuwarto ko, ayaw kong sumabay sa kanila kumain, baka kung ano na naman ang masabi kong ikakagalit nila.

Nang maka-uwi na ako sa bahay ay dumiretso kaagad ako sa kuwarto ko, nakita ko pa si Lea na nanunuod ng tv habang nagbabasa ng aklat. Napairap ako bago tuluyang pumasok sa kuwarto ko.

Naligo lang alo saglit bago umupo a Study table ko at binuksan ang computer ko, nag play lang ako ng music at nagsimula ng kumain ng fries at chicken. Habang nakikinig ako ng music ay may bigla na lang kumatok sa kuwarto ko, inis ko yung binuksan na may dala-dalanh chicken sa kamay.

"What is your fucking problem!?" Inis kong tanong pagbukas ko ng pinto, nakita ko si Lea na gulat na nakatingin sa akin.

"S-Sabi ni M-Mommy, k-kumain kana daw-"

"Hindi mo ba ito nakikita!?" Inis kong sinara ang pinto at bumalik sa pagkakaupo.

Kainis.

Mas nilakasan ko pa yung volume ng music ko at nah scroll sa Instagram, bigla na lang may nag pop up sa notification ko.

CianAlmzn start following you.

Oh my god, nabitawan ko yung chicken sa kabila kong kamay habang nakatitig doon, follow back ko ba siya? Baka naman mag assume siya?

Pinatay ko na yung music at humiga na sa kama, inaantok na din ako. Sandali kong tiningnan ang profile niya hanggang sa napagpasiyahan ko na lang na e-follow din siya.

Pinatay ko na ang cellphone ko at natulog na, maaga pa akong gigising bukas para maghanda sa gaganaping intramural sports.

Kinabukasan kagaya ng inaasahan ko ay maaga pa lang gising na ako, maaga rin akong nag-asikaso dahil excited ako sa game namin, sana lang talaga makapasok ako sa top 3.

Pababa na ako ng hagdan ng makita ang message ni Cian sa Instagram ko.

CianAlmzn
     Ang ganda mo Miss.

What the hell?

Good luck sa game ❤️

Hindi ko na siya nereplyan at nagpatuloy na sa pagbaba ng hagdan.

"Hindi ka ba sasabay sa amin kumain?" Napatingin ako kay Daddy na nakatayo sa paanan ng hagdan.

"I don't want to eat," sagot ko.

Nagpatuloy ako sa paglalakad ng harangin ako ni Lea.

"Pwede ba akong sumabay sa'yo papunta ng school? Required kase kaming manuod ng intrams, gusto ko ring suportaha-"

"I don't need your support, magpahatid ka na lang sa driver." Inis akong lumabas ng bahay, tinatawag pa ako ni Daddy pero hindi ko na sila nilingon.

Mabilis akong nagmaneho sa malapit na kainan at kumain saglit bago dumiretso sa school. Bumili na rin ako ng pwede kong kainin. Nang makarating ako sa school ay agad akong sinalubong ni Lexi, tinulungan niya ako sa mga gamit ko.

Mabuti na lang hindi ko nakalimutan yung protective gear ko. Mahirap na masugatan ang siko at binte, masakit.

"Raketa mo?" Tanong sa akin ni Lexi.

"Here," pinakita ko sa kaniya yung raketa ko bago kami dumiretso sa field kung saan marami ng tao.

Badminton talaga ang inaabangan nila dito, imbes na basketball, ganon kasikat ang badminton sa lugar namin, lalo na nung nalaman nilang si Cian ang lalaban para sa Supreme Academy.

"Andiyan na ba yung mga kalaban natin?" Tanong ko kay Lexi.

"Papunta pa lang daw," sagot niya naman.

Pumasok na kami sa dressing room para magbihis at mag-ayos. Inayos ko lang ang pagkakalagay ng protective gear sa siko at tuhod ko bago sumunod kay Lexi papunta kay coach sa labas.

"Pamie, Lexi, limang school ang makakalaban natin ngayon, kaya niyo ba?" Nagkatinginan kami ni Lexi bago sabay na tumango.

"Kakayanin po," sagot ni Lexi.

"Kayo na ang bahala, basta yung mga tinuro ko wag niyong kakalimutan ha?" Muli akong tumango.

Hinintay lang namin ang ibang players ng school para makapagsimula na. Palinga-linga ako sa paligid dahil parami na ng parami ang tao, pero hindi ko pa rin nakikita ang mga taga Supreme Academy.

"Hinahanap mo si Cian?" Halos mapatalon ako sa gulat dahil kay Lexi.

"H-Hindi ha-"

"Sus Pamie, kilala kita, first time mo maging ganito, aminin mo nang may crush ka kay Cian," panunukso niya.

"Manahimik ka nga, wala akong gusto don, siguro siya merong gusto sa akin, sa ganda ko ba namang ito eh," sagot ko sa kaniya.

"Ayaw pa aminin," tinusok niya pa talaga ang tagiliran ko alam niyang may kiliti ako doon.

"Eh bakit ikaw? Hindi mo pa aminin na may gusto ka kay Tristan?" Balik ko sa kaniya.

"Shut up, baka marinig ka niya," bulong niya sa akin at tinakpan pa ang bibig ko.

Tinawanan ko lang siya dahil doon, halata namang may gusto sila sa isa't isa eh, hindi pa mag aminan, pinapahirapan lang ang isa't isa. Hindi ko talaga gusto si Cian, hindi ko din siya type at isa pa ayaw kong sumubok baka umiyak lang ako sa huli, siguro friends pwede pa, gusto ko lang siguro siyang maging kaibigan.

Ilang sandali pa ay nandito na ang ibang players ng school, mas lalo akong kinabahan ng biglang pumasok sa entrance ng gym ang player ng Supreme Academy.

Kagaya namin ay nakasuot din sila ng jersey ng kanilang school, nagulat pa ako dahil same kami ng number sa jersey, nagkataon lang ba yun? Anong meron sa number seven?

Lumakas naman ang sigawan sa paligid ng ngumiti si Cian habang naglalakad papasok. Ang gwapo niya tingnan sa jersey na suot niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro