12

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Pamie, pwede ba tayong mag-usap?" Salubong sa akin ni Mommy pagpasok ko ng bahay.

"I'm tired, bukas na lang," mahina kong sagot at deri-deritsong umakyat sa taas.

Hapon na ng maka-uwi ako sa bahay, pagkatapos kase naming kumain ni Cian at dumiretso pa kami sa park para bigyan ng pagkain yung mga bata dahil naghihintay rin sila ng results ng game namin ni Cian. Tuwang-tuwa pa sila ng malamang si Cian ang nanalo.

Pagpasok ko sa kuwarto ko ay agad akong naligo at nagbihis, matapos kong magawa ang lahat ng gagawin ko ay umupo ako sa study table ko, hindi ko na alam kung anong nangyari sa laro kanina. Sana lang nakapasok si Lexi at Trista.

Hindi na rin kase ako bumalik doon, si Cian lang dahil sasabitan siya ng medal, gusto ko sana siya makita na sabitan pero napapagod na talaga ako, may picture naman siguro siyang ipo-post sa Instagram. Nang maalala yun ay mabilis akong nag online, kinuha niya din yung Facebook account, messenger, at Twitter ko, pati number ko kinuha niya din, wala naman siyang Twitter bakit niya pa kinuha?

Pag open ko ng Facebook ko ay nakita ko kaagad siyang nag friend request, hinayaan ko lang yun at hindi pinansin, nag pop up din ang pag follow niya sa Twitter account ko. Maya-maya pa ay nagulat ako ng biglang mag pop up ang messenger ko.

Cian Dheo Almazon
Hi miss ma'am, ang ganda niyo po.

Reply niya sa story ko, ito yung nasa dressing room ako habang hawak ang dalawang raketa at shuttlecock.

Kailangan mo?

Bakit ayaw mo akong e-accept? :(

Kailangan pa ba?

Oo naman Ma'am:)

Tsk.

Galit na galit Ma'am?

Bakit ba ma'am tawag mo?
Hindi naman ako guro.

Cute mo kase Ma'am;)

Stop that.

Inis kong binaba ng cellphone ko at humiga na sa kama ko para matulog, subrang pagod ko ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Gulat akong napabangon ng wala sa oras dahil sa sunod-sunod na katok sa kuwarto ko, inis kong sinambunutan ang sarili ko bago galit na tumayo.

"Ano bang problema niyo!?" Sigaw kong tanong pagbukas ng pinto. Bumungad sa akin ang mukha ni Lea na takot na takot. "Ikaw na naman!? Ano bang gusto mo!?" Inis kong tanong dito.

"K-Kakain na da-" hindi ko na siya pinatapos at padabog na sinara ang pinto. Inis akong bumalik sa kama ko at pinilit matulog pero hindi ako makatulog. Kainis naman kase kung kailan natutulog na ako saka pa manggigising para lang kumain. Hindi ba nila naiintindihan yung salitang pagod!?

Ilang position na ang ginawa ko pero wala pa rin, inis kong kinuha ang cellphone ko at nagpasiyang mag scroll muna sa Facebook para pambalik ng antok. Agad nag pop up ang messenger ko.

Lexitott
Gurl, panalo kami ni Tristan.

Napangiti naman ako doon at agad siyang binati, offline siya malamang na natutulog na yun, 9 pasado na rin kase.

Hindi ko na yun pinansin at nagscroll ulit pero may isang message na naman ang nag pop up.

Cian Dheo Almazon
Bakit gising pa ang magandang binibini na yan?

Napairap ako sa message ni Cian bago nagtipa ng erereply sa kaniya.

Ikaw ba naman ang napanaginipan ko.

Swerte ko naman at napunta ako sa panaginip mo haha

Binangungot nga ako eh.

Awh, sweet^^

Bakit hindi ka pa natutulog?

Pwede ba akong tumawag?

Hindi pa ako nakakareply ay may incoming call na kaagad ako galing sa kaniya.

"Problema mo?" Inis kong tanong.

["Wala, masama ka ba kausap? Ang sungit mo naman, kanina ang saya-saya mo pa eh."]

"Ikaw ba namang gisingin para lang kumain kung hindi ka maiirita!" Galit kong sumbong at nagpadyak pa.

["Kawawa ka naman pala haha, matulog kana lang ulit."]

"Kanina ko pa gustong gawin, hindi na ako makatulog," napairap pa ako sa kisame.

["Gusto mo kantahan kita para makatulog ka?"]

"Wag na baka bumagyo bigla haha."

["Grabe din, hindi naman ganon kapanget ang boses ko ah, ang ganda kaya ng boses ko haha, parang inipit na kambing hahaha."] Natawa ako sa sinabi niya, totoo naman na maganda talaga ang boses niya lalo na kapag tumatawa siya, ms gumanda nga lang nung sa call.

"Buti alam mo haha."

["Kantahan ba kita?"]

"Sige, gusto ko yung enchanted by Tylor Swift."

["Teka 'di ko yun alam hahaha, sandali aralin ko."]

Hindi namin pinatay yung call habang nagpa-practice siya, hindi niya naman pinaparinig sa akin, nag mute pa ata kaya ang ginawa ko na lang ay ako na lang ang umawit, narinig kong nag open na siya ng mic at sinabayan ako umawit. Hindi niya pa ganon ka alam ang lyrics kaya hindi pa natatapos ang kanta ay tawa na ako ng tawa.

["Sige tumawa ka lang, kapag natutunan ko 'to kantahin 'who you' ka sa akin haha."] Hamon niya pa.

"Sige na Cian, matutulog na ako, good night."

["Good night too miss beautiful,"]

"Sige na-"

["Teka, asaan yung kiss ko?"]

"Kapal naman ng mukha mo."

["Hahaha damot, para kiss lang eh,"]

"Lakas ng loob mo manghingi ng kiss sa call pero sa personal may pahiya-hiya ka pang nalalaman," natatawa kong sambit.

["Kahiya naman kase talaga, sige na matulog kana, talk tayo bukas ha, good night, bye."]

Siya na ang nagpatay ng tawag, itinago ko naman ang cellphone ko at natulog na.

Kinabukasan ay tanghali na ako nagising, matapos kong magawa ang morning routine ko ay bumaba ako sa kusina para kumain dahil kumukulo na ang tiyan ko.

"Good morning ma'am," napatingin ako kay manang ng batiin niya ako.

"Is there any food that I can eat? I'm hungry na po kase," humawak pa ako sa tiyan ko para sabihing gutom na talaga ako.

"Nagluto po ako ng champurado, baka magustuhan niyo lang po?"

"Wala bang kanin?"

"Nagluluto pa po eh,"

"Sige yun na lang po," tumango naman siya at pumunta na sa kusina ako naman ay umupo sa dinning table at naghintay na paghainan.

Ilang sandali pa ay dumating na din yung pagkain na naka bowl, nagulat pa ako dahil itim ang kulay nun.

"Bakit ganito?" Nandidiri kong tanong.

"Cocoa po yan ma'am, try niyo lagyan ng gatas at asukal-"

"Ayaw ko nito Manang," tanggi ko at inilayo sa akin yung pagkain.

"Wala po kayong kakainin kapag hindi niyo yan kinain," napabuntong hininga ako bago kinuha yung kutsara, nilagyan ko yun ng sugar and milk at dahan-dahang tinikman yung champurado daw na yun.

Nakangiti pa si Manang habang tinitingnan akong sumubo, nang mapunta sa bibig ko ay nawala yung pandidiri sa mukha ko dahil masarap naman pala.

"Ano ma'am?" Nakangiti niyang tanong, napa thumbs up ako sa kaniya at sumubo ulit.

Masarap siya, para siyang lugaw pero ang kaibahan may kulay. Nung umalis sa harapan ko si Manang ay sunod-sunod akong sumubo, masarap nga siya. Nung maubos yung nasa bowl ko ay tumayo ako para kumuha ulit, mabuti na lang wala sa kusina si Manang, nakakahiya naman kung makikita niya akong bumalik eh nilait ko pa kanina.

Nang matapos akong kumain ay umupo ako sa sofa at binuksan ang tv, anong oras na pero hindi ko pa rin nakikita sila Mommy sa paligid, nakalimutan ko rin tanungin si Manang.

Why would I care ba? Kainis.

Binuksan ko yung cellphone ko at message ni Cian sa messenger kaagad ang bumungad sa akin, may isa lang na good morning message at karamihan ay puro voice message na.

["Good morning miss beautiful."]

["Tagal mo naman mag online."]

["I miss you na po kaagad."]

["Gusto na kita makita."]

["Awitan kita gusto mo?"]

["I was enchanted to meet youu~ HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA."]

Wala na siyang matinong ginawa, aawit tapos tatawa, siraulo lang. Nag type lang ako ng simple 'morning' at nag out na ulit, nanuod na lang ako ng tv.

Back to normal na naman sa school, malapit na rin ang mid term namin, kailangan kong makapasa dahil isang taon na lang ako sa college.

Habang nanunuod sa tv ay napatingin ako sa pinto ng may maingay na pumasok, nagtatawan pa sila. Napairap ako ng makita na si Lea at Mommy yun, sumunod sa kanila si Daddy. Nang makita ako sa sofa ay napahinto sila.

Marami silang dalang paper bag na mga branded pa, galing ata ng mall, napahinga ako ng maluwag at nagkunwaring walang nakita. Naramdaman ko ang paglapit nila sa akin, tinabihan pa ako ni Mommy sa upuan.

"Pamie, look pinamili ka namin ng damit, and also make up kit kase gusto daw ni Lea na ikaw ang mag make up sa kaniya-"

"I don't care, please leave me alone, I'm watching-"

Isang malakas na sampal na naman ang sinalo ng kaliwa kong pisnge. Napahawak ako don dahil sa sakit at gulat.

"Bakit mo ba kami pinapahirapan!? Ano bang gusto mong mangyari!?" Sigaw sa akin ni Mommy. Hindi ako nagsalita at tahimik lang na tumutulo ang luha. "Lahat na ginawa namin para bumalik yung loob mo sa amin pero ikaw itong layo ng layo, ano ba talaga Pamie!?" Sigaw niya ulit. Umayos ako ng upo at hinarap sila.

"Do you really want to know!? Sige, Mom, why? Bakit ang dali lang sa'yo!? Simula nung iniwan tayo ni Daddy para ka ng walang buhay, ni hindi mo na ako nabibigyan ng attention kase puro ka trabaho!? Sino yung lagi kong kasama kapag may activity sa school!? 'Di ba si Manang!? Sino yung natatakbuhan ko kapag gustong-gusto ko kayong kausapin, wala Mommy, kase wala naman kayo lagi dito sa bahay tapos ipipilit niyo sa akin na tanggapin ng ganon-ganon na lang si Daddy tapos yung anak niya sa labas!?" Sigaw ko, narinig ko ang pag-iyak ni Lea pero hindi ko siya pinansin. "Kaya huwag niyong isisi sa akin kung bakit ako nagkakaganito kase hanggang ngayon hindi ko matanggap!?"

Umiiyak akong tumakbo paakyat sa hagdan pero bago ako tuluyang makalayo sa kanila ay narinig ko ang sinabi ni Lea.

"I'm sorry."

___

A/N: Ingat po tayong lahat sa bagyo, keep safe everyone 😚❤️

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro