18

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Pamie, gusto mong sumama sa amin mamaya?" Nakangiting tanong ni Lexi sa akin habang nagsusulat.

"Saan na naman kayo pupunta?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Date?" Napailing naman ako. "Dali na, isama natin si Cian para double date tayo." Hinawakan niya pa ang braso ko at ginalaw-galaw yun kaya hindi ako makapagsulat ng maayos.

"Hindi ko alam, baka busy siya eh," sagot ko naman.

"Ede tawagan mo ngayon din." Utos niya.

"Wow, makautos ka, may pasok yun, malamang na nasa klase siya,"

"Try mo lang, dali na ba, first time kaya natin 'to gawin, halos dalawang buwan na kayo ni Cian oh tapos hindi man lang tayo nag set ng double date, gusto ko subukan, kaya dapat mapilit mo siya mamaya." Mahaba niyang lintaya.

Grabe, hindi ko enexpect na halos dalawang buwan na pala kami ni Cian, ang bilis talaga ng panahon, napangiti naman ako doon at kinuha yung cellphone ko, mas lalo akong napangiti ng makita ang wallpaper ko.

"Ang cute naman ng bata na yan, sino yan?" Tanong ni Lexi ng makita ang wallpaper ko.

"Si Cian, baby picture niya," natatawa kong sagot.

Yung picture kase niya is galit siyang nakatingin sa camera, sabi niya kase naglalaro siya ng cellphone no'n tapos kinuha ng Mama niya yung cellphone kaya nagalit siya.

Nakadalawang ring muna bago sinagot ni Cian ang tawag ko.

["Hi Love, how's school?"] Tanong niya ng masagot ang tawag ko.

"Okay lang naman, ikaw ba?"

["Medyo pressure, ang dami ko pang dapat gawin at sauluhin, nga pala bakit ka napatawag?"]

"Si Lexi kase nangungulit, kung gusto mo daw sumama mamaya sa double date na sinasabi niya?"

["Double date? Si Lexi may boyfriend?"] Gulat niyang tanong.

"Yup, why?"

["Mamaya ko na e-kwento, sige sabihin mo sa kaniya sasama ako,"] napangiti naman ako don.

"Sige, ingat ka diyan, good luck."

["Ikaw din, I love you."]

"I love you too."

["Wait, paki ulit nga yung sinabi mo kanina."] Mahina akong natawa dahil doon.

"Sabi ko, mahal kita."

["Yohoo..."] Narinig ko pa siyang sumisigaw sa kabilang linya, tumatalon pa ata. ["Grabe, iba pala magpakilig ang Pamie Natividad."] Hinihingal niyang sabi.

"Baliw, sige na, kita na lang tayo mamaya,"

["Yes Love, bye, I love you ulit."]

"Sige ba, I love you more." Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at pinatay ko na ang tawag.

Bumaling ako kay Lexi na naglalagay ng lip tint sa labi niya, hindi talaga 'to mabubuhay kapag walang pampaganda.

"Sasama daw siya," mahina kong sabi at hindi na siya pinansin.

"Okay."

Pinagpatuloy ko lang ang sinusulat ko habang si Lexi naman ay kung ano-ano na ang ginagawa.

Kagaya ng plano namin, sinundo ni Tristan si Lexi, ako naman ay dumiretso sa parking lot dahil nandoon na daw si Cian, lagi ko na lang siyang pinaghihintay.

"Hi Love," bati niya ng nakalapit ako sa kaniya.

"Hello, ready ka na?" I ask. Nang makalapit na ako ng tuluyan sa kaniya ay niyakap niya ako ng mahigpit. "May problema ba?" Nagtataka kong tanong.

"Wala naman, gusto lang kitang yakapin," sagot niya naman, napangiti na lang ako at niyakap din siya pabalik.

Bumitaw siya sa akin ng makalapit sa amin si Tristan at Lexi.

"Tama na yan, tara na," natatawang sigaw ni Lexi.

Natawa na lang din kami ni Cian, kagaya ng dati ay si Cian ang nagd-drive ng kotse ko, nakasunod lang kami kayla Lexi kung saab man sila pupunta.

Tahimik lang kami ni Cian sa loob ng kotse, hindi na rin ako nag ingay dahil mukhang malalim ang iniisip niya, hanggang ngayon pala hindi ko pa rin natatanong yung tungkol kay Lea, hindi ako makahanap ng pagkakataon.

Huminto sila Lexi sa isang restaurant, napatingin naman ako kay Cian na halatang kinakabahan.

"Ayos lang, ako na ang magbabayad," nakangiti kong sabi sa kaniya at hinawakan ang kamay niya.

Hindi siya sumagot, wala ring emosyon ang mukha niya kaya ang hirap niyang basahin, bumaba siya sa kotse kaya napahinga ako ng malalim. Pinagbuksan niya naman ako ng pinto at inalalayang bumaba.

Sumunod kami kayla Lexi papasok, naka-upo na sila sa isang table na pang apat na tao. Nang maka-upo na kami ni Cian ay ganon pa rin siya, hindi man lang ngumingiti.

"Ahem, this is our restaurant, nagsabi na ako kay Daddy na kakain tayo ngayon kaya eat all you want," nakangiting sabi ni Tristan.

Napangiti naman ako doon at tiningnan si Cian, gano'n pa rin ang mukha niya, walang pinagbago. Habang nag-uusap si Lexi at Tristan ay siniko ko ng bahagya si Cian.

"Anong gusto mong kainin?" I ask, pinakita ko sa kaniya yung menu.

"Nothing, busog pa ako." Mas malamig pa sa freezer yung pagkakasabi niya nun, subrang lamig na first time ko lang narinig sa kaniya.

"A-Ahh, o-okay." Sagot ko na lang, naiiyak na.

Hindi ako sanay na ganito siya kaya nakakapanibago. Hindi na lang din ako nag order at tumahimik na lang, habang si Lexi at Tristan ay nagtatawanan habang hinihintay ang order nila.

Medyo naiinis ako kay Cian, dapat pala hindi ko na lang siya niyaya kung ganito lang din naman pala ang mangyayari.

"Anong nangyari sa inyong dalawa? Nag-away ba kayo?" Tanong ni Lexi ng mapansing hindi kami nagkikibuan ni Cian. Hindi ko siya sinagot at tahimik lang na tumitingin sa paligid.

"Hayaan mo na, baka mamaya magka-ayos din sila," sagot naman ni Tristan.

"Ano ba naman yan kayo, double date nga eh tapos hindi kayo makikisama, ang enexpect ko pa naman magsasaya tayo ngayon, wala pa nga tayo sa exciting part eh, kumakain pa lang tayo." Mahabang sabi ni Lexi. Napabuntong hininga ako dahil doon, kaya napilitan akong umorder ng kakainin namin, kung ano yung kakainin ko yun na lang din ang kay Cian.

Nang dumating na yung order namin ay hindi niya ginagalaw yung pagkain na inorder ko para sa kaniya.

"Kumain ka." Mahina kong utos pero hindi niya ako pinansin. Nagkuwari naman yung dalawa na walang naririnig.

Napabuntong hininga ako at hinayaan na siya, bakit ko ba siya pipilitin kung ayaw niyang kumain? Ano ba kaseng problema nito?

Nang matapos kaming kumain ay nandon pa rin yung pagkain niya sa harapan niya, hindi niya talaga ginalaw. Napailing na lang ako bago tumayo at bumalik sa kotse ko. Naiinis na.

Lumabas na din silang tatlo, sumakay si Cian sa driver seat, nakatingin lang ako sa labas ng bintana at walang balak na pansinin siya. Nagsimula na siyang magmaneho, sinusundan niya sila Lexi.

Tahimik kami pareho, ni hindi ko siya magawang lingunin dahil sa inis, wala naman akong ginawa pero bigla na lang siyang naging ganiyan, ano bang problema niya?

"Love?" Tawag niya habang nagmamaneho, hindi ko siya nilingon, sa labas lang aki nakatingin. Naramdaman ko yung kamay niya sa kamay ko kaya mabilis ko yung inalis. "Love?" Tawag niya ulit.

"What!?" Inis kong sagot, this time nakatingin na ako sa kaniya.

"Sorry,"

"Sorry for what!?" Hindi ko talaga siya maintidihan.

"Kanin-"

"Ano ba talagang problema, Cian!? Sabihin mo nga, dahil ba wala kang pambayad sa kakainin natin kanina!? Dahil ba wala kang pera!? Ayan na naman ba ang pag-aawayan natin!?" Inis kong sigaw sa kaniya.

"S-Sorry," napabuntong hininga ako ng malalim.

"Alam ko naman yun eh, kaya nga nandito ako eh, anong silbi ko kung hindi kita tutulungan!? Cian, money is not a problem for me, okay naman na ako kung anong meron ka-"

"Ede sorry kung ito lang ako, hindi kase ako mayaman eh, hindi kita kayang dalhin sa mamahaling restaurant kagaya nun, hindi kita kayang bilhan ng mamahaling regalo kagaya ng kaibigan mo, wala akong pera, hindi ako mayaman at ang tanging kaya ko lang ay mahalin ka at pasayahin, ang kaya ko lang ibigay sa'yo ay fishball at kwek-kwek-"

"Putangina Cian! Kailan ba ako nagreklamo kahit walang-wala ka!? Kailan ba ako humingi sa'yo!? Cian mahal kita, kaya wala akong pakialam kahit gaano ka pa kahirap, wala akong pakialam kahit wala kang maibigay, kase nga mahal kita!" Sigaw ko sa kaniya.

"I'm sorry."

"Hindi pera ang basehan kaya kita minahal, kung anong mabibigay mo sa akin ayos lang, kung wala ayos lang din, Cian minahal kita kase nagpakatotoo ka sa akin, minahal kita kase pinakita mo sa akin na mahalaga ako para sa'yo, minahal kita bilang ikaw." Umiiyak kong sagot sa kaniya.

Hininto niya yung kotse at hinarap ako. Pinunasan niya yung luha sa mata ko at niyakap ako.

"I'm sorry, hindi ko na uulitin, don't cry, I love you," lalo pa akong naiyak dahil sa sinabi niya. "I'm really sorry Love, and thank you for everything, thank you sa pag intindi sa akin, I promise this will not happen again, promise."

Hinagod niya ang likod ko para patahanin ako, he also kiss my forehead pero hindu pa rin ako tumitigil.

"Wag kana umiyak, may ibibigay na lang ako sa'yo," pinunasan niya muna ang pisnge ko bago niya kinuha ang bag ko.

"What is it?" I ask confusedly.

"Wag ka muna umiyak," kinalma ko ang sarili ko bago pinunasan ang mukha ko, huminga rin ako ng malalim.

"Sorry if ito lang ang kaya kong ibigay sa'yo, pero trust me kapag nagkaroon ako mas higit pa dito ang ibibigay ko sa'yo." Nakangiti niyang binuksan ang bag niya at inilabas ang isang pink na box.

Inabot niya sa akin yun na may malapad na ngiti, kunot noo ko naman yung kinuha mula sa kaniya.

"Open it." Utos niya.

Dahan-dahan kong tinanggal ang ribbon sa box at binuksan yun, isang letter at tatlong chocolates ang nakita ko. Tatlong cloud 9.

This is the first time I received a gift from him.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro