2

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

PAMIE NATIVIDAD

"Anong nangyari sa braso mo?" Gulat na tanong ni Mommy ng makita niya ako sa sala.

"Ay ma'am nadapa daw po siya," sagot naman ng yaya namin.

"Ayan na nga bang sinasabi ko eh, huwag ka munang lalabas ng bahay para hindi ka nasusugatan, may pasok ka na pa naman sa Lunes," nanlaki naman ang mata ko sa narinig ko.

"Really Mommy?" Masaya kong tanong.

"Yes, but you're not going to private school just like you said, but promise me that you have to get better with your study okay?" Mabilis naman akong tumango.

"Yes Mom, I promise, gagalingan ko po sa school," nakangiti kong sagot.

Ilang buwan na rin kase akong hindi nakakapasok sa school, mabuti na lang pumayag si Mommy na hindi na ako mag-aaral sa private school, I think mas masaya kase sa public.

Sabay kaming kumain ni Mommy ng dinner, may part sa akin na nami-miss si Daddy, but I'm not deserve the man like him, from now on I will forget him, kaya ko naman siguro, he's a cheater and I hate a cheater.

When Monday come, maaga akong nagising dahil subrang excited ako, pagbaba ko ng kusina ay nakita ko kaagad si Mommy at si Yaya na nagluluto.

"Oh, Pam, ang aga pa ah?" Sabi ni Yaya ng makita niya ako, napalingon naman si Mommy pero nginitian ko lang sila.

"Excited yan," natatawang sagot naman ni Mommy.

Nginitian ko lang silang dalawa at umupo na sa lamesa para makakain ng agahan, I eat sunny-side-up and hotdog with ketchup. Nakangiti ako habang nag-aasikaso para pumasok sa school.

Ngayon first day ng klase ko ay si Mommy ang maghahatid sa akin sa school, hindi naman siguro masama kung late na ako sa school year, at least nag-aral pa rin ako.

"Hi, I'm Pamie Natividad, you can call me Pam, I would like to be your friends," nakangiti kong pakilala sa mga bata pero para silang naguluhan.

"Pamie, pwede kang mag tagalog," kaya pala.

"Pasensiya na, ako nga pala si Pamie Natividad, pwede niyo rin akong tawaging Pam para mas maikli, gusto ko kayong maging kaibigan lahat," ulit ko at sa wakas ay ngumiti na silang lahat.

"Pamie, dito kana umupo," nagtaas ng kamay ang isang lalaki at hinila ang upuan sa tabi niya.

"Sige," nakangiti kong sagot sa kaniya.

"Pamie dito ka na lang sa tabi ko," yaya naman ang isang babae.

Lahat sila ay tumayo na para patabihin ako sa kanila.

"Tahimik, umupo ang lahat!" Sigaw ng teacher namin. Lahat naman sila ay tumahimik pero masasama ang tingin sa isa't isa. "Pamie, doon kana umupo sa tabi ni Lexi," tinuro niya yung isang bata na tahimik lang sa tabi, siya lang ata yung hindi tumayo para makipag-agawan kung kanina ako tatabi.

Tumango naman ako kay Ma'am saka nakangiting naglakad papunta kay Lexi. Hinila ko yung upuan sa tabi niya at umupo doon.

"Hi," bati ko dito, hindi niya ako pinansin at parang walang narinig, hindi nakatakas sa akin ang bulungan ng mga kaklase namin at masama nilang tingin kay Lexi.

"Dapat sa akin na lang siya tumabi."

"Kaya nga, bakit kay Lexi pa?"

"Magsisisi si Pamie."

Hindi ko na yun pinansin at nakinig na lang sa gurong nagtuturo sa harapan. Habang nakikinig ay hindi ko maiwasang mapatingin kay Lexi na nakikinig din sa guro namin, halos lahat ng sinasabi ni Ma'am ay sinusulat niya.

"Get your art materials." Utos ni Ma'am, nataranta naman ako dahil wala akong dala, hindi ko kase alam na art subject pala namin ngayon. Hindi din naman sinabi sa akin ni Mommy.

Kabadong-kabado ako na baka mapagalitan ako dahil wala akong dala. Lahat sila ay kinukuha na ang mga gamit nila samantalang ako ay nakatingin lang sa kanila.

"Hindi ba sinabi sa iyo ng Mommy mo na arts ang first subject natin?" Gulat akong napatingin kay Lexi nang magsalita siya.

"Hindi eh," nakangirit kong sagot. Napailing naman siya saka ako inabutan ng materials.

"Thank you." Pasalamat ko.

___

CIANZ DHEO ALMAZON

"Thank you lang?" Tanong sa akin ni Xiena.

"Ano pala?" Taka kong tanong, nag-thank you na nga ako kase binigyan niya ako ng biscuit eh.

"Wala haha, sabay tayo uuwi ha?" Tumango naman ako sa kaniya saka sumubo.

Napatingin naman ako kay Azal na kumakain mag-isa. Gusto ko siyang lapitan pero parang lalaki kung kumilos, hindi ko pa rin nakakalimutan yung nag-away kami dahil sa kagagawan niya.

"Lapitan kaya natin si Azal?" Tanong ni Xiena.

"Sige, lapitan mo nang kayo naman ang mag-away," sagot ko sa kaniya. Mabilis naman siyang umiling, pareho kaming nakatingin lang kay Azal habang kumakain.

Maya-maya pa ay may lumapit sa kaniyang grupo ng mga kalalakihan at inagaw ang pagkain ni Azal. Matapang naman siyang tumayo at inaway yung mga lalaki pero sa huli ay talo siya dahil malalaki sila.

"Tara na," yaya ko kay Xiena, mabilis kaming lumapit sa kanila at tinulungan si Azal.

"Hoy, hoy, hoy, anong ginagawa niyo kay Azal!?" Sigaw ni Xiena, kinabahan ako para sa kaniya dahil dinuro niya pa ang mga ito, isang suntok lang sa kaniya paniguradong talsik siya dahil maliit lang siya.

"Sino ka naman para mangialam?" Mataray na tanong ng isang lalaking mataba na akala mo ay si Pooh dahil lumalabas na sa damit niya yung tiyan niya.

"Si Yxiena Monroe, bakit!?" Sagot naman ni Xiena. Nagtawanan naman sila saka susugurin sana si Xiena pero mabilis ang naging kilos ko at hinarangan ko si Xiena.

"Ano bang problema niyo!?" Tanong niya ng mapa-upo siya sa lupa.

"Ako na," pumunta sa harap namin si Azal at hinarap yung mga lalaki. "Kayo, kung wala kayong magawa sa buhay, huwag niyo na akong idamay ha!? Pwede!? Nananahimik ako dito ginugulo niyo ako." Sigaw niya dito. Tinulungan naman nilang tumayo yung mataba, hirap na hirap pa sila dahil malaki nga ito tapos mga payat pa yung mga kasama niya.

Pinipigilan kong tumawa dahil hindi nila matayo yung mataba, pero nabigo din ako dahil malakas na tumawa si Xiena, hindi niya na ata napigilan.

"Tingnan mo na, ang lakas mo mang asar tapos hindi ka naman makatayo diyan haha," sabi naman ni Azal.

"Isusumbong ko kayo kay Mommy," umiiyak na sabi sa amin nung mataba.

"Magsumbong ka, samahan kapa namin," sagot ko naman.

"Kalaking tao, sumbungero," sabat naman ni Xiena na lalong nagpa-iyak sa kaniya.

Nagtawanan lang kaming tatlo, pati yung dalawang kasama niya ay umiiyak na rin, hindi niyo pala kami kaya eh.

"Hoy ano yan!" Napatingin kami sa ali na patakbo papunta sa amin.

Mabilis na hinawakan ni Azal ang kamay ko at hinila ako paalis doon, sa kabilang kamay niya naman ay si Xiena. Nang makalayo na kami doon ay tumatawa pa rin siya.

"Muntik na tayo doon," natatawa niyang sambit, natawa na rin kami ni Xiena dahil sa wakas magkakaibigan na kaming tatlo.

Nalaman ko na magkaklase pala silang dalawa, ako lang yung nahiwalay dahil mas matanda naman ako sa kanila. Nauna lang ako ng isang taon.

Nung uwian na ay akala ko hihiwalay sa amin si Azal pero hindi, nagpaalam siya sa mga kaibigan niyang lalaki at sumama sa amin.

"Saan tayo?" Tanong niya at inakbayan pa kaming dalawa ni Xiena.

"Sa plaza?" Masaya kong tanong.

"Tara." Sagot naman nilang dalawa.

Matapos naming maglakad ay narating namin ang plaza, madami ng mga bata ang nandoon, nakipag-agawan kami ng padulasan sa kanila, nakipag-laro sa mga bata kahit hindi naman namin kilala.

"Habol, Cian!" Dinilaan pa ako ni Xiena kaya siya yung hinabol ko, pero dahil nakita ko si Azal na malapit lang sa akin ay siya ang hinabol ko pero sa kasamaang palaad ay mabilis pa sa alas kwatro ang takbo niya.

"Wala ka pala eh," sabi niya at dinilaan pa ako.

Nagulat ako ng maghawak kamay si Xiena at Azal at sabay na tumakbo palayo sa akin, wala naman akong nagawa kundi ang habulin sila, ako ang taya eh. Pasalamat sila babae sila kaya napagbibigyan ko pa.

Masaya kaming naglaro sa plaza hanggang sa naisipan na naming umuwi dahil papagalitan na kaming tatlo.

"Mayayari ako nito kay Nanay," kinakabahang sabi ni Xiena.

"Paano naman ako kay Mama?" Sagot ko naman.

"Haha sa akin ayos lang," sagot naman sa amin ni Azal. Paano sanay na siguro yung Mama niya na basag-ulo lagi ang dinadala niya, haystt.

Narinig ko rin kase na isa lang siyang anak at wala pa siyang Papa, kaya mahirap yun para sa Mama niya na mag-isa lang siyang palalakihin.

Kabadong-kabado ako habang humahakbang papasok ng pinto, baka galitan talaga ako nito dahil yung puti kong damit ay hindi na maitsurahan sa subrang putik.

"Cian, saan kana naman galing!?" Napatalon ako sa gulat dahil sa tanong ni Mama, nanginginig na rin ang katawan ko sa subrang kaba.

"Na... Nag-laro lang po kami nila Xiena sa plaza," kinabahan kong paliwanag.

"Tingnan mo nga 'yang damit mo, puti pa ba yan!?" Tinuro niya pa yung suot kong puting t-shirt, mukha na nga siyang brown dahil sa putik.

"Cian, pumasok kana at maglinis sa banyo, pagkatapos ay maghanda kana para sa hapunan." Utos naman ni Papa na mabilis kong sinunod.

Agad akong pumasok sa CR at naglinis, matapos yun ay kinusot ko na rin ang damit ko para hindi na mahirapan si Mama maglaba. Matapos yun ay lumabas na ako.

"Bakit ang tagal mo doon sa loob?" Tanong naman ni Mama.

"Wala po," sagot ko naman.

"Umupo kana at kakain na tayo." Utos naman niya. Umupo naman ako kaagad sa lamesa at hinainan na kami ni Mama.

Sabay-sabay kaming kumaing tatlo, mabuti na lang at hindi na galit si Mama.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro