22

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

["Love, sorry na, please?"] Cian give teary eyes, kanina pa siya suyo ang suyo sa akin dahil ilang beses niya ng ginagawa sa akin na hindi man lang ako replyan at tawagan.

Tatlong linggo niya ng ginagawa.

Hindi ako sanay na gano'n siya kaya normal lang sa akin na magalit.

["Promise, that wouldn't happened again, please?"] Hindi ko siya pinapansin sa video call.

Nanatili akong nakatingin sa laptop ko at nagta-type ng kung ano-ano, hindi ko naman alam kung anong sinusulat ko sa blank documents dito sa laptop ko.

["Love?"] I didn't look at him, naiinis talaga ako sa kaniya.

Ayaw ko talaga siyang kausapin, naiinis ako eh, ilang beses niya na kaseng ginagawa sa akin, almost three weeks na.

"I will end the call, tinatawag ako ni Mommy." Dahilan ko, ayaw ko na muna talaga siyang kausapin baka kung ano pa ang masabi ko.

["Sorry ulit, I hope you forgive me, bye, mahal kita."] Pagkasabi niya nun ay pinatay ko na ang tawag.

Buong araw kaming hindi nag-usap pagkatapos nun, nung gabi ay ganon pa rin, wala siyang chat, text at call sa akin, parang hinahayaan niya na lang ako, iniisip ko na lang na baka busy siya kaya hindi ko na siya iniistorbo.

Kinabukasan maaga akong gumising dahil may pasok na namam kami. Next month na yung party at wala pa akong mahanap na damit at susuotin.

I park my car in a parking lot, nang masigurong maayos na yun ay agad akong bumaba ng kotse ko. Pagbaba ko halos mapatalon ako sa gulat ng makita si Cian na nakatayo sa gilid at natitig lang sa akin when our eyes met, he smiled and walk slowly until he reached me.

"I'm sorry." He said, inilabas niya yung mga kamay niya sa kaniyang likuran at laking gulat ko ng makitang may bulaklak siyang dalawa. It's a bouquet of rose, my favorite flowers. "I hope mapatawad mo ako sa lahat ng nagawa ko sa'yo, I'm sorry if hindi kita mabibigyan mg oras nitong mga nakaraang araw, pangako, hindi na yun mauulit." Hindi pa ako nakakasalita ay niyakap niya na ako ng mahigpit. Napangiti naman ako at hindi nagsalita.

Nanatili kami sa gano'ng posisyon hanggang siya na ang kusang bumitaw sa mga yakap namin sa isa't isa.

"Pumasok kana sa loob, please, wag kana magtampo?" Nginitian ko siya ng malawak.

"Thank you," nakangiti kong sabi.

"Mauuna na ako, may pasok pa din ako eh." He kiss my forehead and wave at me. Kinawayan ko din siya, nang hindi ko na siya makita sa paningin ko ay pinagmasdan ko ang bulaklak na binigay niya, inamoy ko pa yun at subrang bango.

Inilagay ko yun sa kotse ko bago pumasok sa loob. Nakangiti ako habang naglalakad sa hallway, nakita ko pa si Kleon na nakangiti din. Maayos na ngayon ang kaniyang itsura, walang na siyang malaking salamin na ipinagtaka ko. Malapit na ang exam, malapit na rin ang graduation namin.

"Good morning, Kleon." Masaya kong bati dito ng makasabay ko siya sa paglalakad. This is the first time na binati ko siya.

Kahit nagtataka ay binati niya ako pabalik.

"Good morning too." Malawak niya akong nginitian, ngumiti ulit ako sa kaniya at nauna ng maglakad. Maaliwalas na ang kaniyang mukha, I think their problem has been solve.

Naalala ko na kasama din pala ang pamilya niya doon sa party ng Mommy at Daddy nila Ajero. Nakangiti akong pumasok ng room, habol tingin naman amg ginawa ni Lexi sa akin.

"Wow, ang ganda ng ngiti ah," puna niya ng maka-upo ako sa upuan ko.

"Ikaw ba naman ang bigyan ng bulaklak sa umaga," sagot ko sa kaniya.

"Ay ganito ba?" Pinakita niya sa akin ang isang rose at inamoy-amoy yun, inirapan ko naman siya, kahit kailan talaga hindi nagpapatalo.

"At least sa akin more than one," sagot ko.

"At ako binigyan kase nagtatampo." Napatingin ako sa kaniya at biglang natawa.

"Bakit magkapareho tayo?" Natatawa kong tanong.

"Nagtampo ka din kaya ka binigyan?" Natatawa niyang tanong at tumango naman ako.

"Di ko naman sinabi na bigyan niya ako, nagulat na lang ako kanina pagbaba ko ng kotse ko sa parking lot nando'n na siya at naghihintay." Mahaba kong paliwanag.

"Sweet naman niyan." Sabi niya.

Magsasalita na sana ako ng biglang pumasok ng instructor namin. Nag klase lang kami ng buong umaga at pinauwi niya na rin kami kaagad.

Halos gahol kami sa oras sa ibang subject namin dahil exam na next week kailangan naming maghabol ng lesson.

Natapos ang maghapon na yun ng puro tawanan kami ni Lexi, nung pauwi na ako, bigla namang tumunog ang cellphone ko.

"Who's this?" Taka kong tanong sa tumawag, walang pangalan kaya paniguradomh di ko 'to kilala.

["Hi, Pamie, sorry sa isturbo ha, may kailangan lang ako itanong."] Boses ni Josh.

"Ano yun?" I ask curiously.

["Kasama mo ba si Cian? Hindi kase siya pumapasok eh, hindi ko rin ma contact, ilang linggo na siyang walang paramdam."] Napataas ako ng kilay dahil doon.

"Sabi niya sa akin kaninang umaga may pasok daw siya kaya nagmamadali siyang umuwi?"

["May possibility na hindi siya maka graduate this sem, baka lang alam mo kung nasaan siya?"]

"I'm sorry, wala akong alam dahil ang buong akala ko ay pumapasok siya," sagot ko, ano bang nangyayari sa'yo Cian? "Can we met, Josh?"

["Sure, marami akong tanong sa'yo."]

"Mas marami akong tanong sa'yo." Sagot ko. Matapos kong mabigay kung saan kami magkikita ay mabilis na akong nag drive papunta doon.

Cian, ano bang ginagawa mo?

Nang makarating sa maliit na café ay mabilis akong pumasok, nag order lang ako slice of chocolate cakes at milktea. Hinintay ko lang sandali dito si Josh. Ilang minuto naman ay nakarating din siya.

"Hi, Pamie," bati niya."

"Kailan pa?" Tanong ko kaagad pagka-upo niya.

"Nakaraan buwan pa siya pawala-wala, para siyang kabuti na susulpot lilitaw, actually ikaw nga pinagbibintangan ko eh dahil baka sa'yo siya pumupunta kaya gano'n siya," mabilis naman akong umiling.

"Three months na siyang cold sa akin, three months na minsan lang kami mag-usap at kapag nag-uusap naman kami ay palagi kaming nag-aaway, so imposible na ako ang dahilan." Paliwanag ko.

"Hindi rin naman siya nagku-kwento sa akin kaya wala din akong alam, parang di niya nga ako kaibigan eh."

"This morning he brought me flowers, sabi niya hindi na mauulit yung ginagawa niya sa akin dahil nagtampo ako sa kaniya, amd after that wala pa siyang reply sa mga text and chats ko sa kaniya." Pinakita ko pa sa kaniya yung conversation namin na ako ang last chat.

Napailing siya, "May possibility na hindi siya makakaakyat ng stage kapag nagpatuloynpa siya, may mga professor na nanagrereklamo sa kaniya."

Sandali kaming natahimik, nag-iisip ako ng ibang bagay na pwede niyang gawin, wala siyang nabanggit sa akin kaya mahirap manghula lang. Hindi naman pwedeng sumugod ako sa bahay nila dahil hindi ako kilala ng pamilya niya.

"Pamie, I need your help, if ever he contact you,. please message me, I need to talk to him as soon as possible." Nag makaka-awa niyang sabi.

"Ohm, salamat sa information." Nakangiti akong nagpaalam kay Josh.

Cian, ano ba talagang ginagawa mo sa buhay mo? Pati pag-aaral mo napapabayaan mo.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Josh ay umuwi na rin ako, laking gulat ko ng madatnan ko ang bahay puro kalat sa sahig.

"What happened?" Gulat kong tanong kay Manang, kung ano-anong naka kalat sa sahig, mga palamuti, mga confetti, nag celebrate ba sila? Nang ano naman?

"Ma'am, birthday po ng Daddy nyo." Bulong sa akin ni Manang, napataas naman ang kilay ko, bakit ba nakakalimutan ko ang mga birthday nila? Nakaraang buwan ang birthday ni Mommy ang nakalimutan ko.

Napahinga na lang ako ng malalim bago tumango, kunot-noo pa rin akong naglakad paakyat ng kuwarto ko. Wala pala sila dito sa bahay, mabuti nga para hindi ako magkaroon ng guilt sa sarili ko.

Matapos kong mag-ayos ng sarili ay wala akong tigil sa pagme-message kay Cian, lahat na ng social media accounts niya ay minassage ko na pero wala pa rin siyang reply.

Para na nga akong tanga na message ng message sa hindi ko alam kung rereplyan pa ba ako o hindi, kaya bago pa ako masiraan ng bait kay Cian ay bumaba ako sa swimming pool para makalanghap ng sariwang hangin. Gusto ko sanang maligo pero masiyado ng malamig dahil gabi na.

Nasasaktan na ako sa ginagawa ni Cian, bakit naging gano'n siya? Hanggang ngayon hindi pa rin niya ako nerereplayan, kagaya ng dati, gano'n na naman siya. Akala ko na di niya na gagawin?

Masiyado ba akomg immature kase ganito nararamdaman ko? O overthinking lng 'to kase di siya nagsasabi sa akin ng totoo?

Nakarinig ako ng ingay mula sa loob ng bahay kaya alam kong sila Mommy na yun, napahinga ako ng malalim at ipinikit ang mga mata ko ay dinama ang hangin na tumatama sa mga balat ko.

Kailan kaya kami maayos? Kailan ko kaya sila matatanggap? Kailan ko aaminin sa sarili ko na kasalanan ko lahat ng 'to? Kailan ko bababaan ng pride ko?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro