29

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Bilisan mo na, late na tayo sa party," reklamo sa akin ni Lea.

"Ang bigat naman sa mata nito," reklamo ko, paano mahaba na nga yung pilik-mata ko nilagyan pa talaga ng extension, hindi tuloy ako sanay.

"Bagay naman sa'yo, sigurado akong hahangaan ka doon, at saka malay mo makita mo na doon ang future mo." Panunukso niya.

"Manahimik ka na lang okay?" Tinawanan niya lang naman ako.

Bumaba na kami ng hagdan at dali-daling pumunta sa kotse, malaman na magrereklamo na naman si Mommy.

"You're so-"

"Tahimik Mommy, Daddy tara na po." Sagot ko, inirapan lang ako ni Mommy bago tumingin sa harapan. Nagtawanan lang naman kami ni Lea.

May dala lang akong pouch na ang laman ay cellphone at panyo. Hindi ko din naman need ng pera para doon.

Nang makarating kami sa venue ay kaagad akong sinalubong nila Azal at Xiena, ang mga boys daw ay nasa garden, umiinom.

"May surprise kami sa'yo mamaya," nakangiting sambit ni Azal.

"Ang ganda mo," puri ko sa suot niya. She was wearing black cocktail dress and black sandals. "You too, Xiena, paniguradong in love na naman si Ajero sa'yo." Natatawa kong sabi. She was wearing also cocktail dress but off shoulder yun with black sandals.

"Ikaw din naman," puri sa akin ni Xiena.

"Tara na sa loob, hinihintay na kayo ni Tita," sabi ni Azal.

Oo nga pala, Mommy at Daddy ni Ajero ang may party. Grabe, ang tagal na nila. Nakasalubong ko pa yung kapatid ni Ajero na nginitian lang naman ako, magkakasama sila ng kapatid ni Xiena. Paano ko sila nakilala? Sinabi nila sa akin.

Pagpasok namin sa loob ay nakita ko kaagad si Lea na kausap ang iba niyang kaibigan na nakita niya doon. Mabuti na lang di siya nagtatampo sa akin.

"Happy anniversary po Tita at Tito," nakipag beso naman ako sa kanila before I greet them.

"Thank you ihja, I hope your heart heal faster, that's what I want for you, and by the way congratulations, nakarating sa akin na Valedictorian ka raw? Hindi kami pwedeng mawala sa graduation mo," nakangiting sabi ni Tita, my tears start to drop.

Hindi ko na napigilan, hindi ko alam kung sino ang nagsabi sa kanila pero di naman ako galit, ang saya ko lang kase marami pa lang proud sa akin.

"T-Thank you po," sagot ko.

"Don't cry, malayo pa ang mararating mo, ano bang gusto mong regalo?" Tanong naman ni Tito.

"Boyfriend daw po," natatawang sagot naman ni Xiena.

"Lalaki po," si Azal naman at nagtawanan yung dalawa.

"Shut up, kahit wala na pong gift, basta nandoon po kayo sa graduation ko okay na," nakangiti kong sagot.

The party start, nasa harapan kaming lahat, family Valdemore, Rieko, Natividad, Marfori, Monroe, Labera and other families na business partner nila.

"Wala pa ba?" Rinig kong bulong ni Azal kay Xiena.

"Wala pa eh, baka daw ma late siya," sagot naman ng isa.

Hindi ko na lang sila pinansin at nagsimula na lang akong kumain. Katabi ko naman si Lea na busy sa cellphone, mukhang nag-aaway sila ni Josh.

"Na miss ko na kumain ng fishball," reklamo ni Azal kaya napatingin ako sa kaniya.

"Ako din, lalo na yung kikiam, oh my god ang tagal na nung huli akong nakakain nun," dagdag naman ni Xiena.

"Gusto nyo bang kumain? Pwede namam tayong gumawa," sagot ko sa kanila.

"Maybe next time, isama natin yung mga boys," sagot ni Xiena.

"Yeah, sa harap ng school natin marami doon," sabi ni Azal.

Kailan ba ako huling nakakain nun? Matagal na din since nag break kami ni Cian. Haystt I missed him.

Nang matapos ang speech ni Tito at Tita ay kaniya-kaniya na silang punta sa mga kaibigan nila, tumayo na rin si Lea at magpaalam na lalabas muna at may tatawagan na alam kong si Josh dahil nag-away nga ata sila. Tumayo na rin ako ng yayain ako nila Azal na lapitan na daw ang mga boys.

"Ang ganda mo naman, Pamie," nginitian ko lang si Ajero.

"You look like a darkness queen," sabi naman ni Kleon.

"Baliw, hindi naman demonyo si Pamie eh," si Azal at hinampas pa si Kleon.

"Naka itim kase siya, alangan namang Goddess ang sabihin ko eh wala namang nakaitim na na goddess na mabuti," sagot naman ni Kleon na tinawanan lang namin, napairap na lang si Azal pero sinuyo na siya ni Kleon.

"Wala pa rin ba siya?" Tanong ni Xiena kay Ajero.

"Nandito na, nasa cr lang," sagot naman nung isa.

Dahil sa curiousity ay nagtanong na ako kung sino ba yung hinihintay nila.

"Sino?" I ask, napatingin naman sila sa aking apat bago sila nagtinginan.

"It's our friend," sagot ni Azal at Xiena, tumango na lang ako dahil baka nasa circle of friends lang nila.

Naglakad kaming lima papunta sa pool kung saan wala masiyadong tao dahil busy sa loob. Umupo lang ako sa gilid at hinubad ang sandals ko para makapagbasa ako ng paa sa pool. Gano'n din naman ang ginawa ni Azal at Xiena.

"Pamie can I ask?" Basag ni Xiena sa katahimikan at naglaro ng tubig.

"Sure, what is it?" I ask.

"What if makita mo si Cian, what will you do?" Tanong niya.

"Bakit naman ganiyan ang mga tanong nyo?" Natatawa kong tanong.

"Curious lang ako," sagot niya naman.

"Ahm... Maybe wala lang, siguro kunwari na lang na di ko siya kilala or di papansin because I don't want to push myself to him, siya na yung nagtaboy sa akin palayo eh," sagot ko naman at sinipa ang tubig.

"Do you missed him?" Azal ask.

"I do miss him, but ano pang magagawa nung pagka miss ko sa kaniya?" Natatawa kong sagot. Nagkatinginan naman si Azal at Xiena.

"What if tulungan namin kayo para magkaroon ng closure?"

"Wag na, baka isipin niya pa na gusto kong makipagbalikan sa kaniya, and besides kahit wala siya kaya ko, hindi naman ako kagaya ng iba na sinasabi na kapag wala yung boyfriend nila ay di nila kayang mabuhay." Natatawa kong sagot.

I'm not immature, alam ko na ang tama sa mali, so bakit ko ipagpipilitan ang sarili ko sa taong ayaw sa akin?

"Nandito na siya!" Sigaw ni Ajero kaya napatingin kami sa kaniya.

Unti-unting lumakas ang tibok ng puso ko ng makita ang lalaking naglalakad papasok ng pool. Parang umakyat yung lamig ng tubig sa pool papunta sa buo kong katawan.

Cian.

"Pamie?" Tawag ni Azal pero di ko siya pinansin.

Nakangiti siyang lumapit kay Ajero at Kleon. Mabuti pa siya nakakangiti ng ganiyan kalaki matapos ng ginawa niya sa akin. Mabuti pa siya hindi apektado sa mga nangyari.

Napatingin siya sa gawi namin, lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng magkasalubong ang mga mata namin, mabilis akong umiwas ng tingin at nilaro ang tubig.

"Kanina ka pa?" Tanong ni Xiena.

"Yup," sagot naman ni Cian.

Fuck, I miss his voice.

"Let's drink?" Yaya ni Azal.

"Kayo na lang, I don't drink alcohol," tanggi ko kaagad.

"Ito naman ang kj, minsan lang eh," sabi niya pa.

"Hindi, ayaw ko talaga, maybe juice na lang sa akin," sagot ko, tumayo na ako at sinuot ang sandals ko. Sumunod lang ako sa kanila kung saan sila pupunta.

Naka ready na pala ang inumin, may mga pulutan na din. Tumabi lang ako kay Xiena na katabi rin si Ajero, medyo kaharap ko si Cian pero hindi ko siya magawang tingnan kahit pa miss na miss ko na ang mukha niya.

Kumuha ako ng juice at nakisali sa inuman nila, pwede naman akong uminom kaya lang baka pagsisisihan ko rin kinabukasan eh.

"Pamie, one shot lang, just try this," inabutan ako ni Kleon ng isang shot. Kukunin ko na sana pero inagaw yun ni Cian at siya ang uminom.

"Wag nyong pilitin kung ayaw," sagot niya ng mailapag ang baso. Medyo may tama na sila. Dahil ayaw kong magpatalo ay kinuha ko ang kasunod na shot. Napangiwi ako sa subrang pait na gumuhit sa lalamunan ko.

Shit, ang pait.

"Yown!!" Sigaw nila. Dahil nakainom na ako ay sunod-sunod na nila akong binigyan ng shot, nararamdaman ko na ang pagkahilo. Promise, hindi na 'to mauulit, isang beses lang Mommy.

"Hey Cian bro, bakit mo naman iniwan si Pamie?" Napatingin ako kay Xiena na nagtanong nun, may tama na din kami lahat eh. Feeling ko, ako yung pinakalasing na dahil mababa lang ang alcohol tolerance ko.

"I-"

"Hep, don't answer that question!" Putol ko sa kaniya at hand sign pa na ekis.

"Why? Ayaw mo bang malaman kung bakit kita iniwan?" Kunot noo niyang tanong.

"Ayaw," nakanguso kong sagot. "Kase... K-kung gusto mo talagang sabihin, matagal mo ng sinabi." Sagot ko naman.

"Shhh ka lang Pamie, we're talking to Cian, don't talk okay?" Parang batang saway sa akin ni Azal.

Hindi na nakasagot si Cian. Umalis naman si Xiena at Ajero, suminod si Azal at Kleon dahil naiihi daw si Azal.

Tawang-tawa ako sa kanila habang naglalakad sila na pagewang-gewang. Nakakita pa ako ng baso na may lamang alak kaya kinuha ko yun pero may pumigil sa akin.

"What? Pati ba naman dito pipigilan mo'ko?!" Inis kong sigaw kay Cian. Hindi niya ako pinansin at inilayo yun sa akin.

"Lasing ka na-"

"No I'm not, kung lasing ako makakalimutan ko yung ginawa mo, pero hindi, hindi ako lasing!" Sigaw ko sa kaniya.

"Sige nga, kung hindi ka lasing saan ka naka-upo ngayon?" Napatingin naman ako sa kinauupuan ko at napatayo ako kaagad ng makitang nakakandong pala ako sa kaniya. "Tsk, come-on, dadalhin na kita sa Mommy at Daddy mo." Mabilis akong naglakad palayo sa kaniya.

"Kaya kong puntahan sila," humakbang ako pero "ouch," reklamo ko ng matapilok ako.

Mabilis naman akong inalalayan ni Cian at naghanap ako ng pwede kong hawakan, he check my ankle and it's hurt.

Naramdaman kong tinanggal niya ang suot kong sandals at humarap sa akin. Tinitigan niya ako sa mukha, kitang-kita ko ang malapad niyang pag ngiti.

"Why are you smiling like that? Its melt me." Nakanguso kong sabi sa kaniya at yumuko.

"Do you still love me?" Tanong niya and he hold my chin to look at him. Dahan-dahan naman akong tumango. "I love you too." Naramdaman ko ang labi niya na dumampi sa labi ko, pero sandali lang yun dahil binuhat niya na ako bridle style.

"Sinaktan mo'ko!" Umiiyak kong sabi sa kaniya pero tumatawa lang siya. "You hurt me so much, I hate you!" Yun ang huli kong sinabi bago ko ipinikit ang mata ko.

"I know, but it doesn't mean na hindi na kita mahal, I love you so much, Pamie."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro