32

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Lloyd, dahan-dahan naman sa pagkain, baka naman mabulunan ka," nag-aalalang sabi ni Mia.

"Grabe mag-alala kay Lloyd ah, kawawa na yan si Kurt, iiyak yan mamaya," pang-aasar ni Vimmia. Nagtawanan naman sila at si Kurt naman ang pinagtulungan. Wala namang magawa yung isa dahil madami siyang kaaway.

"Bakit kase si Lloyd pa ang hinahanap nandito naman si Kurt," dagdag pa ni Cy.

"Magsalita ka pa, tanggal yang panga mo." Banta ni Mia.

"Sus, si Kurt napaka torpe, hindi pa aminin na may gusto siya kay Mia. Hindi sila pinansin ni Kurt, samantalang si Mia naman ay pulang-pula na.

"Si Lloyd, nagseselos oh, alam nyo namang may gusto din yan kay Mia." Natatawang sabi ni Jimmanuel kaya napatingin kami kay Lloyd na nakatingin lang din kay Mia.

"Mukhang may love triangle sa kanila," bulong sa akin ni Xiena.

"Sus, ang lakas mo mang-asar diyan, eh may gusto ka nga kay Vimmia eh," hirit naman ni Cy kay Jimmanuel.

Gusto ko silang tawanan pero ang babata pa nila para sa ganiyan. Napatingin naman kay Cian na nakangiti lang habang pinapanuod ang mga bata na nag-aaway.

"Tama na yan, mamaya magkapikonan pa kayo," saway sa kanila ni Kleon.

Magkaiba kase ang table naming lahat, sumama sa amin yung mga bata na sana iba rin ang table nila, pero sabi nila isama na lang sa aming anim dahil ayaw nilang sumama sa iba. Sila Mommy at sila Tita naman ay nasa kabilang table na kung saan puro business staff lang ang kanilang pinag-uusapan.

"Hayaan mo na sila, nagkakasiyahan pa eh," awat naman ni Ajero kay Kleon. "Umamin nga kayo sa amin, crush nyo ang isa't isa 'no?" Tanong niya pa kay Mia at Kurt. Napayuko naman si Mia samantalang si Kurt naman ay pinipigilan ang ngiti.

"Halatang-halata ka Kurt." Umiirap na sabi ni Vimmia.

"Eh ikaw naman," turo naman ni Kleon kay Vimmia. "May gusto ka sa kaniya di ba?" Turo ni Kleon kay Jimmanuel, natahimik naman siya at hindi nakasagot, samantalang si Jimmanuel naman ay nakatingin lang kay Vimmia habang nakangiti.

"Buti na lang ako good boy, walang crush," natatawang sabat naman ni Cyrell.

"Sinungaling, wala lang sa circle of friends natin pero may crush ka din," singit naman ni Mia.

"Si Lloyd nga di nagreklamo na may gusto kay Mia pero ang gusto ni Mia si Kurt." Si Vimmia.

"Kanina pa kayo, nakakasawa." Inis na sabi ni Lloyd.

"Oh tama na, kakain na." Pigil ko sa kanila dahil nagkakapikonan na sila.

Dumating na rin naman yung order namin kaya nagsimula na kaming kumain lahat. Hindi pa rin sila tumitigil sa pag-aasaran.

Naiilang ako dahil nasa harapan ko si Cian, hindi ko alam kung paano ko siya pakikitunguhan, ni hindi ko nga siya magawang tingnan dahil sa ilang.

"Hey Cian, di ba ga-graduate ka din this month? Kailan nga yun?" Tanong ni Xiena.

"Sa Wednesday," tipid naman niyang sagot. Hindi ko sila pinapansin at patuloy lang na kumakain.

Himala at nakasama pa siya sa ga-graduate, akala ko tuluyan niya ng pinabayaan ang pag-aaral niya eh. Wala ba namang pakialam sa acads niya, mabuti na lang at ga-graduate pa din siya.

"What if mag celebrate tayo? Kase graduate na kayong dalawa, next year kami naman." Sabi naman ni Kleon.

"Hindi pa ba celebration itong ginagawa natin?" Tanong naman ni Azal.

"What I mean is, mag unwind, pumunta tayo ng beach para naman maka relax tayo," paliwanag ni Kleon.

"That's a good idea, di ba Azal may resort kayo? Do'n na lang kaya?" Singit naman ni Ajero at uminom ng tubig.

"Pwede, magpaalam ako kay Lolo," sagot naman ni Azal.

"Thank you ha, I really appreciate your efforts," nakangiti kong sagot sa kanila.

Pagkatapos naming kumain ay isa-isa na silang nagpaalam, yung mga bata naman ay nagtatalo pa rin hanggang ngayon.

"Ako na maghahatid sa mga bata," mahinang sabi ni Cian kaya napatingin ako sa kaniya.

"No need, kaya ko na, kung gusto mo, pwede ka namang sumabay?" Sagot ko sa kaniya. Dahan-dahan lang siyang tumango at umiwas na ng tingin. "Mia, lahat kayo sumakay na sa kotse, baka hinahanap na kayo ng mga magulang nyo!" Utos ko sa kanila na mabilis naman nilang sinunod.

Nagpaalam lang ako kay Mommy at Daddy bago umalis.

"Cian, ikaw na ang mag drive ng kotse." Utos ni Daddy kay Cian na ikinagulat ko.

"Ako na Dad-"

"Wag matigas ang ulo, Pamie!" Pigili niya sa akin.

"Yes po, Tito." Napairap naman ako sa sagot niya kay Daddy. Talaga lang ha.

"Keep safe, ingat sa pagmamaneho Cian, ibalik mo ng buo ang anak namin." Pagbibiro naman ni Mommy. Para namang mababawasa ako habang nasa byahe.

"Mommy-"

"Sige na." Pinagtabuyan niya na kami kaya wala naman akong nagawa. Nang makarating sa kotse ay maingay pa rin yung mga bata.

"Where's the key?" Cian ask, mabilis ko naman yung hinagis sa kaniya na ikinagulat niya pero nasalo niya rin. Inis akong sumakay sa passenger seat at nag cross arm.

"Si ate Pamie, bad trip na naman," natatawang sabi ni Mia.

"Inaway kase ni Kuya Cian." Sabat naman ni Jimmanuel.

"Nagbilikan na po ba kayo ni ate Pamie?" Tanong ni Vimmia.

"Hoy ano ba? Manahimik ka na nga lang diyan!" Bulong ni Mia kay Vimmia.

"Sana po magka-ayos na kayong dalawa, gusto ko pong maging ring bearer sa kasal-"

"Ikaw kamo ang handa Kurt kapag hindi ka tumigil!" Banta ko dito na tinawanan lang nila.

"Ang lungkot kase ng kotse, tumawa naman kayo." Utos ni Kurt na sinunod naman nila. Sarkasitika silang tumawa lahat habang umiirap naman si Mia.

"Bakit po pala kayo naghiwalay na dalawa?" Tanong naman ni Lloyd.

"Nag cheat siguro si Kuya Cian, ikaw kuya ha cheater ka pala." Natatawang si Cyrell.

"Hindi akk nag cheat, hindi ko gagawin yun sa babaeng mahal ko." Sagot naman ni Cian. Subrang bilis ng tibok ng puso ko. Alam ko naman na hindi siya gano'n kaya panatag ako sa part na yun.

"Eh bakit nga po?" Tanong ni Jimmanuel.

"It's a long story, basta if ever man na magkaroon kayo ng boyfriend or girlfriend, mahalin nyo sila, don't do anything stupid things to hurt your love ones, make them feel special everyday, understood!"

"Yes Kuya!" Sabay-sabay nilang sagot na sumaludo pa talaga.

Nang mahatid isa-isa ang mga bata sa kanilang mga bahay ay nagdrive naman si Cian pabalik na ikinataka ko, hindi ba siya uuwi?

"Bakit mo binalik? Hindi ka uuwi sa inyo?" Taka kong tanong sa kaniya.

"Hindi." Tipid niyang sagot.

"And why?"

"Kagaya ng sabi ng Mommy mo dapat kitang ibalik ng buo," napairap naman ako sa kaniya at hinayaan na siyang magmaneho.

Tahimik kami pareho, ako naman ay nakatingin lang sa bintana at walang planong kausapin siya. I still can't forget what he did to me.

Kung paano niya nakayanang sigawan ako, murahin ako, ipagtabuyan ako at makipaghiwalay sa akin na ang tanging ginawa ko lang naman ay mahalin siya.

"Congratulations pala." Para akong hinahabol sa subrang bilis ng tibok ng puso ko, para akong tumakbo ng malayo at ng huminto ay hingal na hingal dahil sa sinabi niya.

Simula kanina hindi pa niya ako binabati pati nga yung dala niyang bulaklak hindi ko na alam kung saan niya binigay, hindi niya naman inabot sa akin so hindi talaga yun para sa akin.

"T-Thank you." Pinilit kong wag mautal pero bigo ako.

Pagkatapos nun ay wala na kaming naging usapan. Ang awkward na sa loob ng kotse.

"Drive faster please." Utos ko, paano subrang bagal ng takbo namin, gusto ko ng umuwi dahil sa awkwardness namin.

"Nag-iingat lang ako-"

"Ede mag ingat ka habang nagmamaneho ng mabilis." Putol ko sa kaniya.

Kainis.

Hindi ko alam pero bigla akong nawala sa mood. Gusto ko na lang matulog dahil subrang pagod.

"C-Can I ask?" napalingon ako sa kaniya pero nasa daan ang kaniyang tingin.

"What?" Irita kong tanong. Tinaasan ko pa siya ng kilay kahit alam kong di niya naman makikita.

"Nothing." Halos matanggal na ang mata ko dahil sa kaiirap ko. Bwisit, wala naman palang itatanong.

"Paano ka uuwi kung ihahatid mo ako?" Tanong ko sa kaniya.

"Maglalakad." Pilosopo niyang sagot, napahinga ako ng malalim dahil sa inis, nagtitimpi lang ako pero baka mabangasan ko ang lalaki na 'to.

Hindi ko na siya pinansin baka kung ano pa ang magawa ko sa kaniya. Kainis. Ba't ba pumayag pa akong kasama ko siyang maghatid sa mga bata?

Nang makarating kami sa bahay ay dali-dali na akong bumaba dahil sa inis sa kaniya.

"Give me the key and you can go, wag kana magpakita kayla Mom-" hindi niya ako pinansin instead nilampasan niya lang ako at deri-deritsong pumasok sa loob ng bahay.

"Hi Cian," bati sa kaniya ni Lea na nakangiti pa saka dumeritso sa kusina.

What? What's happening?

"Oh Cian, nandiyan na pala kayo, nakahanda na ang guest room, doon kana muna magpahinga."

"Thank you po Tit-"

"What the hell?" Inis kong singit sa kanila.

"Hindi mo ba alam na dito matutulog si Cian?" Tanong ni Lea na nakangisi pa, halata namang iniinis lang ako.

Fucking sake, dito matutulog? As in aa bahay namin? Nasa iisang bubong lang kami? The fuck.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro