Kaibigan Lang Kita

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Naranasan niyo na yung magkagusto sa taong kahit kailan ay hindi magiging sayo?
Naranasan niyo na ba yung magpakatanga dahil asa ka pa rin ng asa?
Nagbabakasakali ka na baka sabihin niya sayong "Mahal din kita."
Pero alam mo na naman sa sarili mo na nag-iilusyon ka na naman .
Kasi alam mo naman sa sarili mo na kahit anong mangyari ay hindi magiging parehas ang inyong nararamdaman.
Kaya sa huli ikaw ang talunan.

Nagsimula ang storya natin kagaya kung paano nagsisimula ang storya ng iba.
Nagsimula ang lahat ng ito ay nagsimula sa isang"Hi."
Isang 'hi' na sinambit natin sa isa't isa at siyang naging tulay.
Isang 'hi' na naging istrumento para ang pagkakaibigan natin ay lumago.
Lumago ito ng lumago at dumating na nga yung araw na ikaw na lagi yung hinahanap hanap ko.
Dumating na yung araw na hindi ko na kaya ang malayo sa'yo.
Dumating na yung araw na ikaw na yung best friend ko.

Oo best friend kita.
Best friend lang kita.
Pero alam mo kung ano yung nakakalito?
Bestfriend lang kita kita pero yung sinisigaw ng puso ko iba na.
Patawarin mo ako kasi nahulog ako kahit wala namang kasiguraduhan.
Patawarin mo ako kung ikaw ang aking nagustuhan.
Patawarin mo ako kasi hindi ko na mababago pa ang aking nararamdaman.

Ikaw naman kasi.
Napaka espesyal ng pagtrato mo sa akin at lahat ng kahibangan ko sa mundong ito ay ikaw lang ang nakakaintindi.
Minsan hindi ko alam kung sinasadya mo ba yung pag-akbay akbay mo sakin.
Hindi ko alam kung may ibig sabihin ba para sayo yung hinihintay mo ako ng ilang oras para lang sabay tayong kumain.
Naguguluhan ako dahil hindi ko alam kung ano ba talaga ang nilalaman ng iyong damdamin.

Ano ba talaga?
Sana sabihin mo sakin kung ano ba talaga kasi sa bawat araw na lumilipas lalo akong umaasa na magkakaroon ng tayong dalawa.
Sana sabihin mo sa akin kasi kahit gaano ko pigilan ay lalo akong nahuhulog sa napaka lalim na bangin.
Lalo kong tinutuloy ang pagbuo ng isang kastilyo na gawa lang sa buhangin.
At kahit anong oras may posibilidad na gumuho dahil lang sa isang malakas na hangin.
Kaya sabihin mo sa akin.

Ano ba talaga?
Natatakot ako na mag-assume kasi wala naman akong pinanghahawakan.
Natatakot ako kasi ayokong mapagtawanan.
Natatakot ako dahil higit sa lahat, kaibigan kita.
Ayokong masira ang pagkakaibigan natin na binuo natin sa loob ng maraming taon.
Natatakot ako na masira yon dahil lang sa pesteng nararamdaman ko ngayon.
Alam mo, sumisigaw ang puso ko pero mas pinili kong wag itong pakinggan.
Pero habang aking pinipigilan lalong lumalakas ang hiyaw.
Nagbibingingihan ako pero kahit anong gawin ko.
Ang sinisigaw nito ay ikaw.

Mahal kita.
Higit pa kaibigan.
Mahal na mahal kita.
Minahal kita kahit hindi dapat kaya pasensya na.
Pasensya na kung nasasaktan ako kapag may kasama kang iba.
Alam kong wala akong karapatan kasi nga kaibigan lang kita.

Kaibigan lang kita.
Akala ko ayos na ako sa ganitong set-up.
Akala ko ayos na sakin kapag makikitang kitang masaya kasama ang iba,
Pero hindi ko pa rin pala matanggap.
Hindi ko pa rin masikmura na makita ang isang ngiti na sa kanya mo lang nagagawa.
Mga ngiting hindi ko pa nakikita kapag ako ang kasama.

Ang sakit pala.
Ang sakit sakit pa rin pala.
Kahit sinabi ko sa sarili ko na subukang maging masaya.
Maging masaya para sayo kahit na ang kaloob looban ko ay durog na durog na.
Kahit na pinipigilan ko ang sarili ko kapag kasama kita kasi alam ko anumang oras pwede na akong bumigay.
Kasi natatakot ako na baka ang lahat ng pinagsamahan natin ay mawalan ng saysay.

Kahit nagsisinulangin ako sa asarili ko ay nariyan ka para sa akin ay ipaalala. Nandyan ka para itatak sa isipan ko na kahit kailan hindi magkakaroon ng tayo.

Hindi ako ang gusto mo dahil hindi ako ang hinahanap ng iyong mga mata. Hindi ako ang gusto mo dahil hindi ka naman talaga maghihinala.
Hindi ako ang gusto mo dahil sa wala akong binatbat sa kaniya.
Hindi ako ang gusto mo dahil babae sya.
Tangina pare mahal kita.

Alam kong mali pero wala akong magagawa.
Tinamaan ako sayo kahit mali.
Ikaw ang naging dahilan kung bakit ko nagawang kwestyonin ang sarili ko.
Kahit ako ay gulong gulo, isang bagay lang ang sigurado.
Ikaw lang ang sinisigaw ng aking puso.
Kaya kung sa tingin mo na walang nagmamahal sayo.
Huwag kang mangamba.
Nandito lang ako.
Hindi ako mawawala.
Pwede mo akong puntahan, iyakan, dahil ako nga ay iyong kaibigan.

Isang kaibigan lang.
Kaya lagi mong tatandaan
Nandito lang ako magmamahal sayo bawat saglit.
Patuloy na magmamahal sayo na walang hinihintay na kapalit.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro