Pusong Buhangin

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Nangarap ka rin ba ng isang perpektong pagmamahalan?
Yung tipong magkasama lang kayo, wala na kayong ibang kailangan?
Yung uri ng relasyon na kung saan kapag may problema yung isa, laging nandyan yung isa pa kapag kailangan nya ng makakasama?
At yung pinakamahalaga, isang uri ng relasyon na walang bitawan, yung tipong sabay kayong lalaban?
Ako kasi oo,
Nangarap ako.
Nangarap ako kagaya ninyo,
Pero sa kasamaang palad, hindi lahat ng pangarap nagkakatotoo.

Akala ko dati hindi na ako makakaranas ng isang pag-ibig dahil nawawalan na ako ng pag-asa.
Akala ko dati magiging thirdwheel na lang ako habangbuhay na kukuha ng mga litrato habang sila ay may pa pose pose pa,
Akala ko magiging cheerleader nalang ako at maging taga 'ayie" sa love story ng iba.
Akala ko dati wala na talaga,
Pero nakilala kita.

Nakakatawa nga kasi parehas tayong heart broken.
Nakikita ko sa iyong mga mata ang lungkot kahit hindi mo ito sabihin.
Kaya naman sabi ko sa sarili ko,
"Sana siya na. Sa tingin ko ay siya na kasi parehas kami ng nadarama."
Sabi ko sa isip isip ko,
"Sana siya na para sabay naming ayusin ang mga sarili namin at maibalik kung ano man ang nasira."
Sana ang isa't isa ang magsilbing remediya upang hilumin ang mga pusong nangangambang tuluyan ng masira.
Siya na ang maging rason kung bakit ko gustong makita ang pagsilang ng araw sa umaga.
Sana siya na.

Sa paglipas ng panahon, sinubukan nating dalawa.
Sinubukan nating ayusin ang mga sarili natin.
Sinubukan nating maging masaya.
Lumipas ang mas mahabang panahon pero heto pa rin tayo sinusubukan pa rin kahit mukha na tayong tanga.
Sinubukan pa rin nating punan ang mga puwang sa puso .
Kalimutan ang nakaraan at kalimutan sila.
Pero kahit anong pilit natin hindi natin magawa,
At yun ang aking ipinagtataka.
Bakit kaya?

Paulit ulit na umiikot ang tanong na yan sa aking isipan.
Tingin ako ng tingin sa salamin at iniisip kung ano ang aking nakaligtaan.
Iniisip ko na baka may hindi pa ako nagagawa at baka pwede kong subukan.
Hanap ako ng hanap ng sarili ko pero isang araw,
Nakita ko ito sayo.
Isang araw ay naliwanagan ang utak ko.
Isang araw ay nalaman ko ang totoo.
Dahil isang araw, nakita kong umiiyak ka habang hawak hawak mo ang picture ng ex-girlfriend mo.
At sa sandaling iyon, napaisip ako,
Mahal mo pa ba sya?

Kung mahal mo pa siya eh bakit ako nandito?
Napatanong ako, laya ba hindi gumana yung pagmamahalan natin dahil ako lang ang may gusto?
Na kaya hindi gumana ang pag-iibigan natin dahil siya pa rin ang laman ng puso mo?
Pero hindi ko na lang iyon pinansin kasi umasa ako na matutunan mo rin akong mahalin. Umasaa ako na darating ang araw na ako na ang magmamay-ari ng iyong puso.
Dahil araw araw ako ang laging nasa tabi mo.
Umaasa ako.
At iyon ang pagkakamali ko.

Inakala ko na darating ang araw na makakalimutan mo na sya at ako naman ang makikita mo .
Pero nagkamali ako kaya kahit wala akong nakukuhang kapalit
Patuloy ko pa ring binibigay ang sarili ko sayo kahit napupuno na ang katauhan ko ng pait.Ang sakit sakit. Napakasakit.
Ayoko na, ayoko ng magmukang desperada na nanlilimos ng pagmamahal mo.

Mahal na mahal kita pero ako ay nalilito.
Mahal na mahal kita pero napapagod na ako.
Napapagod na ako dahil ako lang naman ang umiintindi sayo.
Mahal na mahal kita pero nauubos na ako.
Unti-unti. nauubos ako kasi binibigay ko sayo lahat.
Binibigay ko sayo lahat pati yung para sa akin pero hindi pa rin sapat.
Ang puso ko ay parang mga buhangin sa dalampasigan na unti unting nababawasan kapag humahampas ang mga alon mula sa karagatan. Mga buhangin mapupunta sa malawak na dagat at maliligaw na ng tuluyan

Nauubos na ako.
Sana ay huwag kang magalit sa akin kasi sumuko na ako kasi sinubukan ko. Sinubukan kong hilumin ang mga puso natin pero mas lalo ko pa yata itong napalalim. Sinubukan kong buuin ka kahit ako naman ang nasisira.
Sinubukan ko, pero wala eh.

Kaya susuko na ako.
Bibitaw na ako kasi naawa na ako sa sarili ko dahil pakiramdam ko pinagsisiksikan ko lang ang sarili ko sa'yo.
Kaya pasensya ka na't kailangan ko ng sumuko.
Siguro naman sa oras na ito.
Kailangan ko munang mas mahalin at pagtuunan ng pansin ang sarili ko.
Upang pagdating ng taong magmamahal sa akin ng totoo, ay buong buo na ang aking pagkatao.
Pero salamat pa rin, salamat pa rin sayo.
Kasi kahit papaano ay nakaramdam ako ng panandaliang saya.
Kahit papaano ay naging katuwang kita sa mga problema.
Pero susuko na ako.
Susuko na ako hindi dahil sa hindi na kita mahal.

Kasi mahal na mahal pa rin kita.
Yan ang totoo.
Pero napagtanto kong bago ako mahalin ng iba,
Kailangan ko munang mahalin ang sarili ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro