🌸Chapter 27🌸

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"

Buti nalang at di sila nahirapan hanapin ang daan. Sa lugar kung saan iniiwan ni Vincent ang motorsiklo  nito.

Naawa pa nga si Hope dito dahil,  kahit sabi nyang kaya nyang maglakad ay pinasan parin sya nito.
Buti nalang may mabait maalalalhanin at masipag syang nobyo. Bunos ng ubod pa ito ng gwapo. Hindi nga ito mayaman pero mayaman  naman ito sa pagmamahal para sa kanya.

Hoy hope may nagtatangka pa sa buhay mo, wag ka munang pumapagibig dyan, sita na naman sa kanya ng traidor nyang  utak nya.

Dinala sya ni Vincent sa bahay nila.

" Babe dito ka muna,  may aasikasuhin lang ako, para mailigtas si Cheska, at mahanap ng mga taong gustong pumatay sayo. Wag kang lumabas ng bahay. " mahabang bilin nito.

" Sige magingat ka,  balik ka agad. "  sabi nyarito.

"  Opo balik po ako agad. Iloveyou " sabi nito. Bago sya hinalikan sa noo.

" love youu too ingat ka. " mahinang sabi nya rito.  Pagkatapos magpaalam. Sumakay na ito sa motor at umalis na tumingin sya sa paligid.

Buti nalang maaga pa wala pang taong makakakita sa kanya.

Ngunit bago pa sya makapasok. May humila na sa braso nya kinabahan pa sya. Nakahinga sya ng maluwag ng makitang si mariela lang pala.

" Hoy, hopia nakita ko yon ah, kayo na ba ni papa Vincent ko, huhuhu" kunwaring umiiyak nito.

" tumigil ka nga dyan sa drama mo, nasan sila inay at itay, may mahalaga akong sasabihin.

" Nasa loob,  bakit magpapakasal na kayo ni Vincent. Hindi!  hindi ! ako makakapayag. " sigaw nito.natawa nalang sya pano ba sya nagkaroon ng ganitong kaibigan hay.

************************************

[HACIENDA ALCANTARA]

" Pare napasugod ka ng ganito kaaga anong atin. " bungad sa kanya ni lander habang pababa ito ng hagdan.

" Pare ngayon ko na kailangan ng tulong mo. Namatay kasi ang cellphone  ko di nako makapaghintay tutal malapit lang naman dito sa pinuntahan ko.

" Anong ng yayari dito,  bat nandito si Vincente?" tanong ng buses sa likoran nya ng lumingon sya nakangiting mukha ni Benjo ang nakita nya.

" Pare, long time no see" niyakap nya nito.

"Anong balita? Nasabi na sakin ni lander ang tungkol sa kapatid mo  " seryosong sabi kito.

" Kaya nandito ako pare kaylangan ko ng tulong wala akong tiwala sa mga pulis sa Sanrafael kaya napunta ako dito."

" Pare natawagan kona si ninong, on the way na daw ang mga tutulong sayo."

" Maraming salamat pare, kailangan naming maligtas si Cheska bago pa may magawang masama pa ang mga ito sa kanya." sabi nya sa mga ito.

" Bakit ano ba nag nakuha mong lead? " tanong ni Benjo.

Alama nyang mapagkakatiwalaan  ang mga kaibigan kaya sinabi nya na sa mga ito kung ano ang ngyari.

" Omg, salamat naman at walang ngyari sa inyo at nobya mo.  Kung kailan ka pa magkaka love life mukang wrong timing pa. " napapailing na sabi ni Lander.

" Kaya nga ehh,  ano bayan. " usal din ni Benjo.

Pagkalipas ng ilang sandali ay dumating na ang ipinadala ni General Calderon, kaya pinagusapan na nila ang magiging plano. Pag katapos ng usapan. Ay nag paalam na sya sa mga ito.

Mauuna ng poposte ang mga NBI sinabi nyang sususnod sya dadaanan nalang muna nya si hope para kumustahin ang lagay nito.

************************************
[SAN RAFAEL]

" Tao po!  Tao po!  Hope!  " sigaw ni Vincent sa labas ng bahay kila Hope.

Nagtaka pa sya ng walang sumagot, kaya minabuti nyang umikot baka nasa likod lang ang mga ito bukas ang pinto kaya minabuti nya ng pumasok.

" Tao po, pumasok napo ako, wala pong sumasagot ehh! /sigaw nya uli bat ganoon walang tao.

Nasindak sya ng makitang may bakas ng dugo.

" Hope!  Hope! " sigaw nya.

Nanlaki ang mga mata nya ng makitang may dugo sa sahig.  Papuntang kwarto.

Kinabahan sya kung baka kung anong ngyari sa mag anak.

" Hmmmm.... Hmmmm... Hmm" nakita nya si mariela at ang ina nito nakatali ang mga kamay at paa. May mga busal pa ang mga bibig nito..
Kinalagan nya ang mga ito..

" Vincent sa- lamat. " ummiyak na sabi  ni aling mila nakita. Sunod naman nyang kinalagan si mariela.

" Nay nasan po si hope." tanong nya agad sa mga ito.

" Di namin alam. Eho basta basta nalang syang kinuha dito nga maga kalalakihan. " naiiyak parin na sabk nito.

" si itay po at si willy? " nagaalala syang tanong baka kung ano na ang ginawang sa mga ito.

" buti nalang at umalis ng maaga ang dalawa. " sagot nito, salamat naman.

" may narini-- akong-- sa-bi nilang, magsasama na kayo ni Cheska parang ganoon Vincent. " sa wakas nakapag salita na si mariela na kanina pa nakutulala.

Nakita nyang maysugat ito ito sigguro ang dugo na nakita nya.

" Mariela ok kalang ba? " nagalalang tanong nya rito.

" Ok lang ako hanapin mona si Hope, ibalik mo sya Vincent. Mangako ka. " naiiyak na sabi ni mariela. Tumango sya

" Magingat ka hijo." sabi ni mila.

Bago sya umalis tinawagan nya muna si valez isa sa mga tauhan ni General  calderon na puntahan at asikasuhin ang mag ina. Pagkatapos ay nagpaalam na sya.

Kung hindi nya iniwanan si hope di ito makukuha ng mga demonyong yon.

Hindi nya mapapatawad ang sarili kung mawala ito uli sa kanya.

************************************

[ HACIENDA VICTORINO]

" Hope kung hindi kaba naman nakialam, di ka mapapahamak" sabi sa kanya ni Nene na nakatayo sa harap nya sa mga oras na yon.

Nasa lumang kwadra sya na ginawa ng tambakan ng lumang gamit.

" Pano mo nagawa ito Nene, pinagkatiwalaan kita,  di ko akalain na ikaw pa ang tratraidor sakin. Naiiyak na sabi nya.

" Yan ang problema sayo madali kang magtiwala. Kaya ka napapahamak. Alam mo bang ako ang nag sumbong kay Mia ng tungkol sa paglabas nyo ni Vincent. At ako rin ang nakakita sa inyo ni Vincent kanina sa bayan. Kaya nalaman ni Anthony  na buhay kapa. At sigurado akong sa bahay ka pupunta.  " nakangising sabi nito.

" Bakit?  Bakit mo ginagawa ito. Bakit?"

" Simple lang mahal ko si anthony  kaso, hangang kama lang ako, at ang mahal nya ang baliw na si Cheska. Ang hirap diba na ang mahal mo ay may mahal ng iba, kaso iwan koba bat sunod sunuran parin ako sa pamilya nya. " natatawang sabi nya.

" Hindi si Cheska ang baliw kundi kayong nandito sa Hacienda Victorino. Lahat kayo. Baliw!!! " siagaw nya.

" Hahahha,  kung ako sayo wag monang sayangin ang laway mo mayamaya narin naman ay mamatay kana, kayong dalawa ni Cheska.

At tumawa ito ng parang demonyo minsan may mga taong pagkakatiwalaan mo pero sila pa ang magpapahamak sayo..

Pagkatapos umalis ni nene si Mia namn ang pumasok,  natakot pa sya ng makita may dala itong baril

" Nandito pala ang ahas,  kamusta naman kayo, ni Vincent balita ko niligtas ka daw nya,  ang sweet naman." nanunutyang sabi nito sa kanya.

Di nya ito sinigot, ayaw nyang patulan ang kabaliwan nito.

" Anong bang nakita sayo ng lalaking yon,  masmaganda naman ako sayo,  at may pera pa!  "  galit na sabi nito.

Ng laki pa ang mga mata nya ng itutuk nito sa kanya ang baril.

" Pero,  makakaganti narin ako sa kanya dahil, sa kamay ko mismo mamatay ang pina kamamahal nya.
Kung ayaw nya sakin. Di din sya mapupunta sa iba. Bye bye hope magdasal kana sa lahat ng santo." nakangising sabi nito.

" Mia wag parang awa mo na..... " pasusumamo nya. Pero parang wala itong narining.

Halos malagutan sya ng hininga ng makita nyang itinaas nito ang kamay. At itinutok sa kanya ang baril.

Natatakot syang, nakaligtas man sya sa una. Pero baka ito na ang katapusan nya. Kaya pinikit nalang nya ang mga mata.

Akma ng kakalibitin nito ang gatilyo ng Bigla nalamang itong bumulagta sa harap nya. At nakita nyang nasa likod nito si Vincent.

Naiiyak nyang niyakap ito. Pagkatapos may tatlong lalaki pala sa likod nito na di nya napansin.

Kinuha nito si Mia na wala ng malay.

" Ok, kalang na  sorry babe,  dapat di kita iniwan," naiiyak nito sabi sa kanya.

pagakatapos ay tinulungan syang tumayo.

" Ok lang, ang magalaga nandito ka,  naligtas nyo na si Cheska? " tanong nya rito.

Tumango ito.  Masayang masaya sya niyakap nya ito muli ng mahigpit sa wakas matatapos na ang secreto ng hacienda. Nakalaya narin si Cheska.

Pero bago pa sila makalapit sa ambulansya ay bigla nalang lumabas sa kung saan si Nene. Kitang kita nyang kalabitin nito ang gatilyo..

Pero bago pa tumama ito sa kanya natakpan na sya ni Vincent. Tatlong putok ang narinig nya. Bago ito nabaril din ng nga pulis. Kasabay nag pag bulagta nito ang pagtumba din ni Vincent sa mga bisig nya.

" Vincent!!!! " Sigaw nya..
             

              🌾JONGSTER28🌾

" DONT FORGET TO SHARE, VOTE AND COMMENT, THANKS GUYSS!! FOR READING THIS CHAPTER ❤❤❤"
***********************************

CHECK OUT ALSO MY OTHER SOULMATES BOOKS 😇

SOULMATES BOOK1

Ng dahil sa pagaakusa sa kanya sa isang krimen na di nya sinasadyang magawa kinailangan ni jocel lisanin
ang isla sandoval na dala ang pangakong babalik sya at lilinisin ang kanyang pangalan.

Dinala sya ng tadhana sa Hacienda Alcantara ang lugar na kung saan una palang nyang nakita ay naramdaman nya na ang kapayapaan.

Pero nagkamali sya, nakilala nya ang lalaking papangarapin ng sino mang kababaihan. Pero ang hindi nya maintindihan pag dating sa kanya mukhang mainit parati ang dugo nito.

May pagasa pakaya na magbago ang pakikitungi nito sa kanya o dapat nya ng tangapin na hangang asot pusa nalang ang turingan nila.

SOULMATES BOOK2

Bata palang si Luna ay pinangarap nya ng maging madre balang araw, kaya nga ngayon isang taon na lamang ay magiging ganap na syang madre.

Pero sa di inaasahang pangyayari kinailangan nyang umuwi para alagaan ang inang may sakit.

At ang hindi nya inasahan ay dito din nya makikilala ang lalaking magpapabago sa buhay nya.

Kaso ngalang walang naaalala sa nakaraan nya si forest ang lalaking natagpuan nya sa kakahuyan. Ni di nito alam ang tunay na pangalan.

Ano ang gagawin nya manatili sa piling ng lalaking natutunan nya ng mahalin o ang bumalik sa kombento na syang pangarap nya buong buhay nya.

Tungahayan po natin ang kakaibang kwento ng pagibig na magpapabago sa ating kahulugan kung ano nga ba ang salitang pagibig *-*

" HAPPY READING EVRYONE❤❤!! "

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro