🌸Chapter3🌸

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Nakatulala parin, sya habang tinatanaw ang lalaking papalayo sino kaya yon sayang di ko manlang napasalamatan.

"Salamat ening, sa pag tatangol sakin, " nagulat pa sya ng kalibitin sya ng matandang ale.

" wala po yon nay ginawa kulang yong tama, " nakangiting sabi nya.

Matapos magpasalamat ay umalis narin ito, daladala ang mga nasalbang gulay,

" Hoy Hopia, pano pag binalikan tayo ng mga yon, ano ang gagawin natin" panunumbat ni mariela sa kanya, hopia ang tawang nito sa kanya pag galit o kaiinis ito.

" Hay nako hindi na babalik ang mga iyon, takot lang nila bakamakatikim. Pa sila sakin," Paberong sabi nya dito.

"Hay nako pag napahamak tayo, ikaw talaga ang sisisihin ko, " nakasimangot na sabi nito.

Nilapitan nya ito at niyakap,

" sorry na di napo mauulit " malambing na sabi nya rito,

" Hay nako ganyan ka lagi sumbong kita kay inay at itay, " paberong banta nito.

Alam naman nyang di nito gagawin ang sinasabi nito, para na silang magkapatid mga bata palang sila mag bestfriend na sila.

Mayamaya bati na ulit sila, ganon nalang lagi di nya maalalang nagaway sila.

"Magkano tong ripolyo,"tanong ng customer,

Nagangat sya ng mukha, nakita Nya ang isa sa mgasugid na suki nila,

" Mam jocel, bat kayo po ang namamalengke, nasan po si aleng mameng, " sabi nya rito habang patingin tingin sya sa likod nito.

"Wala eh, dinalaw ang anak nito sa Tierra Blanca, kaya ako muna ang namili,"mahabang sabi nito.

tinitigan nya ito, ubod parin ito ng ganda kahit na, dalawa na ang anak nito.. Kilala ito sa san raafael, maliban kasi sa pagiging mabait nito, makapag kawang gawa rin ito sa katulad nilang mamahihirap. Kaya nga parating maydiscount ito mula. Sa kanya.

" Ganoon po ba, balita ko nga po nag asawa na si Benjo, sayang naman di ako umabot hahha"pabero nyang sabi.

Pero crush nya talga si benjo, dati pa lalo pa ng kasamaksama ito ni aleng mameng sa nya pamalingke. Sayang at nag asawa na pala ito. 

"Hahha, may cute na kambal na anak na nga sila " nakangiting kwento nito..

Marami pa silang napag usapan, bago ito nagpaalam..

" Ano daw sabi ni mam jocel, may anak na si papa Benjo, hay nako wala na pala talagang pag asang maagaw natin sya." litanya mariela tulad kasi nya crush din nito si benjo.

" Hahahaha, kung ano anong pinag sasabi mo, ayosin nanga natin tung mga paninda para maaga tayong makauwi, mukhang malakas ang ulang parating, "sabi nya rito.

"Hay nako kill joy ka talaga," sabi nito pero sumunod narin sa kanya sa pagaayos ng mga gulay nilang nasa bandang labas.

***********************************

Kinagabihan naghahanda na sila ng hapunan ng, dumating si aling susan kaibigan ng nay mila nya.

" O susan? /bat ka napasugod ng ganitong oras? " tanong ni nay mila nya.

"Wala naman napdaan lang ako kaya dumaan narin ako dito," sabi nito.

Patay malisya nalang sya, pero di parin nyang maiwasan, makinig sa usapan ng mga ito..

" Kamust naman ang Hacienda? " tanong ng inay nya.

" Ok naman ganon parin, pero hirap ako ngayon, umalis yong isang katulong ko sabahay eh magaaasawa raw. "

Napagting ang tenga nya,may bakante sa hacienda,matagal nya ng balak na makapasok doon, para makilala ang mga taong pumatay sa mga magulang nya.

" Nako, kung kaya ko lang ako na ang mamasukan don, rinig ko malaki-laki din ang sahod don. Kaso ang bukid di ko maiwanan. " sabi ng inay nya.

"Yong isa sa mga anak mo kaya baka gusto nila. Mukhang matumal din ang gulay ngayon sa palingke.makaka dagdag income din. " sabi nito.

"Tanong ko kung gusto nila pagusapan namin mamaya, "

" Sige kung ano man papuntahin mo nalang sa hacienda, hanapin nalang kamo ako,magdala narin ng gamit tuwing lingo lang sya pwede umuwi " sabi ni aleng susan bago nagpaalam.

Pagkatapos ng hapunan ay kinausap sila ni inay, mila.

" May bakanteng trabaho, sa Hacienda gusto nyo bang pumasok,? "Tanong ng inay nila.

" Ay, ayaw ko po nay, si hope nalang ok napo ako sa pag titinda ng gulay, tyaka balitang masama ang ugali ng donya " tanggi agad ni mariela.

"Ikaw hope, gusto mo ba, para makaipon, tayo sa pang enroll mo sa susunod na taon, mahina ang tinda natin ehh, pangastos lang natin dito sa bahay.

Kunwaring, aayaw pa nya pero umaaayon naman ito sa mga plano nya.

" Kung yon po ang gusto nyo nay sige po susubukan ko" simple sagot nya.

" Ayan payag na si hopia, " sabi ni mariela tsaka, bumalik na sa pag babasa ng magazine.

" Hay nako bata ka wala talaga akong aasahan sayo buti pa si hope" sabi ng inay nya.

Nakita nyang ngumiti lang nakakluko si mariela pang inis sa inay nila, mabait si mariela, kaso mabarkada ito kaya ayaw nitong natatali sa trabahong may sinusunod na amo.

Pagktapos ayosin ang mga gamit, nahiga na rin sya, pero hindi ang trabaho nya ang nasa isip nya.

Kundi ang lalaking naglitas sa kanya kanina, sino kaya sya magkikita pa kaya sila. Isang katanungan walang makaksagot sa ngayon

Ilang sandali pa ang nakalipas at nakatulog narin sya.

Kinabukasan maaga syang naghanda sa pagpunta ng hacienda,

"Ano hope, ok kana ba ihahatid ka ng kuya willy mo sa terminal ng habal habal. "Sigaw ng inay nya mula sa labas.

"Opo palabas na, "sagot nya.

Ng paalis na sila ng paalam na sya.

"Magingat ka doon anak, kung anot ano man umuwi ka agad, wag na wag kan mag paapi, "sabi ng inay nya habang yakap sya. Gumanti din sya ng yakap dito.

"Oi Hopia,  ingat kadon mamimiss kita "pa cute na sa bi ni mariela.

"Hay nako tigil tigilan nyo,ang drama ang lapit lang ng pupuntahan ni hope akala mo na man mangingibang bayan sya. " Natatawang sabi ng itay nya.

Saka sya niyakap ng mga ito. Pagkatapo ay sumakay na sya sa kakarag karag na motor ng kapatid.

pagkatapos ay muli nyang nilingon ang pamilya nya. Ito abg unang pagkakataon na aalis sya sa bahay kaya malungkot sya.

Pero alam nyang ito ang simula ng pagbibigay ng ng katarungan sa pagkamatay ng mga magulang nya.

Muli nyang kinawayan ang mga ito hangang sa mawala ang mga ito sa paningin nya

                🌾JONGSTER28🌾

" DONT FORGET TO SHARE, VOTE AND COMMENT, THANKS GUYSS! FOR READING THIS CHAPTER ❤❤❤"
************************************

"CHECK OUT ALSO MY OTHER SOULMATES BOOKS 😇"

SOULMATES BOOK1

Ng dahil sa pagaakusa sa kanya sa isang krimen na di nya sinasadyang magawa kinailangan ni luna lisanin
ang isla sandoval na dala ang pangakong babalik sya at lilinisin ang kanyang pangalan.

Dinala sya ng tadhana sa Hacienda Alcantara ang lugar na kung saan una palang nyang nakita ay naramdaman nya na ang kapayapaan.

Pero nagkamali sya, nakilala nya ang lalaking papangarapin ng sino mang kababaihan. Pero ang hindi nya maintindihan pag dating sa kanya mukhang mainit parati ang dugo nito.

May pagasa pakaya na magbago ang pakikitungi nito sa kanya o dapat nya ng tangapin na hangang asot pusa nalang ang turingan nila.

SOULMATES BOOK2

Bata palang si Luna ay pinangarap nya ng maging madre balang araw, kaya nga ngayon isang taon na lamang ay magiging ganap na syang madre.

Pero sa di inaasahang pangyayari kinailangan nyang umuwi para alagaan ang inang may sakit.

At ang hindi nya inasahan ay dito din nya makikilala ang lalaking magpapabago sa buhay nya.

Kaso ngalang walang naaalala sa nakaraan nya si forest ang lalaking natagpuan nya sa kakahuyan. Ni di nito alam ang tunay na pangalan.

Ano ang gagawin nya manatili sa piling ng lalaking natutunan nya ng mahalin o ang bumalik sa kombento na syang pangarap nya buong buhay nya.

Tungahayan po natin ang kakaibang kwento ng pagibig na magpapabago sa ating kahulugan kung ano nga ba ang salitang pagibig *-*

"HAPPY READING EVRYONE!! 😊"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro