Kabanata 1

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


[Kabanata 1]

Bulacan, 2010

KASALUKUYAN na may nangyayaring pamamanhikan sa pagitan ng dalawang pamilya, ngunit ang mga ipinagkasundong dalaga at binata ay walang kinalaman sa nangyayaring kasunduan. Ni hindi pa nga sila nagkatagpo ng landas pero naipagkasundo na nang kanilang mga magulang.

Samantala, matalim na tiningnan ni Aniko ang kanyang mga kapatid; matapos ng mga ito siyang gawing katawa-tawa sa harap ng kanilang mga bisita, ay hindi niya na nakayanan pa. Animo'y namumula na siya sa kapipigil ng galit. Sino ba namang hindi magagalit hindi ba?

Hindi niya mawari kung bakit siya nito nilinlang gayong siya ay nagtiwala ng lubos sa kanyang Kuya Inigo na siyang pasimuno ng lahat. Parang pinagkaisahan tuloy siya ng mga ito, at wala siyang kakampi para dumaing ng kaniyang hinanaing.

Hindi niya akalain na sa kabila ng seryoso at blanko nitong mukha ay magagawa pala nila siyang ipain o ipagtulakan dahil wala siyang kamalay-malay na ang kanilang mga bisita ay ang pamilya na napili ng kanyang Lolo na mapangasawa niya at maging mabahagi ng kanilang pamilya.

Hindi niya rin maatim na ang kanilang mga magulang tutol sa maagang pag-aasawa ay mabilis na nagkasundo sa maikling panahon. There are something wrong about it; it smells something fishy.

Tila siya ay nasa ibang mundo at tanging mabilis na pag-hinga lamang at iba't-ibang saloobin ng sarili ang maririnig. Parang nag-iisa lang ako at walang karamay, I need a break. Gustuhin man niyang tumutol wala na siyang magagawa pa dahil ang Lolo na mismo niya na namaalam ang nagkasundo na ipakasal siya sa Castel.

Tanging paghikbi ang kanyang naririnig habang pinapakinggan ang huling habilin ng kanyang Lolo Efreno. Sa tuwing maaalala niya ang mga huling salita nito sa kanya mas lalong nadudurog ang kanyang puso.

"Ma, saan po ba tayo tutungo?" Nanginginig ang mga labing sabi ng labintatlong taong gulang na si Aniko. Madalas siyang dalhin ng kanyang Mama sa kanyang Lolo isang beses sa isang linggo upang madalaw ito kahit papano, bukod sa busy na ang mga anak at may kanya-kanya nang buhay na ang anak ni Lolo Efreno na mas kilala bilang Don Joselito Efreno Sandoval ay pinipili parin nila itong puntahan at ma-bonding. Talagang Mahal na Mahal niya ang kanyang lolo, kaya kahit gawin na niyang kapit-bahay ang Espanya at Pilipinas.

Ngumiti ng marahan si Josefa sa kanyang anak. Pinagmasdan niya ng maigi ang nanginginig nitong mga labi at pinasadahan ang mukha. Hindi niya maitatangging kamukha nito ang kanyang ina na si Doña Agueda Jacinta Sandoval. Mula sa makakapal nitong kilay, mahahabang pilikmata, katamtamang singkit na mga mata, matangos na ilong, mapupulang labi at hugis puso na mukha. Ang naiiba lamang ay ang kanyang buhok na bagsak at kulay tsokolateng mga mata. Nilapit niya ang sarili sa anak. Tinaas ang kamay at hinawakan ang pisngi nitong mamula-mula.

"Marahil ay nagtataka ka, ngunit anumang mangyari ngumiti ka lang." Hinipo nito ang buhok ng anak at hinagkan ng mahigpit. "Halina anak."

Nagulat si Aniko sa inasta ng ina. Parang ayaw mag-process ng kanyang utak sa mga pinagsasabi nito. Nagtanong lang naman siya kung saan sila magtutungo dahil parang hindi ito ang dapat patungo sa mansion ng mga Sandoval.

Isa itong makipot at madilim na daan. Hindi niya akalaing dito siya dadalhin ng kanyang ina. Napansin niyang habang palapit sila ng palapit ay siya naman bilis ng tibok ng puso niya sa hindi mawaring dahilan. Nasa likuran siya ng kanyang Inang si Josefa habang hawak nito ng mahigpit ang kanyang kaliwang kamay.

Naisip niyang huwag ng tumuloy ngunit parang binawi naman niya ang pangako sa kanyang lolo na dadalaw siya sa pagkakataong ito at kapag hindi siya nagpakita, magiging 'promises meant to be broken' na ang peg niya; ayaw naman niyang mangyari iyon.

"Di bale, wala nang bawian, pangangatawanan ko na 'to." Pinisil niya ang kamay ng kanyang ina, sinabayan na niya ito sa paglalakad nang lumuwag na ang daanan. Nakalagpas na sila sa madilim na parte ng pasilyo. Animo'y nasa makalumang panahon sila kung tutuusin. Kapansin-pansin nga kasi naman ang lugar dito sa probinsya ng kanyang Lolo Efreno dahil ang buong mansion ay minana pa ng kanyang lolo sa kanyang Great-Great Grand father, kaya siguro magaan ang kanyang pakiramdam sa mansion na ito.

Ngunit kahit gano'n nakaramdam parin siya ng kirot sa kanyang dibdib. Nagsimula silang maglakad palapit sa dulong bahagi ng pasilyo kung saan makikita ang opisina ng kanyang Lolo Efreno na ginawa nang guest room ngayon. Hindi man siya magtanong, may hint na siya sa sarili kung ano ang ipinunta niya dito.

Bagama't ninenerbiyos nagawa niyang lokohin ang ina na ayos lang siya. Hindi kasi niya akalain na kahit ang sariling ina ay desidido na siya ay makasal sa Castel. Hindi niya alam kung bakit sa pagkakataong ito, kakaiba ang pakiramdam niya; isa itong halo-halong emosyon.

Parang matagal na panahon na siyang nakaramdam ng ganito... ngayon lang ulit naulit. "Bakit kaya?" Tsaka lang siya natauhan nang tumapat na sila sa tapat ng Guest Room ng kanyang Lolo Efreno. Natulala siya sandali at nagulat pa nang yakapin siya ng ina.

Di alam kung ano ang i-rereact, yumakap na lang din siya sa ina. "Oh em jeez, bakit pakiramdam ko mawawala na ako sa mundo?" Napasinghap siya sa naisip. Kanina pa siya walang imik, alam niyang hindi siya mananalo sa ina dahil sadyang napakakulit nito at hindi talaga makukuntento kapag hindi mo sinunod ang kanyang gusto; bagay na ayaw niyang mangyari dahil sumasakit ang kanyang ulo mag-entertain sa ina dahil may pagkatopak ito kung minsan.

Bumitiw na siya sa yakapan nilang mag-ina. Don't know how she react when the door opens. Iniluwa nito ang isang ginang na mestiza. Kulot ang buhok, manipis na kilay at labi, mapulang pisngi, katamtamang ilong, bughaw na mga mata at balingkinitang pangangatawan. She's quite impressive. Nasa mid-40's na ito at nakakamanghang alagang-alaga pa rin ito sa katawan. Mapagkakamalan mo talagang dalaga, hindi pamilyar ang mukha nito at ngayon niya lamang nakita ang ginang.

Hindi napansin ni Aniko na natulala na pala siya sandali. Tila naglalayag ang isipan at natauhan lamang nang bulungan siya ng ina. "Anak, mauna kana." Tumango lamang siya at pinagmasdan muli ang ginang na tipid na ngumiti sa kanya. Mukhang hindi ito masaya na makita siya.

"Mabuti na 'yon kung gano'n." Pagkapasok palang niya sa guest room ng Lolo niya ay nalula na siya sa nakita. Ito ang unang beses na makapasok siya sa guest room ng bahay ng kanyang Lolo Efreno. Malaki ang kwarto, at hindi mo aakalain na isang kwarto lang pala iyon. Hindi gaano kalaki ngunit malulula ka naman sa lapad. Tahimik lamang ang kwarto, kung kaya't natuod lamang siya sa kinatatayuan. Manghang-mangha, may malaking aparador na kulay ginto, may munting silid-aklatan din sa loob, may salas at munting dining area.

Umiling siya. "Aniko Celestial, baka nakakalimutan mo ang pinunta mo dito. Kailangan mo nang makita ang Lolo." Pagkakausap niya sa sarili. Inihakbang na niya ang mga paa at nagtungo sa dulo ng kwarto. Hindi nga siya nagkamali, nandoon ang Lolo Efreno niya at may kausap itong iba. Napangiti siya nang marahan, anim na buwan na simula no'ng huli niya itong makita.

Nakaramdam siya ng guilty sa naisip. Anim na buwan. Oo, anim na buwan na din simula no'ng lisanin niya ang bansang Pilipinas. Sinama siya ng kanyang Tiya Luciana sa Espanya upang doon mag-aral pansamantala ngunit makalipas ang anim na buwan napa-uwi sila ng maaga.

Nalaman niya na ang Lolo Efreno niya ay may karamdaman at ni-request din nito na umuwi na siya sa Pilipinas. Iyon ay hindi dahil siya ang paboritong apo ngunit dahil ipagkatiwala at ihabilin ang huling kahilingan.

Kailangan niyang sagipin ang Pamilya Sandoval, sa pamamagitan ni Aniko, siya ay dapat na maging Castel. Kailangan niyang pakasalan ang bunsong anak ng mag-asawang Thiago at Ana Julieta Castel na si Augustus Castel. Subalit, wala pa siyang alam sa ngayon.

"Oh nariyan kana pala apo, maligayang pagbabalik" Natauhan siya sa pagtawag ng kanyang Lolo Efreno, napatingin din sa kanya ang kausap nito. Nahihiwagaan na talaga siya sa mga ikinikilos ng mga ito. Kani-kanina lamang ay natuod siya sa kinatatayuan nang makita at mamukhaan ang kausap nito.

Tumikhim muna siya at dumeretso papunta sa kanyang Lolo Efreno. Nagmano, humalik sa pisngi nito at niyakap siya. "Lo, I'm sorry just now lang po nakarating, I miss you." Kakarating niya lang galing Espanya at dumeretso kaagad siya sa Bulacan at binisita ang Lolo Efreno niya. Tinapik nito nang marahan ang kanyang likod. "Masasakal mo ako, hija." Pabiro nitong sabi sa apo. Kumalas na siya sa pagkakayakap at dumistansya ng kaunti sa Lolo. Tumatawa na ito kaya mas lalo siyang napangiti.

Tumingin siya sa lalaking kausap nito kani-kanina lang. Kagaya kanina ay nakangiti lang ito sa kanila, bagay na ikinapagtatakha niya ng husto. Wala na tuloy siyang ganang ngumiti dahil tila nag-iba ang ihip ng hangin sa paligid at pati mga taong nasa paligid niya ay nakatutok ngayon sa kanya. Hindi naman nagtagal ang weird feeling na namumuo nang magsimula silang magkwentuhan muli ng kanyang lolo at paminsan-minsan ay sumasabat sa usapan ang bisita nito.

"Ang weird lang" Nakakunot ang noo niyang tanong sa sarili. Ang lalaking nasa harapan niya ngayon at kausap ng kanyang Lolo Efreno ay ang panganay na anak ng mag-asawang Castel at eldest brother ni Augustus na si Agustin.

"Agustin hijo, siya nga pala ang aking apo si Aniko" Pakilala ng kanyang lolo sa lalaking kaharap. Tumango ng marahan ang dalaga, gustuhin man niyang iwasan ang mga Castel imposibleng magawa niya ito ngayon dahil nasa harapan pa nila ang Lolo Efreno nya. Wala naman siyang magawa dahil kahit pa-paano may pinagsamahan sila ni Agustin, noong mga bata pa lamang sila. Bumaling siya ng tingin sa bisita, napawi din iyon nang magtama ang kanilang mga mata; subalit nauna na siyang umiwas ng tingin baka kasi kung anong isipin ng lalaking kanyang kaharap.

Baka isipin niyang pinagnanasaan ko siya, oh em jeez. That's not it. Mandiri ka nga Aniko, ang halay mo. Baby ka pa, it's a Rated SPG for you!

"Nice to meet you, sis" Napasingkit ang mga mata ng dalaga. Hindi niya alam kung ano ang ire-react. Obviously. At napansin niya sa lalaking kaharap ay madaldal talaga ito; she tsked 'hindi na bago'. Tipid siyang ngumiti, at napabaling siya sa kanyang Lolo. Mukhang nagulat pa ito nang tingnan siya ng apo.

It seem to have a strange sense of humor. "Tengo un mal presentimiento" (I have a bad feeling) Pabulong ng dalaga.

She's not a noob.

"Lolo, can i talk to you?" Nag-usap pa sila sandali tungkol sa ibang probs na hindi ko naman maintindihan. Tungkol sa company and businesses lang naman kaya hinayaan ko na sila.

Biglang bumukas ang pinto ng palikuran at iniluwa ang isang matangkad na lalaki, mestizo at maganda ang pangangatawan. Bilugang mga mata, makapal na mga kilay, mapulang labi, matangos na ilong, at mapapansin din ang kanyang biloy (dimple) sa kanyang magkabilang pisngi.

'Ngayon lang siya lumabas? e halos 15 minutes na ako dito e, uso na ba ngayong magdasal sa comfort room?' Pero, he's hot a!

Naparalisa ang kanyang buong katawan sa pagkakaupo. Who's this guy again? "Dios mío" (Oh em jeez) Napunta ang kanyang paningin sa pintuan ng silid nang pumasok ang dalawang ginang.

Ngumiti ang mga ito sa kanya at bumaling kay Don Efreno. "Josefa, Julieta mabuti't nandito na kayo." Binalingan niya ng tingin ni Aniko ang kanyang Lolo nang magsalita ito. Parang kumirot ang puso niya sa nasaksihan nitong mag-iba ang timpla ng hitsura nito.

"Lolo, are you okay?" Napakapit na kasi ito sa kanyang braso, at kahit hindi sila nakatayo parang nawawalan na ito ng balanse.

Bakas sa mukha ng mga naroon ang pag-aalala, lumapit sa kanya ang ina at tinulungan nilang pahigain ng dahan-dahan ang Don. Unti-unti at nakatulog na rin ito at hindi na natuloy pa ang pag-uusap na magyayari sana. Umuwi na rin ng maaga pagkatapos no'n ang mga Castel at bumalik lamang makalipas ang tatlong araw.

Simula ng araw na iyon, hindi na si Aniko umalis pa sa tabi ng kanyang Lolo. Lumubha na kasi ang sakit nito sa atay kung kaya't nag-aalala siya ng husto sa Lolo niya na bukod sa malapit siya sa Don siya rin ang paborito niyang apo.

Ngunit sa huling araw niya kasama ang kanyang Lolo ay humiling ito sa kanya sa una at huling pagkakataon. "Apo, mahalin mo ang iyong mga kapatid, ingatan mo ang iyong sarili, mahalin mo ang iyong mga magulang, maging mabuti kang lagi" It's not a sentence, but a last sentence. Tumango siya at hinawakan ang kamay ng kanyang Lolo. "Opo, tatandaan ko po iyan Lo," niyakap niya ang kanyang Lolo.

"Gawin mo kung anong makakapagpasaya sa iyo, basta lagi mong tatandaan na nandito lang ang Lolo." Nagtatakang pinasadahan niya ng tingin ang mukha nito. "Lo, bakit pakiramdam ko aalis kayo?" Naluha siya nang sambitin niya iyon. "Hush, Shhh nandito lang si Lolo" Hinimas-himas ng Don ang buhok ng kanyang apo. Pakiramdam niya anumang sandali, makakasama na niya ang kanyang asawa, at nasasabik na siya sa bagay na iyon.

"Apo, may hihilingan lang ang lolo sa iyo. Last wish ko na 'to hindi na ako muli hihiling." Tila namamanhid ang kalooban ni Aniko. Hindi niya malaman kung bakit ang mga salitang binabanggit ng kanyang lolo ay parang pamamaalam na. Ngunit ngumiti pa rin siya ng matamis at hinarap ang Don.

"Ama! Huwag po, huwag mo kaming iwan! Parang-awa mo na!" Nandito ang buong pamilya Sandoval, ang araw na ito ang reunion sana ng buong pamilya ngunit nauwi as iyakan at pamamaalam.

"Hangad ko ang kagalakan, at kapayapaan ng iyong puso apo. Kung kaya't sana'y tuparin mo ang kahilingan ko para sa ating Pamilya. Mula sa ika-labinsiyam mong kaarawan, nakatakda ka nang ipakasal sa bunsong anak ng mag-asawang Castel. Para sa iyo ito." Naguluhan siya sa sinasabi ng kanyang Lolo.

Marahil ay bata palang siya at wala pa sa wastong edad kung kaya't wala pa siyang muwang sa usaping pag-aasawa. Narinig na lamang niya ang pag-hikbi ng kanyang lolo. Sa oras na iyon, isa lang ang tumakbo sa isip niya. Mula sa araw na iyon, wala na siyang kalayaan.

No crushes, No flings, No Boyfriend, just Marriage.

"Aniko!" Natauhan siya nang tapikin ni Violeta ang pisngi niya. "Oh?" Nawalan siya ng gana makipag-usap nang maalala na naman niya ang kanyang Lolo Efreno. Anim na taon na ang nakalipas ngunit parang kahapon lang ay masaya pa sila dahil buo at masaya pa ang kanilang pamilya.

"Kanina ka pa kinakausap ni Triana, girl." Pasimple nitong bulong. Oh! That colored headed girl. Napasip naman siya, tiningnan niya ang tinuturo nito at tumpak the-mainitin-ang-ulo-spotted.

"Violeta, wdym? Hindi naman ah?" Ngumisi si Aniko, tumingin siya sa paligid. Nakalapit na pala sa kanila ang Colored-headed-girl.

"Aniko, pinapabigay ni Kuya August." Mataray na sabi ni Triana, with matching flip-hair and walk-out. Nandiri namang umiling si Violeta, "Nakakakilabot talaga yong babaeng iyon, tara sa loob." Maliksi nilang tinungo ang pangunahing daan ng malaking mansion. Pagkapasok palang nila bumungad na agad ang tawanan ng mga naroroon. Natanaw na nila sa salas ang mga elders at eldest siblings nila.

Pananaw ni Aniko

"ANO na namang mukha iyan, kinikilabutan ako." Sabad ni Kuya Inigo. Kung tutuusin, narito lang siya upang tuksuhin at kulitin ako. Wala nang ibang ginawa kundi paulanan ako ng tukso. Lumapit ako sa kanila at pinagcross-arms ang mga kamay ko.

Simula no'ng nalaman nila ang kasunduang kasal sa pagitan ng Sandoval at Castel ay sila pa mismo ang humikayat sa akin na tanggapin ang alok. Kung tutuusin, hindi naman ang mga Castel ang nag-alok, kundi si Lolo. Ngayon, hindi na iyon mababawi pa, unless bisitahin kami ni Lolo at siya ang magsasabing di na matutuloy ang kasunduang kasal sa pagitan namin.

Ugh, I hate this. Sana nabuhay nalang ako sa ibang panahon at pagkakataon kung saan hindi ako naiipit sa sitwasyon at maaaring gawin ang gusto kong gawin. Kung saan mayroon akong kalayaan.

Yep, I'm not that happy. Pakiramdam ko may kulang, pakiramdam ko hindi ako nabibilang sa panahong ito. 'Know your worth' ika nga ngunit hindi ko mahanap ang worth ko sa panahong ito.

Lalo pa't isang linggo mula ngayon ang nakatakdang kasalan namin ni Augustus. They forced me, damn! I don't want this as hell as fudge!

Kung hindi lang dahil kay lolo, i quit! I don't want to marry that cold-hearted man.

Umupo ako sa pinakadulo, i hate the fact that I'm just a toy. Kakalapat palang ng puwetan ko sa sofa ay tumayo na naman ako at naglakad palabas. Kailangan ko pakalmahin ang sistema kong nagwawala.

Okay naman ako all these years a? Masaya naman ako diba? Meron lang kulang. Aw mentally and emotional damage. I'm just curious why I'm just acting like this na naman. Ano pa bang kulang? 'Know your worth'. 'Find your worth' I'm on the edge of life and death, I feel lifeless.

Kinagat ko ang kuko ko. Madalas kong gawin sa tuwing malalim ang iniisip ko, kasing lalim ng underworld.

Sa kalagitnaan ko nang paglalakad, may nabunggo ako. Nagtaka ako kung bakit kami nagkabunggo e ang lawak-lawak ng hardin ng mansion. Nataranta ako nang mawalan ako ng balanse.

"Ahh" Tumama ang ilong ko sa matigas na bahagi, bigla ata nabali ang ilong ko huhu. Oh no.

"Hija, kailangan mo ng tulog ko?" Napabaling ang tingin ko ro'n sa nabunggo ko at literal na natulala ako sa nakita ko.

"Oh em jeez,"

Isang magandang babae na nag-anyong robot!

"Aniko! Where are you? ? ?" Fudge, boses ni Kuya Sam. Matalas pa naman ang pang-amoy nito. Tiningnan ko mula head hanggang toe itong kaharap ko.

Dios mio, paano ko 'to matatago? But wait. "Hi, kailangan natin mag-hide, as in now na. Can you help me?" Nagpout ako kahit alam ko naman walang pakiramdam ang mga robots, baka sakaling kaawaan niya ako.

Napasimangot ako nang hindi manlang ito gumalaw. I'd rather die, than they found me alive. "Hija," Napatingin ako sa gilid. Bumalik na pala siya sa dati niyang anyo.

Nagulat ako nang kunin niya ang relos na suot niya. "Magmasdan mo ang orasan at aking pasisisilip sa 'yo ang halaga mo sa panahong ito." Halos lumuwa ang mata ko, biglang tumigil ang takbo ng paligid. Ang mga ibon na nagliliparan, pagtakbo ng mga kuting sa damuhan at ang pagkahulog ng mga dahon sa malaking puno ay tumigil. Oh em jeez! Tiningnan ko siya, ang babaeng ito ay hindi pangkaraniwan.

Ginawa ko ang sinabi niya kahit ako'y nag-aalangan. Ang pag-gewang gewang nito ay sinundan ko nang tingin. And fudge wala! Wala akong nakita, ibig bang sabihin kung hindi sa panahong ito, kailan? Saan naman?

"Wdym? Wala akong worth in my lifetime?" Parang sinampal ako nang katotohanan. Kinurot ko ang pisngi ko kung totoo ba ang nasa harap ko. Yep, it's true nga, it hit me. Gusto kong magreklamo, pero para sa'n pa?

Fudge, I'd rather die than marry that man. Pakiramdam ko ang hina ko. Magagawa ko namang tanggihan ang kahilingan ni Lolo Efreno pero sadyang yun nalang talaga ang least thing na magagawa ko para sa Pamilyang Sandoval. Sa Pamilya ko.

Oh em jeez, ang hirap pumili between self and family. "Hija, If you want to end your life, tell me I will help you." Ngumiti siya ng marahan, ang ganda niya. Para siyang dyosa. "Sino po ba kayo?" Biglang sambit ko in a polite tone.

"Hindi ka maniniwala kung sasabihin ko sa 'yo ngayon, hija. O' siya, tanggapin mo 'to.. paikutin mo sa gitnang daliri mo, at darating ako." Naks, nakakapagtaka talaga ang people these days. "Hija, kung nais mong lisanin ang lugar na ito, gawin mo ang sinabi ko sa iyo." Tinuro niya ang orasan. Sa pagkakataong ito, umihip ng marahan ang hangin, bigla nalang siyang naglaho.

Anong nilalang kaba talaga?

"ANIKO! ANDITO KALANG PALA." Habol ang hininga ni Kuya Sam, napatingin ako sa likuran niya. Hindi nga ako nagkamali, nandito silang lahat maliban kay Violeta. Fudge, andito lang naman ako hindi naman lumayas.

"Ate, kanina kapa namin hinahanap akala namin lumipad kana papuntang N.Y." Reklamo ni Izan. "That's right," Pagsang-ayon naman ni Adella. Dios mio, heto na naman sila. "Aniko, tara sa loob mag-usap tayo." Nanginig ang labi kong binalingan ng tingin si Kuya Sam at Kuya Inigo, parehong dismayado ang tinging pinukaw nila sa 'kin.

"ATE, what's wrong?" Tipid akong ngumiti kay Adella. Siya ang partner in crime ko at pinaka-close ko sa mga kapatid ko. Two-years lang ang gap naming dalawa kaya iyon na siguro ang dahilan kung bakit malapit kami sa isa't-isa. The rest kasi, Four to five years na ang gap namin. Just like nalang kay Izan, he is five years younger than me. Violeta is one year older than me, Kuya Sam and Inigo is twins, basically Four years older than me. All in all, we're six.

"Nothing, I'm just thinking such things." She nodded. Oh, so sweet. I appreciate that they are concerned to me. Which is hindi na bago sa 'kin. We're here in their Azotea. Not now, hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang mga nangyari ngayong araw na 'to.

TEKA NGAAAA!

GABI na, kung anong mga bagay na bumabagabag sa akin. Ambilis ng oras. Isang linggo nalang mula ngayon, maikakasal na ako sa Fiancè ko. Napatitig ako sa malaking ceiling fan. Dito muna kami pinatuloy ng mga Castel, good thing marami naman silang bakanteng kwarto dito na pwede naming magamit.

Nakakapagtaka lang tatlong metro lang ang layo ng mansion ni Lolo sa mansion ng mga Castel dito sa Bulacan pero dito pa rin kami nag-over night. Pwede naman sila mag over the bakod kung tutuusin.

Pero anyways, that's not the probs ngayon. That tigil-kasal and that half tao half robot. Napaupo ako sa dulo ng kama, ako lang ang mag-isa dito kaya sure ako hindi nila mapapansin na aalis ako.

That's right, I need to find that woman. Naalala ko, binigay niya sa 'kin 'yong orasan niya na medyo luma na. Dinukot ko sa bulsa ko at pinagmasdang maigi.

"Hija, kung nais mong lisanin ang lugar na ito, gawin mo ang sinabi ko sa iyo. . ."

Natulala ako sa ganda ng disenyo ng orasan. May something talaga sa relos na ito kung bakit ako nahuhumaling. May kalumaan na rin kaya kupas na. May nakaguhit na kakaibang lenggwahe sa gilid. May marmol na nakabaon sa loob nito. Tila kumikislap ito sa paningin ko.

Ginawa ko ang sinabi niya kanina. Kung nais ko daw siyang makita ulit, alugin lang ang orasan. I found it weird kanina but I feel that it's quite serious pala.

Umilaw nga ito, napatakip ako sa 'king mga mata. Hindi ko mawari pero sa pagkakataong ito, nakaramdam ako ng kaba na may halong saya.

Hindi ako makapaniwala na mapapaniwala ako sa mga ganito ng isang mahiwagang nilalang na ito. Naramdaman kong may nakatitig sa 'kin kaya mabilis kong inalis ang kamay sa mata ko. Lumantad ang isang magandang babae, hindi katulad kanina ang anyo nito.

Sa pagkakataong ito, nakabaro't saya na siya na ikinapagtakha ko. What's with this people na naman?

"Hija, alam ko na ang kailangan mo." Kumunot ang noo ko. Should I trust this lady? Feel ko hindi, nakapinta na sa mukha niya ang ngiti na 'yan e. "Paniwalaan mo man o hindi, ibibigay ko pa rin sa 'yo ang kahilingan mo." Hah? Oh em jeez! What wish? "Ho? Hindi naman po ako humiling--"

She stopped me. Iniabot nito ang isang kwintas na hugis puso sa akin. "Wag kang palilinlang sa tadhana, ikaw mismo ay nalinlang na nito ngunit hindi pa lubusang huli ang lahat. . . May pagkakataon ka pa. Kailangan mong magsakripisyo upang makapagsimulang muli." Makahulugan nitong sambit sa akin.

"H-Hindi ko po kayo maintindihan,"

"Lilisanin mo ang lugar na ito at magsimulang muli." Napatitig ako sa magandang babae. Lumapit pa ito sa akin at tiningnan ako diretso sa mata. Hindi ko alam kug bakit napahawak ako sa aking puso, kumikirot ito.

"Ang kwintas ang saksi kung bakit ikaw ang aking pinili, sumama ka sa 'kin at magsumulang muli, hija. Ngunit bago iyon, kailangan mong magsakripisyo. . . Para sa 'yo." Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi. "Aniko," Tawag nito sa 'kin. "Sa mga kamay mo nakasalalay ang tadhana mo sa panahong iyon."

Nalilito ako na ewan, iyong feeling na ma eexcite ka na hindi. Bilib na ako sa sarili ko pag nagkataong hindi nya iyon mahahalata sa bawat peys ekspresyon ko. Mayroon sa part ko na may pag aalinlangan at mayroon namang game din sumunod sa estrangherang robotic angelic gurl right in front of me!

Tsk, naboboang ako na ewan. Hindi ko ma explainar. Sa huli, napagdesisyunan kong isantabi ang side kong may pag aalinlangan at ang mas nanaig ay ang syur kalokaret!

Peste, ginagawa ako obob nitong kaharap ko with puppy eyes pa! i can't beleive this. Binigyan niya pa talaga ako ng choices as if may magagawa ako.

+ trip to jerusalem

+ trip to hell

hell-I care!

******

#UntilTomorrowSeñor

author's available Soc-med
IG: s_owpyia

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro