14

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


14

PATULOG na sana ako nang gabing yon ng pinuntahan ako ni Mama sa kwarto.

"Bakit ma?" tanong ko. Naupo sa upuan sa harap ng kompyuter. Naka pantulog na rin siya. Ako naman ay naupo sa kama.

"Nakausap ko kasi si Kuya Erin mo, sabi niya bibisitahin daw niya tayo dito.." masayang sabi ni Mama. Napangiti rin ako. Siguradong namimiss na ni Mama si Kuya. Miske ako rin. Dun na kasi nag college si Kuya Erin.  Two years na rin siguro siyang hinde umuuwi. 2nd year na rin siya doon habang ako naman ay Graduating na sa high school. Kasama niya don si Papa sa Australia. Dun din kasi naka base yung work ni Papa.

"Talaga po? Kailan daw?" masiglang tanong ko. "Kasama daw ba niya si Papa?"

Nakita kong biglang umaasim yung mukha niya. "Asa ka pa nak. Si Erin lang ang dadalaw dito. Alam mo naman yung damuho mong ama. Puro trabaho ang alam, kaya nga kami nag hiwalay nun dahil mas pinili niya yung career niya.."

"Sus Ma! Di pa rin kayo okay ni Papa? Susko! Parang hinde ko naman alam na patago kayong nagkikita nun." totoo naman kasi. Minsan nag paalam si Mama sa akin na pupunta daw siyang California. Pumayag naman ako. pero nung kinamusta niya ako at nag video call kami bigla kong nakita si Papa at nag hi pa sa akin. Nagulat ako nun pero napahalakhak din nung nakita kong sinabunutan ni Mama si Papa at tinulak paalis sa camera.

"Hoy bata ka. Isang beses lang yun!" nag dedeny pa e kita naman sa mukha na ang sisinungaling siya.

"Sus ma! Don't me nga!'

"Hay nako! Bahala ka jan.. G'night." tsaka siya nagmadali lumabas ng kwarto.

"Hoo! Secret lovers ang peg!"

"Tumigil ka na Rose.."

Napasimangot ako.

-----

"HOY anong drama yan? Bakit parang puyat na puyat ka naman?" tanong sa akin ni Ansirk pagkaupo namin sa bleachair. "Kanina ka pa sa klase.." kinurot pa ako ni sa leeg. Hinawe ko yung  kamay niya. "Ano ba.."

"Hoy Matty! Umurong ka nga.. Ano ba nangyare sayo?"  si Karl. "Iniisip mo pa rin yung nangyari nung isang araw?"

Umiling ako. "Hinde. Kinausap kasi ako ni Mama kagabi. Uuwi na daw si Kuya.."  natawa naman ako nung lahat sila tumingin kay Matty na kakagat sana sa waffle nito.  "Oh? Bakit kayo nakatingin diyan?" tanong nito.

"Ano naman ang reaksyon mo ngayon na nalaman mo na babalik na taong May crush sayo?" itinapat pa ni George kamay niya na para bang mikropono sa harap ni Matty.

"No comment po. Hinde ko pa po kasi nahahanap yung pake ko." pag sakay naman ni Matty dito. Natawa ako. Napasimangot naman si George.

"Basta ako gusto ko na ulit makita si Erin. Namimis ko na yung Sphagetti niya.."

"Tama! Pati sopas niya! My God! Kailan daw uuwi si Kuya Erin?" maasayng tanong ni Ansirk. Napailing ako. Parang mas excited pa sila kaysa sa amin ni Mama.

-------

Nagising na lang ako ng may naramdaman akong may umaalog sa pagkato ko.

"Ano ba..." ungot ko.

"Tumawag yung kuya mo, napaaga daw yung flight niya. Sunsuin na daw natin siya ngayon.."

Napaupo ako sa kama. "Ano ba.. 5:30 pa lang.."

"Tumayo ka na diyan at samahan mo ako mag sundo.. Babalikan kita after twenty minutes. Kailangan ayos kana."

"Ma naman!"

Paglabas ni Mama ay saglit pa akong natulala sa kwarto bago ako nag pasyang tumayo at mag bihis. Hinde na ako nag tangka pang maligo. Dahil nung kinawkaw ko yung kamay ko sa tubig, jusko! Kala mo galing sa freezer yung tubig. Wala namang aamoy sa akin e. Madali na akong bumaba sa sala dahil baka mag buga na ng apoy si Mama.

Nakita ko siyang nag cecellphone at naka number four na upo.

"Ma.." tawag pansin ko sa kanya. Tumingala naman siya sa akin.

"Bilis mo naman ata?" natawa pa siya. "Di ka naligo no? Kadiri ka nak."

Napairap ako. "Malamig kasi yung tubig Ma! Tara na po." sabi ko at nauna ng lumabas. Inayos ko pa yung Tali ng buhok ko. "Lamig.." daing ko nang biglang humangin. Laking pasalamaat ko nung pumarada sa harap ko yung kotse ni Mama. "Kumusta na yung issue ninyo?" tanong ni Mama ng nasa kotse na kami.

"Wala po. Tsaka hinde ko naman alam kung ano yung issue nila. Ayoko na lang mangielam Ma." nakatingin lang ako sa labas habang sinasabi iyon.

"Good." tumatango na sabi ni Mama. " How about Emman? Ano ang balak mo?"

Natahimik ako saglit at nag isip. Mahal ko pa si Emman. At alam ko na pag sinabi niya na gusto niya ulit ako maging girlfriend, alam kong Oo ang magiging sagot ko don.  Wala e. Kahit pa sinasabi ko na nag momove on ako, bumabalik balik pa rin naman ako sa pagmamahal ko sa kanya.

"Rose.." tawag ni Mama na nagpabalik sa akin. "Kung ano man ang maging desisyon mo, sana lang yung wala kang pag sisihan. Hugutin mo sana sa Puso mo yung tama. At paminsan minsan nak, hinde naman masamang gamitin din ang Utak."

Wala akong nasabi.


KASAMA na namin si Kuya Erin ngayon at kumakain na sa bahay. Nagluto lang si Mama ng tipikal na almusal. Kanina nga sa airport naiyak si Mama pagkakita pa lang niya kay Kuya. Two years ba naman kasi. Napaka higpit ng yakap na binigay ni Mama kay Kuya.

"Miss you Ma.." bulong ni Kuya na narinig ko.

"Miss you more nak.. I love you.." lumuluhang sabi ni Mama.

"So ano? Wala ako dito? Hinde ninyo akk itinuturing na kapamilya ganun?" singit ko.

Napatili akk ng bigla na lang hinatak ni Kuya yung hood ng jacket na suot ko at inilapit sa kanila. "Ang drama mo.. Miss din kita Baby Rosie.." bulong niya sa ulo ko at hinalikan iyon. "Miss you too kuya."

Naglapag si Mama ng bacon at hotdog sa lamesa na agad naman nilantakan ni Kuya.

"Pg lang?" tanong ko habang nakatingin kung paano siya mabilis kumain. Sumundot na rin ako ng hotdog at nilagay sa plato ko.

"Eh sa nagugutom ako pake mo?" asik niya sa akin. "Tsaka kumain ka nga ng marami. Mag uusap tayo mamaya pag nakapag pahinga na ako.. Akala mo hinde nakakarating sa akin yung mga pinag gagagawa mong kalokohan dito?"

Napatigil ako at namutla. Paano? Tinignan ko si Mama. Pero nagkibit balikat lang ito. "Huwag mo akong tignan, wala akong sinasabi sa Kuya mo.."

"Hinde si Mama ang nagsasabi sa akin. Wag mong tignan si Mama. Mamaya tayo mag tutuos Rose.." sabi niya tsaka tumayo na. "Ma, pahinga na po ako.." hinalikan niya si Mama sa pisnge. Bago bumaling sa akin at tinapik ako sa noo. "Mamaya ka sa akin.." banta niya. Napasimangot ako. Sinundan ko siya ng tingin habang paakyat. Napanguso ako. So ganun? Papagalitan agad ako? Kakauwi lang niya diba? Hmp! Kung sino man yung nag susumbong kay Kuya! Nako! Malaman ko lang talaga kung sino.. Sasapakin ko talaga.

Napalingon ako kay Mama ng tumawa ito. Napataas yung kilay ko. "Sige na.. Maaga pa naman. Pwede ka pang umidlip at makapasok ka pa mamaya."

"Bakit ka po tumatawa Ma?"

"Wala. Namiss ko lang kasi yung ganyan.. Yung inaaway ka ni Kuya mo." bigla siyang lumapit at niyakap ako. "Mahal ko kayo ng kuya mo.."

"Love ka rin namin Ma.."

Napangiti ako.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro