23

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

****

"OH ano mag tititigan na lang ba tayo dito?" maangas na sabi ni Ansirk sa amin. Nandito na kasi kami ngayon sa canteen. Naka order na rin kami ng pag kain. Pero mas mauuna naming makakain yun awkwardess na nasa hangin. Walang nag sasalita ni isa sa amin. Alam kong ako yung nag aya dito pero nakaka ramdam ako ng hiya. Tapos sumabay pa yung kaba ko.

Sa totoo lang kasi hinde ko naman alam yung sasabihin ko.  "Ano Kris, nga nga?" napatingin ako kay Ansirk nang mag salita ulit to. Inirapan ko siya bago ako nag salita.

"Matty.. Sorry sa.. mga nasabi ko-"

"Tama na. Okay na." putol ni Matty sa akin.

Tinitigan ko siya ng may pag tatanong.

Huminga muna siya ng malalim. "Para lang tayong tanga. Okay na yun no! Sorry din.." lumapit siya sa akin at niyakap ako. "Pakielamera ako kasi.. Pero wala ka naman kasing magagawa kasi ganito na ako at kaibigan kita kaya papakielamanan kita sa ayaw at sa gusto mo, okay?"

Niyakap ko din siya ng mahigpit. "alam ko.. Sorry talaga.. Bestfriend.." naiiyak na sabi ko. "Na miss ko talaga kayo.."

"So meron ka bang update sa amin? Kamusta na buhay mo?" ilang saglit ay tanong sa akin ni Matty.

"Spill it sissy!" lahat kami napatingin kay George ng sabihin niya iyon.

"Tang ina mo, ang arte mo sa part na iyon." banat ni Karl sa kanya.

Natawa naman kami. Siraulo kasi.

"Wala.. Ayun.. Nanliligaw na sa akin si Emman ulit." panimula ko.

"Ano pa bang bago dun?" komento ni Matty.

"Silang dalawa ni Quino, actually.."

"Oh! Em! Gee!" hiyaw ni Ansirk. "Pinayagan mo rin siya?!"

Tumango ako. Mano ba naman na muntik na akong mapalundag ng biglang humiyaw si Matty kasabay si Ansirk.

"Salamat Lord!! Tinubuan na ng utak yung kaibigan namin!"

Napakunot ako ng noo. "Sinasabi mo bang wala ako nun?"

Sabay silang naupo at hinde pinansin yung sinabi. Grabe sila ah.

"Mamaya ka na mag tanong, Kris, kami muna."

"So kailan pa siya nag umpisa manligaw?" tanong ni Karl.  Muka silang mga bata na excited sa kung anong bagay.

"Nung friday." sabi ko. Tinignan ko si Ansirk. "Naalala mo pagkatapos natin mag usap? Sinundo ako ni Emman at nag sabi siya na manliligaw siya then kinabukasan naman pumunta kami ni Mama sa kanila Quino. Hinde ko naman kasi alam na mag kaibigan pala yung mga Mama namin."

"Wow.. tingin mo sign na yun? Na mag kakilala yung mga Mama niyo?"

"Grabe ang liit ng mundo no?"

Tumango ako at kinagatan yung sandwich sa harap ko.

"Bakit pumayag ka?" nakataas na kilay na tanong ni George.

"Hinde ko alam. Tsaka na curious din ako kung bakit kating kati kayo na kilalanin ko siya." alam ko rin naman kasi na siguro may nakitang maganda ang mga kaibigan ko sa kanya. Gusto nilang makilala ko si Quino at kasaby nun alam ko din na gusto nilang kalimutan ko na si Emman. Tulad nga ng sinabi nila sa akin dati yung sa amin ni Emman ay tapos na. Kaya lang ayoko naman mabigla. Dahan dahan lang ang pag momove on tapos ngayon bumabalik pa siya.

"So si Emman ta Quino, sabay nanliligaw?" agaw ni Karl sa atensyon ko.

"Pa ulit ulit ka naman!"

"Sa palagay ko din kasi ikaw din, uulit ka kay Emman!" masungit na sagot nito. "Sana namin wag maging bobo.."

"Kikilalanin ko silang dalawa. Hinde ako magiging bias."

"Siguraduhin mo lang!"

"Oo. Actually--"

"Huwag ka kasing mag actually hinde ka naman artista."

"--inaya niya akong kumain mamaya."

"Nino? Ni Quino?"

"Oo. Pero di ko alam kung matutuloy iyon."

"Bakit? Nag pabebe ka ganon?" taas kilay na tanong ni Ansirk. "Kakasabi mo lang kanina hinde ka magiging bias.."

"Hinde naman kasi talaga." depensa ko. "Sinabi ko kasi na may group project tayo. Nasa sa kanya na lang yun kung hihintayin niya ako o hinde."

"Paano kung maniwala siya tapos hinde ka niya puntahan dito?" ani George. Nag kibit balikat ako. I mean, nasa sa kanya naman yun. Kumbaga parang test na rin ito sa patience niya.

"Napaka mo be!"

"Bakit? Parang tes-"

"Hi guys!" napalingon ako ng biglang may nag salita sa likod ko.

Si Quino. 

Napanganga ako. Hinde ako nakapag salita ng ilang seconds dun.

"Tapos na kayo sa group project niyo?" nakangiting tanong niya.

"Oo kanina pa kami tapos." si Matty yung nag salita. Nakatitig lang kasi ako sa kanya.

"Pwede na kayong umalis." medyo tinulak pa nga niya ako kay Quino. "Sige na. Kahit huwag mo na yan ibalik okay lang sa amin talaga.."

Tinignan ko sila ng masama. Mga walang puso.


"OH bakit ka nakangiti diyan?" inis na tanong ko kay Quino habang puno ng isaw yung bibig ko. Nandito kasi kami sa barbquehan na sinasabi niya kanina. Dito na kasi kami dumiretso kanina pag kalabas namin ng school. Sa totoo lang ayoko pa sanang umalis kanina kasi kumakain nga rin kami kanina tapos ang dami ko pang binili para sa kanila mahigit limang daang piso rin yung nagastos ko don. Napadami kasi nga nakikipag bati ako. Kaya ayun gusto ko sana dun na lang kami kumain para tipid. Kaya lang pinagtabuyan talaga kami nila George at Matty. Halos gumapang na nga ako palabas ng canteen kakatulak nila pero parang wala lang sa kanila yun tapos si Quino natatawa pa.

"Ibaba mo nga yang kilay mo.." aniya tsaka siya na mismo yung nag baba ng kilay ko gamit yung dalawa niyang daliri. "Masaya lang ako.."

Inirapan ko lang at hinde na sumagot. Nilibot nang mata ko yung paligid. Wala kang makikita dito kundi usok. Charot lang. Okay naman yumg lugar. Tapos ang sarap pa ng sauce at suka nila. Tinignan ko yung plato ko may pito nang stick doon na wala ng laman. Medyo marami na rin kasi masarap kasi talaga dito tapos may free softdrinks pa. Yung sarsi.

"Pwede mag tanong?" biglang sabat niya sa malalim na pag iisip ko.


"Ano ba yun?"

"Wala ka bang itatanong sa akin?"

Napakunot ang noo ko. Siraulo yata tong isa na to.

"Baliw ka? Ikaw tomgagtatanong tas ipapasa mo sa akin."


Umayos muna siya ng upo. "Alam ko naman kasi na maraming tanong diyan sa utak mo.."


Napatigil ako sa kanya at napatitig.

"Pwede mo nang itanong sa akin lahat ng gusto mong itanong. Sasagutin ko lahat kung kaya ko. Sige na.." ngumiti pa siya na siyang nagpa kaba sa akin.

"Bakit mo ko gusto? I mean, kakakilala pa lang natin tapos gusto mo na ako agad? San mo hinugot yung pagka gusto mo sa akin?"


"Ah yun ba?" sabi niya at pinag siklop pa yung kamay niya sa ibabaw ng lamesa.

"Nakalimutan na ata na hinde ito yung first time na liligawan kita diba?"

Biglang pumitik sa akin yung sinabi nsng mga kaibigan ko dati. Oo nga pala. Napatango ako.

"Matagal na kitang gusto Maricris-"

"Kris na lang kasi.."

"-una pa lang na kahit na frustrated kayong maging lalaki ng mgs kaibigan that time, still, gusto pa rin kita. Akala ko nga nawala na yun nung naging kayo ni Emman. Kaso pagka balik ko dito at nakita ulit kita, ayun wala na boom shakalaka gusto na ulit kita."

Pakiramdam ko bigla na lang uminit yung buong paligid. Para akong nspapasa lalo na yung mukha ko. Napa inom pa nga ako ng madami kaya tuloy biglang napa hawak ako sa ulo ko. Shit na brain freez ata ako.

"Hey, anong nangyare?" nag aalalang tanong niya. Hinawakan pa noya yung kamay kong nakahawak sa ulo ko.

Tinitigan ko siya. Nag tatanong pa rin ang mga galaw niya.

"Ikaw." wika ko.

"Ha?"

"Dumating ka.."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro