27

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng



NANDITO kami ngayon sa hospital, nakahiga. Paano ba naman kasi sinugod ako dito nila Mama kaninang madaling araw. Hinde tuloy ako nakapasok. Sumakit kasi ng matindi yung tiyan ko tapos nahihiirapan din akong umihi. Hinala ko nga U.T.I e, baka bumalik na nanaman yun. Napapadalas kasi yung pag inom ko ng softdrinks. Sila Ansirk kasi nililibre ako. Ayoko naman tumanggi.

Tama nga ako pagka balik ng doctor ngayon UTI nga. Kaso nga lang sinamahan na ng ulcer. Kaya ayon, nag alala sila Mama pero kalaunan nakatikim din ako ng batok sa kanila.

"Ang hilig mo kasing kumain ng maaalat, hinde ka mapag sabihan! Bumalik nanaman tuloy yang sakit mo!" sabi ni Mama. Na nakatayo doon sa paanan ng kama.  "Tapos hinde ka pa nakuntento dinagdagan mo pa sakit mo. Ano ba kinakain ninyo ni Quino pag lumalabas kayo?"

Hinde ako sumagot. Time ni Mama ang mag salita ngayon. Pag sumagot kasi ako ngayon baka lalo pa siyang magalit.

"May pagkain namin sa bahay bakit ka nag papagutom?" sabi naman ni Papa. Hinahaplos niya yung buhok ko. Nakaupo siya sa tabi. "May masakit pa ba sayo?"

"Huwag mo nga kasing ibaby yan Kristoffer!"

"Wala naman po. Gusto ko na umuwi, Pa." nginitian ko si Papa. Hinalikan niya yung noo ko. Umupo naman ako.

Tumango si Papa at ngumiti. "Sabi nung doctor mo, uubusin lang daw yang IV mo, then pwede na tayong umuwi. May gusto ka bang kainin?"

Umiling ako. Napatingin ako sa pinto nang bumukas iyon. Si Kuya kasama niya si Quino na may dalang paper bag na brown. Mabilis siyang lumapit sa akin.

"How are you feeling now? Are you ok? Maricris.." sabi pa niya tapos hinaplos yung noo ko at hinalikan pa. Napapikit nga ako nung naramdaman ko yung labi niya. Tinitigan niya ako at malungkot na ngumiti.

"Ehem!" sabay na tikhim ni Papa at Kuya. Napatingin kami sa kanila. Mabilis naman napatayo si Quino.

"Good morning, Sir. ,Tita" sabi niya sa kanila Mama. Yumuko pa siya bahagya.

"Walang good sa nakita ko.." sabi ni Papa.

"Sorry sir nag a---"

"Quino, ano bang kinakain niyo pag lumalabas kayo? Baka mamaya mga puro kayo unhealthy at maaalat kinakain ninyong dalawa.. Ang tigas pa naman ng bungo ng anaka kong nyan.. Ano ba mga kinakain niyo?"

"Hinde po Tita. Minimake sure ko naman po, na healthy yung kinakain namin. Pero kagabi  po pumunta kami ulit sa barbeque house.. Sorry po.."

"Ano daw bang meron sa panget na yan, Ma?" singit naman ni Kuya. Inirapan ko siya. Bwisit talaga.

"Ayan bumalik yung UTI niya. Hinde pa nakontento dinagdagan pa ng Ulcer. Nangongolekta ata ng sakit yung kapatid mo." tumingin sa kin si Mama. "Dagdagan mo pa yan, huwag ka ng mahiya."

"Hinde naman po e." Pinag laruan ko mga daliri ko. Akonnga nagulat din ako. Bumigla lang talaga yung sakit ko na to. Napatingin ako kay Quino ng umupo siya ulit at hawakan niya yung kamay ko.  Binigyan niya ako ng isang mainit na ngiti.

"Dagdagan mo pa daw panget."

"Pagkalat mo!"

---

NAIWAN kami dito ni Quino. Nasa hospital pa rin ako. Sila Mama naman inaayos na yung bill kasama si Papa. Si kuya naman nilamon na ng sapatos niya.

Nakaupo ako pa rin ako sa bed. Si Quino naman ganon din nakaharap sa akin. Hawak pa rin yung kamay ko. Kanina pa nga niya hawak yung kamay ko e. Tahimik lang siya. Kanina pa rin niya ako tinititigan.

"Hinde ka pumasok?" tanong ko ng hinde nakatingin sa kanya. Naka uniform pa rin kasi siya.

Naiilang na kasi talaga ako. Nalulunod na rin yung pakiramdam ko sa tingin niya.

"Nag alala ako sayo." bulong niya at hinarap niya yung muka ko sa kanya gamit ang index finger niya.  Napanguso ako.

"Okay naman na ako. Pumasok ka na. Huwag ka ng mag alala.."

"Hanggat hinde nawawala iyang sakit mo mag aalala ako sa yo.."

"Hinde naman ganon kadali mawala ang UTI at ulcer.." paliwanag ko. Pinisil ko din yung kamay niya.

"Kaya nga aalagaan kita.." bulong pa niya at hinalikan ang likod ng kamay ko.

Bakit ganon? Napapansin ko lang  parang nag bago yung tingin  ko kay Quino? Bakit ganon? Yung asar na nararamdaman ko sa kanya noon, unti unting nawawala. Hinde ko maipaliwanag pero may iba talaga sa kanya ngayon. At sa akin.

"Hinde naman ikaw nag dala sa akin don sa barbeque house kagabi, si Emman. Tapos ikaw pa tuloy napagalitan ni Mama. Sorry.." nahihiya nga ako sa kanya kasi napa galitan siya ni Mama kanina kahit hinde naman niya kasalanan.

Ngumiti siya. "Ok lang yon. I mean, kahit hinde ako ang nag dala sayo doon ako pa rin naman kasi yung nag bigay sayo nung barbeque diba? So kasalanan ko pa din.. Tsaka huwag mo nang isipin yun."

Nginitian ko siya. Hinde ko alam pero sa tuwing nag tatama ang mga mata namin pakiramdam ko tumitigil ang mundo. Lumalakas yung ingay ng puso ko.

Nanlaki yung mata ko ng bigla niyang hawakan yung batok ko. At nilapit sa muka niya.

Sobrang lapit na ng mga mukha namin. Kinakabahan na ako. Ano bang nagyayare? Nakita kong pumikit siya. Para bang nahihirapan siya sa kung ano.. 

Sinubukan ko siyang itulak.
"Quino.. ma--"

Hinde ko na natapos dahil nagulat ako ng bigla niya akong halikan.

Madiin yun. Hinde niya gingalaw yung labi niya. Nanatili lang iyon.

Pero ramdam ko yung lambot at init ng labi niya.

Napahawak ako sa braso niya ng ginalaw niya yung labi niya.

Biglang bumigat yung talukap ng mata ko at napapikit ako.

Hinahagod ng labi niya ang labi ko. Ako naman kahit hinde ko alam ang gagawin ay sinusunod ko lang kung anong ginagawa niya.

Mabagal.

Tumigil din siya. Pinag dikit niya yung mga ilong namin. Pakiramdam ko nag exercise ako ng ilang minuto lang dahil hiningal ako. Parehas kami.

"Pagaling ka na, Mine.."  bulong niya..

Napalunok ako.

Pinatakan pa niya ng halik ang labi ko ng dalawang beses bago ako niyakap ng mahigpit at hinalikan ang buhok ko.

Niyakap ko din.

Nangyari ba talaga yun? My gosh!

Hinde ko mapigilang mapangiti.

My God!

Hala!

Shit! Kinikilig ako.

Pano ba to?! Shit. Wait lang! Ano ba? Shet. Nag kiss kami ! Matagal. Hala.

Napatingin ako kay Papa ng pumasok siya. Nakita kong pailing iling siya.

"Saglit ka lang naiwan dito sa anak ko. Nakayapos ka na agad sa anak ko, para kang sawa diyan!"

Mabilis naman humiwalay si Quino sa akin. At humarap kay Papa.

"Sorry sir.."

"Sorry ka ng sorry, kanina ka pa! Nakakadami ka na din sa anak ko!"

Imbes na maawa hinde ko napigilan sarili ko na matawa ako. Sa hitsura niya  kasi habang pinapagalitan siya ni Papa. Para siyang takot na tuta.

Ngumuso siya ng mag tama ang mata namin at nakita niyang tinatawanan ko lang siya.

Umiling siya.

Tinawanan ko lang ulit siya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro