29

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

***

KINABUKASAN ay nag handa na ako para pumasok. Sabi pa nga ni Papa ay huwag daw muna kasi kailsngsn ko daw mag pahinga, pero si Mama naman bilang si Mama ay kinontra si Papa. Miski naman ako ay ayaw ko nang mag stay dito sa bahay. Puro sermon lang kasi nila Papa at Mama ang matatanggap ko. So basically, hinde din naman ako makakapag pahinga.

"Sure ka ba talaga na kaya mo na, panget?" psninigurado ni Kuya sa akin. Siya yung nag hatid sa akin dito sa school. Inutusan siya ni Papa kaya hinde siya makapalag.

"Oo. Tsaka wala naman akong nararamdaman na hinde maganda sa katawan ko." ani ko.

"Sige. Tawagan mo na lang ako pag may kailangan ka ah?" sabi niya. Ginulo pa niya yung buhok ko. Agad ko naman tinabig iyon. "Sige, aalis na ako.."

Hinintay ko siyang makasakay ng motor niya bago ako pumasok sa loob ng school.

Pag karating ko sa room ay agad kong nakita yung mga kaklase ko na may sari-sariling mundo. Hinanap ko naman yung mga kaibigan kong mga boplogs. Nandun sila sa gilid nag kukumpol. Mga nag chacharge lang naman sila. Sinabi na ngang bawal mag charge sa school e, pero tigas ng bungo nila. Naupo na lang ako sa upuan. Tutal busy pa naman silang lahat sa kani-kanilang mundo, nilabas ko muna yung phone ko.

Agad kong nakita ang 4 na mensahe doon. Galing kay Emman ang isa at kay Quino yung dalawa at yung isa naman galing kay Mama. Na nag papaalala na huwag kakain ng bawal.

'Nag kasakit ka daw?' Emman

Napairap ako. Ano hinde niya alam? Ni hinde nga niya ako dinalaw kahapon. Sobrang busy ba niya ganon? Kahit man lang tawagan at kamustahin ako kahapon wala man lang. Tapos ngayon..

'Good morning' Quino.

'Huwag kang kakain ng bawal ah? Later sabay tayong mag lunch.' Quino.

Napalabi ako.

Naalala ko yung pinag usapan namin nila Papa kagabi.

"Nakita ko silang nag hahalikan ni Quino." sabi ni Papa kung kaya't  pinalo ako ni Mama sa braso. Nasa kwarto nila ako. Nakaupo ako s harap nila sa table ni Mama.

"Ginawa niyo yun, Maricris?" pinandilatan pa niya ako ng mga mats niya.

Napayuko na lang ako.

"Boyfriend mo na ba siya?" tanong pa niya ulit.

Nakapiki t akong umiling.

"Hinde mo pala boyfriend, bakit ka nag papa halik?"

Ano ba dapat kong isagot? Na nadala lang ako ng bugso ng damdamin? Na hinde namin sinasadya ni Quino, ganon? Baka pag iyon pa yung sinagot ko lalo lang akong mapahamak dito.

"Kailan mo pa siya hinahayaan na bastusin ka Ha, Maricris.." nakakatakot na tanong ni Papa.

Kahit na natatakot akong tignan at salubungin yung titig ni Paa. "Pa, hinde naman po niya binabastos.."

"Eh, anong tawag mo sa pag halik niya sayo, gayong wala naman kayong realsyon. Hinde ba kabastusan ng tawag dun?"  Ani Papa. "Kung talagang mahal ka niya, mag hihintay siya. Pinilit ka ba niya?"

"Papa hinde po!" mabilis kong sagot.

"Kung ganoon, gusto mo siya?" tanong niya ulit. Tinignan ko si Mama para humingi ng tulong. Pero umiling lang ito. "Sagutin mo ang Papa mo, gusto mo ba si Quino?"

Napaisip ako. Gusto ko ba siya? Hinde ko alam ang sagot pero kasi.. Iniisip ko rin yung sinabi ni Papa.

Bakit ako nag papahalik sa kanya?

Ang alam ko lang nagbago na yung tingin ko sa kanya. Diba dati kasi ayaw ko talaga sa kanya. Tapos ngayon nag iba na yon. Gustong gusto ko na siya lagi kasama. Pero kung tatanungin ako kung sino ang mas gusto ko, kung si Emman ba o si Quino, sa tingin ko mas matimbang pa rin si Emman sa akin. Kahit pa na nabubwisit na ako sa mukha niya.

Si Quino kasi siya yung tipong pampaganda ng araw. Habang si Emman naman siya yung kumukumpleto sa araw ko.

"Hindi dahil sa sinabi kong kilalalnin mo si Quino ay mag papabaya ka na Rose. Kailangan pa rin ng limitasyon." ani Mama.

"Tumigil ka muna Maricris. Patigilin mo iyang mga manliligaw mo. Pag aaral ang unahin mo." sabi ki Papa tsaka lumabas ng kwarto.

"Ma.."

"Makinig ka na lang muna kay Papa mo. Kasalanan niyo rin naman kung bakit siya ganyan ngayon."

Kaya ayon. Ilalay low ko muna kami ni Emman at Quino.

'May baon na ako. Thank you na lang.' replay ko sa kanya

Dumating na yung lunch time. Agad kong  tinext si Kuya ko para sabay na lang kaming kumain. Half day lang kasi kami ngayon. Birthday kasi nung prinsipal kaya maaga kami pinauuwi.

Nung una nga ayaw pa ni Kuya pero sinabi ko kasama ko si Matty  kaya agad naman siyang pumayag.

Kailangan ko ng tulong ni Kuya, si Quino kasi gusto daw niya akong makausap. Nung tinext ko siya kanina ay nireplyan lang niya ako ng bakit. Pero nung hinde ako nag reply kaya ayun, gusto na daw niya akong kausapin.

Mali din naman kasi talaga yung nagawa namin. Nag halikan kami kahit wala pa naman kaming ralasyon. Tapos ako naman lalo, ako yung may mas may kasalanan kasi pumayag ako. Haaay!! Ngayon naiintindihan ko na yung feelings si Ansirk.

"Bakit ba kasi kailangan pa sa labas tayo kumain? Tsaka bakit kailangan kasama ako?" maktol na tanong ni Ansirk. Nandito na kasi kami sa labas ng school. Hinihintay ko na lang si Kuya.

"Ang arte neto. Bakit ba?" tanong ko rin.

"May date ata sila ni Kuya.."  nag cecellphone na sabat ni George. Busy'ng busy.

"Ngayon lang naman to Ansirk. Tsaka libre ko na nga lunch natin aayaw ka pa?" ani ko ulit

Padabog siyang nag kamot ng ulo niya. "Oo na, pinag tutulungan nanaman ninyo ako e." inirapan pa niya kami.

"Bad trip kasi yan kanina pa.." simpleng bulong sa akin ni Karl. Napatango naman. Ahh! Kaya naman pala.

Maya-maya lang ay dumating na si Kuya. Gamit niya yung kotse ni Papa. Pag baba pa lang ni Kuya ay agd kong napansin ang pag punta ni Matty sa bandang likod. Yung hinde siya makikita.

"Kris.." tawag sa akin ni Kuya.

Lalapit na sana ako sa kanya nang may dalawa pang motor  na pumarada sa gilid.

Nanlaki yung mata ko. Si Quino iyon, kaangkas niya si Garry. Tapos sa isang motor naman, kilala ko sila, kung hinde ako nag kakamali sina Andy at Kj iyon. Si Andy iyong nagmamaneho.

"Bakit mo sinama yan?" bulong ko kay Kuya pagkalapit niya.

"Sino?" kunot noo na tanong ni Kuya.

"Ayan oh! Si Quino. Diba sabi ko sayo ikaw lang.. Kakain lang tayo, Kuya naman!"

"Tumigil ka nga diyan. Ito ba yung pinag usapan niyo nila Mama?" tanong pa niya. Naiiritang napakamot ako sa ulo ko. "Haay naku!" mabilis akong naglakad papasok sa sasakyan.

Napatingin ako sa labas. Nakita kong nakatingin sa akin si Quino habang kinakausap si Kuya. Nag iwas ako ng tingin. Di ko kayang salubungin yung titig niya.

Paano pag nag tanong siya? Hinde ko alam isasagot ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro