33

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Oh saan tayo mag oovernight  mamaya?" tanong ni Matty. Nandito kami ngayon sa isa sa mga klase namin. Nasa unahan namin siya katabi si Karl samantalang kami nasa likod kami nila Ansirk.

"Sa amin na lang gusto niyo?" tanong ni Karl.

"Pwede din." sabi ni Matty na nakahawak pa sa baba. "Kaso nga lang nakapag overnight na tayo don diba? Sa iba naman.."

Napatingin ako sa kanya at umirap. Alam ko naman kasi na ako ang pinaparinggan ng isang to. Sa bahay kasi hinde pa kami nakakapag overnight. Palagian lang kaming kila Karl o kaya naman kina George.

Hinde naman sa ayaw ko, yun nga lang kasi wala talagang chance kasi lagi na lang natatiming kina George.

"Kina, Kris?" painosenteng tanong ni Karl.

"Uy, wala akong binabanggit na name ah?" iiling iling pang sabi ni Matty.  Nag appear pa sila ni Karl.

To talaga dalawang to.

"Oh sige na! Paparinig pa kayo, ang paplastic niyo!" Sabi ko.

"Yun oh!" sabi ni Ansirk. Umasta pa ito na parang nag dadasal. "Sa wakas!"

"Sa wakas! Hinde na niya makikita ang picture ni Garry!"  hiyaw din ni Matty. Mabilis naman tumama sa kanya ang masamang tingin ni Ansirk.

"Don't say bad words nga!"

"Sus! Bad words na ngayon, samantalang dati, asawa koo.." sabat naman ni George at ginaya pa ang ginagawa ni Ansirk noon.

"Isa! Ako talaga pulutan?"

Naiiling na lang ako. Atleast hinde ako diba? "Ay, oo nga pala! Samahan niyo na lang ako mag grocery after class, wala na nga pa lang laman yung fridge namin." sabi ko nang naalala yung utos ni Mama.

May seminar kasi sila Mama ngayon hanggang bukas ng hapon ang uwi niya kaya ako ang mamamalengke.

"O sige, tsaka nakapag paalam na ako kila Mama, na sa inyo tayo tonight. Na text ko na siya." sabi ni Ansirk.

Tinignan ko yung relos ko. Ala singko na pala ng hapon. 5:30 ang labas namin at wala pa kaming prof. Ngayon.

Sabay sabay kaming napatingin sa blockmates namin na may dalang yellow pad.

"Attemdance." yun lang at mabilis na lumapit si Matty sa kanya at ayun pwede na kaming umuwi.

Si Matty na ang pumirma para sa aming lima. Para mabilis.

"So ano, diretso na tayo sa grocery?" tanong ni Matty pagkatapos namin makalabas ng building. Tumango ako.

"Oh tara na.." sabi ni Karl. Mabilis niyang pinatunog ang kotse niya at sumakay kami.

--------

"Ano ano ba mga bibilhin mo, Kris?" tanong ni George pag karating namin sa grocery.

Binuksan ko yung bag ko para kunin dun yung lista na binigay ni Mama kaninang umaga. "May lista si Mama dito, wait lang.."

Binigay ko iyon kay George. "Haba ah? " sabi niya. Natawa ako.

"Siraulo ka, tara na para mabilis. Kuha kayo dalawang cart."

Inuna namin yung mga meats na dapat kunin. Kumuha pa nga sila ng isa pang basket para daw sa kakainin namin mamaya. Kasama narin sa mga pinamalengke namin yung mga sabon at mga snacks, frozen foods.

Nung nasa frozen foods na kami ay dun na kami nag hiwa hiwalay dahil bibili daw sila ng kani-kanilang flavored ice cream.

Ako naman ay nag patuloy na.  Buti na lang at nakita ko ang napkin. At naalala ko na next week nga pala mag kakaroon na ako. At wala na rin kaming stocks sa bahay.

Kung swswertuhin ka nga naman. Nasa pinakataas pa yung brand na ginagamit ko.

"Kung mamalasin ka nga naman oh," bulong ko tumingin ako sa gilid ant swerte naman na may nakita akong Diser.

Nilapitan ko siya. Pero sa tingin ko hinde rin niya maabot e.

"Sir, pwede po maki suyo?" sabi ko pagka lapit.

"Yes maam, ano po yun?"

"Makikiaabot lang po ako nung sanitary napkin." sabi ko at tinuro yung brand na gusto ko.

Tumingala din siya. "Ah yun po,Maam? Teka lang po kukuha lang po ako ng patungan."

"Sige po." sabi ko at binalikan na yung cart na dala ko.

Nilibot ko pa muna yung tingin ko. At may nakita pa akong alcohol at may pa promo sila na may free na hand sanitizer kumuha ako nun isa at nilagay sa cart.

"Ang tagal naman ni Kuya.." bulong ko.

Tinignan ko uli yung napkin. At sinubukan na abutin yun.

Tumalon pa ako konti baka sakaling maabot ko at napamura ako ng may biglang humawak sa sa beywang ko. Napalingon ako sa kung sinoman yun.

Na dapat pala hinde ko na ginawa...

"Ito ba yung kinukuha mo?" sabi niya At hawak yung sanitary napkin na pilit kong kinukuha kanina pa.

Naglagay siya ng tatlong pack sa cart ko.

Ako naman ay hinde alam ang ikikilos ko.

Mabilis akong kumalas sa pagkakahawak niya sa akin.

"Ano ba bitawan mo nga ako!" sabi ko sabay tulak sa kanya.

Tinignan niya lang ako.

"Maam, ito na po... Ay nakakuha ka na pala, Maam.." sabi nung diser. Napatingin ako dun.

"Hinde, Kuya, kuha mo po ako ng tatlo.. At pakibalik po itong mga to.." binigay ko dun sa diser yung mga nilagay kanina.

Nakatingin lang siya sa akin habang binibigay ko sa diser yung mga nilagay niya kanina.

Tinignan iyon ng diser. "Maam, parehas lang naman po nang brand t--"

"Kuya wala po akong pakielam, may germs na iyan! Gusto ko po ikaw yung kukuha!"

Kahit na nagtataka ay mabilis akong kinuhaan ng diser. Siguro iniisip niya na nababaliw na ako. Samantalang parehas lang naman yung hawak niya ngayon at kanina. Pero wala akong pakielam! Hinawakan na nun yung napkin kanina kaya may germs na iyon!

"Salamat po!" sabi ko pagkabigay niya sa akin.

"Oh ano , Kris, tapos ka na ba?" Napapikit ako ng marinig ko yung boses ni Matty.

"Uy, hala! Quino?"

Shit. Sabi na nga ba.


"Matty.." sabi nung lalaki.

"Hala, kamusta kana?!" sabi pa nung kaibigan ko at lumapit pa talaga siya. "Ang tagal na na--"

At may balak pa ata siyang makipag kwentuhan ha?

Mabilis kong inikot yung cart ko. At hinila si Matty paalis doon. Pero iniwas niya lang yung kamay niya. Nagulat ako.

"Matty, tara na nga!"

"Kris, san--"

"Ano ba?! Tara na!"

Alam kong O.A na, pero wala akong pake. Gusto ko na umalis.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro