9

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Chapter 9.

*****

KANINA pa sila nakauwi. Nalinis ko na rin yung kinalat namin. Pero ako kanina pa din nakatingin sa cellphone ko. Iniisip ko pa din kasi yung sinabi ni Quino. Ibig sabihin niya talaga na seenzoned ko na siya? At tsaka yung sinabi nila George  kanina na naging manliligaw ko si Quino, bakit di ko maalala? Kasabay siya manligaw ni Emman?

"Aah! Nababaliw na ako." hinampas ko yung unan.

Biglang nanlaki yung mata ko nang narinig ko yung tone ng Messenger.

In-open ko iyon.

Quino Ruiz : Hi Mari! Gising pa?

"Oh my God.." anas ko. Hinde ko muna siya nireplyan. Nag back read muna ako. Tsaka ko lang nalaman na napaka dami niyang messages sa akin na hinde ko nirereplyan.

2013 Mon. :Hi Rose! Kamusta ka na?

2013 Thursday: Sorry ayw mo pala na tinatawag kang Rose. Hehe. Narinig ko lang kanina nung nakasabay kita sa jeep, kasama mo mama mo. Sorry ah. Ano ba gusto mo itawag ko sayo? Mari na lang?

2013 :Merry Christmas and a happy new year!

2014 Tue: Mari?

2014 : Nanliligaw ako sayo pero si Emman lang pinapansin mo. 😢 siguro kasi si Emman lang yung nag paalam na manliligaw siya. Hahhaha! Masyado ba akong mayabang sayo? Sabi mo kasi kanina ang yabang ko e. Sorry ah? Alam ko kadi na hinde ka papayag pag nagpaalam pa ako sayo na liligawan kita. Kaya nag kusa na lang ako kasi sobrang gusto. Sana bigyan mo ako ng chance.

2014:Merry Christmas and happy new year!

2015 : Hi? Kilala mo pa ba ako? Haha. Andito ako ngayon sa Greece. Dito muna ako for 1 yr. Sabi ni Dad. Ikaw? Ano na nangyayari sa yo?

2015 : Merry christmas and happy new year!

2016: i heard masaya ka daw kay Emman. Good. Im happy for you too. See you soon.

2016: Merry Christmas and Happy new year.

2017: Hi. Kamusta ka na? Ako ok lang. Siguro hobby mo yung mang seenzoned no? Just kidding. Ok na yun kaysa naman sa iniignore mo lang ako. Atleast kahit papaano napapansin mo pa rin mga messages ko.

2017 : Hi Mari?

2017:  merry christmas! And Happy new year
2018 : Mari? Ok ka lang? I heard break na daw kayo ni Emman. Kamusta ka naman? Sana wag ka masyadong malungkot. Malulungkot din ako.

2018 :  May joke ako.  Ang gwapo ko no? Ha. Joke.

Di ko napigilan sarili ko na mapangiti sa message na iyon. "Siraulo." iling ko.

2018: Hi Mari merry christmas!

Shiit. So matagal na pala niya akong kinukulit tapos wala akong reaksyon?  Gosh. Kaya pala nabubwiset ako sa klase ng tungin niya kanina kasi parang may alaman yung tingin niya.

Huminga muna akong ng malalim bago nag isip kung mag tatype na ba ako o hinde?

Wala naman mawawala sayo kung rereplyan mo siya diba?

Nakagat ko yung kuko ko.

"Aish! Bahala na." anas ko bago mag type.

Kris DLP : Oo. (sent)

Pumikit ako at tinitigan lang ang cellphone ko. Wala pa atang segundo iyon ng mag reply siya.

"Ang bilis naman?"

Quino Ruiz : Totoo ba to? Mari, ikaw ba talaga yan?

Quino Ruiz : Mari?

Nag sulat ako ng Reply.

Kris DLP : Diba sabi mo kanina wag na kitang i seenzoned? Ginawa ko na.

Pero ko pa man iyon  ma send may mensahe na naman siyang dumating.

Quino Ruiz : Seenzoned ulit? 😞

Sinend ko na.

Kris DLP : Bilis mo kasi mag type.

Quino Ruiz : Thanks God. Kala ko seen nanaman e. Sorry. Na excite kasi ako.

Quino Ruiz : Thank you sa hinde pag seenzoned.

Parang gumaan yung pakiramdam ko. Narramdaman ko hanggang dito yung sinasabi niyang masaya siya. Napangiyi ako.

Kris DLP : Welcome. Matutulog na ko. G'night.

After kong ma send iyon ay pinatay ko na ang cellphone ko at natulog.

*****

Nagising na lang ako ng may yumuyugyog sa katawan ko.

"Hmm.." ungot ko. "Ano ba yun?"

"Hoy! Napaka galing mo talagang bata ka! Anong oras na nag hihilik ka pa rin diyan! Malilate ka na hoy! Yan ang napapala mo Kasi puro alak ang inaatupag mo."

Nakapikit akong bumangon. "Ma naman, kagabi lang yun. Kala moo naman oras oras ako umiinom ng alak. Eh-- Aray naman ma!" mano ba naman na sinabunutan ako.

"Sumasagot ka pa. Hala maligo na. Hinde ka na talaga nagbago lagi na lang ba kitang gigisingin..."

Nag magdali na lang akong pumasok ng banyo. Aga ng concert ng nanay ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro