chapter 5

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Alair POV

nagising ako nang may kumatok sa kwarto. "Alair, gising ka na ba?" kinusot ko mata ko. "opo." sabi ko habang inaayos yung kama. "sige, punta ka na dito mag aalmusal na tayo."

"sige po." sabi ko at nag stretching. Pag katapos ko mag ayos ng kama lumabas na ako. "uh tita san po cr?" nilingon niya ko habang inaayos yung lamesa. "ah yang pinto na yan sa tabi ng kwarto." dumiretso na ako sa cr. Naghilamos at nag toothbrush.

Pumunta na ako sa hapag. Ang nakita ko lang ay sila tito, tita, at axel. "Nasan na po ang mga bulilits?" tanong ko. "ay tulog pa ang kukulit kase kagabi kaya napagod." napa ahh na lang ako. Katabi ko si axel kumaen at tahimik lang ako habang naguusap sila pamilya. Patapos na kame kumaen nang may sinabi sakin si tita "alair 3 araw na lang pasukan na, may gamit ka na ba? pwede kang samahan ni axel bumili sa mall, nag padala na saken ang daddy mo ng pera para dyan sa gamit mo. Ang kelangan mo na lang naman ay bag at kung ano ano pa maliban sa notebook, sagot na ng bodwell high school iyon. :)" uminom muna ako ng tubig bago sumagot. "ah sige po," liligpitin ko na sana ang pinagkainan ko ng sinabi ni tita na, "ako na dyan mag ayos kana". umiling ako, "hindi, ok lang po:)" pumayag na rin naman na sya. Pagkatapos ko maligo nag halungkat ako ng damit na maisusuot ko. Sinuot ko na lang ang pink hoodie at ripped jeans at sneakers ko. Nag blow dry ako ng buhok at nag lip balm. Pag katapos ko mag ayos lumabas na ako at nakita ko nakahanda narin si axel, iniintay na lang ako. "Tara na:)" sabi ko.

Nag paalam muna kame kay tita at inabot na niya sa aken ang pera. "Thank you po:)" sabi ko. Nginitian niya lang ako, "ingat kayo:)" pumunta siya kay axel at hinalikan sa pisngi, "Axel ikaw na bahala kay alair wag mo iwawala sa paningin mo to" sabi ni tita.

umalis na kami at nagtataka ako kung mag cocommute ba kame, meron bang bus dito or ano mang transportation o lalakarin lang namin??? "uh axel, lalakarin lang ba natin?" nahihiya kong tanong. "yes, malapit lang naman." tumango lang ako. Habang nag lalakad kami kinakausap naman niya ako, naging komportable naman ako sa company niya kaya naging magaan agad loob ko sa kanya. "Ate pag papasok lalakarin lang rin natin malapit lang naman sa bahay". natawa ako, "wag mo na ako tawaging ate, isang taon lang naman agwat ng age natin." sabi ko. "ah onga pala, kwentuhan mo ko ano meron sa school? like anongg klaseng students? bully ba sila kapag may new student?? omg lalo na ako from philippines pa ako." natawa siya, "akong bahala sayo ate ay este alair kapag may nangbully sayo, yung mga students dun ok naman mapang asar lang:)" sabi niya.

Dumating na rin kame sa mall at nag ikot ikot para mag hanap ng gamit. Sa bag section muna ako tumingin, hindi ko pinaplano na bumili ng pag kamahal mahal na bag katulad nung nasa manila pa ako. Lalo na ngayon hindi ko kasama ang parents ko baka maubusan ako ng pera. Binili ko lang ay jansport bag na black. ok na to hindi mahal pero matibay. hindi katulad ng mga bag na ang mahal mahal ang bilis naman masira. Nag ikot ikot pa kame, nakita ko si axel mukang masakit na paa pero sumusunod pa rin saken, natawa na lang ako ng mahina. Pumunta ako sa bilihan ng tumblers dahil kelangan ko iyon at mahilig ako sa tubig. Pagkatapos ko doon pumunta ako sa bilihan ng pens and highlighters at mga papers and stuff.

Natapos na kame bumili. Kinuha sakin ni axel ang mga paper bags. 2 lang naman iyon kaya sabi ko kaya ko na pero pinagpilitan niya pa rin edi bahala siya. Pumunta kame ng mcdo para kumaen, "what do you want? my treat" sabi ko. nagulat siya "hindi ako na magbabayad ng akin" pero hindi ako pumayag kaya wala siyang nagawa. Ang order ko ay mc nuggets lang dahil nag ccrave ako dito bago pa ako umalis ng manila, burger lang order niya. Pumunta na kame sa table for 2.

Pag kaupo namen sabi ko "sa tingin mo may magiging friends ako sa school agad?" napaisip siya. "siguro, pero sa tingin ko puro lalaki makikipag kaibigan sayo dahil maganda ka. malalandi pa naman ang mga lalaki sa school lalo na higher level." natawa ako. as if makipag kaibigan ako sa kanila. "pano kung wala akong maging friends? sino naka kasama ko kumain tuwing break time?" ughh im afraid to be alone:(. "andito naman ako, mag kikita naman tayo sa cafeteria parehas lang ang sched ng breaktime at lunch time ng highschool so pwede ka sumabay saamin ng tropa ko, pero wag ka mag alala hindi yun malalandi HAHAH lahat sila pilipino rin yung dalawa last last year lang lumipat yung isa naman tulad rin sakin dito na nag aral simula elem." tumango lang ako at kumaen na. Binuksan ko phone ko at pumunta sa ig, "boomerang tayo, axel." at tinapat ko agad yung cam sa aamen kaya nag peace sign lang siya. "ano ig username mo?" minention ko na lang siya sa story ko at finollow na rin.

Pag tapos namin kumain nag libot libot muna kame hanggang sa mapagod at umuwi na. Lumipat na rin ako sa apartment ko pag katapos ko ayusin gamit ko sa kayla tita.

——— night before 1st day of school ———

Pumunta ako dito kela tita grace kase wala ako magawa sa apartment. Magkatabi kame ni axel ngayon sa sofa sa sala/kwarto nila. nagmo-mobile legends ata siya, ako naman nakikipag chat sa friends ko sa pilipinas. lumipas ang mga araw at naging close ko si axel.

hala bukas na pala 1st day aaa kinakabahan ako. "axel sa school niyo ba merong introduce introduce yourself?" tanong ko. natawa siya "malamang lahat naman ata." napaisip ako, onga naman hays alair alexa. "eh tinatanong ba kung may talent tas pinapa sample??????" tanong ko uli. "depende sa teacher." sabi niya. Tumigil na ako sa pag tanong at nag cellphone na lang uli. Ano kaya tropa neto ni axel? good influence ba? puro lalaki ba sa group nila o may babae rin? gusto kaya nila ako maging kaibigan? che kung ayaw nila edi wag hmp. Nagsawa na ako sa cellphone ko kaya nakipag laro na lang ako sa tatlong bulilits.

"Axel! Alair! Dinner time na, tara na dito" pumunta na kami sa hapag kainan. Nagkkwentuhan lang kami paminsan, at aba girl nagvvlog pala si tita grace HAHAH ngayon ko lang nalaman. Sinabi ko na lang na wag ako isama sa video, pumayag naman siya. Panay tutok rin siya ng camera kay axel tas si axel puro tago ng tago, camera shy ang peg. Tumigil muna si tita mag video video tsaka patuloy kumaen. "Onga pala bukas na unang pasukan niyo ah. Ready naba mga gamit niyo?" tumango lang kami ni axel.

Nagpaalam at nagpasalamat na ako kay tita bago umuwi sa apartment ko. Pag pasok ko sa loob umupo muna ako sa sofa at tumitig sa kawalan. Miss ko na ang pilipinas. Miss ko na kaibigan ko. Miss ko na si daddeh, miss ko na si mommy slight HAHAH jk. Miss ko na silang lahat.

Tumayo na ako at naglinis ng sarili bago matulog. Dahil maaga pa ako gigising bukas para hindi ma late.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro