chapter 7

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Alair POV

ang bilis ng araw, weekends na ngayon. Mas naging close ko pa sila axel pati tropa niya. Gagala kame mamaya, so nakahiga pa ako sa kama ko at walang ginagawa.

"Knock knock" nagulat ako. Sino to naka lock pinto ng apartment ko ah?? "Sino yan?" sabi ko habang may hawak na unan, ready na ako ihampas sa kanya to. "Axel." nakahinga ako maluwag. Tumayo ako at binuksan pintuan. Pagkabukas ng pagkabukas sinigawan ko agad siya. "PANO KA NAKAPASOK DITO HA?! KALA KO KUNG SINO! AATAKIHIN AKO SAYO SA KABA!" nagulat siya sa sigaw ko at tinakpan ang tenga. "Ano ka ba aga aga ang ingay mo!" sabi niya. "Oh bakit ka pumunta dito?" sabi ko. "Sabi ni mameh dun kana daw mag almusal sa bahay, alam niya naman daw hindi ka nanaman kakaen ng kanin dahil tamad mo mag luto." sabi niya.

Lumabas na ako at binangga siya sabay sabing "buti alam mo." sabay takbo palabas ng bahay at papunta kela tita. HAHAHA bala siya jan isusumbong ko siya kapag iniwan niyang bukas bahay ko. "Goodmorning po tita!" sabi ko. "oh? napadaan ka dito?" tanong niya. Naguluhan agad ako. "uh, sabi po ni axel sabi niyo daw po dito na ako mag breakfast?" dumating si axel at tunatawa. Tinignan ko siya ng masama. "ang epal mo, kakairita!" natawa si tita. "osya sige dito kana kumaen." Pumasok na ako at inunahan si axel. Epal na yon. Tripper hmp.

Kumaen lang kame at ako na nagsabi na maghugas ng plato. Pumayag naman si tita. Pag tapos ko mag hugas nagpasalamat at nag paalam na ako kay tita na uuwi na muna kase aalis kami nila axel. Naligo na ako at nag toothbrush. Nag high waist na shorts lang ako tsaka white fitted croptop na may print na angel at malaking jacket na blue and ofc my fav sneakers. Nag straight lang ako ng buhok at lip balm. Hindi ako nag mamake up. Nagkaka pimple agad ako.

Patapos na ako ng tunog ng tunog cellphone ko. Ano ba to ingay ingay. Kinuha ko sa table at tinignan. Notifications from our gc. Reklamo ng reklamo mga loko antagal ko daw san na ako iiwan na daw nila ako kapag nag tagal pa ako. Nagreply ako. "edi iwan niyo paki ko." HAHAHAHA bala sila dyan matuto sila mag intay.

Pag ka send ko nun may kumatok sa pintuan ng padabog. Sila siguro. Binuksan ko. "Ano ba?! napaka tagal mo naman, ayos ayos kapa pangit ka pa rin naman! Dalian mo naman!" sabi nila. Tinakpan ko tenga ko. "Ano ba ingay ingay niyo! Kayo panget hindi ako che!" sinarahan ko sila ng pinto. Bwiset. Macoconcius nanaman ako sa sarili ko buong araw. Panget ba talaga ako?. Argh nakakabwiset sila. Hindi ko sila papansinin bahala sila dyan.

Kinuha ko na yung sling bag ko at tinanggal lahat ng nakasaksak. Pag bukas ko ng pinto lumabas agad ako at padabog na sinarado ang pinto. Tuloy tuloy lang lakad ko. "Oy by! intayin mo kami!" naglakad lang ako. Bahala kayo jan. Panget pala ah.

Naabutan ako ni axel. "hala, ano problema mo alair?" tumigil ako sa pag lalakad. Tumingin sa kanya ng masama. "seriously tinatanong mo ko?" sabi ko sabay lakad uli. "panget pala ah." si calvin naman nakahabol saken, inakbayan ako. "hoy panget nakasimangot ka jan." tinanggal ko lang pag kakaakbay niya at naglakad uli. Kasama ni Miguel sasakyan niya kaya sumakay na ako sa shotgun seat. inunahan ko sila para hindi ko sila makatabi. Bwiset.

"hoy alair bawal baby jan." sabi ni irvin. "baby ka jan! makapag salita kala mo naman." sabi ko at inirapan. Nagseat belt na ako at nag drive na miguel. Nasa likod ko sila calvin, irvin, at axel. Kung ano ano pinaguusapan. Walang kwenta. Sinuot ko na lang airpods ko para hindi ko marinig mga annoying voice nila.

Ilang minuto lang nakarating na kami sa parking ng mall. Bumaba na ako. Si miguel lang pinapansin ko. Papasok na kame sa entrance ng tumakbo silang lahat maliban kay miguel. "Parang mga tanga, kaibigan mo ba talaga mga yon?" ginulo lang niya buhok ko habang natatawa. Sinundan namin sila.

Aba nag starbucks pa. Inintay na lang namin sila sa labas dahil madaming tao sa loob. Nagcellphone lang ako at nag boomerang kasama si miguel. Lumabas na sila at may dalang isang frappe lang?. Ang tagal nila tas si calvin lang may frappe. Mga abnormal talaga.

Lalakad na sana ako ng pinigilan ako ni calvin. "oh, sayo yan. naghati hati kami para bumili nyan sayo para hindi kana mabadtrip samen." kinuha ko lang yon at inirapan pa rin siya. "k thanks." sabi ko. Inakbayan niya ako at pinabayaan ko lang siya.

Pupunta kami sa sinehan. Habang naglalakad tinignan ko kung anong pangalan pinalagay nila. Nakita ko nakalagay 'panget'. WTF napaka epal talaga nila. Magbibigay bg peace offering tapos mang aasar pa rin. Tinanggal ko akbay niya saken at lumayo ako. Tinarayan ko siya.

Hindi ko alam papanoorin nila. Libre naman nila ako lagi so bahala sila jan. Hindi naman ako mahilig sa movie, matutulog lang ako sa loob niyan. Pag pasok namin, umupo sa kanan ko si calvin tas hagdan na sa gilid niya. Paepal talaga tumabi pa saken. Sa kaliwa ko si axel tsaka katabi niya sila irvin at miguel.

Habang nag eenjoy sila nakatulog na ako. Ang boring. Nagising na lang ako pero hindi pa ako dumidilat, may nararamdaman ako humahaplos ng buhok ko. At nakasandal ako sa matigas?? sa upuan lang ako nasandal ah. Dumilat na ako at nakita kong nakasandal na ako kay calvin. Nakataas yung harang samin kaya nakasandal ako ng maayos sa kanya. "gising kana? tapos na yung movie." mahinang sabi niya sakin.

Parang may kumikiliti sa tiyan ko na ewan. what the heck. "sorry na, baby" sabi niya sa harap ng mukha ko. Tinanggal ko agad ulo ko sa shoulder niya. "uh ok." sabi ko at tumayo na. Pababa na sila axel. Sanay na ako sa tawag niya sakin. Yun yung tawag nila sakin e. Baby kase daw ako pinaka bata samin kahit si axel naman talaga. Mema talaga.

Pag katapos sa sinehan pumunta na kame kung san ko gusto. Binilhan muna nila ako ng ice cream. HAHAHA boss nila ako e joke. " Sa park na lang tayo sa malapit sa school, dali maganda araw oh. Picture-ran niyo ko." sabi ko. Pumayag naman sila. Tuwing may gala kami sila ang taga libre ko, taga picture, at taga protekta ko.

Si Irvin ang taga kuha lagi ng litrato ko si axel naman ang taga sabi kung saan magandang pwesto ako mag picture at si miguel naman ang nag sasabi kung ok lang ang pose ko. Si calvin display lang. Laging bored na bored kapag ganito ganap. Epal talaga. Natapos na kami at sila naman pinicture-ran ko. Eto ang ayaw ko. Kasi pinapahirapan talaga nila ako.

Pinaka maarte si calvin sa kanilang lahat. Daming request kala mo naman gwapo. Well gwapo naman talaga hihi. "Hoy baby pataas mo ako kuhaan ng litrato lumuhod ka jan para kita yung clouds, ipopost ko to sa IG para makita na ng mga nagkakagusto sakin maganda kong muka." inirapan ko siya at sinunod ang gusto niya.

Kaso nang humanap ako ng maganda angle para picturan ko siya may bato ako na naluhuran. shit. "ang sakit." naka shorts pa naman ako.

Lumapit kaagad saki  si calvin. Nasa kabilang side sila axel e tapos ko na sila kuhaan ng litrato kaya kaming dalawa nalang si calvin nandito. Napakaarte kase neto. "shit. ayos ka lang, baby?" tanong niya. Tinignan ko siya maluha luha. "M-muka ba akong ayos ha?" sabi ko tinatry tumayo. "Wag ka tumayo. Umupo ka lang jan." sabi niya. Tinignan ko siya ng masama pero sinunod parin sinabi niya.

Hawak hawak ko ang tuhod ko ng tinanggal niya kamay ko at tinignan niya kung malalim ba. "shit. ikaw kase hindi mo tinitignan niluluhuran mo". aba sinisi pa ako. tinaggal ko kamay niya sa tuhod ko. "aba ikaw na nga nagpapakuha ng litrato ikaw pa mareklamo." Binalik niya uli ang kamay niya at pinahid yung dugo.

Hinihipan niya rin. Nang punasan niya uli parang sinadya niya diinan. "ARAY KO aaaa huhu!" ang sakit. Narinig nila axel sigaw ko kaya lumapit agad sila. "hoy pre ano ginawa mo sa kapatid ko?" sabi ni axel. Nilapitan na ako at tinignan ang tuhod ko. Inalalayan niya ako tumayo at pinaupo sa duyan.

"uwi na tayo, axel." sabi ko sa kanya umiiyak na. "ok sige wag kana umiyak baby." sabi ni axel. Tinignan muna niya si calvin bago lumingon kay miguel. "Migs, tara na. Nagaaya na si alair." tumango siya. Aalalayan dapat ako ni calvin ng sinabi ni axel na siya na raw aalalay saken. Hinayaan naman siya ni calvin.

Iika ika ako maglakad. Feeling ko may pumasok na bato sa tuhod ko bakit sobrang sakit :((. Pag dating sa tapat ng bahay ko bumaba agad ako kahit masakit paa ako. 5 pm pm na pala pag tingin ko sa wrist watch ko. Hindi na ako nagpaalalay kay axel. Hindi ko na sila nilingon. Dumiretso agad ako sa cr para hugasan ang sugat ko. At nilinis ko na rin.

5:15 na ng natapos ko ayusin ang sarili ko. Nasa sala lang ako at nanonood ng tv. Kumain rin ako ng chichirya habang nanonood. Papunta ako sa kusina ng tumunog cellphone ko. Uminom muna ako bago ko binalikan cellphone ko sa sa sofa. Messenger notification.

Kinlick ko yun at nakita galing kay calvin. "baby, open the door. im outside." nagulat ako. ano ginagawa niya dito ?! gabi na. nagmadali ako buksan yung pintuan kahit masakit parin tuhod ko. Pagkabukas ko nakita ko si calvin.

Pumasok agad siya at sinara pintuan at niyakap ako. Nagulat ako. Ano ginagawa niya dito? mukang hindi pa to umuuwi ah ganon parin ang suot. "anong ginagawa mo dito?" sabi ko hindi na makahinga sobrang higpit ng yakap niya.

"sorry" "sorry kasalanan ko kanina" "sorry sinadya ko yung kanina" "hindi ko naman alam na ganon mangyayari, sorry baby." sabi miya yakap pa rin ako. Mygosh pumunta ba sya dito para lang mag sorry. Pwede naman ichat.

"hindi ka pa ba umuuwi? baka hinahanap ka na sainyo." sabi ko at humiwalay sa yakap niya. Nakita ko yung mata niyang nagsisisi. Mygosh nagkasugat lang ako bakit parang sobrang sising sisi siya at worried??

"sorry alair. hindi ko na uulitin. im sorry, baby." sabi niya niyakap uli ako at hinaplos buhok ko. "sige, ok na. tama na. umuwi kana gabi na. baka hinahanap kana sainyo." hindi siya sumagot nakayakap pa rin.

"calvin?" hindi sumasagot. "san kaba nang galing yan pa rin suot mo." sabi ko. "bumalik ako sa park. sinira ko yung batong iniyakan mo." nagulat at natawa ako. "bakit mo naman ginawa yon?" hinigpitan niya yakap niya sakin.

umupo kami sa sofa at pinatay ko ang tv. "calvin umuwi kana baka hinahanap ka na ni tita." sabi ko . "hmm, chat mo muna sabihin mo andito ako maya na lang ako 8 uuwi." sabi niya. "huh?! baliw ka ba gabi na, delikado sa daan." sigaw ko sakanya. "edi sabihin mo sundoin ako dito mga 8." haayy ang kulit niya. nakayakap parin siya sakin.

chinat ko na si tita at sabi niya ok daw. naramdaman ko inaamoy ni calvin leeg ko, bumilis agad tibok ng puso ko. anong ginagawa niya?!. "ang bango mo, baby" tinulak ko siya ng bahagya. "baliw kana ba calvin?!" nag smirk lang siya at niyakap uli ako sabay hatak saken.

hayyy ano ba tong ginagawa sakin neto. andaming bulate sa tyan ko. "calvin ano ba tong ginagawa mo sakin?" sabi ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro