PROLOGUE

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

PROLOGUE: W-World

"Belle, saan ka pupunta? Dito ang daan pauwi sa atin." sabi ng dalagang si Dana - matalik na kaibigan ni Belle.

"May dadaanan lang ako. Mauna kana." walang emosyong sabi ni Belle at nagpatuloy lang siya sa paglalakad.

Hindi alam ni Belle kung saan pupunta basta ang gusto niya lang makatakas sa reyalidad.

Isang mahirap na dalaga lamang si Belle, lalo lang sila naghirap nu'ng namatay ang kanyang mga magulang dahil sa isang aksidente. Ngayon kinukopkop na lamang siya ng kanyang tiyahin - Kapatid ng kanyang Ina.

Habang naglalakad siya, nakarating siya sa isang burol...

Burol na lagi nilang pinupuntahan ng kanyang mga magulang.

Umupo siya sa isang bench na malapit sa bangin, nang biglang may dumaan na bulalakaw.

"Ayoko ng mabuhay. Gusto kong mawala sa mundong ito." Hiling niya ng may dumaan na bulalakaw sa kalangitan.

Nag-stay siya ng ilang oras sa burol bago nagdesisyon na umuwi na sa kanilang bahay.

****

"Mama! Nasan na ba si Belle? 'Yung damit ko hindi pa napaplantsa!" sigaw ng isang dalaga na si Dria - pinsang buo ni Belle at nag-iisang anak ng kanyang tiyahing si Aling Marta.

"Nandito na pala si Belle! Naku kang bata ka! Saan ka na naman pumunta ha? Puro na lang lakwatsya ang inaatupag mo. 'Yung damit ng pinsan mo hindi mo napaplantsa." Bungad sa kanya ng kanyang tiyahin.

Imbis na sumagot ang dalagang si Belle, tumango na lang siya at pumunta sa masikip at maliit niyang kwarto.

"Ito na naman..." Hindi pa nakakabihis at nakakapagpahinga si Belle ng may kumatok sa kanyang kwarto.

"Oy! Belle! Bilisan mo nga diyan! 'Wag kang kukupad-kupad. 'Yung mga damit ko plantsahin mo na!" Galit na sigaw ni Dria habang malakas na kumakatok sa kanyang kwarto.

"Oo! Magbibihis lang ako!" sigaw na pabalik ni Belle.

Narinig nalang niya ang isang malakas na sipa na galing sa labas ng kwarto.

Sa araw-araw na ginawa ng maykapal, ganito na lang lagi ang nangyayari kay Belle. Lagi na lang siya inuutusan ng kanyang tiyahin at ng kanyang pinsan. Wala ng asawa ang kanyang tiyahin, kaya kayod-marino ang kanyang tiya para mapag-aral lang silang dalawa.

"Ano 'to? Pati naman ito ipa-plantsa?" Tanong niya sa kanyang sarili habang nakataas ang isang panty.

Bandang alas-diyes na ng gabi siya natapos sa pamamalantsa.

"Hay buhay! May mga takdang-aralin pa ako!" inunat niya ang mga braso niya at pumunta sa kanyang kwarto.

Habang sinasagutan niya ang mga takdang-aralin. Bigla na lamang siya nakatulog sa kanyang kama.

****

Nagising siya dahil sa sinag ng araw. Napabangon siya ng higa.

"Wah! Late na ako!" Natataranta ang dalagang si Belle.

Kukunin na sana niya ang kanyang towel ng may ma-realized siya.

"Teka! Nananaginip ba ako? Nasa'n ako?" Nilibot niya ang kanyang tingin sa kwartong kanyang kinalalagyan.

Malaki, malinis, kulay pink ang kulay at ang kama sobrang lambot na may apat na haligi sa gilid ng mga ito. Manghang-manghang siya sa kanyang nakikita. Dahil ang buong kwarto ay may mga mukha niya.

"A-anong nangyayari?" Isang malaking tanong sa kanyang isipan.

May kumatok sa kanyang silid, "Prinsesa Belle gumising na po kayo. Tinatawag na po kayo ng Mahal na Reyna." Nagulat ang dalaga sa sinabi ng kung sinuman ang nasa labas ng kwarto niya.

"M-mahal na Reyna? P-patay na ang mga magulang ko. P-paanong? B-baka mommy ni Jasper 'to?"

Lumabas si Belle sa kanyang silid at nakita niya ang isang may edad na babae na nakasuot na skirt na kulay asul na hanggang tuhod na may puting tela roon at kulay asul na blouse.

Bumaba siya kasama ang babae kanina. Nang makababa nakita niya ang isang malaking sala na kulay beige ang pintura. Sobrang ganda at hindi niya inaakala na makakatira siya rito.

Isang tanong ang laging gumugulo sa dalaga "NASAAN AKO?!"

- end of prologue -

A/N:
This is my second fantasy story. WOOOH! May pagkakaiba ito sa unang fantasy story ko. Sana lang mabigyan ko ito ng hustisya.
Anw, Mag-aupdate ako rito once na matapos ko na nyong Abaddon School. Ito muna uunahin ko bago n'yong Anghel series #2 ko.

Thank you!!❤

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro